Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 22

CHAPTER 22

MATAPOS kong gawin ang mga palihim na bulong sa'kin ni Viale ay patulak niya akong isinakay sa van at mabilis na isinara ang pinto.

Tumingin siya sa'kin na tila ba humihingi ng tawad dahil sa mga pinaggagawa niya kanina.

"I'm sorry Jai, that's the only way para maniwala s'ya sa'kin na kakampi niya ako." aniya at binuhay ang makina.

Nagpalinga-linga s'ya at tila ba nakahinga ng maluwag lalo na ng may nagtext sakan'ya.

"Gotcha." bulong niya at nakangiting ipinakita sa'kin ang cellphone.

"Bring her to the rest house, we'll be there in hour. We'll just fix something."

"Si Sam? Inutusan ka niyang gawin 'to sa'kin?" naguguluhang tanong ko matapos mabasa ang mensahe.

"Yup, and finally nakuha ko na rin ang tiwala niya. Sabi niya kung totoo raw na kakampi niya ako kidnapin kita at saktan." sagot niya habang busy sa pagmamaneho.

"Pero paano? I thought s'ya na ang kinakampihan mo? Pinagtanggol mo pa nga s'ya noong nakaraan." naguguluhang sabi ko.

"Look, simula no'ng nangyari 'yung insedenteng tinulak mo raw siya sa sunog sinundan ko na siya. Doon ko rin nalaman na hindi siya si Kayle at nagkikita sila no'ng lalaking pinukpok ko sa ulo." aniya bago iniliko ang van.

"So, lahat 'yon palabas mo lang?" tanong ko ng unti-unti kong maintindihan ang mga pinagsasabi niya.

"Yup, and I found something crazy. As in sobrang hirap paniwalaan." sabi niya halata sa tono nang pananalita na maging siya ay hindi makapaniwala.

"Care to tell me, what is it?" sabi ko habang titig na titig sakan'ya.

Bumaling siya ng tingin sa'kin saglit at ngumisi. "They're not relatives." aniya na tila ba yumanig sa buong pagkatao ko.

Hindi sila magkaano-ano? Kung gano'n bakit 'yon ang pakilala nila kay Mommy? Mag.... Mag-ano ba talaga sila?

"Kung gano'n hindi totoong mag-ama sila? Pero paano?" gulong-gulo na sabi ko at napahawak sa sariling ulo.

Pakiramdam ko mababaliw ako sa mga nalalaman ko. Una 'yung kay Mr. M ngayon 'yung about kala Sam?

"Mag-oh damn tumatawag na sila!" tarantang aniya at hindi alam kung sasagutin ba ang tawag o ano.

"Jairess, act again ok? You need to act that you hate me that much and you want to escape, got it?" hinihingal na aniya matapos magsalita ng walang hintuan.

Sunod-sunod akong tumango at inihanda ang sarili sa pag-arte. Kaya ko 'to, para kay Mommy. Para matapos na lahat ng 'to..

Huminga ako ng malaim at pumikit saglit hanggang sa narinig kong sinagot na ni Viale ang tawag.

"Sino 'yan?! Pakawalan mo na ako Viale... Please wala naman akong ginawang masama sa'yo 'di ba? Bakit kailangang kampihan mo sila?" ani ko at nagsimula ng mangilid ang mga luha ko, kailangan ko ito para maramdaman ng demonyita na totoo ang takot ko.

"Tumahimik ka nga! Yes, kanina pa siya sigaw ng sigaw." aniya.

Kung hindi ko siguro kilala si Viale kahit papaano ay iisipin kong masama siyang tao. Ang mga mata niya kasi na kanina lang ay masuyo kung tumingin ay biglang naging matalim.

Ni-loud speaker ni Viale ang tawag na tila ba iniutos ni Sammy.

"Oh, Jairess is begging? That's new..." aniya at tumawa ng tila ba demonyo. "Beg more pity Jairess, baka sakaling pakawalan ka ni Viale, 'yun nga lang wala ng buhay." huling aniya at humagalpak ng tawa bago tuluyang pinutol ang tawag.

Pareho kaming napabuntong ng hininga at tila ba nabunutan ng tinik sa dibdib.

Napalingon ako sakan'ya ng marinig ko ang mahina niyang tawa, dahilan para pati ako ay mapatawa.

"There finally, you smiled again." aniya at malamlam ang mga matang tumingin sa'kin.

Maging ako ay napatigil ng marealize ang sinabi niya. Kailan nga ba 'yung huling beses na ngumiti ako? Kailan pa?

Kingina malapit na birthday ko pero hanggang ngayon ang gulo-gulo ng buhay ko.

"Oh bakit nakasimangot ka na naman?" tanong niya.

"I was just thinking if, magiging maayos naba ang lahat bago ang birthday ko? I mean I just want a simple gathering with my Mom and special someones." sabi ko at hindi na napigilan ang sariling maluha.

Itinigil niya ang Van sa hindi ko alam na lugar at inakbayan ako.

"Come on, trust me we'll get through this together.. Jairess." aniya at nginitian ako ng malapad.

Lalong bumuhos ang luha ko ng maalala kung paano ring sinabi 'yon nila Nelly. Pero ngayon wala sila rito. Kasi may buhay rin naman silang sarili. Hindi rin naman pwedeng sa'kin lang iikot ang mundo nila.

They maybe my close friends but that doesn't mean na dapat sa'kin lang lahat ng oras nila. Kaya siguro naiintindihan ko sila.

Nagpunas ako ng luha at medyo natawa ng makita ang basang-basa na balikat ni Viale.

"You ruined my shirt..." aniya kaya napatingala ako sakaniya. "Kidding." dagdag niya at tumawa pa.

Inirapan ko siya at tuluyang lumayo sakaniya. "Thank you." mahinang sabi ko.

Ginulo niya ang ibabaw ng buhok ko. "You're welcome." nakangiting aniya.

Napakunot ang noo ko ng makita ang sinasabing rest house. Ngayon ko lang nakita 'to kaya sure akong hindi pag-aari 'to ni Mommy or ni Daddy.

"Jairess, wala na tayong oras. Let's make a plan right here, right now. Before we enter the entire hell." seryosong aniya at muling nagpalinga-linga.

Bumuntong hininga ako at tumingin ng deretso sa mga mata niya.

"Okay, let's finish this shit."


MAKARAAN ang ilang minuto ay sabay naming pinasok ang rest house. Pulos luma na ang mga gamit at tila ba inabandona na ang bahay.

Dinala ako ni Viale sa taas kung saan naroon si Mommy at nakagapos. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad na niyakap si Mommy ng makita ko ito kahit na wala siyang malay.

Itim na itim ang ilalim ng mga mata at tila ba kulang na kulang sa tulog.

"Here, hindi ko sisikipan ang pagkakatali sa'yo para mabilis kang makawala sa pagkakagapos. Niluwagan ko na rin kanina ang tali ng Mommy mo." sabi ni Viale habang iginagapos ang kamay ko mula sa likod.

Nilagyan niya rin ako ng mga pekeng pasa at galos para lalong magmukhang totoo ang pananakit niya kunwari saakin kanina.

"Bakit nga pala parang wala silang mga tauhan?" tanong ko habang tinittitigan ang tulog na tulog na si Mommy.

"Wala na silang pera pangbayad. Paano ko nalaman? Dahil hindi na nila mabuksan ang bank acc ng Mommy mo." aniya at tumayo na.

Tumango ako ng magpaalam siyang lalabas at aabangan ang kanina pa naming inaabangan.

Nanubig ang mga mata ko ng makita kung gaano karami ang bakas ng turok ng karayom sa braso ni Mommy. Sana pala hindi ko nalang siya iniwan sa bahay. Pero baka pareho naman kaming mapahamak.

"Jairess? Baby..." aniya at bahagyang iminulat ang mga mata.

Kaagad tumulo ang mga luha ko habang nakangiti sakaniya. "Yes, Mommy... It's me.." ani ko at kinagat ang pang-ibaba kong labi upang pigilan ang mapahagulgol.

"Baby... I'm sorry.. Jairess, anak ko patawarin mo ako." umiiyak na sabi niya at inabot ang pisngi ko kahit pa nakatali ang mga kamay niya.

"Shhh Mommy, matatapos rin lahat ng 'to ok? Trust me.." bulong ko at napangiti pa lalo ng tumango siya at pinagdikit ang mga noo namin.

"Aww what a beautiful scene, so heart warming."

Pareho kaming napatigil ng marinig ang nagsalita.

"Sam... Anong kailangan niyo sa'min ha?! You know what? I regret that I choose you two over my daughter!" nanggagalaiting sigaw ni Mommy.

"Well what can I say? You're stupid like your daughter." nakangising sagot ni Sam.

Kaagad ko silang pinanlisikan ng mga mata. "Don't you dare talk to my Mom like that!" inis na sabi ko.

"Ohh really? I'm scared." aniya at binuntutan pa ng nakakairitang pagtawa.

Nagtiim ang bagang ko at pinigilan ang sariling sumugod Pasimpleng naglibot ang tingin ko upang hanapin kung nasaan si Viale.

"Oh I think you're looking for someone huh? Boys!" sigaw niya.

Napamaang ako sa gulat ng makita hawak-hawak ng dalawang lalaki si Viale! Dalawa nga lang sila pero malalaki ang katawan!

"Do you think gano'n ako ka bobo para walang tauhang isama rito? Hell no!" aniya at muling tumawa.

Nang masulyapan ko si Viale ay sumisenyas na siya. Palihim akong umiling dahil alam kong mapapahamak siya sa kamay ng dalawang lalaki.

Umiling siya at tumingin sa isa sa ay hawak sakaniya. Walang sere-seremonyang gumalaw siya upang makipagsuntukan.

Nang matuon do'n ang paningin ng dalawa ay kaagad kong kinalag ang tali ko at sinugod si Sam ng sipa sa tagiliran. Tumilapon ito dahilan upang mapasigaw ang tatay niya raw.

"Baby!" sigaw nito.

I wonder kung anong meron sakanila.

Nang bumaling ako ng tingin kay Viale ay isa nalang ang kasuntukan niya. Napasinghap ako ng matamaan siya sa mukha.

"Sa likod mo!" sigaw niya dahilan upang mapalingon ako at kahit gaano kakirot ay pinilit ko masangga lang ang malakas na suntok ng tatay raw ni Sam.

"You freaking old man!" sigaw ko at malakas na tinuhod ang pagkalalaki niya.

Ilang beses kong sinuntok ang mukha niya hanggang sa dumugo ang ilong niya. Namimilipit man sa sakit ang mga kamay ko ay pinilit kong tumayo.

Nanlaki ang mata ko ng makitang may hawak na baril si Sam at nakatutok kay Viale!.

"Viale!" sigaw ko at itinulak siya.

Napadapa kaming pareho sa sahig habang parehong habol ang hininga ng makarinig kami ng kalabog.

"Mom!" hiyaw ko at kaagad tumayo.

Mabuti nalang at napatumba na ni Viale ang isa lalaki.

Kumalabog sa kaba ang dibdib ko ng makitang hawak-hawak ni Sam ang Mommy ko.

"No!" sigaw ko at walang alinlangang sinugod siya.

Pareho kaming nag-agawan sa baril habang matalas ang tinginan sa isa't-isa.

"This is all your fault, you bitch!" sigaw niya at pinaputok ang baril.

"Jairess!"

Pareho kaming napahinto at ginamit ko 'yon upang malakas ang pwersang suntukin s'ya sa tiyan at sipain mismo sa mukha. Dahilan upang mapahiga siya sa sahig ng walang malay.

Hinang-hina akong napaluhod habang sapo-sapo ang balikat kong nagdurugo.

"Anak!" sigaw ni Mommy na kaagad akong dinaluhan.

Ngunit nawala ang atensyon ko sakanila ni Viale ng makita ko ang sulat ni M. Binuklat ko ito at kahit wala ako sa tamang oras ay binasa ko 'yon.

Hi Jairess, My one and only Jim... I know I cause you a lot of pain. And I didn't mean all of that. I was just trying to protect you, but I failed. Imbis na maprotektahan kita laban sa walang hiya kong kuya, mas biningit pa kita sa kapahamakan and I hope mapatawad mo ako. I know mahirap paniwalaan ang mga sinasabi ko, but it's up to you. I just wrote this letter so you can finally meet the real Jace. Take care, baby...

Your Jacey...

It all started in RPW, can yoy gave me/us a chance to continue it in Real world?


Lahat ng kirot na nararamdaman ko ay pawang nawala. Maging ang sakit galing sa pagkakabaril saakin ay hindi ko naramdaman.

Napatayo ako at mahigpit na hinawakan si Viale sa damit habang ang mga mata ko ay nagsisimula ng lumuha.

"Sabihin mo! Si Kimjaze at Jace Montefalco ay iisa 'di ba?! Sabihin mo Viale!" humahagulgol nang sabi ko.

Kitang-kita ko kung paanong napuno ng guilt ang mukha niya, kasabay niyon ay ang pagyuko niya.

"I'm sorry, Jairess. Oo siya si Jace. Ayaw niyang ipasabi sa'yo kasi ayaw niyang mas maipit sa mga nangyayari o mangyayari. He's leaving Jai, He's leaving the country right now for good." mahinang aniya habang inaalo ako.

Bumitaw ako sakaniya at hinarap si Mommy. Naririnig ko na rin naman ang sirena ng pulis.

"Mommy... Hintayin mo ako ah? Sumama ka muna sakanila babalik ako.." sabi ko at nagmadaling lumabas ng rest house.

Hindi alintana ang pagtawag nila saakin. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapalapit ako sa daan at pumara ng taxi.

"Manong.. sa Airport po." hinihingal na ani ko.

Napaigik ako ng pagsandal ko ay siyang pagkirot ng sugat ko.

"Sa hospital ho kaya muna Maam? Nagdurugo ka oh." komento nito.

"Please, Manong may hinahabol ako.." nagmamakaawang ani ko.

Hindi na siya nagsalita at kaagad pinaharurot ang taxi. Mabuti nalang at walang traffic kaya ng makarating kami ay ibinagay ko ang natatabi kong pera bago tinungo ang entrance ng Airport.

Tuloy-tuloy akong pumasok at kahit hindi alam kung saan siya makikita ay naglibot ako. Narinig ko ang malakas na boses na nanggagaling sa speaker. Pinapapunta na ang lahat ng pasahero dahil aalis na patungo sa France.

"Kung ganoon patungo siya sa france ngayon.." bulong ko at nagtatakbo.

Akmang papasok na ako sa pinapasukan ng mga pasahero ng hulihin ako ng gwardiya.

"Ma'am bawal po kayo rito." kaagad akong nagpumiglas habang ramdam ko ang patuloy na pag-agos ng dugo mula sa balikat ko.

"Manong please! May hinahabol ako!" hiyaw ko.

Wala akong pake kung nakakagawa na ako ng eksena kailangan kong mahabol si Kimjaze!

"Sorry Ma'am-"

"Sorry Manong." sabi ko at tinuhod ang pagkalalaki niya.

Nangingig man ang tuhod ay nagtatakbo ako habang sumisigaw.

"Jace!" nag-umpisang manubig ang mata ko habang palinga-linga at hindi siya matagpuan.

Pilit kong pinunasan ang luha ko. Alam kong may humahabol sa'kin pero ayokong tumigil. Ayokong tigilan na habulin ang lalaking matagal ko ng iniibig.

Tuluyan akong napaluhod ng hindi na kinaya ng tuhod ko. Sapo-sapo ang nagdurugong balikat.

"Jace... Please wag naman ganito.." humahagulgol na bulong ko habang pilit na akong pinatatayo ng gwardiya.

"Ma'am! Kailangan niyo hong madala sa hospital!" nagpapanic na sabi nito matapos makita ang balikat ko.

Lumunok ako ng ilang beses bago nagsalita.

"Kuya please... Aalis naman ako rito. Hayaan niyo muna ako paki-usap.." lumuluhang sabi ko habang hawak ang pareho kong tuhod.

"Ma'am-" napatigil siya sa pagsasalita kasabay no'n ay nakita ko ang isang pares ng sapatos na huminto sa harapan ko.

Umalis ang gwardiya ng walang sinasabi habang ako ay nag-uumpisa na muling maluha dahil sa pag-aakalang siya na ang nasa aking harapan.

"Jairess."

Tila umikot ang paningin ko at ang huling natatandaan ko ay ang pagtawag niya sa pangalan ko.

"Jairess!"


To be continue....



Hello! Aguyy kawawa naman Jai natin huhu🤧 pabalikin niyo na kasi si Jace! De joke. I don't know if this will be the last chap nag iisip pa ako HAHAHA btw thank you for being with Jai and Kim ily all!



Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro