Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 10

CHAPTER 10

"Saglit lang naman 'to iha. Kung susunod ka sa lahat ng iuutos ko'y hindi kana masasaktan pa." Nakangising aniya.

At parang papel na hinila ako papasok sa isang kwarto. Kung hindi ako nagkakamali ay kwarto nila ito mismo ni Mommy.

Napaigik ako ng ihagis niya ako sa kama at tumama ang likod ko sa headboard ng kama. Kahit medyo nahihilo ay pinilit kong maupo at umatras nang umatras habang kaya ko.

Hinubad niya nag pang-itaas na damit at gumapang papunta saakin na may malademonyong ngisi sa labi.

"Don't please... Tito huwag!" Pagmamakaawa ko habang isinisipa sakaniya ang paa ko.

Nang tuluyan na siyang nasa ibabaw ko ay sinunod niya ang paghuhubad ng kaniyang shorts na ikinatili ko.

"Tito! Wag please!" Sigaw ko ng ang aking damit naman ang pakailaman niya.

Nagpumiglas ako at sinipa ang kaniyang tiyan napaigik siya kaya kaagad kong kinuha ang pagkakataon at tumayo upang tumakbo. Nang malapit ko nang mahawakan ang pinto ay siyang pagsabunot niya saakin.

Tila ba matatanggal na ang anit ko sa sakit!

"Wag please..." Lumuluhang pagmamakaawa ko habang nakatingala dahil sa sakit ng pagkakasabunot niya.

"Sabi ng sumunod ka eh!" Bulyaw niya at muli akong ihinagis sa kama.

Nanginginig akong nag-aatras at hindi na alam ang gagawin pa. Sumigaw ako ng sumigaw kahit pa hindi ko alam kung may taong makaririnig. Ayoko nito.. bakit nangyayari sa'kin 'to..

"Tito wag!" Umiiyak na ani ko ni hindi ko na siya masyado maaninag dahil sa luha sa mga mata ko.

Ngunit imbis na maawa at tigilan ang ginagawa saakin ay tila ba mas lalo pa siyang ginanahan. Hinubad niya ang natitirang saplot kaya mas napatili ako ng maramdaman ang pagkalalaki niya sa hita ko.

Humahagulgol ako habang sinusubukan niyang halikan ang leeg ko. Nang mahagip ng paningin ko ang isang lampshade ay walang alinlangan ko itong kinuha at ipinukpok sa ulo niya.

Nakita ko man ang tumulong dugo ay hindi na ako nag-alala pa. Demonyo siya! Nanginginig ang tuhod sa takot ay pinilit kong makatakbo palabas.

Tila ba walang katao-tao sa bahay namin samantalang kanina lamang ay kasama ko si Kimjaze! Bago pa man ako makababa ng hagdan ay muling may sumabunot saakin dahilan ng pagtili ko ng malakas.

"Masyado kang matigas! Para kang nanay mo! Ni hindi ko mahuthutan ng pera!" Nanggagalaiti sa galit na sabi nito at ibinato ako dahilan ng pagsalpok ng balakang ko sa pader mismo.

"Ang sakit... Tama na po.." namimilipit sa sakit na sabi ko. Ngunit tila wala siyang narinig.

"Kung ayaw mo sa kwarto edi rito ng abutan tayo ng nanay mo!" Sigaw niya at muling pumaibabaw sa'kin.

"Daddy... tulong..." Nawawalan na ng pag-asang sabi ko.

Ngunit bago tuluyang dumapo ang kamay niya sa damit kong punit-punit na ay siyang sapak sakaniya ng kung sino. Kaagad siyang napahiga sa sahig.

"Kimjaze..." Umiiyak na ani ko ng masilayan siya.

Kaagad niya akong dinaluhan at nang makatayo ako ay pinatulog niya si Tito gamit ang napakalakas na suntok sa mukha.

"Shhh.. I'm here, Jairess. Calm down." Aniya habang yakap-yakap ako.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at mas naluha pa habang nasa bisig niya. Kung hindi siya dumating ay baka kung ano nang kahayupan ang nagawa saakin ng asawa ni Mommy.

"Let's leave this place for a while ok? You okay with that?" He asked while trying to make me feel better.

I just nodded at him. I can't talk. I'm in too much trauma right now.

Isinuot niya saakin ang maong niyang jacket at hawak ang kamay kong bumaba kami. Pero bago pa man kami makalabas ng bahay ay sumalubong saamin si Sam.

Nakatikwas na kaagad ang kaniyang kilay habang nakatingin sa magkahawak naming mga kamay. Ipinagkrus niya ang dalawang braso sa harap ng dibdib habang matalim ang pagkakatingin saakin.

"Ano? Ayos mga galawan Jairess. Paawa effect? Tell me binully kaba ng mga imaginary friends mo sa kwarto mo at namumugto 'yang mata mo?" sarkastikong sabi nito habang ang pagkakatikwas ng kilay ay hindi nawawala lalo pa nga atang tumitikwas.

Akmang sasagot na ako ng iharang ni Kim ang sarili niya sa harap ko. Napatigil ako at napatingala sakaniya. Inaalam kung bakit siya nasa harapan ko.

"No, it's your father fault, Sam. He tried to rape Jairess." Walang alinlangan niyang sabi sa kaharap namin.

Napatigil si Sam at napatitig kay Kim bago saakin. Ilang segundo siyang nagpapalitan ng tingin saamin at ilang saglit lang ay tumawa siya habang nakahawak pa sa tiyan niya.

"Pfft are you kidding me? Is that your another story that you make? Wow you impressed me! You should've try to write stories!" Aniya tila ba tuwang-tuwa ngunit bakas ang makapal na sarkastiko sa tono ng pananalita.

Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Kimjaze at mas humigpit ang hawak saaking kamay, tila ba nagtitimpi at ilang segundo ay sasabog na sa pagkapikon.

"If you want a proof then check your Dad upstairs, by the way he's nake. He almost raped, Jairess." Bakas ang matinding inis na sabi ni Kimjaze.

Dahil sa sinabi niya ay kaagad umakyat si Sam. Hinila ako ni Kimjaze palabas kaya tanging sigaw nalang ni Sam ang narinig namin.

"Omy gosh! You'll going to regret this! Jairess!" She shouted.

But instead getting scared i just sigh while resting my head on his shoulder. Nakasakay kasi kami sa motor n'ya.

"You okay? May masakit ba sa'yo?" Tanong niya habang ang paningin ay nasa harapan.

Umiling ako at muling nagpakalunod sa iniisip. Maging ang sinabi ng hayop na lalaking 'yon ay hindi natanggal saaking pag-iisip. Ibig sabihin gusto niya lang perahan si Mommy? I won't let that happened.

Dahil sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko napansin ang paghinto namin. Hindi ko alam kung nasaan kami pero ang nakikita ko ay puro puno at ilang maliliit na burol. Kay gandang tanawin para bang ginawa upang mapagaan ang 'yong damdamin.

Marahan niyang tinanggal ang helmet ko at hinila ako palapit sa isang matandang puno. Sa naglalakihan nitong ugat kami naupo at pinagmasdan ang mga ibong nagliliparan.

Papatanghali na kaya naman ang ilang mga ibon ay nag-aawitan, kay sarap pakinggan. Napapikit ako at dinama ang malamig na hangin hindi ko inaakalang may ganitong lugar na may kalapitan lang rito.

"Ayos kana?" maya-maya ay tanong niya habang ang paningin ay nasa mga burol na kulay berde dahil sa mga halaman.

"Siguro." Napapabuntong hininga na sabi ko.

Lumingon siya sa'kin at tinignan ako.

"Sorry.. dapat hindi kita iniwan. Kung hindi ko pa narinig ang tili mo at ilang kalabog ay hindi pa ako aakyat doon." aniya siguro ay may ginagawa siya sa labas ng mga oras na 'yon.

Umiling-iling ako at hinawakan siya sa balikat dahilan upang matigilan siya at mapatingin sa kamay kong nakapatong sa balikat niya.

"Wala kang kasalanan. Isa pa maraming salamat sa pagdating mo. Kung hindi ka siguro dumating..." Naputol ang sinasabi ko ng muli akong pangunahan ng  mga hikbi ko.

Kaagad siyang umusog palapit upang isandal ang aking ulo sakaniyang balikat. Inakbayan niya ako at tinapik-tapik sa braso.

"Iiyak mo lang... Makikinig ako, nandito lang ako, Jairess." Sabi niya.

Lalong lumakas ang bawat paghikbi ko. Ilang sandali lang ay tuluyan ng gumaan ang pakiramdam ko.

"Gutom ka?" biglang tanong niya.

Natawa ako ng mahina at umiling.

"Baka ikaw ang gutom." sabi ko at natawa sa  reaksyon niya.

Nang makita niya ang pagtawa ko ay napatigil siya at kaagad nag-iwas ng tingin.

"Kimjaze.. nag-a rp ka rin ba?" Wala sa sariling tanong ko.

Napalingon siyang muli saakin, sinusukat ang magiging reaksyon ko sakaniyang sasabihin.

"Yeah, not until may gumulo sa nananahimik kong buhay sa pekeng mundo." sabi niya at muling tumingin sa malayo.

"Alam mo bang gano'n rin ako? Kung hindi sana ako nilandi ng Montefalco na 'yon hindi sana ako umaasa sakaniya hanggang ngayon." walang hiyang sabi ko.

Hindi naman niya siguro kilala ang tinutukoy ko.

"Nang-iwan siya sa ere. Ni hindi ko nakuha ang paliwanag niya tapos biglang magpapakilala si Sir Keite na siya 'yung Montefalco na 'yon?! Ha, hindi ako naniniwala. Dahil alam ko at nararamdaman ko hanggang ngayon na ang Montefalco na nakilala ko ay nasa pekeng mundo pa rin, ngunit may iba nang iniibig." sabi ko at mapait na napangiti.

Ganito nga siguro kapag teenager wala pa sa tamang edad upang umibig pero hindi mapipigilan ang pusong nahulog na sa walang kasiguraduhan.

"Hmm." Tanging naitugon niya.

Siguro ay may pinagdaanan siyang hindi maganda sa pekeng mundo kung kaya gano'n nalang ang hinanakit niya.

"Jairess, paano kung balikan ka ng Montefalco na 'yon?" tanong niya.

Nabigla ako at hindi alam ang isasagot. Paano nga kaya?  Papayag ba ako o magtatanda na sa katangahang ginawa ko?

Umiling ako.

"Hindi ko alam, hindi ko alam kasi wala rin namang kasiguraduhan kung babalik siya." sabi ko at napatingin sa napakagandang kapaligiran.

"Hindi kaba umaasang mahal ka pa niya?" muling tanong niya.

Minahal niya nga ba ako? 'Yan ang tanong na maging ang sarili ko'y hindi masagot-sagot.

"Bakit ako aasa? Ni hindi ko nga alam kung minahal niya ako simula umpisa." sabi ko at pagak na tumawa.

Narinig ko ang buntong hininga niya. Ganoon kalalim na akala mo'y may matinding iniisip.

"Alam mo ba minsan hinihiling ko sana hindi ko nalang siya nakilala." wala sa sariling sabi ko at napatingin sakaniya.

Napalingon siya saakin at nagtama ang aming paningin. Kitang-kita ko ang hindi maipaliwanag na emosyon sakaniyang mga mata.

"Kasi.. hindi sana ako magkakaganito, hindi sana ako mukhang asong naghahabol sa tuwing iniistalk ang kaniyang rp acc. Hindi sana ako umiiyak sa tuwing makikita ang sweet post nila ng bago niyang nobya. Selfish mang pakinggan lalo pa't wala na kami ngunit gustong-gusto ko siyang ipagdamot." sabi ko at napangiti sakaniya ng mapait.

Lumapit siya sa'kin at huminto ng iilang dangkal na lamang ang layo namin.

"Why don't you do it?" pabulong na aniya na halos hindi ko na narinig pa sa sobrang hina.

Mas lumapit ang kaniyang mukha at hindi ko na alam ang aking gagawin.

Hahayaan ko ba siyang halikan ako? O kailangan ko siyang sampalin at  itulak palayo?

Ngunit mas nanaig ang kagustuhan naming pareho.


To be continued....


Hey! Another ud! I hope you like it! Don't forget to vote and comment your reactions! Ily🤍

Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro