Beginning
Naglakad ako sa campus patungong classroom, walang ibang inisip kung hindi ang magmadali. Narinig ko ang tunog ng bell na ang ibig ipamukha sa akin ay late na ako sa unang subject. Hindi naman ako madalas mahuli sa klase ngunit may mga araw talagang wala akong gana kaya't bumabagal ang kilos.
Nagmadali pa akong maglakad, yakap-yakap ang mga libro at pawisan dahil sa layo ng itinakdang silid. Sa sobrang pagmamadali, nadapa pa ako dahil sa hindi ko nakitang palapag.
Napapikit ako sa sakit ng tuhod bagkus sinikap kong tumayo't pulutin lahat ng nahulog na libro. Nang maaabot ko na ang unang libro, ang pinakamalapit sa akin, may isang kamay ng kumuha nito pati ang iba.
"Miss, ayos ka lang?" tanong niya sa akin, may pag-aalala.
Hindi ako agad nakasagot sa lalaking nilalang na ito dahil sa taglay niyang kagisigan. Marami na akong nakitang lalaki sa paaralang itong nakasuot ng jersey pang-basketball ngunit siya lamang talaga ang nakakuha ng aking buong atensyon.
"Oo, salamat," I uttered.
Inalalayan pa niya ako nang umamba akong tumayo.
Kumikirot pa ang aking tuhod ngunit hindi ko iyon pinansin. Nginitian ko siya kahit nakakunot ang kanyang noo.
"Dumudugo ang tuhod mo," deklara niya.
Tiningnan ko iyon, nagmadali pa sapagkat wala naman akong naramdamang sakit.
"Dadalhin kita sa clinic," he announced.
"Eros Entel, number 33! Late ka na sa practice!" tawag sa kanya ng kanyang coach na mukhang hinanap pa siya.
Pareho pa kaming late.
"Coach, sorry. Emergency lang, kailangan kong dalhin si Thera sa clinic."
Godness! He knew my first name!
Mia, which was my second name, ang karaniwang itinatawag sa akin dito. They believed that my first required much effort to say so, they sticked with the second.
Walang nagawa ang kanyang coach. Binilinan na lamang si Eros na agad tumungo sa court pagtapos akong asikasuhin.
Dinala niya ako sa clinic at siya pa ang gumamot sa sugat ko. Pakiramdam ko tuloy ay suwerte pa ang aking natamo at gusto muling madapa, matalisod o kahit gumulong sa hagdan basta't siya ang sasagip sa dulo.
Our eyes met accidentally and the thoughts inside me froze. There was something in him that could make most of the girls fall for him, I couldn't tell what... maybe it was his unique set of eyes or just the way he controlled himself.
Para akong pinako sa kina-uupuan. Lumapit siya sa aking mukha, as in sobrang lapit!
"Sa susunod ay mag-ingat ka," he reminded me using a soft tone.
Ano ba? Magpapayo lang pala kailangan pang ganito kalapit. Stop killing me, Eros.
"Thera, can I kiss you-"
"Thera Mia Zorron!" napadilat ako sa sigaw ng aming guro.
I was day dreaming again!
"Nandyan kasi ang crush niyang si Eros," anunsyo ng katabi kong pinsan na si Trojan.
"Manahimik ka nga," I ordered him to stop, it wasn't funny.
I shifted on my seat kahit mahirap.
True enough, ang pinagmulan ng daydreaming ko ay ang basketball players na na sa harap naming lahat ngayon, nandoon ang crush kong si Eros Entel, number 33.
I was only thinking of his name and number yet my inside self wandered through the limits.
"Oh, dahan-dahan lang sa paggalaw, Mia. Baka gumalaw ang fault lines," tukso ni Serin, ang muse umano ng team.
Peke akong ngumiti habang tinatawanan ako ng halos lahat ng taong naroroon. Dinugtungan pa nila ng mga masasakit na biro bago nag-proceed. They were humiliating me in front of crush and I couldn't make them stop.
I sighed and just accepted reality.
Ang reyalidad na kapag pangit ka, wala kang pag-asa. Ang reyalidad na sa social media lang naman tanggap ang mga tulad ko at piling tao pa ang nirerespeto.
Nakatulala lang ako kay Eros buong oras, hindi ko naman sinadyang gawin iyon. It was like my eyes were automatically fixed on him whenever he was around. Sometimes, you'd want him to gaze back and notice you... but most of the time, you'd wish he won't catch you. Maybe it was fear of shame or it was plainly because I had no confidence facing him in reality.
When the bell rang for break time, everyone stood up and bid good bye to the teacher. I wasn't attentive the whole hour, I wasn't even sure what I did except appreciating Eros' presence.
"Oh, paunahin ninyo si Mia sa pintuan, gutom na 'yan!" anunsyo ni Serin.
Tumawa na lamang sila at sinabayan iyon.
Despite of feeling afraid of their laughs and teases, I looked back to check them. Due of Serin's joke, Eros' sight lingered on me, as if questioning the situation. It was by then I noticed a piece of a paper pasted on my back.
Saying, "Gutom na ako. I want Eros."
Pinunit ko ito dahil sa iritasyon. They seemed unbothered of my emotions though and ripping the paper was no big deal for them. Insensitive, I used to say... but as time went by, my thought of the bullies changed. Maybe they were just too ignorant to notice the effects of their actions toward the victim... too ignorant to consider other people's feelings. Their knowledge only revolved around them and other concerns didn't mean anything to them.
Tanggap ko ang mga salita ngunit ang ganito ay hindi na nakatutuwa.
"Ano ba yan! Ang laking harang!" iritadong sigaw ni Serin galing sa aking likod.
Gumilid naman ako at nakita ang mga players na nagtatawanan sa likuran niya bukod kay Eros na seryosong nakatingin sa akin.
"Hindi pa rin tayo magkasya," sabi ng isa.
Subukan ninyo kayang mag-isa-isa sa paglalakad, 'di ba? Mga bakla ba kayo at gusto ninyong sabay sa paglalakad?
Nginitian ako ni Serin at saka lang sila tumuloy.
Ang laking harang.
Literal na malaki ako. With almost three layers of taba sa likod and two big braso. In short, to make a long paragraph shorter, to summarize my talambuhay, overweight slash obese ako... kaya ganon na lamang silang magsitawanan at manghusga.
I got used to it but it wasn't enough to say I already handled the situation fine.
Dumating na rin sa puntong sinabi ko sa aking sarili na normal lang ito. Ipinaintindi ko na lamang sa sarili na baka nagkulang sila ng bitamina sa katawan kung kaya't hindi gumagana ng mabuti ang mga utak.
At iyon, si Serin? Kapatid ko siya pero walang naka-aalam na kahit sino sa paaralang ito bukod sa mga guro at mga pinsan namin. Ang alam nila'y magpinsan kami. It was her plan anyway and I thought of it positively... hindi nila ako gaanong naikukumpara sa kapatid.
She was part of the school's cheering squad and they were inside our room earlier to convince everyone to show support on the upcoming competition.
"Ano ba yan! Naging masikip na ang cafeteria dahil kay Mia!" sigaw ng isang kaibigan ni Serin.
Bumili na lamang ako ng una kong nakita at lumayas na. Busog na ako sa mga tukso nila.
"Ano ba? Hindi niyo ba titigilan si Thera?"
Na sa labas na ako ng cafeteria nang may sumigaw no'n.
Binuksan ko ang pinto at nakitang si Eros ang sumigaw, nanahimik ang lahat at nagtagpo ang mga mata namin sa kahit maliit lang ang pagbukas ko ng pinto.
Alam niya nga ang first name ko... and I wasn't day dreaming! Kumalma ka, Mia, 'yong fault line!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro