Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 27

Dedicated to Caryl Faith Gonzales

Chapter 27

News

As the speed boat left bubbles of track on the seawater, my eyes couldn't help but water. And I silently thanked the cloak of the night for hiding my tears as Seiji Matsumoto, my love, fixed his eyes with me until all we could only see were each other's silhouettes.

I didn't know why my emotion felt so intense right now. Maybe because after those weeks that we were together – this feeling was so unrealistic.

Parang ang bilis . . . biglaan ang lahat ng pangyayari.

But isn't everything that happened to us were unexpected? Walang pinaghandaan at lalong pinagplanuhan.

That maybe, this was just a dream. That we're still going to wake up tomorrow morning with each other's arms wrapped together.

Too ironic, right? Our life on the island should be the one I considered as a dream, but here I am asking for this rescue to be a dream.

Wishing that my dream with my Japanese prince will last longer.

I wiped the tears rolling down my cheeks. Dalawang braso ko iyong halinhinan kong ginamit para punasan ang walang katapusang luha ko.

I told him that we're just minutes apart. Alam ko naman na may darating na rin tulong sa akin, pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Nasasaktan ako.

Because from the very beginning, I already knew our ending. Hanggang dito lang kami ni Seiji Matsumoto sa islang ito. Our happiness together, my dreams with him, laughter, kisses, and endless I love yous.

Komplikado ang sitwasyon namin.

When I pushed him away, it wasn't because of my tarnished name, but because I cared about his. Natatakot ako na baka makaapekto ang presensiya ko sa pangalang mayroon siya.

Tama nang sa islang ito ko lang siya ginulo, tama nang hanggang dito na lang ang lahat.

Seiji Matsumoto made me realize that there are still lots of genuine people, and he's one of them.

Naupo na ako sa buhangin. I wrapped my arms around my legs and hid my face behind my knees. I stared blankly at the serene waves of the sea.

I didn't wait long when I heard series of noises from the engines of different water vehicles. Napatingin na rin ako sa himpapawid nang may tumamang liwanag sa buong katawan ko. Even a chopper!

Napatayo na ako. Marahan kong iniharang ang aking braso sa may tapat ng noo ko para hindi ako tuluyang masilaw sa tama ng iba't ibang liwanag mula sa iba't ibang sasakyan.

The wind continued to blow my hair and my iconic satin dress—the same dress I wore during the night of the tragedy. Numerous radios were all ringing with a familiar language but unrecognizable words, and shadows of hurried people continuously jumping off the boat, running towards my direction.

I already expected rescuers, but a sudden relief crept into my face when I recognized the first person.

Another batch of tears rolled down on my cheeks. "A-Akio!"

"E-Everleigh . . ." He uttered my voice with mixture of pain, happiness, and relief.

Hindi ko na nagawang hintayin pa si Akio na makarating sa akin dahil tumakbo na ako at mahigpit siyang niyakap at ganoon din siya sa akin. Kung kanina ay pinipilit ko ang sarili kong huwag umiyak, ngayon ay hinayaan ko ang sarili kong humagulhol nang napakalakas.

"I'm sorry, Eve. I shouldn't have—"

Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Mabilis kong inilagay ang dalawa kong kamay sa labi niya para patigilin siya sa anumang sasabihin niya.

"No, please. Let's not talk about this. I want to forget everything."

"Eve . . ."

May lumapit na rin sa aming ilang Japanese rescuers. Si Akio na mismo ang nakipag-usap sa kanila. Si Akio na rin ang naglagay ng makapal na towel sa balikat ko at hindi na niya ako binitiwan hanggang sa makasakay na kami sa rescue boat.

Buong biyahe namin sa dagat, nanatili akong tahimik. Hinayaan lang ako ni Akio na humilig sa braso niya habang tulala ako sa kalawakan ng dagat.

I heard him sigh before I finally closed my eyes, wishing that after I opened it again, I'll forget everything.

***

Akio respected my silence. He never asked anything that happened on the island, and he made sure that my security's tight enough to guard me against the media.

"D-Do you want me to call your psychologist, Eve?" nag-aalangang tanong sa akin ni Akio.

Halos tatlong beses sa isang araw dumalaw sa condo ko si Akio. At alam kong kapag sinabi ko sa kanya na huwag na siyang magtrabaho at bantayan niya na lang ako, sigurado akong hindi siya magdadalawang isip gawin iyon.

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung wala siya sa tabi ko.

I looked at him. "Why? Do I look unstable again?"

He just stared at me. Hindi na niya kailangan pang sabihin sa akin ang sagot niya.

Isinandal ko ang sarili ko sa headboard ng kama at pinagdaop ko iyong dalawang kamay ko habang mariing akong nakatingin doon.

"I think I should start working again."

"W-What?"

"That will help me to recover soon."

"No."

Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang napabuntonghininga.

Hiniling ko kay Akio na umuwi na rin kami agad nang gabing ma-rescue ako. Hindi ko man napilit na sa mismong araw din iyon ang pag-uwi namin, kinabukasan ay sinigurado na ni Akio na maibibigay niya ang kahilingan ko.

Simula nang dumating ako rito, wala pa kaming napag-uusapan na kahit ano. From our family, career . . .

Blanko ako sa lahat ng bagay. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas ng loob magtanong sa kanya.

"What else should I do, Akio?"

Lumapit na sa akin si Akio at naupo na siya sa kama ko. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko. "I am so sorry, Eve. Dapat hindi na kita pinilit—"

"It already happened, Akio. Stop apologizing, please. Ang mahalaga ay ligtas ka at ako."

"But I made things worst. Nagsisimula ka nang maka—"

Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at ako na mismo ang humawak sa kamay niya.

"I'm not blaming you, Akio. You're the only thing that I got. ikaw lang ang piniling manatili sa tabi ko habang sila ay isa-isang tumalikod sa akin. Why would I blame you? You invited me to that party to divert my attention—"

"But—"

Umiling ako sa kanya. "I am fine, Akio."

"Then tell me what to do, Eve? Tell me something."

"I just want to work."

"But you need to rest first, Eve. Hindi biro ang inilagi mo sa isla. You lose weight. You don't look fine. You're not ready for work yet," mas madiing sabi niya.

Alam kong hindi ako mananalo kay Akio ngayon kaya inilahad ko na lamang ang palad ko sa kanya.

"Give me a phone then. I want to see the news."

Saglit na napatitig sa akin si Akio. He looked so hesitant. Pero wala na siyang mapagpipilian, kung pumayag na ako sa gusto niya, dapat ay pagbigyan niya na ako rito.

"For?"

I rolled my eyes.

"Akio, I am a top celebrity. Gusto kong malaman ang nangyari sa buong bansa nang sandaling pumutok ang balitang nalunod ako, namatay, or whatever fake news na kumalat habang hindi pa ako nakikita."

Bago pa ibinigay sa akin ni Akio ang phone niya, may sinabi na siya sa akin na hindi na nakapagpagulat sa akin.

"You were announced missing, but the social media already mourned for you. I swear, Eve, during that day—"

Tipid na akong natawa dahil naglalabasan na naman iyong ugat ni Akio sa kanyang noo.

I could imagine his short temper during this crisis.

"It's okay, Akio. Ganoon naman talaga sa social media."

I first looked at my twitter account. I am now trending.

#SidraEverleighisAlive #TheShowbizGoddessisAlive

I grinned. Dapat magpa-concert na ako sa comeback ko.

Dahil hindi naman ang balita ngayon ang gusto kong malaman, I checked the previous posts of the netizens, and I gasped in disbelief.

Napasulyap ako kay Akio na bahagyang napakibit-balikat.

"H-How did they discover this?"

Muling napakibit-balikat si Akio. I bit my lower lip and continued to scroll down the posts about me. Lalo na iyong pinakatinatago-tago ko. Paano iyon naungkat ng mga taong ito?

"That's the reality of life, Eve, isn't it?"

I bitterly smiled at him. Biglang nanghina ang kamay ko na nakahawak sa phone niya at mas binigyan ko siya ng pansin.

"Yes. People will start to look at you in a bright side when you're no longer existing in this world . . ."

Very ironic, right? Instead of appreciating someone while he is still breathing, people tend to give more credits when he's already dead.

"Kapag buhay ka, pilit silang hahanap ng butas para hilahin ka pababa. Pilit silang hahanap ng mali para siraan ka. Pero sa sandaling mabalitaan nilang wala ka na, they will start to appreciate you, even to your smallest effort," naiiling na sabi ko.

Dahil nang sandaling kumalat na sa social media na patay na ako, biglang naglabasan ang lahat ng pagtulong ko sa likod ng camera. I was sure that I made my every help discreet, nakiusap ako sa iba't ibang foundation na tinulungan ko na huwag nang banggitin ang pangalan ko, and all the donations I'd made was anonymous. Pero ngayon ay halos alam na ng buong Pilipinas kung ilang taon na akong tumutulong sa likuran ng camera.

Kumalat na rin ang katotohanan sa nakaraang eskandalo na nasangkot ang pangalan ko. It was a different woman. At paulit-ulit napatunayan na hindi ako ang babaeng nasa video.

Hindi ko masyadong binasa ang parteng iyon. I am still a woman, and I can't be happy and relieved when another woman might be bearing the same pain and hatred that I'd felt before . . . kahit na siya talaga iyong babaeng nasa video.

I want to help her and put someone into his or her rightful place for spreading that damn video.

Hanggang sa hindi ko na magawang pigilan ang sarili kong basahin ang napakaraming mensahe ng mga tao para sa akin. Nasapo ko na ang bibig ko para pigilan ang paghikbi ko.

I thought that island trap will pull me down again. It was a tragedy at maraming buhay ang nadamay at kailanman ay hindi ko iyon ipagpapasalamat, ngunit hindi ko akalain na hindi lang si Seiji Matsumoto ang makikita kong liwanag sa pangyayaring iyon.

It wasn't just my realization, but also to those thousands, or millions of judgment eyes.

Na hindi lang ako iyong kilalang artista, sikat, at pinagpapantasyahan ng lahat. There is still a lot of version of me na pinili kong itago at hindi na kailangan pang ipagmalaki.

I am already satisfied with helping people discreetly.

Because I believe that the real essence of helping is not all about the clicks and the flashes of the camera.

The essence of it is when you suddenly felt a warm touch on your heart the moment you extended your hand to help, because nothing could beat a recorded help from genuine memories than a photograph or videos.

Mas masarap balik-balikan sa isipan iyong mga bagay na ginawa mo nang kusang-loob at walang inaabangan kapalit at papuri. At ngayong nakikita ko na iyong pilit kong itinago sa lahat, ay naungkat pala at paulit-ulit na binibigyan ng pasasalamat ng napakaraming tao . . .

Hindi ko akalaing masarap din pala sa pakiramdam.

Ang tagal din simula nang makabasa o kaya'y makakita ako ng mga mensahe patungo sa akin na punong-puno ng sinseridad.

"The posts were from the charities, Eve, sa lahat ng mga tinulungan mo, pinsan. They wanted to scream to the world how wonderful you are, na mali ang tingin nilang lahat sa 'yo."

Muling nanginig ang buong katawan ko sa sinabi ni Akio. Magkahalong saya at lungkot ang siyang nararamdaman ko sa mga oras na ito.

"You are a wonderful woman, Everleigh. Always remember that. You are beautiful inside and out," nakangiting sabi ni Akio sa akin.

Halos manghina ako sa sinabi niya.

"Thank you."

Sa unang pagkakataon, simula nang makalabas ako sa isla, nakahinga ako nang maluwag. Tumingin ako sa bintana at muli kong inalala ang imahe ng lalaking unang nagparamdam sa akin na hindi lang ako maganda.

"Yes, I am always beautiful."

When I blinked, his image suddenly disappeared. Pero buo na ang desisyon ko at alam kong kailanman ay hindi ako magiging masaya kung hindi ako susubok.
I want to see him again. Gusto kong sumugal at subukang gibain ang pader na nakapagitan sa amin.

Huminga ako nang malalim at muling hinarap si Akio.

"I have a favor to ask, Akio."

Ngumiti siya sa akin. "Sure. All for you, Eve."

"I want to meet Seiji Matsumoto. Siya ang kasama ko sa buong pananatili ko sa isla."

Akio's brows automatically creased. "What?"

"I am in love with him, Akio."

Umawang ang bibig ni Akio na tila hindi makapaniwala sa sinabi ko. Of course! Alam niya kasing nagbibiro lang ako noon sa kanya.

"Akio, please—"

"But Seiji didn't make it, Eve. His body was found the day of the tragedy."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro