Chapter 8
Chapter 8 | Close
Walong oras ang itinagal ng unang pag-gym ko. Dapat ay limang oras lang ngunit nag-extend na pala ang oras nang hindi ko napapansin. Lumabas na ako sa comfort room, nakapag-shower at bihis na.
"Oh? So, bukas wala ka rito?" boses iyon ng instructor ko na si Telsa.
She was morena and of course, sexy. Pasimple ko silang sinulyapan. Nakataas ang right leg ni Telsa sa harap ng naka-upong si Lukan.
Abala si Lukan sa pagpipindot sa cellphone niya at halatang wala ang atensyon kay Telsa.
Mabuti naman.
"Sayang naman, kung ganoon. Next time na lang natin gawin," bigong sabi ni Telsa.
Gawin ang ano, aber? Jusko. Sabi ko na nga ba't hindi ako nagkakamali sa inakala ko. Ang lakas rin nitong si Lukan kahit sa mga nakakatandang babae.
"Thera! See you next time," ani Telsa nang nakangiti sa akin.
Nginitian ko rin siya at tinanguan. Ako ba talaga ang gusto mong makita next time?
"Tapos ka na?" si Lukan iyon na abala pa rin sa phone niya.
"Yup. Uuwi na ako. Saan ka—"
"Uuwi? Hindi ka muna kakain?" kumunot ang kanyang noo ngunit sa phone pa rin ang tingin.
"Kaya nga ako uuwi, e. Doon ako kakain," I pointed out.
"Okay," tugon niya lamang.
As usual, nauna siya sa pagbaba. Napansin ko rin na may mga customers nang pumasok at binati siya. Most of them were girls. Famous talaga ang isang 'to pagdating sa mga babae, anomang edad.
Sa sasakyan ay magkatabi kami ulit sa backseat. Tahimik kaming dalawa—at dahil hindi ako sanay ay pasimple ko na namang tinignan kung ano ang pinipindot niya sa kanyang phone.
"Wow. Chess," pinilit kong hindi ma-excite.
Naglalaro siya ng Chess!
"Yeah. Bad trip nga, e," he said.
Natawa ako.
"Bakit? Talo ka?" asar ko.
"Ang bobo kasi nung ka-partner ko sa laro. Tanga mag-move," aniya at abala pa rin sa pagpipindot.
"Sige, magmura ka pa. Ikayayaman mo 'yan, e," I sarcastically said.
"I curse a lot," he randomly said.
"Alam ko... pero sana naman pigilan mo kahit tuwing kasama mo lang ako," I hissed.
"Kaya ko naman. Basta wala lang manb-bad trip," sabi niya.
"Bakit ka ba galit kaninang umaga? Dahil ba kay Eros?" I finally asked.
He sighed and slightly looked at me. He already calmed himself at mukhang sasagot na siya ngayon ng maayos.
"Oo. Naiirita ako sa mukha no'n. Mukhang gago," sabi niya.
I frowned. Kinuha ko ang phone niya at mabilis na nilagay sa aking bag.
"Hey!" saway niya ngunit may ngiti sa mukha.
"Ayan! Ngumiti ka na rin! Ang hirap mong suyuin, alam mo ba 'yon? Kahit si Telsa na nilandi ka kanina, hindi ka napangiti." I shouted at him.
Nakangiti naman siya habang nakikinig sa akin.
"So, gusto mo 'kong nakangiti lang?" he asked with amusement.
"Duh! Kahit nakakainis presence mo, nakakagaan pa rin sa loob ang taong may malaking ngiti. Kaya, yes. Saka hindi ako sanay na nakasimangot ka. Hindi bagay," I said.
Tumawa naman siya. Nakita ko na nagulat si manong sa tawa niya. Oh, ano manong? Tawang demonyo, 'di ba?
"Dapat kanina mo pa sinabi." he said.
"Paano ko masasabi kung ang sungit mo?" I questioned.
Umiling na lamang siya bilang pagsuko.
"Hindi mo ba ibabalik ang phone ko?" he asked, smiling.
"Mamaya na. 'Di ba, nab-bad trip ka sa ka-partner mo sa Chess? Kung kina-iinisan mo kasi ang isang tao o bagay, layuan mo na," I said.
"Kaya ba tinataboy mo ako?" he asked.
Tinaasan pa ako ng kilay.
"Well... yes," I said honestly.
"Bakit naman ayaw mo sa 'kin?" kunot-noong tanong niya.
"Basta... bibigyan kita ng listahan na ang title, Reasons Why I Hate Mr. Lukan Behemoth Fortelleza," I joked.
He chuckled.
"Talagang listahan? Ganoon ba talaga karami?" he asked.
"Yeah," I drawled lazily.
"Anong bang mayroon kay Eros na wala sa akin?" he asked randomly.
I arched my brows, "Why did you suddenly ask?"
He shrugged and answered, "Para alam ko..."
I snapped my fingers in front of his eyes.
"Kahit hindi ko gusto ang iba mong characteristics, don't copy anyone to impress me," I said.
His smile went back.
"So, you're saying that I should be myself around you but you don't like my characteristics?" naguguluhan niyang tanong.
I sighed.
"Just don't copy anyone, just be yourself kahit naiirita ako," I answered.
"Alright, hindi ko naman gagayahin si Eros, e. Alam ko namang mas lamang ako roon," he boasted.
I made a face.
"Hindi ka naniniwala? Noong mga bata pa kami, may gumawa sa Facebook ng face off namin," he shared.
Hindi ko alam kung dapat ko ba iyon ikangiti o ano.
"Sinong mas angat? Tapos nanalo ako. Panis, mukha pa lang 'yon, ha, hindi pa whole body," natatawa niyang kwento.
Hindi ko na napigilan ang tawa. Napaka-ewan talaga nitong lalaking 'to.
Nakarating kami sa bahay and as usual niyaya nina mama't papa si Lukan na kumain na sa amin, kaya nagsabay kaming dalawa sa pagkain ng lunch.
Lukan kept joking around and I silently thanked that his normal state was back. Hindi ako nabusog, sa totoo lang, pero part daw ito ng pagda-diet so okay lang tiisin.
"Mia..." tinawag ako ni Lukan.
"Oh?"
Hinarap ko siya.
"Hindi ka pa ba bibili ng mga art materials?" he asked me.
My brain processed first what that was.
"Para sa Children's Home bukas," habol niya.
Teka lang—Ah!
"Ay! Oo nga pala, 'no? Bakit ko nakalimutan 'yon? Gosh!" napakamot ako sa aking ulo.
"Hmm... magpahinga ka muna. Mamayang hapon ka na lang bumili. Sasamahan kita," sabi niya nang may nakalolokang ngiti.
"Oh, sige. Salamat," I said and went straight to my room.
I cleaned myself first before going on my bed to take a sleep.
Two hours had passed and I did everything to fall asleep but my system won't just cooperate and seemed tireless. Four PM na at kung matutulog pa ako ay tiyak na gabi na ako magigising.
Kahit tinatamad, kinuha ko ang aking ginamit na bag kanina para kunin ang phone ni Lukan. Eighty percent na ang battery nito kaya kinuha ko ang kaparehong charger at sinaksak.
Habang naka-charge, wala sa sarili kong ni-browse ang kanyang phone. Wala namang password kaya baka walang tinatago ang lalaking iyon. I knew I was invading his privacy but I'd tell him about this later.
Una kong tinignan ang kanyang contacts. Halos lumabas na ang mga small intestines ko katatawa sa mga pinangalan niya. Isa lamang doon ang matinong pangalan.
Aking Prinsesa
09265515010
Para akong pinagpawisan ng malamig. Number ko 'to. Alam kong wala akong pinagbibigyan ng numero ko kaya paano niya nakuha? Hmm... siguro hiningi niya kay mama?
May number ko naman pala siya pero bakit hindi niya ako tini-text? Not that I want—Ah kaya pala... kaya pala hindi nagt-text dahil hindi pumapatol sa texts. Halos mga kaibigan niya lamang ang na sa inbox at hindi ko na iyon binasa pa.
Sunod kong binuksan ang photos niya.
Pinindot ko ang Camera Roll kaya lumabas sa screen lahat ng photos niya. Wow! As in, wow! Hindi ko ni-expect na may dugo pala itong photographer. I mean... ang ganda! Ang ganda ng filters and angles ng photos niya. I wonder if he had an Instagram account?
Kaso may napansin ako sa mga kuha niya... black, gray and white lang lagi ang concept ng mga ito. They do looked peaceful... pero habang patagal nang patagal, palungkot nang palungkot ang nararamdaman ko.
May iilan ring pictures niya sa bar with his, maybe, friends. Sa sunod na pag-swipe ko, nakita ko ang picture niya na ngiting-ngiti habang naglalaro ng Chess. Tinignan ko ang kalaban niya at si ate Serin iyon. Nakangiti rin si ate habang naglalaro.
Siguro, na sa grade seven pa sila rito. So, close sila dati?
Sa sumunod na pag-swipe ko ay video naman. Sila pa rin na naglalaro. I unconsciously played the video.
Unang narinig ko ay ang pagtawa ni ate na para bang tuwang tuwa kahit natatalo na siya ni Lukan.
"Pinagbigyan mo lang ako, e!" si ate nang nakain niya ang Queen ni Lukan.
"At least na-realize mo na pwede mong kainin ang Queen ko, 'di ba?" si Lukan.
"Ewan! Palibhasa Chess Wizard ka," si ate.
"Chess—what? May ganon pala," si Lukan na mukhang lokong-loko sa sinabi ni ate.
"Oo! Ikaw!" si ate na tila ba rito lang naging masaya.
Then the video ended. They looked close to each other sa video. Ano ba talagang mayro'n sa kanila? Hindi naman sa curious ako ngunit nakapagtataka lamang kung bakit ngayon, hindi na sila nagpapansinan.
Wala na ako sa mood habang tinitignan pa ang ibang pictures ni Lukan. Hindi ko namalayan na na sa pinakatuktok na pala ako ng gallery niya.
Ang una niyang litrato ay, well, halata namang hindi ito rito sa device na ito kinuha. Parang ni-save niya lamang galing sa kung saan.
Ang una niyang litrato ay sila ni Eros na magka-akbay at may medal na suot. Sinubukan kong i-zoom para mabasa. Hindi ko kompletong nabasa pero tungkol sa Chess iyon. Lukan got the gold medal habang si Eros ay silver.
It made me smile.
Close friends rin sila rito sa picture ngunit anong nangyari ngayon?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro