
CHAPTER 21
Sad to say guys pero 2 chaps nalang ang IASIR and it will end na 🤧. But I hope magustuhan niyo ang new story ko na gagawin. It's Romance ft. Action.
take care guysss ilyyyy
CHAPTER 21
TITIG na titig ako sa kulay kahel na kalangitan. Biyernes ng hapon hindi pa ako makaalis sa school dahil ayaw pa magpalabas ng guard tss.
Marahas akong napabuntong hininga lalo na ng maalala ko kung paanong ang mga kaibigan kong magsisilbing kasangga ko sa lahat unti-unting nawala na tila ba bula.
Una si Jino, sumunod ang pinakamatalik kong kaibigan na si Nelly. Ngayon si Viale naman na nag-uumpisa ko pa lang makasama. Ano bang mali sa'kin para mawala 'yung mga taong nagpapakuntento sa buhay ko?
Nawala si Daddy dahil sa isang insidente, habang si Mommy nakokontrol ng mag-amang 'yon.
" 'Yong totoo binuhay ba ako para magpakasakit ng ganito?" mahinang tanong at napakurap-kurap ng maramdaman ang mga luhang nagbabadyang tumulo.
Umayos ako ng upo at tinitigan ang cellphone ko. Doon nagsimula lahat eh. Kung hindi ko ba pinasok ang tinatawag nilang pekeng mundo magkakaganito kaya ang buhay ko?
Kung hindi ba ako nahulog kay Jace Montefalco hindi ako guguluhin ng ST namin?
Ang daming tanong sa isip ko ngunit maging ako hindi kayang sagutin ang mga ito. Ano pa bang magagawa ko nangyari na ang lahat. Narito na ako sa sitwasyong walang magagawa kahit man lang para sa magulang ko.
Binuhay ko ang cellphone ko at inopen ang rp acc ko. Jace Montefalco, unang pangalan na bumungad sa newsfeed ko.
"Alam mo ikaw dapat hindi mo na ako nilandi eh. Edi sana hindi ako nahulog ng sobra. Magdi-disisyete pa lang ako pero grabe na 'tong mga nararanasan ko. Wow." sarkastikong sabi ko at binuksan ang convo namin.
Ilang beses ko mang itanggi o itago alam kong siya pa rin. 'Yun 'yong masakit eh 'yung hindi ka pa nga nakakamove-on sakan'ya tapos siya may kasama ng iba.
"Siguro gan'to nalang 'no. Hihintayin kita habang mahal pa kita. Pero oras na mawala 'tong kabaliwan ko sa'yo? Wala ka nang babalikan pa." sabi ko at nagpunas ng luha.
Akmang tatayo na ako ng may marinig akong tumikhim. Kaagad kong tinuyo ang mga pisngi kong nabasa ng luha.
"Still waiting for him?" someone asked.
Naramdaman ko ang pag-upo niya ilang metro ang layo sa'kin ngunit ipinaligo ata ng lalaking 'to ang kaniyang pabango dahilan upang maamoy ko hanggang dito.
"Yeah.." maikling sagot ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "You're waiting for him, and yet you told me that you like me?" aniya bakas ang sarkastiko sa tono ng pananalita.
Napatigil ako at tila nilamon ng konsensya, bakit ko nga ba sinabing gusto ko siya? Kung may hinihintay akong iba?
"Ano.... hindi ko alam." nalilitong sabi ko.
Bigla ay tila ba hindi ko na maintindihan maging ang sarili ko. Nasasaktan ako sa malamig niyang pagtrato pero bakit isang tingin lang sa convo namin ni Jace pakiramdam ko ay siya ang mahal ko? Ano ba 'tong nararamdaman ko?
"Sabagay ako rin naman may hinihintay, minsan nga napapaisip ako eh, napapaisip ako kung 'yon bang nasimulan namin sa pekeng mundo maaari pang maipagpatuloy sa totoong mundo?" aniya at binalingan ako ng tingin.
Napamaang ako sa mga sinabi niya ngunit ngumiti lamang siya saakin ng matipid bago walang paalam na umalis. Napahawak ako sa'king bibig dahil sa pagkalito.
Ako lang ba o may pinagdaraanan talaga siya?
Napalingon ako sa kinauupuan niya kani-kanina. Nangunot ang noo ko matapos makita ang isang papel na nakatupi dalawa ito ngunit ang isa ay mas malaki ng konti.
Mas lalong nagulo ang isip ko ng mabasa kung kanino nakapangalan at kanino galing ang sulat.
To: Jairess Colo
Sincerely yours: M
Bakit? Bakit tila kilalang-kilala ako ng M na 'yon sino ba...
"K-Kimjaze?" nauutal na bulong ko matapos makita kung ano 'yung nakatuping papel.
Ito 'yung picture ko noong bata pa ako at may kasamang lalaki na hindi naman buo ang larawan ng unang ipakita saakin ni M.
"Kung galing 'to kay M... Kung ganoon s-si Kimjaze ang matagal ng nangungulit at nagpapadala saakin ng sulat? S-Siya si Mr. M?" hindi makapaniwalang bulong ko at napatayo.
Inilagay ko sa bulsa ng palda ko ang isa pang sulat at kaagad nagtatakbo. Umaasang aabutan pa ang lalaking matagal na nagpabaliw sa isip ko.
Kung siya si M kailangan ko siyang maka-usap!
Bukas na ang gate ng makarating ako sa guard house oras na talaga siguro ng uwian.
"Wag ka munang umalis please... Kailangan pa kitang maka-usap." bulong ko habang patuloy sa pagtakbo.
Nagpalinga-linga ako ng makarating sa parking lot. Nakita ko siyang may kotse no'ng nakaraan baka gamit niya ngayon kailangan ko siyang abutan.
Napangiti ako ng makitang papasakay pa lang siya sa motor niya. Akala ko kotse ang gamit niya 'yung motor niya pala.
Akmang isisigaw ko na ang pangalan niya ng may humigit sa braso ko at hinila patungo sa van na itim na nakaparada roon.
"Ano ba! Viale?!" gulat na ani ko ng makitang siya pala ang humigit saakin.
"Shh huwag kang maingay may nagmamatyag sa'tin. Umarte ka Jairess, please kailangan ko ng pakikisama mo kung hindi pareho tayong matatapos." bulong niya habang nagpapalinga-linga sa paligid naming dalawa.
"Bakit ako maniniwala sa'yo?" sabi ko habang ang paningin ay nasa malayo.
Natatakot akong magtiwala sakaniya matapos niyang paniwalaan 'yung may saltik.
"Dahil kakampi mo ako! Look, I know mali 'yung ginawa ko noong isang araw pero please makisama ka muna. Umarte kang malakas 'yung mga suntok o sabunot na gagawin ko. After this I will tell you everything."
***
Jairess was busy fixing her princess costume when a random woman talk to her Daddy.
"Kita mo nga naman bata pa lang ang prinsesa ko pero may nabibihag na." biro ng kaniyang ama habang ngiting-ngiti na nakatingin sakan'ya.
Hindi niya ito masiyadong maintindihan ang pinag-uusapan nila dahil seven years old pa lang naman ito.
"Baby Jai! Come here." nakangiting tawag ng Daddy.
Kahit na nalilito ay kaagad na lumapit ang bata sa Ama. Ngumiti ang babaeng katabi ng Ama at may pinasuwitan rin.
"She's your crush right honey?" malambing na tanong ng babae sa batang lalaki na tinawag nito.
Inosenteng nakatingin lang si Jairess sa dalawa kapagkuwan ay nagtanong sa Ama.
"Dad?" She whispered.
"Yes baby?" sagot ng Ama at inayos ang ilang hibla ng kaniyang buhok.
"Why are you talking to other woman. 'Di ba dapat si Mommy lang wab mo?" nakasimangot na tanong nito.
Mahinang natawa ang Ama at hinalikan ang kaniyang prinsesa sa noo.
"Anak, Yes si Mommy lang ang wab ko. But that doesn't mean na hindi na ako makikihalubilo sa iba. Don't worry hindi ko ipagpapalit ang Mommy mo." anito at kumindat pa.
Napatango-tango si Jairess kahit pa nga wala siyang masiyadong naintindihan. Maya-maya ay pinagtabi sila ng batang lalaki at inutusang ngumiti.
"Say Cheese!" ani ng Ama niyang nasa harapan nila.
Napatingin siya batang lalaki na todo ang pagkakangiti. Dahil doon ay tila nahawa siya at napangiti ng kay lapad.
"Wahhh what a cute couple, oopss kidding." wika ng ginang sa Ama ni Jairess.
End of flashback.
To be continue...
Hello! I know some of you are busy with your modules. But please don't pressure yourself too much! Ily!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro