Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

CHAPTER 12

TAMA nga talaga ang sabi nila.. sa mundong mapanakit hindi ka nag-iisa...

Muli akong napahagulgol ng umupo siya sa harap ko habang hawak ang kulay asul na payong. Hinawakan niya ang mukha ko at tinuyo ang naghalong luha at tubig ulan na nagpapabasa rito.

"Would you let me to take care for you?" He asked in his soft voice.

'Yon ata ang pinaka-unang beses na naging ganoon siya kalambing at hindi sarkastiko o loko-loko.

Humahagulgol akong tumango-tango habang siya nama'y ngumiti ng masuyo at inalalayan ako sa pagtayo. Iginaya niya ako papasok sa kotse niya bago umikot upang umupo sa driver's seat.

"Saan ang bahay mo?" Tanong niya habang ang paningin ay nakatutok sa daan.

Napaiwas ako ng tingin at natuon sa labas ng bintana.

"I don't want to go home... Can i stay to your place? for a while.." sabi ko pahina nang pahina ang boses na tila ba nahihiyang may ibang makarinig.

Mabuti na sigurong siya ang nakakita saakin at hindi si Nelly. Baka mas mag-alala 'yon at ako naman ay hindi mahinto sa pag-iyak. Napabuntong hininga ako at napatingala sa mataas na building na hinintuan namin.

Ngayon lang ako nakarating dito dahil wala naman akong condo. Mas gusto ko sa bahay dahil naroon si Mommy. Pero ngayon..

"Don't worry walang media, si ate lang naman ang hinahabol hindi ako." pagbibiro niya.

Napangiti ako ng bahagya at sinuntok ng pabiro ang braso niya.

"Hindi ka talaga hahabulin ng media. Sampid ka lang eh." biro ko.

Napaawang ang labi niya at maya-maya ay ngumuso at humawak sa dibdib na tila ba nasasaktan.

"Jairess! Ouch! Ang harsh mo na ha." aniya na ikinatawa ko.

Natawa rin siya bago ako iginaya papasok sa building at sabay naming tinungo ang condo unit niya. Medyo nakakailang dahil lalaki siya at sa isiping kapatid siya ng isa sa sikat na artista.

"So.. what happened?" He asked.

Napansin na niya siguro ang bag na dala ko. At malamang punong-puno na rin ng tanong ang isip niya kung anong ginagawa ko sa tulay kanina.

Napabuntong hininga ako at tinignan siya sa mga mata. Nginitian ko lang siya ng tipid at pumasok sa silid na itinuro niya saakin.

Siguro bukas.. bukas handa na akong sabihin sakaniya lahat. Kaibigan ko siya at deserve niya ring malaman 'yung dahilan kung bakit nga ba ako naririto.

Inilapag ko lang ang gamit ko sa isang tabi at naghalf bath. Nang matapos ay ginawa ko lang ang normal routine ko bago nagpakalunod sa mga iniisip buong magdamag hanggang sa makatulog.


"WHAT the fuck?" reaksyon ni Jino ng maikwento ko na sakaniya ang nangyari saakin kahapon.

Nang magising ako kanina ay nilutuan ko na rin siya ng agahan . At nang sabay na kaming kumakain ay doon ko na ikinuwento sakaniya lahat.

At ngayon ang parehong kamao niya ay nakakuyom at tila ba handang-handa ng manuntok.

"Potek, bakit kasi kailangan mag-asawa pa ng bago." Wala sa sariling sabi niya.

At nang marealize niya ang sariling nasabi ay kaagad siyang tumingin saakin ng nagpapaumanhin. Napailing-iling nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

"But honestly Jairess, this is not an easy battle as you think. We need an evidence, strong evidence indeed so your Mom will know the truth." seryosong sabi niya.

Ni hindi na nga tinuloy ang pagkain dahil sa kwento ko kani-kanina.

Marahas akong napabuntong hininga at napakapit sa sarili kong batok. Paano akong makakakuha ng ebidensya? Hindi pa ba sapat na muntik na akong pagsamantalahan ng lalaking 'yon?

"Jino, hindi pa ba sapat ang rason ko? Na muntik na akong halayin ng ama-amahan ko?" nakakunot ang noong tanong ko.

Magkahawak ang kamay sa ibabaw ng mesa habang malalim na nag-iisip. Paano na? Ano ng gagawin ko para mapigilan ang masasamang balak ng mag-ama?

"Jairess, pwede ka nilang baliktarin. Tulad ng ginawa nila sainyo ng Mommy mo. See? Ikaw pa ang napasama." aniya at napakamot sa sariling batok.

"Pero paano? Paano akong makakakuha ng ebidensya?" namumuryot na sabi ko.

Hinawakan niya ako sa balikat at ngumiti saakin ng bahagya.

"Ofcourse i'll help you, I mean we, me and Nelly." aakangiting sabi niya.

Napangiti rin ako at napayuko ng manubig ang aking mga mata. Sobrang swerte ko't naging kaibigan ko siya. Lahat pala talaga ng nangyayari may dahilan ano? Kung hindi niya siguro ako nabangga ng araw na 'yon hindi kami magiging magkaibigan o magkakilala.

Kinahapunan ay sinamahan niya ako sa mall para mamili ng new uniforms ko. Dahil nga umalis ako saamin hindi ko nadala ang uniform ko.

Sinabi ko rin sakaniyang ako na ang magbabayad pero mapilit ang loko. Kaya hinayaan ko nalang para naman matipid ko 'yung naipon ko.

"Sira!" tumatawang sabi ko at iwinasiwas ang kaniyang kamay.

Kung hindi ba naman loko-loko inakbayan ako tapos bumulong kunwari raw magjowa kami.

"Hatdog ka Jino, yakk." pag-iinarte ko kunyari.

"Hoy! Grabe kana saakin Jairess! Boyfriend material naman ako ah! Gusto mo husband pa." sabi niya ay kumindat pa.

Napahagalpak ako ng tawa at tinuro pa siya habang tawa pa rin ng tawa at nakahawak sa bandang tiyan.

" 'Yang mukhang 'yan boyfriend material? Pfft asa!" pang-aasar ko habang tinatawanan siya.

Nakabusangot siyang pumasok sa isang fast-food kaya sumunod nalang ako habang nagpipigil pa rin ng tawa.

"Dahil sa pang-aasar mo. Hindi kita ililibre ng food." aniya habang masama ang tingin saakin.

Pinigilan ko muling tumawa at nagkunyaring nagpapa-awa. Napaingos siya at walang nagawa kundi ilibre ako.

"Ikaw! Ang daya ang lakas mo sa'kin tapos gan'yan ka ka-harsh saakin? Nako Jairess. Sinasabi ko sa'yo pag ako nainis papatapon kita sa mars." aniya habang kumukuha ng kadarating lang na fries.

Natawa ako at sumubo ng fries bago iniumang ang isang fries sakaniya.

"Ano? Iaalok mo tapos ilalayo mo pag isusubo ko na?" blangko ang mukhang sabi niya.

Natawa ako ng mahina at hindi iniaalis ang fries sa harap ng bibig niya. Tumingin pa siya saakin ng ilang segundo bago isusubo na sana ng mapansin namin ang biglang paghinto ng kung sino sa harap ng table namin.

Kaagad napa-ubo si Jino at umayos ng upo. Ako nama'y napakunot ang noo ng makilala kung sino ang nasa harap ko mismo.

"Jaires.. can we talk?" He ask, habang ang mga mata ay may kislap ng pakiki-usap.

Napabuntong hininga ako at hinarap si Jino. Bumulong ako sakaniya bago tumayo at tumango kay Keite.

Sir Keite to be exact.

Huminto ako sa hallway papunta sa cr ng fast-food restaurant. Humalukipkip ako bago hinarap siya. Mas matangkad man siya saakin ay nakakaya ko namang maabot ng tingin ang mga mata niya.

"Sorry.." kaagad na sabi niya, wala ng paligoy-ligoy pa.

Marahan niyang hinawakan ang dalawa kong kamay at ikinulong ito sa naglalakihan niyang kamay. Ramdam ko man ang init na nagmumula roon ay wala akong pakailam.

"Bakit sa'kin ka humihingi ng tawad? Ako ba 'yung muntik mo ng sapakin? Ako ba 'yung pinagsalitaan mo ng kung ano ano?" Tanong ko.

Lumaylay ang kaniyang balikat habang ang mga mata ay nanatiling nagpapaliwanag ang bawat kislap.

"No.. but promise, hihingi ako ng tawad. Pero sana, sana hayaan mo akong ligawan pa rin kita." aniya.

Hindi ko alam kung ako lang ba o ramdam ko talagang hindi siya 'yung lalaking nakilala ko sa pekeng mundo? Sa mundong lahat ay hindi totoo..

Marahan kong inalis ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at tumayo ng tuwid sa harap niya.

"Sorry.. Sir Keite, i can't. You see? We can't be together, you're our teacher. So I'm sorry." walang alinlangang sabi ko at tinalikuran siya.

Ramdam ko ang kagustuhan niyang magsalita pa at magprotesta pero ayoko ng makarinig ng kahit anong mula sakaniya. Hindi naman ito dahil sa eksena nila ni Kimjaze.

Kundi dahil hindi ko talaga ramdam na siya 'yung Jace Montefalco na nagustuhan ko sa pekeng mundo. Napakalayo niya sa lalaking mahal ko.

"Boo!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

Kung hindi ba naman may saltik ang kasama kong kaibigan nako. Nabatukan ko na.

"Baliw!" singhal ko at binelatan siya.

Para kaming tanga na nag-aasaran at nagtatawanan. Nang makarating sa mesa ay walang hanggan pa rin ang aming asaran. Kung pagmamasdan mo sa malayo ay aakalain mong magnobyo. Pero hindi.. kaibigan lang ang tingin ko kay Jino.

"Jairess, baka mamaya kaya ayaw mo kay Sir Keite kasi ako ang crush mo ha." aniya at itinaas baba pa ang dalawang kilay.

Kaagad akong napangiwi at hinawakan ang panga niya. Iniliko-liko ko ang ulo niya.

"Itong mukhang 'to? Crush ko? Napakalabo men." pang-aasar ko pabalik.

Kaagad namula ang tainga niya sa galit kaya naman muli akong napahagalpak ng tawa.

"Ang harsh mo!" aniya at ngumuso pa.

Tinawanan ko lang siya ng tinawanan. Mabuti nalang tapos na kaming kumain. Halos alas singko na rin ng hapon.

"Oo nga pala, mabuti at hindi kayo same school ng Sam na 'yon kundi baka mag-abot kayo." Maya-maya ay sabi niya habang naglalakad kami papalabas ng mall.

"Mabuti nalang, dahil hindi ko talaga pipigilan ang sarili kong kalbuhin siya." ani ko at napairap pa sa ere ang mga mata.

Natawa siya ng mahina bago kami nagpatuloy sa paglalakad. Akmang lalapit na kami sa kotse niya ng saktong bumukas ang pinto ng katabing kotse.

Napahinto ako at tila ba maging ang paghinga ko ay tumigil ng magtagpo ang aming mga mata. Isang araw pa lang. Isang araw pa lang naman simula ng huli kaming magkita pero bakit ganito?

Bakit pakiramdam ko halos dekada na kaming hindi nagkita?

Napakurap-kurap ako ng kusa siyang mag-iwas ng tingin at tuluyang isinara ang pinto ng kaniyang kotse.

Nang makalayo siya ay siyang panlalaki ng aking mga mata.

"Kotse?! Ano?!" wala s asariling  sabi ko.

Habang ang mga mata ay nakatitig sa kotseng nilabasan niya. Potek? Paano siyang nagkaroon ng kotse?

Hindi ba't motor ang meron siya at pamangkin siya ng driver namin?!


To be continue...

Hi guys! Short ud again mwehehe sorry for late updates noe. Well i'm busy with my modules and some other things  but i hope you'll stay with IASIR until the end! Loveyou!


Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro