Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15

CHAPTER 15

HANGGANG ngayon ay hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Mabilis kong nilisan ang lugar na 'yon kahit pa nga gusto kong tulungan ang isa sakanila. Pero nanaig ang pagkakagulo ng mga impormasyong nalaman ko.

Masiyadong kumplikado. Kaya ba ganoon ituring ni Sir Keite si Kimjaze sa klase? Kaya ba tuwing magtatama ang mga mata nila ay tila may apoy na pumapalibot sakanila?

Akala ko simple lang 'yon. Akala ko napapraning lang ako. Pero hindi, lahat pala ay may malalim na dahilan. Dahilan na ni minsan ay hindi ko naisip na posibleng mangyari sa kanilang pareho.

Napabuntong hininga ako at nagbihis na. Matapos nito ay tinawagan ko si Jino. Hindi kami magkasabay umuwi pero nagtataka ako kasi lagpas alas sais na ay wala pa siya. Eh five pm ang labasan sa school.

Nangunot ang noo ko ng hindi ko siya macontact. Muli kong sinubukang tawagan ang numero niya ngunit katulad pa rin ng dati. Hindi kaya na lowbat siya? Maaari.

Sa isiping 'yon ay nagluto nalang ako ng hapunan namin. Pambawi rin dahil hindi ko sila halos pinansin ni Nell kanina. Ngunit natapos na ko at lahat ay wala pa rin siya. Tinawagan ko ulit ngunit wala pa rin.

Nagsimula na akong mag-alala kaya nagmamadali akong lumabas ng condo unit niya at bumungad saakin ang dalawang pulis.

"Ah, good evening ho Sir." bati ko.

Ngumiti sila ng tipid pareho.

"Ikaw ba ang kasama sa bahay ni Jino Altino?" tanong ng isa.

Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Opo, bakit po?" tanong ko hindi man lang naisip na imbitahan silang pumasok sa condo.

"Namataan namin siyang bugbog sarado sa isang eskinita bainte minuto na ang nakakaraan. Sinabi niya saaming ikaw ang kasama niya sa bahay. Maaari mo ba siyang puntahan?" sabi ng isang Mamang pulis.

Tila natulos ako sa kinatatayuan at hindi malaman ang gagawin. Anong nangyari?! Bakit si Jino!

Maraming tanong ang pumasok sa isip ko habang nasa loob ako ng sasakyan kasama ang dalawang pulis na maghahatid saakin kung nasaan si Jino. Nang makarating ay halos liparin ko na papunta sa kwarto niya.

"Jino Altino po." tanong ko sa nurse.

Kaagad niyang sinabi kung saang kwarto si Jino. Ni hindi ko na nga nahintay ang mga pulis at mabilis kong tinungo ito.

"Jino..." tila nanghihinang tanong ko ng makita ang kalunos-lunos na sinapit niya.

Maga ang parehong mata na nagkulay violet na. Habang ang mga braso ay puno ng maliliit n sugat. Napaawang ang labi ko at tahimik na lumapit sakaniya. Ayokong magising siya.

He must be tired. Kaya hanggang ngayo'y tulog siya.

"Damn, who the hell would do this to you?" Bulong ko habang nakatitig sa mga sugat na nasa katawan niya.

Tanging ang natatakpan lamang ata ng saplot niya ang hindi nasugatan ngunit nagkakamali ako. Nakita ko ang saksak na tinamo niya sa kaliwang banda ng kaniyang tiyan.

Tahimik akong naiyak habang tahimik na ipinagdarasal ang mabilis na paggaling ng aking kaibigan.

"P-Panget mong u-umiyak.." tinig ng isang paos na nagpaangat ng tingin ko.

Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko at hinarap siya, natataranta at nag-aalalang may masakit sakaniya.

"Ok ka lang ba? Anong masakit? T-Tatawagin ko ang doktor." sunod-sunod na sabi ko walang pahinga.

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko, pinipigilang umalis sa tabi niya.

"Hindi ako Okay, ikaw kaya bugbugin ko? Kidding. Masakit buong katawan ko, honestly." sabi niya at pinilit pang tumawa.

"Loko, teka alam na ba ng pamilya mo? Lalo na ng Ate mo panigurado ipapahanap no'n ang gumawa nito sa'yo." sabi ko.

Bumuntong hininga siya.

"I'm not sure kung alam na ni Ate. Pero siguro oo, ikaw ba naman ang kapatid ng isa sa sikat na artista." pagbibiro niya pa.

"Nararamdaman ko na sila." natatawang aniya na ikinataka ko.

"Tignan mo sa loob ng limang segundo bubukas ang pinto at papasok ang Ate kong OA pati si Mom and Dad." aniya.

At tulad ng sabi niya ilang segundo lang marahas na bumukas ang pinto.

"Omyy Jino!" sigaw ng babaeng kumikinang sa ganda.

Kaagad akong umalis at tumayo sa isang tabi upang hindi makasagabal. Nilapitan niya si Jino at bahagyang sinabunutan ang buhok.

Doon ko napansin ang pagpasok ng may kaedaran ng babae at lalaki. Parehong hinihingal na ani mo'y tinakbo ang kinaroroonan ni Jino.

Nakakainggit lang na mayroon siyang pamilyang ganito. Alalang-alala sakaniya. Halatang mahal na mahal siya.

"Hindi ko nga alam kung bakit nila ginawa ito saakin." sabi ni Jino na nakapagpagising saakin mula sa malalim na pag-iisip.

"So you're telling me na pauwi kana then someone punch you?" mataray na tanong ng Ate niya.

Napakaganda nga, hindi malabong naging artista ito. Halata rin sa Mom at Dad niya ang kagandahang panlabas na mayro'n ang mga ito.

"We'll leave this country." maya-maya ay sabat ng Dad niya na nakapagpatahimik sakanilang magkapatid.

Maging ako'y napatitig. Paano na si Nell kung aalis siya!?

"Dad.. no, I can't." sabi ni Jino at nag-iwas ng tingin.

"You need to be safe while recovering, Jino. Don't be a hard-headed." matigas na ani nito.

Hindi na nakapalag pa si Jino hanggang sa dumapo saakin ang paningin ng Mom niya.

"Oh, Hi ija. Your girl?" bati saakin ng Mom niya at kaagad bumaling kay Jino.

Pareho kaming napasinghap ni Jino at habang ako'y itinaas ang kamay bilang pagtanggi.

"H-Hindi po! Friends lang po kami." nahihiyang sabi ko.

"Friend? But you look like a worried girlfriend." sabat ng Ate niya.

Napakagat labi ako at hindi na alam ang sasabihin. Boiset bakit kailangang mangyari 'to?!

"Ate, she's Jairess. Magkaibigan kami, isa pa 'yung bestfriend niya dinedeskartehan ko." sabi ni Jino at nagpogi sign pa kaya hinampas siya ng Ate niya.

"Oh, siya 'yung gusto mong tulungan? About sa issue niya sa step-dad?" sabat naman ng Ama ni Jino.

Naiilang akong tumingin sakanila. Halos lahat kasi sila ay nasa akin na ang paningin.

"Yes Dad, Jairess don't deserve to be treated like that." seryosong sabi ni Jino.

Nang hindi ko na makayanan ang pagkailang ay nagpaalam na akong aalis. Tutal nandoon naman na ang pamilya niya. May magbabantay at aasikaso na sakaniya.

Napabuntong hininga ako ng makalabas ako sa kwarto ni Jino. Ipinasok ko ang parehong kamay sa bulsa ng shorts ko. Mabuti nalang pala hindi ako nagpajama kundi nakakahiya sa mga makakakita.

Hindi naman siguro kalayuan ang Condo ni Jino rito kaya naman napagpasyahan kong lakarin nalang. Ayokong gumastos ng gumastos mahirap ng maubusan.

Habang naglalakad ako sa kalye ay hindi ko maiwasang magpalingon-lingon. Pakiramdam ko may nanonood sa bawat galaw ko. Pakiramdam ko rin kanina pa sumusunod ang may-ari ng aninong halos katabi ko na.

Dahil sa kabang nararamdaman ay kaagad akong lumingon sa likuran, ngunit wala akong natagpuan.

Huminga ako ng malalim at mas pinakiramdaman ang paligid. Nakakatakot oo pero wala akong ibang kakampi kundi sarili ko. Kakayanin ko 'to.

Napatili ako ng may humawak sa braso ko.

"Gotcha!" tumatawang sabi ng lalaking ngayon ay hawak na ang parehong braso ko.

Tila nanigas ako sa kinatatayuan ng makilala kung sino ito. Nakangisi saaking harapan habang pinapasadahan ng tingin ang aking buong katawan.

"N-No.." nauutal na sabi ko at marahas na nagpumiglas.

Ngunit mas ngumisi siya at sapilitang inilapit ang bibig saaking tainga.

"Sa wakas, Jairess matitikman na rin kita.." bulong nito at dinilaan ang aking tainga.

Nanindig ang balahibo ko at hindi nakagalaw ng ilang sandali.

Nang akmang lalayo na siya saaking tainga ay siyang pagsipa ko sa pagkalalaki niya.

"You pervert!" I hissed and run away from him.

Hingal na hingal akong paliko-liko sa mga eskinita. Hindi ko alam kung saan ako mapapadpad pero sana kahit dito lang makatakas muli ako.

Ngunit ganoon nalang ang tili ko ng may makabunggo ako. Nakangisi saakin at nanlilisik rin ang parehong mata.

"You can't run away from me, Jairess." He said as he walk towards me slowly.

Napahinga ako ng malalim at nagpalinga-linga sa paligid. Fuck! Dead end na! Wala na akong matatakbuhan.

Please.. someone save me.

Tahimik akong nagdasal habang paunti-unting napapasandal sa pader na siyang aking hangganan.

"H-Huwag please. Umalis na nga ako sa bahay 'diba?! Ano pa bang gusto mo!" singhal ko, pilit pinatatapang ang natitirang katinuan ko.

Ngumisi siya at humawak sa baba na tila ba nag-iisip. Kapagkuwa'y tumawa siya ng malademonyo at nilingon pa ako.

"Umalis ka nga pero alam kong may binabalak kang hayop ka!" aniya at nanggagalaiting nilapitan ako at sinabuntan.

Napahiyaw ako sa sakit at hapdi ng aking anit. Kung ito man ang katapusan ko sana maging maayos ang lagay ng aking Ina.

"Napaka sagabal mo, alam mo ba 'yon? Kung hindi ka tumutol sa mga gusto naming gawin edi sana tapos na namin 'yon ngayon at wala na kami sa puder niyo! Pero dahil tanga ka, ayan pakialam pa. Sa susunod na paggising mo makikita mo ang sarili mong nakahimlay na sa kabaong." nakangising aniya pa and kaagad pinunit ang aking pantaas na damit.

Napatili ako at pilit tinatakpan ang aking dibdib.

"Wag! Tulong! Tulungan niyo ako!" humahagulgol na ani ko.

Muli siyang tumawa habang pinagmamasdan ang dibdib ko.

"Kahit lumabas ang litid mo kakasigaw, walang makaririnig sayo." natatawang sabi niya.

Akmang tatanggalin na niya ang bra ko ng may pumukpok ng makapal na kahoy sa ulo niya.

Nabitawan niya ako kaya naging dahilan ito ng madalian kong pagtakbo palayo sakanila. Ayokong manatili roon at baka makabangon siya.

Humahangos akong napatigil at napahawak sa isang poste. Ngunit ganoon nalang muli ang pagkakaigtad ko ng may humawak sa balikat ko.

"Shh.. ako ito. Hindi kita sasaktan." sabi ng hindi pamilyar na boses saakin, marahil siya 'yong tumulong saakin kanina.

Napamulat ako ng mata na naipikit ko pala kanina at dahang-dahang hinarap siya.

"B-Baka abutan niya ako..." nanginginig na sabi ko habang yakap ang sarili ko.

Nakita kong hinubad niya ang sariling jacket at kaagad itong ipinulupot saaking pang-itaas na katawan. Maya-maya ay hinawakan niya ako sa ulo na tila ba ginugulo ang aking buhok.

"Tara ihahatid kita." aniya.

'Yung mukha niya, parang nakita ko na pero hindi ko mapagtanto kung kailan at kung saan ba.

"Salamat.." mahinang ani ko habang iginagaya niya ako patungo sa isang motorsiklo.

I wonder paano niyang nalaman na may nangangailangan ng tulong gayong naka motor siya?

May super power kaya siya? Kidding.

"No worries, Jim." aniya na ikinatigil ko.

Nakaawang ang labing tiningala ko siya.

"P-Paanong.." nauutal na sabi ko at itinuro pa siya gamit ang hintuturo ko.

"Remember me? In the backstage." nakangiting aniya.

Nanlaki ang mata ko at gulat na tinitigan siya.

"By the way, I'm Viale."


To be continue....

Hey sup! Gulat kayo no? Hshs by the way I'm Viale. Omooo sino ba siya? Bakit binanggit siya ng tatay ni Jai sa dream niya?

Ahe malalaman niyo/mo lang if patuloy niyong basahin ang IASIR. I hope you enjoy this ud! Don't forget to vote and comment your reaction 😜 mwah.



Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro