
CHAPTER 16
CHAPTER 16
KAMPANTE naming tinungo ang daan papunta sa condo ni Jino. Sa daldal ng kasama ko tila nawala lahat ng takot ko. Ngunit napalitan naman ng pagtataka dahil sa kakaisip sa pangalang mayro'n siya.
May part sakaniyang kaagad magugustuhan ng mga kababaihan. Matangkad siya at may pagka-moreno ang balat. May kakapalan ng kilay at maliit ngunit matangos na ilong. Ang buhok niya ay kasalukuyan ring kulay rosas.
"Uhm Viale?" tawag pansin ko ng pareho kaming matahimik.
Malapit naman na kami sa condo building kaya siguro kailangan ko na itong itanong bago kami maghiwalay ng daan.
"Yes?" nakangiting baling niya habang pinagmamasdan ang building na nasa harap namin.
"Paano mong nalaman na may tao ro'n, I mean 'di ba wala daw masyadong dumadaan do'n." sabi ko at inayos ang pagkakasuot ng jacket na pinahiram niya.
"Kasi roon ako dumadaan everytime pumupunta ako sa condo ng pinsan ko. Luckily same condo building kayo." aniya at iginaya ako papasok sa building.
Ang swerte ko lang at papunta siya sa condo ng pinsan niya kung hindi baka may masamang nangyari na saakin.
Napabuntong hininga ako ng tuluyan na kaming makasakay sa elevator. Kasalukuyang pataas ang elevator na sinasakyan namin ng may biglang tumawag sakaniya.
Nang maibaba niya ito ay alanganin siyang tumingin saakin.
"Sorry, I need to go, are you safe here?" tanong niya.
Tumango ako at hindi na nagsalita pa hanggang sa huminto na ang elevator sa floor na bababaan ko. Nginitian pa niya ako ng isang beses bago tuluyang sumara ang pinto ng elevator.
Malalaki ang hakbang na tinungo ko ang condo unit ni Jino, natatakot na baka mamaya nasa likod ko na ang Ama-amahan ko. Kahit pa nga alam kong imposible na ito.
Nanghihina akong napasandal sa pinto ng maisara ko ito. Parang wala ako sa sarili na nalimutan kong may klase pa kami kinabukasan.
Sa isiping 'yon ay natulog ako ng hindi man lang naghahapunan.
NANG magising ako kinabukasan ay kaagad pumasok sa isip ko ang kalagayan ni Jino na alam kong kailangan ring malaman ni Nell.
Dali-dali akong naligo at nagbihis. Halos madapa pa ako habang patakbong nilisan ang condo. Nang makalabas ay kaagad akong pumara ng masasakyan.
Mabuti nalang at naging mabilis ang biyahe kaya hindi ako na-late. Ang nakangiting si Nell ang bumungad saakin.
"Jairess!" nakangiting tawag niya, kumakaway pa.
Kaagad akong lumapit sakaniya at yumakap ng mahigpit.
"Oh, bakit? May nangyari ba?" tanong niya habang hinahagod ang aking likuran.
Pinigilan kong maluha nang maalala ang pagkikita namin ng tatay ni Sam kagabi.
"Good morning, Ladies." bati ng kung sino mula sa likuran ko.
"Sir Keite, morning din po. Muntik na ma-late ah." biro ni Nell.
Natawa ng mahina si Sir at napailing-iling bago bumaling saakin ang kaniyang paningin.
Minsan pa siyang ngumiti saakin bago kami inaya papasok dahilan para hindi ko masabi kaagad kay Nell ang kalagayan ni Jino.
Naging mabagal ang oras para saakin dahil sa paghihintay na matapos kaagad ang klase upang maka-usap ng sarilihan si Nell.
"That's all for today, class dismissed." ani ng huling propesora namin sa umaga.
"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Nell ng makalabas kami ng room.
Napatingin lang ako sakaniya at hindi kaagad nakasagot. Pinag-iisipan kung sasabihin naba sakaniya ang nalalaman.
Hanggang sa makarating kami sa cafeteria ay hindi pa rin bumuka ang bibig ko upang magsalita. Napatikhim siya ng maupo sa harap ko.
"Tell me? What happened?" nag-aalalang tanong niya habang titig na titig saaking mga mata.
Nakagat ko ang sariling labi at nag-iwas ng tingin. Sasabihin ko naba? Hindi kaya magalit siya?
"S-Si Jino..." kaagad kong naitikom ang bibig ng maalala ang lagayan niya kagabi.
Bugbog sarado ang kaniyang buong katawan.
Natigilan si Nell at mas tumiim ang tingin saakin. Mas seryoso kaysa kanina. Hindi man bumuka ang bibig niya upang magtanong alam kong hinihintay niya ang mga sasabihin ko.
"Nabugbog siya... Nang puntahan ko siya sa hospital kagabi talagang malala ang lagay niya. Maswerte lang na nagising kaagad siya kahit gano'n na ang natamo niya." nakayuko nangsabi ko. Tuloy-tuloy at walang hintuan.
Hindi ko na binanggit na may saksak si Jino dahil baka mag-alala lang si Nell. Kahit itanggi niya alam kong hanggang ngayo'y may gusto siya kay Jino.
Nagulat ako ng walang sabi-sabi siyang tumayo, nakakuyom ang parehong kamay. At nang maglakad siya ay dali-dali akong sumunod sakaniya.
Hinawakan ko siya sa braso at pilit pinigilan. Alam ko namang nag-aalala siya pero may klase rin kaming kailangan pasukan.
"Saang Hospital?" tanong niya, hindi man lang ako nililingon.
"Nell, alam kong nag-aalala ka, pero may klase pa tayo. Alam kong ayaw mo magka-absent 'diba?" biro ko pa.
Hinarap niya ako at nagulat ako ng makita ang luhaan niyang mga mata. Tila ba nagmamakaawa.
"Hindi ako nag-aalala, gusto ko lang siyang batukan." pagdadahilan niya at tumingala pa upang pigilan ang pagluha.
Napabuntong hininga ako at walang nagawa kundi ang samahan siya. Nang makarating kami sa Hospital ay kaagad ko siyang iginaya papasok sa kwarto ni Jino.
Ngunit pareho kaming nagulantang ng walang madatnan. Malinis at maayos ang kama na tila ba walang pasyenteng galing dito kagabi.
Nang may dumaan na nurse ay kaagad ko itong tinawag.
"Ah nurse, nasaan na po 'yung pasyenteng naririto kagabi? Jino Altino po." tanong ko at muling binalingan ng tingin ang kwarto.
Masuyong ngumiti ang nurse saamin bago sumagot.
"Umalis na sila kaninang madaling araw pa. Ang alam ko sa ibang bansa ipagpapatuloy ang pagpapagamot niya. Teka sino sainyo si Jairess?" sabi ng nurse at nagpalipat-lipat ng tingin saamin.
Napatingin ako sa gawi ni Nell ngunit kaagad siyang nag-iwas ng tingin. Pilit akong napangiti sa nurse.
"A-Ako po," sagot ko, nautal pa.
May dinukot siya mula sa bulsa at iniabot saakin bago lumapit saaking tainga.
"Alam mo na raw ang gagawin riyan sabi ni Jino." bulong nito.
Minsan pa niyang nginitian si Nell bago kami iniwan.
Napatitig ako sa tinupi-tuping papel na hawak ko. Siguro ito na 'yung sulat na sinasabi niya.
Napaigtad ako at napalingon sa gawi ni Nell ng malakas niyang isara ang pinto. Mabilis siyang naglakad palayo sa'kin kaya napagmasdan ko siya.
Mukhang nagseselos ang kaibigan ko. Inlababo na nga ang bestfriend ko.
Sa isiping iyon ay nakangiti kong hinabol si Nell. Naabutan ko siyang nagpapara ng taxi kaya kaagad ko siyang nilapitan.
"Nell-" naputol ang sasabihin ko ng marahas niyang iwinaksi ang kamay kong nakahawak sakaniyang braso.
"Bakit nga ba nag-abala pa akong pumunta eh ikaw lang naman 'tong kailangan niya." aniya at pagak na tumawa.
May part saaking gustong sabihin sakaniya na wala namang kami ni Jino pero baka hindi siya maniwala.
"Basahin mo 'to malalaman mo 'yung totoo." sabi ko at masuyo siyang nginitiaan.
Nagulat ako ng tumawa siya ng malakas ngunit ilang saglit lamang ay napalitan ito ng impit na hagulgol.
"Nell..." nakaawang ang labing sabi ko at handa na siyang yakapin ng itulak niya ako ng mahina.
"W-Wag mo muna akong lapitan or kausapin... Please, Jairess?" aniya habang ang mga mata ay nagmamakaawa.
Ngayon ko lamang siya nakita ng ganito kaya hindi ko halos alam ang sasabihin ko.
"Nell makinig ka muna saakin..." sabi ko at muling sinubukang hawakan siya ngunit mabilis siyang nakaatras.
Tila may kumurot sa puso ko ng makita kung gaano niya kagustong lumayo saakin.
"Please... Jairess masakit na masiyado.." aniya at hindi na pinigilan ang bawat luhang dumadaloy sa pisngi niya.
"Just here me out.. Nelly.." mahinang ani ko.
Ngunit may huminto ng taxi sa harap namin. Hinawakan niya ang pinto at pinunasan ang luha.
"Masakit na 'yung taong matagal ko ng gusto... pag-aari na pala ng matalik kong kaibigan, ni hindi ko man lang nalaman kaagad 'yung totoo." aniya at tuluyan ng sumakay sa taxi at iniwan akong mag-isa.
Paano ko na ipapaliwanag sakaniya ang totoo? Gayong masyado ko na siyang nasaktan ng dahil sa kasinungalingang kaniyang nalalaman.
Wala sa sarili akong napatingin sa sulat na hawak ko.
Ngunit gano'n nalang ang gulat ko ng makita ang papasalpok na puting kotse saakin. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.
Hanggang sa maramdaman ko ang pagtulak saakin ng kung sino dahilan upang pareho kaming mapahiga.
Habol ang hiningang napamulat ako ng tingin at dumako iyon saaking katabi.
Kaagad siyang tumayo at tinulungan akong makatayo. Pinagpag niya ang sarili at ang mga mata ay naglibot sa paligid bago tumuon saakin.
"Ayos ka lang?" tanong niya at pinagpagan pa ang aking balikat.
"Oo, bakit kaya sa tuwing nasa kapahamakan ang buhay ko ikaw palagi ang sumasagip saakin. Tell me guardian angel ba kita?" sabi ko na nakapagpatawa sakaniya.
"Hindi mo ako guardian angel. Nagkakataon lang talaga at may poging dumarating para sagipin ka." sabi nito at nagpogi sign pa.
"Ha pogi? Nasa'n?" biro ko.
Imbis na mainis ay ginulo niya ang buhok ko.
"Papauwi kana ba? Tara hatid na kita." nakangiting aniya at minsan pang nagpalingon-lingon sa paligid.
Akmang papara na siya ng taxi ng pigilan ko siya. Hindi naman sobrang layo ng condo building na tinutuluyan ni Jino, hindi rin gano'n kalapit pero mas gusto kong lakarin nalang.
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Pwedeng maglakad nalang? I don't feel like riding in any vehicles." sabi ko.
Tumango-tango siya at nagsimula na kaming pareho na maglakad.
"So anong ginagawa mo sa Hospital? I saw you enter with a girl. So, I decided to wait and talk to you." aniya.
Siguro nakita niya rin kung paano ako itinulak ni Nell habang lumuluha.
"Ahh bibisitahin sana namin si Jino kaso nakaalis na raw. Sakaniya pa naman din ako nakikitira." sabi ko habnag ang paningin ay nasa daang tinatahak naming pareho.
"You mean you're living in with a guy?" tanong nito at bumaling pa ng tingin sa'kin.
"Hey! Anong iniisip mo?! Nakikituloy ako kasi hindi pa ako pwede sa sarili naming bahay hanggat hindi ko napapaalis 'yung mag-ama." ani ko at muling nanlisik ang mga mata.
Nanggagalaiti na ako sa galit. Gustong-gusto ko na mapaalis ila Sam sa bahay ng sa gano'n ay maging tahimik na uli nag aming buhay.
Kailan ba ako makakahanap ng ebidensiya? Kailan ba matatapo ang lahat ng 'to?
" 'Yun ba 'yung pinukpok ko ng kahoy kagabi?" tanong niya habang nakakunot ang noo.
Napayuko at at napatango-tango. Narinig ko ang buntong hininga niya at inakbayan ako dahilan ng mabilisan kong pag-atras.
"Hey, Jairess I'm not gonna hurt you. Can't i comfort you?" aniya.
Napabuntong hininga ko at kusang niyakap siya. Hindi ko man siya lubusang kilala sapat na ilang beses na pagliligtas niya saakin para pagkatiwalaan ko siya.
Kasabay ng pagyakap niya pabalik ay ang paghinto ng kotseng pamilyar na pamilyar saakin. Mula roon ang lumabas ang lula ng kotse na naglalakad patungo sa shop na katapat ko lang halos.
"Mom.." mahinang ani ko at agad napabitaw kay Viale.
Mabilis kong hinabol si Mommy at kaagad niyakap mula sa likuran.
"Mommy..."
To be continue...
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro