
CHAPTER 13
CHAPTER 13
"HOY, required bang matulala ng isang oras dahil nakakita ng lalaking lumabas sa kotse?" bulong ni Jino na kasalukuyang ipinaparada ang kotse niya sa parking.
Napabuntong hininga ako at pilit inialis saaking sarili ang naisip. Siguro nanghiram siya ng kotse? Or baka naman hinuhulugan niya pwedeng gano'n 'diba?
"Yo! Kimjaze pre." rinig kong sabi niya ng makalabas ng sasakyan at may malingunan.
Nanlaki ang mata ko at kaagad bumaba ng sasakyan niya para sana harapin si Kimjaze ngunit tanging halakhak niya ang nadatnan ko.
"See? Effective, nawala kaagad kabalisaan mo." nakangising pang-aasar niya.
Sinimangutan ko siya at nauna na maglakad papasok sa building. Tutal nakikituloy ako sa condo niya ay alam ko na rin ang bawat pasikot-sikot nito.
"Hoy hintay! Joke lang naman eh." sabi niya pero hindi ko na siya pinansin pa.
Tuluyan kong narating at condo niya at walang pansinang dumeretso ako sa kwartong tinutuluyan ko bago nahiga sa kama.
Masyado akong nalalamon ng kung ano-anong scenario sa isip ko. Masyado akong nalilito kakaisip sa kung ano ba ang totoo.
At nang gabing 'yon hindi na ako nakakain pa ng hapunan at kaagad nang nilamon ng antok.
Maaga akong nagising at nagluto ng agahan matapos n'yon ay nag-ayos na ako. May pasok ngayon. Nadala ko man ang ilang school supplies ko tulad ng notebook at folders ngunit ang ilan dito'y nabasa masyado.
Naabutan kong nagkakape na sa lamesa si Jino habang may kausap sa kaniyang cellphone. Seryosong-seryoso ang kaniyang mukha at tila ba kay lakas ng awra niya.
"Oo, so don't you dare failed me couz minsan lang ako humingi ng pabor-" pahinto-hintong sabi nito sa kabilang linya bago pinatay ang tawag.
Humarap siya saakin at matipid na ngumiti. Umupo nalang ako kaharap niya at nagsimula nang kumain. Natapos ang agahan namin nang tahimik at walang kibuan. Masyado rin siguro siyang madaming iniisip kaya hindi na ako nagsalita pa.
Nang makarating kami sa school ay nakangiti n'ya akong binalingan ng tingin.
"Sorry 'di kita naasar ngayon. Medyo nakakainis kasi 'yong pinsan ko." aniya na kasalukuyang tinatanggal ang seatbelt.
Inalis ko na rin ang sa'kin bago sumagot.
"Okay lang, pero bakit parang galit ka sa pinsan mong 'yon?" nakakunot ang noong tanong ko.
Ngumiti lang siya ng tipid at naunang bumaba ng kotse bago ako pinagbuksan ng pinto.
"Gentleman mo ngayon ah. May kailangan ka?" Panghuhula ko.
Natawa siya ng mahina ngunit bigla ring sumeryoso at tinignan ang dalawang mata ko.
"Jaires... tulungan mo ako." tila nagmamakaawang sabi niya.
Muling nangunot ang noo ko. Bakit ganito siya kung makahingi ng tulong akala mo'y mamamatay na bukas.
"Saan ba? Baka kaya ko." tanong ko at inayos ang pagkakasabit ng bag ko.
Nagpalingon-lingon muna siya sa paligid na ani mo'y tinitignan kung may maaari bang makarinig sa'ming usapan.
"Gusto ko si Nelly." maya-maya ay sabi niya na nakapag-patigil saakin.
Napatitig ako sakaniya ng ilang segundo bago hawak ang tiyan na tumawa nang tumawa. Kaagad sumama ang mukha niya bagay na mas ikinatawa ko.
"I-Ikaw? Pfft gusto si Nell?" tanong ko habang nakaturo sakaniya at walang tigil sa pagtawa.
"Aishh! Dapat talaga hindi ko na sinabi sa'yo eh!" inis na aniya at kumamot sa batok.
Pinigilan ko ang sariling matawa at hinawakan siya sa mga balikat niya.
"Ikaw ha, hindi lang pala pakikipagkaibigan ang balak mo. Pakikipag-ibigan pala." nakangising pang-aasar ko.
Lumaylay ang kaniyang balikat at mas napabusangot. Tinawanan ko siyang muli ngunit kaagad rin 'yong naputol ng may humigit sa palapulsuhan ko at mabilis akong hinila palayo sa kaninang kinatatayuan ko.
"Ano ba!" singhal ko't nagpumiglas para makawal bagay na nagawa ko.
Kaagad akong napaatras at handa na siyang sipain ng makilala ko kung sino siya.
"Sorry sa paghila. May gusto lang akong sabihin." tila nahihiyang aniya.
Napabuntong hininga ako at pinagkrus ang dalawang kamay ko sa harap ng dibdib ko. Ngumiti siya saakin ng matamis at nagpiece sign pa bago muling nagsalita.
"I know you don't want me as a lover but can we be friends?" He asked while smiling shyly at me.
Napangiti ako ng bahagya at inabot ang kamay niya, tanda ng aking pagpayag.
"Sure. By the way, I'll go ahead! Baka ma absent-an ako ni Sir Fellipe." biro ko samantalang siya naman itong guro na tinutukoy ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa ng makalayo ako. Siguro mabuti na ito? No lover for a while...
I can't keep on loving nor giving a chance to a person even though I'm still into him.
HINDI pa man tuluyang nakalalabas ang ilang mga kaklase namin ay kaagad lumapit saakin ang nagtititiling si Nelly.
"Omyyy where have you been?! Hinahanap ka sa'kin ng Mommy mo! No'ng linggo pa!" aniya at ikinawit ang braso saakin.
Isinukbit ko ang bag ko at isinama siya patungo sa Cafeteria.
"You won't believe what am i going to tell you, Nelly." sabi ko ng matapos kaming omorder.
Siya naman ang nangunot ang noo at inilapit ang bangko para mas marinig ang bawat detalyeng ikinukwento ko. Bawat pangyayari atang sinabi ko ay paulit-ulit siyang napapasinghap.
Naiyak pa nga matapos malaman ang nangyari sa'min ni Mommy.
"So? You mean may binabalak na masama 'yang step father mo? I mean 'yong demonyo?" tanong niya habang sumisimsim ng iced tea niya.
Tumango-tango ako at sumubo ng spaghetti na order ko. Akmang muli siyang magtatanong ng may lalaking umupo sa tabi niya at walang hiyang inakbayan siya.
"Bugok!" singhal niya kay Jino at binatukan ito.
Natawa ako ng mahina at napailing-iling. Paano niyang liligawan 'tong si Nell eh mukhang malaki ang galit sakaniya.
Napalabi ang nakangising si Jino at hindi umalis sa pagkakaupo sa tabi ni Nell.
"Sinabi ko na sakaniyang tutulungan natin siya." sabi ni Jino at kumuha ng fries na order ni Nell.
"Akin 'yan! Teka sinabi mo na? Magkasama kayo kahapon?!" kunot-noong tanong ni Nell.
Kaagad nanlaki ang mga mata ni Jino at hindi alam ang sasabihin kaya ako na ang sumagot.
"Nakita niya kasi ako sa mall kahapon, ayon na ikwento ko na." sabi ko habang patuloy sa pagkain ng spaghetti.
"Ah, so what's your plan? Paniguradong hindi rin papatalo ang lumalason sa isip ng Mommy mo lalo na't pera ang habol." sabi niya habang ang mga hita ay magkakrus at umiinom ng iced tea niya.
"For now, hahayaan ko muna sila. Lalakap muna siguro ako ng ibedensiya so mas madali ng maniniwala saakin si Mommy." sabi ko.
Napatango-tango naman si Nell.
"Tama tama, ako rin susubukan kong kumuha ng ebidensya ng patago. At ikaw rin ugok ha!" biglang baling niya kay Jino na sinusulot na pala ang fries niya.
Natawa ako ng magsimula na naman silang magtalo. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagustuhan ni Jino 'tong kaibigan ko eh.
"Chill what do you want babe? I'll buy it for yah." nakangising sabi ni Jino at kumindat pa.
Kaagad nalukot ang mukha ni Nell.
"Tumigil ka nga! May crush akong iba wag ka." pambabara nito kay Jino at kumain muli.
Kaagad kong nakita ang pagsilay ng malungkot na ngiti ni Jino. Ngunit kaagad niya itong pinaalis at muling umakbay kay Nell.
" 'Yang crush mo ba may artistang ate? 'Yang crush mo ba kinukuha ng isang agency para maging artista rin? Ha wala pala 'yan eh." sabi ni Jino at pinagalaw ang dalawang kilay.
"Hindi! Pero 'yung crush ko mas gwapo sa'yo!" bato ni Nell.
Natawa ako ng sumama ang mukha ni Jino.
"Mas gwapo ako ro'n. Tatanggi ka pa alam ko namang naging crush mo ako." nakangising sabi ni Jino.
Kaagad pinamulahan si Nell na ipinagtaka ko. Don't tell me? Nagka-crush siya kay Jino?!
Tumayo si Nell at kaagad nagpaalam na magc-cr.
"Omyyy may crush sa'yo dati si Nell?" tanong ko kaagad.
"Ako pa." aniya at nagpapogi, binato ko tuloy sakaniya yung fries na nahawakan ko.
"Jairess!" singhal niya matapos mashoot sa bibig niya ang fries na binato ko.
Natawa ako at muling kumain.
"Paano ko ba sasabihin sakaniyang gusto ko siya?" maya-maya ay sabi niya habang ang mga siko ay nasa mesa at nakapatong ang baba sa dalawang kamao niya.
Pinigilan kong matawa at sinubo ang huling laman ang pagkain ko.
"Edi kausapin mo ng masinsinan." sagot ko habang patuloy pa sa pagnguya.
"Ang hirap kaya! Kanina nga lang na katabi ko siya halos mawasak 'yung dibdib ko sa dami ng daga!" pasinghal na aniya.
Tuluyan akong natawa dahil sa sinabi niya hindi alintana ang matatalim na tingin na ibinato niya saakin.
"Sorry pfft. Edi sabihin mo nalang, Nell pwede bang manligaw? Ganoon tapos bigyan mong bulaklak." suggest ko.
Napaisip naman siya at napahawak pa sa baba.
"Masyadong normal, parang hindi siya kikiligin. Isip kapa!" aniya.
Napaawang ang labi ko't binatukan siya.
"Ikaw 'tong aamin tapos ako iisip ng sasabihin mo? Adik ka pri?" sabi ko at inirapan siya.
Napabusangot siya at umarteng kunwari ay kaharap si Nell habang may ibinubulong na salita. Nagpapractice atang umamin kay Nell.
Halos pareho kaming napatalon sa gulat ng biglang sumulpot si Nell kung kailan lalakasan na dapat niya ang pina-practice.
"Ay! may gusto akong sabihin sa'yo!" mabilis na sabi ni Jino.
Walang hingahan na tila ba gulat na gulat rin. Napatahimik ako ng tumalim ang tingin ni Nell.
Bakit parang galit 'to? Hala siya.
"Gusto mo ba ako ha?" nakataas ang kilay na tanong ni Nell.
Gone the blushing Nell kanina. Napipilan kami't parehong natahimik.
At nang akmang sasagot na ako para sabihin ang totoo ay siyang pagsasalita ni Jino. Ang mga kamao ay nakatikom na tila ba may gustong sabihin ngunit kailangang ibahin.
"Kami na ni Jairess!" aniya na pareho naming ikinalaki ng mata ni Nell.
Potek?! Bakit ako?!
Natahimik kaming tatlo at hindi alam kung sino na ang susunod na magsasalita. Itatanggi ko na sana ang sinabi ni Jino ng hawakan niya ang kamay ko at tumingin saakin nang nagpapaawa.
Looks like hindi pa talaga niya kayang umamin.
Pero bakit kailangang isangkot ako?!
To be continue....
Hi! Sorry for short ud. I hope you're doing fine! Have a great day and enjoy reading! Thank you!
Don't forget to hit the vote botton and comment your reaction! Mwah!
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro