Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 14

CHAPTER 14

"JAIRESS, I'm sorry.. hindi ko pa talaga kayang aminin kay Nell." nakayukong aniya habang nakasandal sa hamba ng pinto ng kwarto ko.

Matapos niya kasing isiwalat na kami na ay sumilay ang napakatamis na ngiti ni Nelly. Pero hindi 'yon 'yung ngiting masaya. Tila isang ngiti 'yon ng nasasaktan at nagparaya.

She even congrats us and hug me tightly before pulling away and eat with us like nothing's happened. She acted normal but i know deep inside she's totally in pain.

Kung alam ko lang na noon pa lang gusto na niya si Jino ako pa sana mismo ang magiging tulay nilang dalawa. Kaso hindi.. napakamapaglaro talaga ni tadhana.

Napabuntong hininga ako at tinignan si Jino ng deretso sa mga mata.

"Ok lang, may magagawa pa ba tayo?" napapabuntong hiningang ani ko.

Bumuntong hininga rin siya at tumingin sa kawalan.

"Gagawa ako ng sulat Jairess, at sana kapag handa na ako ikaw mismo ang magbigay sakaniya." sabi n'ya at natawa pa.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Handa ka na no'n! Edi ikaw magbigay loko." sabi ko.

"Dapat ikaw, para maniwala siyang wala talagang tayo. Bakit kasi 'yon ang lumabas sa bibig ko." sabi niya't tinampal ang sariling bibig.

"Mas maganda kung sabay tayo ugok kaba? Syempre kung ako lang baka kung ano pa isipin niya. Ayokong masaktan ng matagal si Nell, Jino. Kaya I'm telling you. Dali-dalian mo ang paghahanda kundi tss." sabi ko at inambaan siya ng suntok bago inirapan.

Matapos naming mag-usap ng gabing 'yon ay umalis na rin siya at pumunta sa sariling kwarto. Habang ako'y napatitig sa kisame ng kwartong tinutuluyan ko.

Miss na miss ko na ang Mommy ko. Pero wala akong magawa kundi manatili rito sa bahay ng kaibigan ko. Gusto kong sa pagbabalik ko maniwala na siya saakin.

Sana matauhan na siya.. Sana...

Nagising ako sa magaang haplos sa pisngi ko. Kaagad akong napamulat, takot na baka ang masama kong ama-amahan ang mamulatan.

Ngunit nagkamali ako dahil nang magmulat ang mga mata ko ay tumambad saakin ang pamilyar na bulto. Bulto ng lalaking pinakamamahal ko.

"Daddy.." wala pa mang ibang salita na lumalabas sa dibdib ko ay nanunubig na ang mga mata ko.

Mas lumapit siya saakin at pinunasan ang iilang butil ng luha ko.

"My princess don't cry. She's a strong girl that we love so much." He said while caressing my cheeks.

Napapikit ako at mas idiniin ang kaniyang kamay sa'king pisngi.

"Dad... She's not believing me anymore. Nalason na siya ng masamang pag-uugali nila Samuel." puno ng pait na sabi ko habang ang mga mata ay nakapikit.

Naramdaman ko ang pagyakap niya saakin bago may ibinulong.

"Viale, anak... Matatapos din ang lahat." aniya at hinalikan ang tuktok ng aking noo.

Muli akong nagmulat upang halikan sana siya sa pisngi ng hindi ko na siya makita saaking tabi.

"Dad? Dad!" tawag ko habang ang mga luha ay patuloy sa pag-agos.

"Dad!" tuluyan akong napabalikwas ng bangon ng may yumog-yug sa balikat ko.

"Shh.. Jairess. Andito lang ako." mahinahong sabi ni Jino habang hinahagod ang likod ko.

Napapikit ako dahil sa sobrang prustasyong nararamdaman. Nalilito rin ako. Anong Viale? Maging sarili kong ama ay hindi ko na maintindihan.

Ilang sandali pa'y kumalma na rin ako. Kaagad akong bumangon at nag-ayos ng walang salitang sinasabi sa kaibigan ko. Umalis lang ata siya ng kwarto ng makitang magbibihis ako.

Maging sa pagkain at pagkarating namin sa school ay hindi ako kumibo. Hindi ko alam ang sasabihin ko, no it's more like ayokong may sabihin ako o magsalita.

Napabuntong hininga ako ng hindi na ako kulitin pa ni Jino. Maging si Nell ay tahimik habang nagtatanghalian kami.

Walang nagbalak magsalita isa man lang sakanila. Kaya ng matapos akong kumain ay tumayo ako.

"Mauuna na ako." tanging sabi ko at iniwan silang tulalang pareho.

They didn't ask anything. They just keep silent as i left our table.

At sa swertehan na meron ako nakasalubong ko si Kimjaze. Hindi niya ako nilingon o tinapunan man lang ng tingin ngunit kaagad kong hinigit ang kaniyang palapulsuhan. Hinila ko siya patungo sa likod ng school at doon binitawan.

"Kailan ka pa natutong manghila nalang ng kung sino?" aniya habang ang paningin ay nasa damong nasa paanan namin pareho.

Humugot ako ng buntong hininga bago nagsalita.

"I'm sorry.." halos pabulong ng sabi ko.

Nakita ko kung paanong pumaling ang tingin niya patungo saakin. Nakakunot ang noo at walang emosyong ipinapakita ang mga mata.

"Sorry for what?" aniya na binuntutan pa ng tawa, kung tawa nga bang matatawag 'yon.

"For pushing you away, for shouting at you. I should've control myself." sabi ko habang ako naman ngayon ang nakatingin sa mga damo.

Napakurap-kurap ako ng maramdaman ko ang pagpalibot ng kaniyang mga braso saakin. Hindi ko alam ang gagawin ko, maging ang paghinga ko ay tila ba nahinto kahit hindi ko naman ginusto.

Dahan-dahan niyang hinaplos ang buhok ko.

"Sorry.. for kissing you." aniya na lalong ikinagulat ko.

Sa sobrang gulat ay naitulak ko siya.

"Kailangan bang sabihin pa 'yon!?" namumulang singhal ko.

Natawa siya ng mahina bago napakamot sa sariling batok.

"Okay lang ang Mommy mo, sa ngayon. Napapansin ko rin na lagi akong pinag-iinitan ng Step-Dad mo. Any plan?" He ask while still grinning.

Umingos ako at nag-iwas ng tingin. Muling kumulo ang dugo ko dahil sa mga nalaman. Nasisiguro kong nagsisimula ng silang magplano ng panibago o dugtungan pa ito.

"For now just watch them. Lumalakap pa lang kami ng impormasyon at ibedensya." sabi ko.

Tumango-tango siya at tumalikod na. Doon lang siya kumaway na tila ba aalis na.

"Hey! Where are you going?" tanong ko habang nakatanaw sakaniya.

"Tinatamad ako mag-aral ngayon." aniya at walang sabing naglakad palayo.

So magka-cutting siya?! Hindi ko pa rin nararanasan 'yon pero mukhang masaya?

Napailing-iling ako at pinilit ang sariling huwag gumaya kay Kimjaze. Pero natagpuan ko nalang rin ang sarili kong nagmamasid sakaniya mula sa malayo.

Oo, sinusundan ko siya. Marami siyang dinaanang eskinita ang iba ay hindi ko masikmura ang amoy ngunit wala akong ibang magawa kundi ang sundan siya.

Napatigil ako saglit ng nagpalingon-lingon siya at may nalaglag na piraso ng papel mula sa bulsa niya. Nang medyo makalayo siya ay kaagad ko 'yong pinulot at inilagay sa bulsa ko.

Hindi ko rin alam kung bakit ko ginagawa itong pagsunod ko sakaniya pero pakiramdam ko kailangan ko. Napahawak ako sa bag ko at muling napatigil ng may maalala.

This past few days hindi na nagpapadala ng sulat si Mr. M. Napagod siguro? Or tinamad na rin saakin?

Wala na atang kayang magtagal sa'kin. Napailing-iling ako at muling nabalik ang tingin sa kaninang kinatatayuan ni Kimjaze. Pero wala na siya!

Nasaan na 'yon!? Patay, bakit kasi natulala ako?!

Napasabunot ako at lihim na napamura ng may marinig akong bahagyang sigawan. Nakakunot ang noong naglakad ako ng dahan-dahan hanggang sa matunton ko ang kanilang kinaroroonan.

"—masakit ba? Ha? Kulang pa 'yan sa ginawa ng hindot mong ina." nakangising sabi ng lalaking nakatalikod mula sa gawi ko.

Nagulat ako at napaawang ang labi ko ng sinuntok siya ni Kimjaze! Wth?!

"Hindi hindot ang nanay ko, kung mayroon mang hindot rito ay 'yon ang tatay mo. Ano? Hindi na ba kinaya ng nanay mo ang pangangati nito kaya pati ang nanay ko ay kinalantari ng ama mo!" singhal ni Kimjaze na tuluyang nakapagpakunot ng noo ko.

"Wala kang kwenta—"

"So are you!" balik ni Kimjaze.

Nakita ko kung paanong kumuyom ang kamay ng lalaking kaharap niya. Marahil ay punong puno na siya.

"Hindi mo alam ang pinagdaan namin, Kim. Wala kang alam pero kung makapag salita ka parang hindi nangati ang nanay mo! Sabagay bakit mo nga pala kakampihan ang tatay ko? Eh siya 'yung dahilan ng pagkamatay ng una mong nobya—" muli itong nasapak ni Kimjaze.

"Huwag mong idamay si Kayle! Pinagbigyan na kita 'di ba?! Nakuha mo na 'yung babaeng minamahal ko ngayon sa kasalukuyan ano pa bang gusto mo!" malakas na sigaw ni Kimjaze.

Napaigtad ako at napatakip ng bibig. Hindi ko mawari ang mga pinagsasabi nila pero bakit pakiramdam ko kilala ko ang isa?

Napabaling ng tingin ang lalaki sa gawi ko dahil sa pagdura nito ng dugo. At doon tuluyan kong nakilala kung sino siya.

Si Sir Keite...

Anong nangyayari?! Bakit nagsasakitan sila?! Hindi ba't istudyante niya rin si Kimjaze?

"Ang makita kayong mag-ina na nagmamakaawa sa harap ko. Nakaluhod habang hinahalikan ang mga paa ko, paa namin ng tatay ko. Dahil lahat ng mayro'n ka, lahat ng suot mo ay pera ng ama ko!" gigil na sabi ni Sir Keite!

"Bakit sa tingin mo ginusto kong tanggapin 'tong pera ng ama mo? Kung papipiliin ako mas gugustuhin kong mamulubi sa kalsada kaysa tumira sa iisang bubong kasama ang kriminal mong Ama!" sigaw ni Kimjaze na siyang naging dahilan ng pagsapak sakaniya ni Sir Keite!

Akmang lalapit na ako ng makita ko ang dugong umaagos sa labi niya mismo. Hindi ko kaya.. paano kung madamay ako? Paano kung pati ako masapak?

Napailing-iling ako at muling binalak na lumapit ngunit bago pa man ako makahakbang ay muling sumigaw ang isa sakanila.

"Kailan man ay hindi kita itinuring bilang kapatid!"

"Kung ako rin ang papipiliin mas mabuti ng mamatay kaysa maging kadugo niyong mga hayop kayo!" sigaw ni Kimjaze.

Natulos ako sa kinatatayuan at hindi malaman ang sasabihin.

Kapatid? Ano? Sila ni Sir Keite? Magkapatid?

What the...

Anong... Klaseng buhay ang mayroon sila't tila kinasusuklaman nila ang isa't isa?

Bakit sa dinarami-rami ng tao sa mundo sila pa ang magkapatid? Am i seing an illusion?

Damn..

To be continue...

Hi guys! Another ud! Ahihi gulat ba kayo sa revelation? Una pa lng itets HAHAH jok. Btw keep safe! Lovelots! Mwah don't forget to vote and comment your reaction!

Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro