Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 11

CHAPTER 11

KAPWA kami walang imik ni Kimjaze matapos mangyari ang kailan man hindi ko naisip gawin, ang tanggapin ang halik ng isang lalaki.

Nagbaba ako ng tingin ng maramdaman ang paglalagablab ng aking pisngi. Sino ba namang hindi pamumulahan kung hanggang ngayo'y nakatitig siya saakin! Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili muntik na akong ma-rape pero ang harot ko pa rin!

Tumayo ako at wala sa sariling kinuha ang helmet na nasa tabi ko.

"Ano.. umuwi na tayo?" Patanong na sabi ko habang ang mga mata ay naglulumikot huwag lamang masalubong ang kaniya.

Hindi siya nagsalita bagkus ay nauna na siya saakin patungo sa motor niya. Napahinga ako ng malalim habang tinititigan ang pag-aayos niya.

Bakit ko ba ginawa 'yon? Bakit ako nagpahalik sakaniya? Bakit masyado akong nagpalamon sa lambot at sarap ng labi niya?

Fuck! Pakiramdam ko'y nagtataksil ako kay Jace!

Tsk bakit ba inaalala ko 'yong lalaking 'yon eh wala naman nang kami! May iba na siya!

"May iba na siya Jairess!" Panggigising ko sa sarili ko at sinampal pa ang pisngi.

"Sakay na." Nakatingin sa kung saan na sabi ni Kimjaze.

Napatikhim pa ako bago sumakay ng tuluyan sa motor niya. Buong biyahe ay kung saan-saan napadpad ang isip ko. Paano ko nang haharapin ang step-father ko kung siya mismo ay gusto akong gawing parausan?

Hindi ko namalayang nasa harap na kami ng bahay. Kaagad nanginig ang kamay ko ng maalala ang mga nangyari kani-kanina lang.

Napaigtad ako ng may humawak sa kamay ko. Mainit ito at mas malaki ang kamay kaysa saakin dahilan para matabunan ang kamay ko.

"Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako." Aniya at ng lingunin ko ay nakangiti na saakin.

Bumuntong hininga ako at ngumiti ng bahagya. Sabay kaming pumasok sa bahay. Kasabay ng pagharap ko sa sala ay ang pagdapo ng malakas na pwersa sa pisngi ko.

Kaagad kong naramdaman ang pagdalo ni Kimjaze sa tabi ko. Napahawak ako sa pisngi ko at lumingon sa taong sumampal saakin.

"M-Mom.." nanunubig ang mga matang tawag ko.

Ngunit purong galit at poot ang nakikita ko sakaniyang mga mata.

"How could you be like this, Jairess! Binigay ko naman lahat sa'yo 'di ba?! Pinalaki ka namin ng Daddy mo nang maayos and yet, malalaman kong inakit mo ang asawa ko't sinaktan?! Hindi mo pa pinatawad pati si Sam sinaktan mo!" aniya at ang matalim na tingin ay nasa akin.

Napatingin ako kay Sam na ngayon ay may kung ano-anong sugat sa mukha at braso! Maging ang tatay niya. Sa kabila no'n ay pawang nakangisi ang dalawa saakin na tila natutuwa sa nakikita.

Umawang ang labi ko at natatarantang lumapit kay Mommy. Hinawakan ko ang kaniyang kamay ngunit kaagad niya itong iwinasiwas!

"Mommy... Pakinggan mo naman ako. Anak mo 'ko 'di ba— 'di ba dapat mas kilala mo ako kaysa sa kanila?" humihikbing ani ko.

Hindi ko alam pero bakit parang ang bilis malason ng isip ngayon ni Mommy. Hindi na niya ako pinakikinggan.

"Kilala? Hindi na kita kilala Jairess. Hindi na ikaw 'yung Jairess na anak ko!" sigaw niya at dinuro pa ako.

Tumayo ako at nanggagalaiti sa galit na nilapitan si Sam ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Kaagad kong nakita kung paano siyang tumingin ng nagpapaawa sa sarili kong ina. Bago ko pa man mahablot ang kaniyang buhok ay may yumakap na mula saaking likuran at inalayo ako kay Sam.

"Jairess... Calm down." Tinig ni Kimjaze.

Nilingon ko siya at nakita ko ang labis na pag-aalala sa kaniyang mukha. Huminga ako ng malalim at hinarap si Mommy.

"Mom, ikaw ang hindi ko na kilala.. Alam mong hindi ko magagawa 'yung mga sinabi nila sa'yo! Mom! Alam mo bang muntik na akong gahasain ng asawa mo?! Sinabi pa niyang para daw akong ikaw dahil hindi ka niya mahuthutan ng pera! Kung hindi pa dumating si Kimjaze baka naroon ako sa kwarto ko... At nanginginig sa takot dahil tapos ng parausan ng asawa mong demonyo!" paliwanag ko at hindi na napigilan ang sariling magtaas ng boses.

Kaagad lumapit si Sam kay Mommy ng akma ko itong yayakapin.

"Don't you dare touch my Mom, you liar!" sigaw nito at tila ba takot na takot na inilayo saakin si Mommy!

Kumuyom ang kamay ko at hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Hinablot ko ang buhok niya at inilayo sa sarili kong ina.

"Ikaw! Ikaw ang sinungaling! Kapag kaharap mo siya mukha kang anghel na paawa pero pag ako na ang kaharap mo mukha ka ng asong nauulol sa pagkainggit!" sigaw ko at sinampal pa siya.

Ngunit natigil ako ng may humawak ng mahigpit sa braso ko at marahas akong itinulak palayo kay Sam!

"Huwag mong sasaktan ang anak ko! Kita mo na Hon?! 'Yang totoong ugali ng anak mo!" sabi ng tatay ni Sam habang nakaduro saakin.

Muling lumandas ang luha saaking pisngi ng lumingon ako kay Mommy at punong-puno ng disappointment ang kislap ng mga mata niya. Lumapit ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay niyang pilit niyang inilalayo saakin.

"Mom, Please! Believe me Mom! They're just using you! Your money! Please listen to me just for once.." humahagulgol nang ani ko habang nakaluhod sa harap niya.

Narinig ko ang mabigat niyang buntong hininga bago dahan-dahang inialis ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Nakita ko kung paano siyang lumapit kay Sam at inalo ito.

"I don't know what happened to you, Jairess. You change a lot." wala ng emosyon sa mukhang sabi ni Mommy.

Umawang ang labi ko at muling sinubukan siyang lapitan ngunit pinigilan ako ni Kimjaze.

"Please! Mom! Hear me out! Wag kang magpalason sa mga sinasabi nila!" nagmamakaawang sabi ko habang hawak-hawak pa rin ni Kimjaze ang braso ko.

"Ikaw ang lumalason sa isip ng Mommy mo! Napakasama mong bata ka! Inakit mo pa ako at sinabi mong hindi mo ipapaalam sa Mommy mo? Galing mong umarte!" maya-maya ay sabat ng bagong asawa ni Mommy.

Kaagad kumulo ang dugo ko at dinuro siya.

"Tandaan mo 'to! Hindi ko hahayaang makamit mo ang masasama mong plano! Aalis man ako sa ngayon, sisiguraduhin kong dudurugin kita sa pagbabalik ko." Walang emosyong sabi ko at umalis sa pagkakahawak ni Kimjaze.

Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha lahat ng kailangan ko. Bago ako umalis ay tinapunan ko ng matatalim na tingin ang mag-Amang pilit naninira saakin.

Hindi ko kayo hahayaang masira pati ang Mommy ko.

Nanlalabo ang mga matang tinungo ko ang daan palabas ng bahay. Naglalandas man sa pisngi ko ang mainit na likidong galing sa mata ko ay hindi ko 'yon pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad hanggang sa napatigil ako ng may humigit sa braso ko.

"Don't leave.." hinihingal na aniya.

Wari ko'y tinakbo niya ang pagitan naming dalawa. Iwinasiwas ko ang kamay niya at muling naglakad ngunit muli niyang hinigit ang kamay ko.

"Pwede bang huwag mo akong pakailaman! Hindi kita close so don't act like we have a good relationship!" puno ng prustasyong sigaw ko na nakapagpatigil sakaniya.

Umiwas siya ng tingin at dahan-dahang ibinaba ang kamay na nakahawak sa braso ko kani-kanina lang.

"Just for once... Let me be alone." Halos pabulong nang sabi ko at tuluyan siyang iniwan doon.

Naglakad ako ng naglakad hindi alam kung saan tutungo. Kung sinuswerte ka nga naman umulan pa na tila ba nakikiisa ang langit saaking nadarama.

"Why can't you trust me like you used to be.." bulong ko habang pinipigilang mapahagulgol ng malakas.

Nasa gitna man ng daan ay walang alinlangan kong ibinuhos lahat ng sakit at pait na nararamdaman ko, kasabay ng pagbuhos ng ulan ay siyang pagdaloy ng hindi mabilang na luha mula sa mga mata ko.

Bakit ba kailangang mangyari ito? Bakit pakiramdam ko'y wala na akong karapatang sumaya sa pamamagitan lang ng aking pamilya? Una ang Daddy ko.. ngayon ang Mommy ko naman?

"Sinong isusunod mo!? Ang mga kaibigan ko na siyang tumatayong kahuli-hulihang lakas ko?!" sigaw ko habang nakadungaw sa tulay na hinintuan ko.

Lumalakas man ang ulan at hangin ay hindi ko ito alintana bagkus ay umupo ako at sumandal sa tulay mismo. Ngumiti sa kawalan na tila ba isang sira na kani-kanina lamang ay lumuluha.

At ang pekeng tawa ay muling nauwi sa mahihinang hagulgol na hindi ko inaasahan. Napahinto lamang ako sa pag-iyak ng maramdaman ang pagkawala ng  pagpatak ng ulan saakin katawan.

Nanlalabo man ang mata dahil sa luha ay pinilit kong tumingala hanggang sa maaninag ng aking paningin ang isa sa mga lakas ko.

"Jino.."

To be continued....

Hi guys! Short update muna! Mwehehe i hope you enjoy this ud! Don't forget to vote and comment your reaction! Mwah keep safe!

Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro