Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

Chapter 2

"OMY Nell! My baby is calling!" i almost shout at her face.

"Sagutin mo na! Bilis!" tila natataranta na aniya.

Nakangiti kong sinagot ang tawag ngunit ganon nalang ang panlulumo ko ng patayan lang ako nito ng telepono.

"Oh bakit Jai?" tanong n'ya ng humarap ako sakan'yang nakasimangot.

"Binaba." sabi ko at napanguso.

"Baka dumating na ang instructor nila, hayaan mona." sabi n'ya at tinapik ang balikat ko.

Ngumiti s'ya saakin na ikinabuntong-hininga ko. Tss tatawag-tawag tapos papatayin?! Hatdog s'ya!

"Good afternoon Class." bati ni Sir  Keite.

Lahat kami'y bumati pabalik bago naupong muli.

"So dahil first day of school palang naman. Can i ask something? Look gusto ko lang kayonv maka close since student teacher palang ako." nakangiting sabi nito at napabaling ng tingin saakin.

Agad akong nag-iwas. Why naman kasi ako pa? Ganon ba ako kaganda? Char lang.

"You Miss Jairess." sabi n'ya, namali pa ng bigkas sa pangalan ko.

"Jayris po 'yung pagbigkas Sir." nahihiyang sabi ko.

Napatawa s'ya ng mahina kaya halos lahat ng kaklase kong babae ay natulala sakan'ya. Why naman kasi may anghel sa harap namin 'no?

"Sorry, by the way i want to ask you if you're still single? Hmm?" He ask while looking at me.

'Ayiiii'

'Shems ang swerte ni Jai'

'Enebeyen'

Ilang bulungan lang na narinig ko. The hell? Andaming pwedeng itanong bakit 'yun pa Sir?

"Jai! Hinihintay ni Sir sagot mo!" siko saakin ni Nell.

Agad akong nabalik sa ulirat at nakangiting tumayo.

"Sorry Sir, I'm taken." nakangiting sagot ko.

Napa ohh naman silang lahat kaya umupo na ako. Tumango-tango si Sir bago sunod na tinanong ang kaibigan ko.

"Who's your crush?" tanong nito.

Nakita ko kung paano pamulahan si Nell kaya patago akong natawa. Pfft crush n'ya 'yan eh si Sir.

"Kapag ba sinabi kong ikaw may pag-asa ako?" patanong na sabi ni Nell na ikinalaki ng mata ko.

Aba't kailan pa s'ya naging matapang umamin?!

Muling natawa si Sir bago sumagot.

"Sorry, I'm taken." natatawang sabi ni Sir.

Nakabusangot na umupo si Nell at bubulong-bulong na ikinawit ang braso saakin.

Natawa ako ng mahina ngunit agad din 'yong natigil matapos tawagin ni Sir ang nasa likod namin ni Nell.

Si Kimjaze

"You, Mr lonely—i mean Mr. Kim, Are you still taken?" he asked Kim while smirking.

"Sana, kung hindi s'ya pilit inagaw ng walang hiya kong Kuya." sagot nito na  nakapagpagulat saaming lahat.

Napalingon ako sa gawi n'ya at nakita ko ang paghigpit ng kapit n'ya sa papel dahilan ng tuluyan nitong pagkasira.

"Well, mukhang mas ma-appeal ang Kuya mo kung gano'n." sagot ni Sir, tila nang-aasar hindi iniisip kung masasaktan ba ang kaharap.

"Nah, my girl doesn't need a handsome guy and besides HINDI n'ya kasi alam ang totoo—" hindi natapos ni Kim ang sasabihin ng magsalita si Sir.

"Looks like hindi mo pa kilala ang mga babae ngayon. Kapag panget ka talo ka." nakangisi ngunit halata ang inis sa tono ng pananalita nito, pikon na.

"Hindi mo rin s'ya kilala para husgahan kaagad." sabi ni Kim at agad nilisan ang room.

What the hell was that?


DUMAAN ang oras na napuno ng tens'yon ang buong Classroom. Mabuti nalang at uwian na kaya halos nakakahinga na kami ni Nell ng maayos.

Sobrang tahimik kasi at parang kapag may magsalita saaming magkakaklase ng wala sa lesson eh may susunggab or mangyayari.

"Salamat natapos din, kanina pa kita gustong daldalin alam mo ba Jai?" sabi ni Nell habang nagpapay-pay gamit ang kamay.

"Kahit ako din noh, parang may something 'yung dalawa na 'yun eh." sabi ko at napahawak sa baba.

"Kaya nga akala mo enemy eh." sabi ni Nell at natawa kaya maging ako ay nahawa.

Napatigil ako sa pagtawa ng may humila saakin palayo kay Nell at inakbayan ako.

"Siraulo ka!" sabi ko at agad binatukan si Jino.

"HAHAHA joke lang, gulat na gulat ah?" tatawa-tawang sabi nito.

Maging si Nell ay pinagtatawanan na ako.

"Shock s'ya eh, nanlaki mata." sabi ni Nell at humalakhak habang pahampas-hampas kay Jino.

"Tama na nga Nell, naiinis na ang baby." sabi nito at sinundot-sundot ang tahiliran ko.

Talagang inaasar ako! Potek!

Akmang hahampasin ko s'ya ng umilag kaagad s'ya.

"Sorry na, eto nalang What does a bee make?" tanong n'ya.

Inirapan ko muna s'ya bago nagsalita.

"Eh kung ipatusok ko kaya sa bee ang mukha mo?" naiinis na ani ko.

Natawa sila ni Nell.

"Sagutin mo nalang Jai" sabi ni Nell.

"Honey!" inis na ani ko.

Agad lumapit si Jino at niyakap ako sa bewang.

"Yes baby?" he said while smirking.

At dahil sa pikon ko ay kaagad ko s'yang siniko.

"Hatdog ka!" inis na ani ko at iniwan na silang dalawa.

Mabuti nalang nandito na kaagad si Kuya!

Hindi ko na pinansin ang paghabol nila Nell at agad akong sumakay sa kotse para makauwi.

"Okay ka lang Jaijai?" tanong ni Kuya.

Bumuntong hininga ako bago ngumiti.

"Opo kuya." sagot ko.

Tumango nalang ito at nagpatuloy sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa bahay.

Agad akong pumasok ngunit napahinto ng makita ang paborito kong damit na ginawang basahan sa harap ng main door!

"Manang!" sigaw ko na tila naiiyak na.

'Yon nalang ang huling damit na ibinigay ni Dad bago s'ya tuluyang pumanaw. Kaya gano'n ito kaimportante saakin.

"Bakit Jai? Ay susmaryosep bakit umiiyak ka?" tanong nito.

"S-Sinong gumawa n'yang Manang? Alam n'yo namang paborito ko ang damit na 'yan." naluluha ng ani ko.

Agad itong pinulot ni Manang at pinagpagan.

"Nako, hindi ko alam pero lalabhan ko na para sa'yo mas lilinisin ko iha pasensya kana." sabi ni Manang.

Tumango ako at paakyat na sana sa kwarto ng makita ko si Sam, anak ng asawa ni Mom.

"Oh Hi? Kumusta?" bati ko ng mapunasan ang luha sa mga mata ko.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o tinaasan n'ya talaga ako ng kilay.

"Sa'yo ba 'yung damit na 'yon?" tanong n'ya.

Ngumiti ako at lumapit sakan'ya.

"Ah oo, 'yun kasi ang paborito kong damit kaya naluha ako ng gano'n pasensya na." sabi ko.

"Ow, sorry din akala ko kasi basahan." sabi n'ya.

Agad nangunot ang noo ko at parang nag-uumpisa ng mapuno sa inis ang ulo ko.

"Ano kamo? Ikaw ang may gawa no'n?" kalmado kong tanong, hanggat maaari ayoko ng gulo.

"Oo, akala ko kasi basahan." nakangising aniya.

"Edi sana nagtanong ka muna kala Manang kung kanino ba 'yon. Hindi mo bahay 'to para umasta ka ng gan'yan." inis ng ani ko.

Mababaw ako lalo na kapag mga paboritong gamit ko na ang ginalaw.

"Bahay ko na rin ito, isa pa sinabi na nga ni Mommy na 'dun ako sa room mo—no i mean room ko na." nakangising aniya.

"No! Room ko 'yon!" inis na ani ko at agad tumakbo papunta sa room ko.

Humabol s'ya saakin at hinablot ang buhok ko.

"Aray!" ani ko at malakas s'yang itinulak para mabitawan ang buhok ko.

"What's happening here?" sabi ng isang tinig na nakapagpalaki ng mata ko.

Agad kong nilingon si Mommy at hahalikan sana sa pisngi ng umiwas s'ya at agad tinulungan si Sam.

What the?

"Mom?" tanong ko nang nagtataka.

"Anong nangyayari?" tanong ni Mom.

I was about to say something ng maunahan ako ni Sam.

"Sinabi ko lang na gusto kong pumasok at makipag kwentuhan sakan'ya sa loob ng room n'ya pero tinulak at sinampal-sampal n'ya na ako Mommy." sabi ni Sam at umarteng umiiyak!

Nanlaki ang mata ko at lumapit kay Mom para magpaliwanag.

"Mom hindi po—"

"Hindi ganito ang iniexpect kong pagtanggap mo sakanila Jai. You dissapointed me. You don't even show respect!" she said and leave me while still hugging Sam.

That's the first time na pinagalitan ako ni Mom. She didn't believe me.

Malungkot akong napangiti bago tuluyang pumasok saaking kwarto.


HINDI AKO lumabas ng kwarto kahit pa dinner na. Baka kasi may gawin na naman ang Sam demonyita na 'yon para sa ikakasira ko kay Mommy.

Jim: kumusta school baby?

Jace: Fine

Napabuntong hininga ako dahil sa pinagsasagot saakin ni Jace. Simula ng makapag-usap kami ngayon ay naging malamig ang pakikitungo n'ya. Anong nangyayari at nagkakaganito ang aking nobyo?

Jim: May problema ba tayo Jace?

Jace: Ikaw! Ikaw ang problema, Jim.

Jim: What are you talking about?

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Tila ba nagbago na si Jace. Hindi naman s'ya ganito dati. I even open a topic about sa 1st anniv namin pero iniiwas n'ya doon ang usapan.

Una si Mommy ngayon pati ba naman si Jace? Paano kung makipag-break s'ya?

Paano na ako? I know RPW lang kami may relas'yon pero i can't accept the fact na iiwan n'ya ako. I love him in RPW until RW.

Jim: may dapat ba akong malaman Jace?

Jim: Sawa kana ba saakin? Jace please reply!

Jace: Let's end this.


To be Continue...


Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro