CHAPTER 20
CHAPTER 20
MABILIS na lumipas ang mga araw at ngayon na ang huling araw ng practice namin since linggo na.
Sa bawat practice namin ay wala namang ginawa si Kayle na ikakasama ko. Mabait siya sa lahat oo, pero may isang araw na nahuli ko siyang may kausap sa telepono.
Tila gigil na gigil siya no'n at sasabog na sa galit kung hindi lang dumating ang isa sa ka-grupo naming hinahanap siya.
Lahat ng galit at inis na nabasa ko no'n sa mukha niya ay mabilis na naglaho at napalitan ng ngiti. Ngiting hindi mo mawari kung totoo ba o hindi.
"So guys! For the twist of our presentation kailangan natin ng apoy thingy, I mean may isang gaganap na kunwari nasunog. Gets?" sabi ng leader naming si Hail na nasa harapan.
Since horror nga ang theme ay pinili naming gumawa ng mga nakakatakot na scene pero hindi pa rin mawawala ang isa pang twist na about Christmas.
"So 'yung napili kong gaganap sa role na magka-away at magtutulakan sa apoy kunwari ay si Jairess at Kayle. Hindi naman mahirap ang role na 'to in fact maikli lang rin 'yon." aniya at nagdiscuss pa ng ilang twist.
Nang matapos ay nagkanya-kanya na kaming alisan. Naglakad lang ako since ayoko ring gumastos ng gumastos kung hindi pa siguro ako nag-apply ng part time job ay mamamatay ako sa gutom.
Hindi naman mahigpit sa pingtatrabahuhan ko kaya humiling ako ng day off dahil na rin sa pagod.
"Hey! Hope in!" nakangiting sigaw ni Kayle habang nakadungaw sa bintana ng kotse niya.
Ilang beses akong tumanggi dahil sa pagiging mapilit niya. Sa huli ay umalis siya ngunit bago pa tuluyang makalayo ay nakita ko kung sino ang driver niya.
Si Kuya Estor, ang personal driver namin ng Mommy ko...
LUTANG man ay pumasok ko kinabukasan dala ang isiping bakit naroon sa kotse ni Kayle si Kuya Estor?
Paniguradong hindi rin magreretiro ito kay Mommy dahil siya ang katulong ni Daddy noon pa man. Tila unti-unting nabubuo ang puzzle sa isip ko na halos ikabaliw ko no'ng nakakaraan.
Ngayon sigurado na ako, may mali sa pagkatao ni Kayle. I mean may posibilidad na..
"Jairess!" napalingon ako sa tumawag saakin.
Panay rin ang sunod nitong lalaking ito saakin kahit pa nga sa practice namin ng mga ka-grupo ko.
"Mukha kang panda!" aniya at natawa.
Inirapan ko siya at binilisan ko nalang ang paglakad ko. Akala ko titig na siya pero hindi pa rin pala.
"Napuyat ka kakaisip sakan'ya 'no?" aniya at dinurot-durot pa ang king tagiliran.
"Viale, wala ako sa mood." seryosong sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa silid namin.
Nang dumating ako roon ay nagsisimula ng magpresent ang ilan.
"Sorry for being late, Sir." nakayukong sabi ko bago tinungo ang upuan ko.
Naramdaman kong may nakatingin saakin kaya kaagad akong nag-angat ng tingin. Kasabay n'yon ay ang pagtatagpo ng mga mata namin.
Nauna akong nag-iwas ng tingin. Kaya ng bumaling ako saaking tabi ay hindi na ako nagulat na katabi ko na si Viale.
Napailing-iling ako bago itinuon ang mga mata sa nagpepresent sa harap. Nang kami na ang susunod ay siyang tumunog ang bell. Break time.
"Ok let's have a break, since 'yung next sub niyo ay vacant extend ang oras natin para sa huling magpe-present." sabi ni Sir bago lumabas ng classroom.
Ang ilan sa mga kaklase ko ay nag-alisan habang ako at ng kagrupo ko ay inayos ang mga gagamitin namin maging ang apoy ay ginawa na nila para raw madali na mamaya.
Nang matapos kami ay pinauna ko na sa cafeteria si Viale. Papalabas na no'n si Kayle ng magsalita ako.
"Iba ka rin magplano, Sammy." sabi ko habang titig na titig sa likod niya.
Kitang-kita ko kung paanong tumigil pati ang paghinga niya ng banggitin ko ang totoo niyang pangalan.
Oo, si Kayle at si Sam ay iisa. Doon palang talaga sa biglaang pagsulpot no'ng Kayle ay nagtaka na ako, dahil tulad ng sabi ni Keite ay Ama mismo nila ni Kimjaze ang pumaslang dito.
Dumagdag pa ang balat sa panga niya na noon pa man ay pilit niyang itinatago sa pamamagitan ng foundation o makapal na make-up. At ang kumumpirma ng lahat ng hinala ko? Walang iba kundi si Kuya Estor na bahagya akong tinanguan ng araw na 'yon.
"Uhm excuse me? Are you reffering to me?" aniya at ngayon ay hinarap na ako, nagkukunwaring walang alam sa mga pinagsaabi ko.
"Oh? Cat got your brain, Sam? You can't hide the real you using the identity of other people." nakangising sabi ko habang humahakbang patungo sakaniya.
"Wala akong alam sa sinasabi mo." aniya at akmang lalabas na ng muli akong magsalita bagay na ikinapuno niya.
"Oh ok? Pero base sa pagkakatanda ko, nahalikan na ako ni Kimjaze, ikaw kaya kailan?" panghuhuli ko.
At tama ako pulang-pula sa galit na hinarap niya ako.
"You bitch! I already told you he's mine!" gigil na sabi niya.
"But he didn't ever say that he's yours." pang-aasar ko.
Doon siya tuluyang napuno at sinugod ako ng sabunot. Gumanti ako at pilit siyang inilayo saakin dahil pilit niya akong itinutulak patungo sa apoy na ngayon ay nakasindi parin.
Ilang beses niyang tinangkang isubsub ang mukha ko sa apoy ngunit kaagad kong sinipa ang kaniyang binti dahilan upang mapalayo siya sa sakit.
Nang makarinig kami ng mga yapak ay ngumisi siya saakin. Binunggo niya ang lamesa upang lumikha ng malakas na tunog bago itinulak ang sarili sa apoy!
Nanlaki ang mata ko at hindi alam ang gagawin.
"Tulong! Tulong! Tinulak niya ako!" sigaw niya ng tuluyang makapasok ang humahangos naming mga kaklase.
Hindi ako nakagalaw ay napatitig lang sa kabaliwang ginawa ni Sam na ngayon ay nalapnos ang ikaliwang braso at hita.
Nagulat ako ng may humigit sa pulsuhan ko at hinala ako patungo sa kung saang silid. Kaagad niyang isinara ang pinto at isinandal ako sa pader na ikinatili ko!
"Bitawan mo 'ko!" sigaw ko habang pilit nagkukumawala sa mahigpit niyang pagkakahawak.
Ngumisi siya saakin ng nakakaloko.
"Jairess, you know how much i love you. It's me Jace Montefalco, come back to me baby." malambing na aniya.
Ngunit hindi saya ang naramdaman ko ng mga sandaling 'yon kundi takot, matinding takot sa maaari niyang gawin sa'kin.
"No! Hindi ikaw si Jace! Ikaw si Keite!" sigaw ko mismo sa mukha niya.
Dahil sa gigil niya ay mahigpit niyang sinapo ang leeg ko at inilapit ang mukha saakin.
"Ako si Jace! Tanda mo na? We're happy kahit noong internet pa lang ang nag-uugnay saatin. We started it in RPW baby... and we will fucking continue it." madiing aniya at humalakhak ng tila ba demonyo.
Binali ko ang kamay niya sa paraang masasaktan siya.
"Wala akong minahal na Jace Montefalco!" mariing sigaw ko bago tinuhod ang pagkalalaki niya.
Masakit man saakin ang sinabi ko ngunit kung 'yon lang ang paraan upang tigilan niya ako hindi ako mag-aatubiling sabihin 'yon.
Kasabay ng paglabas ko ay ang pagsara ng pinto sa kabilang kwarto kaya dali-dali kong nilisan ang lugar na 'yon.
LUMIPAS ang panibagong linggo, pare-pareho lang ang ginagawa ko. Umabsent ako sa kahit anong subject na hawak ni Keite. maging si Viale ay iniiwasan ko pansamantala.
Hindi ko na rin nakikita si Sam na ipinagpasalamat ko. Si Kimjaze ay patuloy rin ang pag-iwas saakin ngunit nahuhuli kong minsan ay nakatingin saakin, puno ang kaniyang mga mata ng hindi ko maipaliwanag na emosyon.
Hindi na rin nila kinuwestiyon ang nangyari kay Sam dahil may isang kaklase namin ang nakakita ng totoo.
Tahimik akong naglalakad katatapos lang ng huling klase ko kaya naman uuwi na ako. May trabaho pa ako mamayang alas sais kaya kailangan makapagluto ako ng hapunan ko kahit konti.
Papaliko na sana ako ng makita ko si Kimjaze, kaagad ko itong nilapitan.
"Bakit mo ako iniiwasan?" tanong ko at gumaya ng pagkakasandal niya sa pader.
Ilang segundo siyang nanahimik, iniisip siguro kung sasabihin ba ang dahilan o hindi.
"Kailangan mo pa bang malaman 'yon?" aniya at umayos ng tayo, inilagay ang parehong kamay sa bulsa ng pantalon.
Yumuko ako at hindi sumagot bagkus hinintay nalang ang pag-alis niya. Bakit nga ba kailangan kong kuwestiyunin ang pag-iwas niya, eh wala naman kaming ugnayan sa isa't-isa.
"Hindi kita kayang tignan tuwing malapit ka." aniya at tuluyang nilisan ang lugar.
Hindi ko namalayang namasa ang mga mata ko at ilang segundo lang ang binilang at nagsitulo na ang mga luha kong hindi inaasahan. Nasasaktan ba ako sa pag-iwas niya o dahil sa hindi niya ako kayang tignan sa mga mata?
Bakit? Bakit ako nasasaktan?
Natawa ako ng sarkastiko bago pinahid ang mga luhang hindi ko inaasahang tutulo.
Muli akong naglakad ng mag-isa ngunit hindi pa man ako nakalalayo ay may humigit na sa'king braso.
Ihinarap ako sakaniya at isang malakas na sampal ang natanggap ng pisngi ko.
"Kahit kailan talaga Jairess, pahamak ka! Bakit kasi hindi ka pa tuluyan ni Dad para wala ng sagabal sa mga plano ko!" nanlalaki ang matang aniya.
Ang ilalim ng mga mata niya ay nangingitim, ibang-iba na sa Sam na una kong nakasagupa.
"Kasalanan ko bang tanga ang tatay mo?" sabi ko at inirapan siya handa ng iwan siya.
Nang bigla niyang sabunutan, saktan at suntok-suntukin ang sarili. Napatanga ako sa ginawa niya lalo na ng umarte siyang tila itinulak.
Saka ko lang naintindihan ang mga pinaggagawa niya ng may lumapit at umalalay sakaniya. Hindi ko man inaasahan ay wala naman akong magagawa kung 'yung may saltik ang panigan niya.
"Bakit mo ginawa sakaniya 'yon Jairess? Kaya ba umiiwas ka? Kasi ganyan kana tumrato ng iba? I can't believe this." aniya halatang dissapointed sa nakita.
Ngumiti ako ng mapait bago nagsalita.
"Hindi ko rin inakala na 'yung lalaking ilang beses akong iniligtas sa kapahamakan ang siya pa mismong tumutulong sa taong sumisira ng buhay ko ngayong kasalakuyan."
To be continue....
Kita niyo na? kawawa naman 'yung baby Jairess natin🥺. By the way i hope you like this chap! Ilang kembot nalang at matatapos na ang ating IASIR thank you sainyoooo
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro