
CHAPTER 19
Oh gulat kayo sa kiss scene ano? *chuckles/ ayan ha may moment ang KimJai kahit papaano. But let me ask you.
Team KimJai o Team JaiVi?
CHAPTER 19
NAGISING ako ng maramdaman ang malamig na bagay na idinampi sa pisngi at noo ko. Napabalikwas ako ng bangon ng hindi mapamilyaran ang silid na kinalalagyan. Ngunit agad kong nasapo ang ulo ng maramdamang parang binibiyak ito.
"Inom pa." tinig ng kung sino na pumasok sa silid na kinalalagyan ko.
Bahagya kong ibinukas ang aking mga mata upang tignan kung sino ito. Si Viale pala.
"Paano ako napunta rito?" tanong ko habang sapo-sapo pa rin ang ulo.
"Let's just say na you're in someones arms while whispering that you wanna go home so bad." aniya at iniabot sa'kin ang gamot na hawak-hawak.
Tinanggap ko 'yon kasama ang isang baso ng tubig. "Salamat." sabi ko bago tuluyang ininom ang gamot.
"Bakit hindi mo nalang ako hinatid sa condo ni Jino?" tanong ko ng muling mahiga.
Naramdaman ko ang paglubog ng kama sa paanang bahagi ko. "Kasi mas malapit 'tong tinutuluyan ko, isa pa medyo nakainom na rin ako." sagot niya at inayos pa ang kumot sa paa ko.
"Saka ka na umuwi kapag kaya mo na." aniya at iniwan na akong mag-isa.
Napabuntong hininga ako habang nakapikit at iniisip ang mga pinaggagawa ko kagabi.
"I think I like you.." bulong ko
Tila sirang plaka na nagpa-ulit-ulit ang salitang iyon saaking pandinig. Nakita ko pa kung paano sumilay an matamis na ngiti ni Kimjaze bago tuluyang sinakop ng halik ang labi ko.
"Why the hell would I do that?!" tarantang sigaw ko habang sapo-sapo ang nag-iinit kong mga pisngi.
Ginawa ko 'yon?! Sinabi kong gusto ko siya?! WTH.
I was so shock that I confessed to him. I'm not even sure! I'm drunk that time!
Nagtitili ako habang mahigpit ang kapit sa kumot hindi alintana ang sakit ng ulo.
"I even touch his stomach and ask if he has a six pack of abs!" singhal ko at ilang beses pinagsasapok ang sarili.
Paano ko na siya haharapin ngayon?! Papasok na ako mamayang tanghali! paano ko rin haharapin si Kayle?!
Nang maalala ko ang pangalang Kayle ay tila nawala lahat ng paru-parong kanina lang ay naglilipaan sa tiyan.
Kayle... She's the girlfriend of Kimjaze...
PAPASOK na kami ni Viale sa room ng makasalubong namin ang nagmamadaling si Nell.
"Nell wait! Saan ka pupunta?!" taranta ring tanong ko dahil halatang nagmamadali siya.
"My Dad... He's in critical condition. He needs me Jairess, I'm sorry... I need to go." She said before running away from me.
May cancer sa kidney ang Daddy niya and I think ngayon lang uli ito inatake ng ganito kaya alalang-alala si Nelly. And I hope magkita sila ni Jino... Kung magkalapit man sila ng lugar.
"Magiging maayos siya. Wag kang mag-alala masiyado ok? Halika na." sabi ni Viale na tinapik-tapik pa ang balikat ko.
Pilit akong ngumiti bago tuluyang naglakad papasok ng classroom. Tahimik ako sa una at ikalawang subject namin. Hindi ako nakikinig dahil buong subject ata nakatingin siya saakin!
Nang magka-break kami for snack kaagad kong hinila si Viale patungo sa cafeteria, takot na maabutan nila Kimjaze.
"Ehhem alam mo may kilala akong pinagtataguan 'yung crush n'ya." aniya at tumawa mtapos ko siyang samaan ng tingin.
"Viale!" inis na ani ko at nagpalingon-lingon sa paligid, natatakot na baka may makarinig.
"Maka lingon ka naman parang sinabi ko name ng crush mo!" pang-aasar niya pa at sinabayan ng tawa.
Inirapan ko siya at naupo sa table na napili ko. Ngunit gano'n nalang ang pagsinghap ko ng maupo sa harap ko ang lalaking kanina lang ay nakatitig sa'kin.
Yumuko ako at umaktong hinahanap ang cellphone ko. Hanggang ngayon nahihiya ako sa mga pinagsasabi't ginawa ko!
"Look at me." aniya ng hindi ko siya tapunan ng tingin.
Umakto akong waang narinig.
"Oh Viale! Cr lang ako ah?" nagtataka man siya sa inaasal ko ay tumango nalang din siya.
Mabilis kong tinungo ang cr pamababae, akmang papasok na ng may humila saakin at isinandal ako sa pader na malapit.
Tila tinakasan ako ng dugo ng makilala ko ito.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya habang deretsong nakatingin sa'king mga mata.
Lumunok ako ng ilang beses bago sinalubong ang nakakapanghina niyang titig.
"May dahilan ba para iwasan kita?" kaswal na sagot ko kahit nagwawala na ang kaloob-looban ko.
"Mayroon." aniya at bumaba ang paningin saaking labi.
Kaagad kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Ano bang gusto niyang sabihin?!
"L-Lumayo ka nga!" sabi ko at bahagya siyang itinulak.
Hindi man lang siya natinag sa pwesto niya. Bagkus inilapit niya ang mukha sa tainga ko dahilan para mas mapasandal ako sa pader.
"Say it again, Jairess." bulong niya sa tainga ko.
Ilang beses akong napalunok at ng maka-isip ng ibang bagay ay muli ko s'yang itinulak ng bahagya. Masyadong nakaliliyo ang pabango niya, ninanakaw ang katinuan ng isip ko.
"Ikaw, sabihin mo anong ugnayan niyo ni Sir Keite." ani ko at tinitigan siya mismo sa mga mata.
Nakita ko kung paano siyang natigilan at napalayo sa'kin ng bahagya. Nang makita kong unti-unti na siyang umaatras ay hinawakan ko siya mismo sa uniporme niya.
"Don't lie to me.. I heard the both of you, blaming each other over something I didn't know. I know i'm out of you circle but uhm please can you enlighten me?" tanong ko at hindi iniaalis ang seryosong titig sakaniya.
Napapikit siya at napasabunot sa buhok n'ya. "How? How did you know?" mahinang tanong niya habang nakatingin sa lapag at hindi na ako matignan.
"Hindi ko sinasadyang marinig kayo.. It's just happened na sinundan kita at hindi ko inakalang may gano'n..." bulong ko at wala sa sariling napayuko.
Naramdaman kong napatingin siya saakin.
"And why would you even follow me?" he asked in his most serious voice.
"Kasi... Hindi ko rin alam! Basa that day all i want is to follow you. Hindi ko alam kung bakit pero may pakiramdam akong iba, that's why kahit ayoko magditch class ginawa ko." paliwanag ko habang hindi na makatingin sakan'ya.
Hindi siya nagsalita at tumalikod saakin. Ngunit bago pa man siya humakbang ay nagbitaw siya ng salita na sumagot sa ilang katanungan ko.
"Keite and I are half-brothers.."
HANGGANG ngayon ay tulala ako at iniisip na tama ako. Na hindi lang basta teacher at student ang turingan nila Sir Keite.
At kung ano man ang dahilan kung bakit nagkagano'n silang magkapatid ay hindi ko rin alam. At ayoko na ulit mangialam.
Seeing his face emotionless like that I felt a strange pain that I can't explain.
"Ok since it's already November 21 2017 I'll group you to eight members to make a most scarriest presentation. I know tapos na ang Halloween so to add more twist kailangan n'yong maipakita ang takot and ang paghahanda sa nalalapit na christmas, combination 'to guys. Lahat ng makagagawa nito ay makakakuha ng plus ten direct to the card." nakangiting sabi ni Sir Keite.
Nagtanong ang class pres namin since ST lang namin siya. Naipagpaalam na niya raw ito sa Adviser namin na kaagad siyang pinahintulutan.
Nagsimula na siyang magtawag ng mga surnames na magiging groupmates. Mabuti nalang at hindi ko ka-group si Kimjaze ngunit hindi ko rin kagroup ang ilang kakilala ko.
"So fo the last group you'll have Ms. Jairess and Ms. Kayle your new classmates. November 26 will be the presentation day."
Tila nanigas ako sa kinauupuan dahil sa sinabi ni Sir. Si Kayle? New classmate namin? Kailan pa?
To be continue...
Sorry for short ud! Medyo lutang ang marecakes n'yo HAHA btw stay safe! Enjoy reading!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro