Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

47 » làmat

"Kaya mo bang maglakad?"

Hinilot ko ang paligid ng sugat at pinakiramdaman kung kakayanin nga nito ang bigat ng buo kong katawan.

Hindi pa ako nakasagot nang nilapag niya ako sa lupa at pumwesto sa harapan. Sinabit niya muna sa sariling balikat ang braso ko bago tumalikod at tumayo.

"Kumapit ka lang," paalala niya habang inaayos ang pagpasan sa 'kin sa likod.

"Kaya ko namang…"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin nang pumihit si Frankie pakanan at nailagan ang bigla na lang lumagapak sa tabi namin.

Naidikit ko ang mukha sa may batok niya at ginawa itong taguan habang sinisilip ang kumpol ng damit at parang tao ang nasa ilalim nito.

"A...te…"

Nanlaki ang mata ko nang nagsalita ang nasa paanan namin. Lumalagutok na parang nababali ang mga buto niya habang pakanto-kanto itong gumagalaw.

"A-te…" Parang gagamba itong nakatayo dahil nakatukod ang mga kamay at paa sa lupa. Nahawi ang itim na balabal na nakatakip sa ulo niya at bumugad ang butas-butas nitong mukha. "Ganda ka po…"

Nanatiling nakadilat ang mga mata ko habang sinundan ang pagtilapon nito nang sipain ito ni Frankie na parang bola.

Bumagsak ang lalaki sa kumpol ng itlog kung saan nagsipisaan ang mga 'to. Para siyang kinukombulsyon sa lakas ng panginginig ng katawan habang nagsilanguyan papasok ang mga nakawalang semilya sa bibig, sa tainga, at kahit sa butas ng mga sugat niya.

Hindi ko maialis ang tingin sa kan'ya. Mabilis itong tumayo at paika-ikang lumalapit sa 'min. Kahit nakalaylay na ang mga braso niya sa gilid ay patuloy pa rin 'to na parang hindi alintana ang natamong pinsala sa katawan.

'Tsaka ko lang napansin na tinatapik na pala ni Frankie ang braso ko. Hindi ko siya marinig dahil umiibabaw ang mga ungol na katulad no'ng sa lalaki. Dumadami silang papalapit sa 'min. Katulad din no'ng lalaki na paika-ika at may palaman na ate sa gitna ng mga daing nila.

Dalawa sa kanan ang mabilis na tumakbo papalapit sa 'min. Wala ring sabi-sabi na tinakbo ni Frankie ang kinaroroonan ni Kuya. Pinagkabit ko paikot ang mga braso sa leeg niya dahil bukod sa ang tataas at ang hahaba nitong tumalon, ang bibilis at umaangil na parang nauulol ang humahabol sa 'min.

"Dito!" Nahagip ng tainga ko ang tawag ni Kuya sa may kalayuan.

Ilang saglit lang 'yon, pero namalayan ko na lang na tumalungko si Frankie at tinapik nito ang kamay ko. "Pasok ka."

Dali-dali akong bumaba at pinauna ang dalawang paa sa katamtamang butas kung saan nakaabang na sa loob si Kuya. Kinagat pa nito ang laylayan ng damit ko at hinila pababa para mapabilis ang pagpatihulog ko sa loob.

"Ano bang nangyayari sa inyo? Bakit nag-away-away kayo?" pabulong na tanong ni Kuya pagkatapos makapasok at matakpan ni Frankie ng malaking bato ang siwang ng kwebang pinagtataguan namin.

Nakaupo akong yakap ang mga binti. Sa lakas ng mga pagalit na sitsit at mga pag-ungol na tila nasa ilalim ng matinding karamdaman ay nasubsob ko ang mukha sa tuhod.

"Kasalanan ko, iniwan ko sila kay Harold," sagot ni Frankie matapos ang mahabang buntong-hininga. 

Tumama sa braso at binti ko ang hangin sa pagbuntong hininga rin ni Kuya. Para kaming sardinas na nagsisikan sa maliit butas at hindi ko na maiangat ang ulo dahil tumatama na ito sa noo ni Frankie.

"Hindi tayo makakalabas nang buhay kung ganitong nagkawatak-watak tayo!"

Lalo kong nahigpitan ang pagkayakap sa binti--inuusig ng konsensiya dahil sa galit ni Kuya.

Gusto ko na lang maglaho. Mawala na parang bula. Wala rito, wala sa tabi nila. Wala na ang tatanga-tangang Issa na laging nagdadala sa kanila ng kapahamakan.

Naramdaman ko na lang ang pagkuha ni Frankie sa kamay ko. Sinakop niya 'yon, hinawakan nang mahigpit--pinapatahan ang panginginig nito.

"Gumuho ang lagusan na dinaanan ng mga tauhan ng Donya kanina. May alam akong iba, pero malayo rito. Kailangan natin ang mga mata ni Barbara," pag-iba ni Frankie sa usapan.

"E lintik! Matapos niyang tutukan ng patalim si Issa, pagkakatiwalaan mo pa?"

"Kilala ko siya. Matagal na naming kaibigan si Barbara," mabilis at walang pag-aalinlangang giit ni Frankie. Sumagi sa buhok ko ang pisngi niya sa paglingon niya kay Kuya. "Kung ano man ang nagawa niya kay Issa, alam kong nagkamali lang siya. Patawarin na natin...nagkamali lang 'yong tao."

Sinuklian ko ang sinabi ni Frankie ng pagpagitna ng mga daliri ko sa mga daliri niya. Kung makikita niya lang ang ngiti ko. Kahit papano ay may kakampi ako para maibangon si Barbara.

"Kung ano man, ako ang aako sa mga maari niya pang gawin. Kargo ko si Barbara," dagdag niya.

Malalim na naman ang pinakawalang buntong hininga ni Kuya. Matagal ang pananahimik niya. Ilang minuto rin kaming naghintay ng sagot hanggang bumuntong hininga ulit siya at nagsimulang kalkalin ang malapad na bato na kinauupuan namin. "Tatawagin ko na si Jack, ipapatumba ko ang mga ampaw. Taragis, mahina. Kinain ng gwalltor ang utak."

"Tanggalan niya lang ng malay, hindi sila pwedeng patayin, karet pa rin sila."

Bumilis ang pagkalkal ni Kuya at gumawa na ito ng ingay na tumatalbog sa loob ng kinaroroonan namin.

"Iparating mo rin na dalhin sina Harold at Barbara," utos ni Frankie.

Tumigil sa kakakalkal si Kuya at ramdam ko ang paglingon niya sa katabi. "Wala bang ibang paraan para matawag ang taong 'yon? Mukhang hindi sila kasundo ni Jack."

Lumakas ang ungol ng mga umaaligid sa paligid ngayong nasa kan'ya-kan'yang kaisipan ang dalawa. Kahit ako ay walang maisip na paraan dahil sigurado naman na uminit lalo ang ulo ni Jack kay Harold.

"Itong nasa binti mo…" Ginabayan ni Frankie ang kaliwa kong kamay papunta sa sugat. Ngayon ko lang napansin na kaunti na lang ang panghahapdi nito, pero bigla na lang itong kumirot nang dumapo ang mga palad namin doon. "Karet ito ni Harold."

Napasinghap ako ng hangin dahil parang nahulaan ko na ang gusto niyang ipagawa. Naipatong ko ang noo sa tuhod--iba na lang sana, huwag lang ang kausapin ang lalaking 'yon.

"Huwag kang mag-alala, nandito na ako. Wala ng ibang makakalapit sa 'yo." Isang saglit na lumapat ang mukha niya sa ulo ko. Hindi ko alam, hinalikan niya yata bago pa man sumalakay ang pagtikhim ni Kuya.

"Issa, sige na. Naamoy ng mga gwalltor ang sugat mo. Lalo tayong nanganganib habang tumatagal tayo rito," pangungumbinse ni Kuya.

Wala na akong ibang nagawa kundi ang pumikit at pinakiramdaman ang sugat. Napadaing ako sa pag-init nito na parang piniprito ang balat ko.

"Mahal…" Umalingawngaw ang boses ni Harold sa utak ko.

Napangiwi ako sa binugad niya. Sa lahat ba naman, 'yon pang  nagpapainit ng ulo ko.

Hinigpitan ko ang pagkahawak sa kamay ni Frankie--gusto ko lang makasiguro na siya pa rin ang kaharap ko dahil nanunuot na sa ilong ang halimuyak ng dagat.

"Tigilan mo na nga ako! Ginagawa ko lang 'to dahil kailangan."

Nawala na parang bula ang pabango sa paligid. Hinigpitan ko ang pagpikit sa mata dahil hindi ko pa nasabi ang kailangan kong sabihin. "Nand'yan ka pa?"

Biglang umalingawngaw ang tawa niya na parang siya na ang kaharap ko. Sinalat ko ulit ang palad na hawak ko sa kanang kamay--matigas, magaspang--kay Frankie pa rin.

"Sandali lang akong nawala, hinanap mo naman ako agad."

Binuga ko na lang ang inis--nagkagulo na't lahat, nagawa pang lumandi nitong unggoy na 'to.

"Pumunta ka raw kung nasaan kami. Dalhin mo si Barbara," mabilis kong utos sa kan'ya. Mabuti 'yang nasabi ko na para matapos na ang walang kwenta naming usapan.

"Hindi pa ako sumusuko, Isabelle.

Naramdaman ko ang Issa sa pagluha mo noong nag-uusap tayo sa comedor. Nariyan pa siya, ang aking Issa.

At hindi ako titigil hangga't hindi siya bumabalik sa akin."

Mabilis kong tinanggal ang kamay sa sugat sa sobrang inis. Ang kapal ng mukha. Kung makasabi siya ng akin--ang sarap hambalusin.

Ginagawa ko ang pagkalma sa sarili na laging pinapaalala ni Jack. Sa lakas ng kabog sa dibdib ko ay baka mauna pa ang mga halimaw na matunton kami kaysa sa kanila.

"Parating na si Jack. Mauna kami ni Frankie sa labas, dito ka lang," bilin ni Kuya. Hindi ko alam kung ano pa ang kinakalkal niya sa bato gayong sumuot na sa tainga ko ang halakhak ni Jack. "Ako ang hintayin mong kukuha sa 'yo, maliwanag?"

Mabilis na pagtango ang naging sagot ko sa kan'ya. Naiangat ko ang mukha nang dumampi sa baba ko ang kamay ni Frankie.

"Kay Barbara ka lumapit pagkalabas mo. Pangako, kahit anong mangyari, nandito lang ako." Lumapat ulit ang mukha niya sa ulo ko. Ngayon ay ramdam ko ang pagdiin nito habang sapo-sapo niya ang pisngi ko. "Issa, minsan na akong nagkamali, hindi na mauulit.'

Humiwalay si Frankie sa pagtikhim na naman ni Kuya. Niyakap ko na lang ang binti at yumuko--kahit kailan panira talaga nito.

"Naamoy ko ang mga dambuhalang gagamba. Frankie, kailangan nating makaalis sa lugar na 'to sa lalong madaling panahon."

************

Wala akong mahanap na pics na close sa mga gwalltor 😭

Si AI naman parang tanga, hindi maintindihan ang gusto kong output 😂

Watcha think of this chapter?

Medyo nahihirapan na ako hahaha. But fighting pa rin. Aja!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro