Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 26

Dedicated to Fatimah Wazeera Ameril

Chapter 26

Good byes

I didn't stop waving and shouting at them to get their attention. I jumped and waved our shirts desperately. Thankfully, I got their attention, or should I say they were actually going here.

I was gasping for air when a woman and a man rode off from the speed boat, and both of them had questioned expressions. Who wouldn't be? A messed woman in a silk dress and a man in a cocoon.

"T-That is our tent," the woman said.

My mouth hung open as I stared at them in disbelief. After three weeks, I finally met the owners!

And the woman can speak in English!

I was hesitant to step towards them at first, but when I realized our real situation and Seiji's state right now, it made me continue to walk straight to these strangers.

I noticed that the guy was Japanese.

Tumigil lang ako sa paglapit sa kanila nang kaunting distansya na lang ang nakapagitan sa amin.

"We need help."

"W-What," usal ng babae. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Seiji na nakadungaw pa rin sa tent.

"It's hard to explain this . . ." Hindi ko rin alam kung paano ko sisimulan, lalo na't hindi ko rin naman alam ang nangyari sa cruise ship na sinakyan namin ni Seiji.

"Any news about the cruise ship that . . ."

The woman gasped in disbelief and the man immediately pulled his phone from his pocket.

"S-Survivors!" marahas na lumingon ang babae sa kasama niya. Hindi na sila nagsalita pa at tumango na sa kanya ang lalaki.

Napahinga ako nang maluwag. Hindi ko alam kung bakit at ano ang biglang nangyari sa katawan ko, pero kusa na iyong bumigay. Mabilis na dumalo sa akin ang babae para alalayan akong makaupo sa buhangin.

"Eve . . ."

Narinig kong nagpumilit lumabas ni Seiji sa loob ng tent.

"Bring him first," ani ko.

Sumulyap ako sa speed boat nila. Alam kong pangdalawang tao lang iyon, but Seiji's thin . . .

"What?"

"Please, bring him first. I know help will soon come. I can wait but him . . ." Hindi man sabihin sa akin ni Seiji, malakas ang kutob ko na may nakakagat nga sa kanya.

Maybe it happened when he was looking for our food.

Maraming ahas sa kagubatan at ano mang klase ng insekto na hindi pamilyar sa akin. Every minute counts.

"Ibu . . ." Mas malapit na ang boses ni Seiji sa akin.

Nang lumingon ako sa kanya ay wala na ang balot sa katawan niya. But what caught my deep attention was his pale appearance right now. Hindi lang ako ang saglit na napatulala sa kanya, dahil ang babaeng nasa harapan ko ay hindi na rin maipinta ang mukha nang makita si Seiji.

Nangangatal akong binitiwan ng babae at halos takbuhin niya iyong lalaking ngayon ay may kausap sa phone niya.

Lumuhod na si Seiji at sinapo niya ang mukha ko. "Daijoubo?"

Tumango ako sa kanya. "H-Hai."

Saglit siyang lumingon sa babae at lalaking tumutulong sa amin. Tipid akong ngumiti kay Seiji. "Help. They will help us." I bit my lower lip.

Biglang bumalik sa isip ko iyong sinabi ng babae. Survivors.

Sobrang lamig ng kamay ni Seiji sa pisngi ko, pero sa halip na pansinin ang lamig niyon, inihawak ko na lang rin ang kamay ko sa likuran ng kamay niya para maramdaman niya ang init ko.

"I love you," I whispered to him.

He blinked.

Hindi na nagkaroon ng pagkakataong sumagot sa akin si Seiji Matsumoto nang nagmamadaling bumalik ang babae at lalaki.

"About half an hour."

Saglit kaming naghiwalay ni Seiji. Kapwa na nakaangat ang mga mata namin sa dalawa. I could see panic in her eyes when she glanced again at Seiji, kahit iyong hapon na kasama niya ay dalawang beses napatingin kay Seiji.

I know . . . kahit ako, nakikita ko sa hitsura ni Seiji ang matinding pamumutla. Para na siyang walang dugo, ang lamig ng kamay niya, at alam kong pinipilit niya na lang gumalaw.

Marahan akong tumango. "Please . . ." ani ko sa babae.

She nodded at me.

Dahan-dahan kong tinanggal iyong kamay ni Seiji sa akin. Lakad-takbo ako para kunin iyong kumot na nahulog na sa buhangin. Bumalik ako sa tabi ni Seiji at ibinalot ko ulit iyon sa kanya.

"Ibu . . . ?"

"Come with them muna, bebe. Susunod naman ako." I glanced at the woman and the Japanese man beside her. "Help, please."

Nag-alangan pa sila nang umpisa pero sa huli ay lumapit na rin sila sa amin para alalayan nila si Seiji.

"Ibu . . ."

"You come with them, Seiji. I will wait here. The rescue will come soon, you need to go first."

"Honey," rinig kong sabi ng babae.

"Alright," sabi ng lalaki. He can also speak in English. Siya na mismo ang nagpaliwanag kay Seiji kung ano iyong gusto kong mangyari.

"Ie," umiiling na sabi ni Seiji.

Muli kong nakagat ang pang-ibabang labi ko. "Seiji! It's just thirty minutes! Please, you're not well."

"Please, bring him." Halos itulak ko na si Seiji sa babae at lalaki.

Umiiling siya at pilit bumabalik sa akin. Dapat hindi ganito ang eksena naming dalawa. Dapat masaya kaming aalis sa islang ito pero bakit ganito?

It's just thirty fucking minutes! Pero natatakot ako . . . ayaw kong humiwalay sa kanya, gusto kong sabay kami pero mahalaga ang bawat minuto.

"Eve, Seiji sutei."

He cupped my face, like a poor little boy begging for something. Tinanggal ko ang kamay niya.

"Seiji! Thirty minutes lang! This is so dramatic for us! Nakakahiya na sa kanila!" I pushed him again. "Go with them!" Ilang beses ko pa siyang itinulak. "Please . . ." ani ko sa babae at lalaki.

Inalalayan na nila si Seiji habang hindi niya tinatanggal ang mga mata sa akin.

"Eve . . ."

"Go! I'll follow you."

Akala ko ay sasama na siya talaga sa kanila pero nagsalita siya doon sa lalaki. Humakbang na naman siya pabalik sa akin.

"He says that he will wait with you. He doesn't want to leave you alone here."

Mariin akong napapikit.

"Tell him to go with you. Tell him that he needs to go with you! I'm fine alone! Because once that the rescue team arrives, that means it has media! My image will get ruin again! He will ruin my image! I don't want the media, the world, and the damn showbiz discovers or even take a single picture of us together on this island! Another man again . . . the showbiz will bury me alive . . ."

Alam kong hindi ako naintindihan ni Seiji pero nakita kong natigilan siya. Maybe because he saw my desperate expression. Hindi ko na alam ang dapat kong sabihin sa mga oras na ito.

I want him gone in this island. Halos hindi ko na nga siya magawang tingnan dahil sa hitsura niya, he looked dead.

"Do you want me to translate—"

"Tell him. All," I said.

Hindi natatanggal ang mga mata namin sa isa't isa. Hindi man lang ako kumurap habang sinisimulan na ng lalaking sabihin kay Seiji ang lahat ng sinabi ko.

Gusto kong umiyak sa harap niya. This shouldn't be emotional, ilang minuto lang naman ang pagitan ng pag-alis namin, pero hindi ganitong pag-alis ang siyang inaasahan namin.

"H-Hai, wakatta," tipid na sagot ni Seiji na mas kumirot sa dibdib ko.

"Go . . ."

Hinawakan na ng babae at lalaki ang braso ni Seiji. Ako ang siyang unang nagtanggal ng titig namin sa isa't isa hanggang sa tuluyan na siyang tumalikod sa akin kasabay ng babae at lalaki.

I saw how he pulled the blanket around him. It's cold. I know, baby.

I'll see you later. I hope.

Unang sumakay sa speed boat iyong lalaki, sumunod si Seiji na inalalayan ng lalaki, at sa huli iyong babae. Kailangan nilang igitna si Seiji dahil baka mahulog ang mahal ko.

Akala ko ay hindi na lilingon sa akin si Seiji, alam kong masama ang loob niya sa sinabi ko. Pero iyon lang ang natitirang paraan para makumbinsi ko siyang mauna na sa akin.

He stared at me. Ganoon din ako sa kanya. Balot na balot siya ng kumot at kitang-kita ko ang pangangatal ng katawan niya.

I stayed standing on the sands with my hair and satin dress flowing with the sea breeze.

Kung sa ibang pagkakataon, baka matawa ako. We're like Jack and Rose. Iyon nga lang, hindi life boat ang sinasakyan ni Seiji kundi speed boat, at siya itong nakasakay, nilalamig, at balot na balot. Hindi ako.

Well, everything is always opposite when it comes to us.

The Japanese guy was about to start the speed boat, and I was about to wave my good bye at Seiji when he suddenly jumped from it and ran towards me.

Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at sinalubong ko siya. I was crying when my arms wrapped around his nape. Sobrang higpit din ng yakap niya sa akin na parang ayaw niya na akong pakawalan.

"Ibu . . . Seiji sutei," ulit niya sa akin.

"No . . . I will follow you, bebe. Promise."

And then, I tiptoed and kissed him. It was a different type of kiss, not just a smack or not even a teasing like I always did, but a slow rhythm of possessiveness with a mixture of longing.

Mas pinalalim ko ang bawat halik ko sa kanya na halos lunurin ko na si Seiji at hindi na siya hayaang huminga pa. But my baby . . . he tried his best to kiss me back and made me feel how he desperately want me to stay by his side.

Kapwa kami humihingal habang magkadikit ang aming mga noo.

"Go . . ." I whispered.

"Ibu . . ." Umiiling na naman siya.

"Go . . ." mas malambot na bulong ko sa kanya.

"Ibu . . ."

I tiptoed and pulled him again. This time I showered him kisses on different parts of his face. Iyong lagi kong ginagawa sa tuwing nanggigigil ako sa kanya.

"Mahal kita, bebe."

"Ibu . . ."

Muli ko na siyang itinulak. Ilang beses man siyang umiling sa akin, alam kong nakikita niyang buo na ang desisyon ko.

I am willing to stay here. Habang siya ay dinadala na sa hospital. It's just a few minutes away.

I'll come after him. Ipapakilala niya ako sa family niya at sasabihin ko kay Akio na may boyfriend na akong hapon!

Everything will be okay after this island trap.

"Hindi kita mapapatawad kapag bumaba ang sperm count mo dahil hindi ka agad pumunta ng hospital! Sayang iyong ten babies natin, Seiji!" I pushed him harder.

Pinilit ko ang sarili kong ngumiti habang itinutulak siya pabalik sa speed boat.

"Go . . ." ulit ko.

Nakababa na ulit iyong babae at hinihintay na niya lang si Seiji na sumakay ulit. Akala ko ay susunod na siya sa gusto ko, pero bumalik na naman sa akin si Seiji, this time he initiated the kiss.

But I didn't kiss back. Ipinikit ko lang ang mga mata ko at hinayaan kong damhin iyong malambot niyang labi at malamig na kamay sa pisngi ko.

"Aishiteru, Eve . . ."

Ngumiti ako sa kanya. "Onaji, Seiji. Now, go . . ."

Hindi ko alam kung bakit ganito iyong nararamdaman ko at nasisiguro ko na maging si Seiji ay ganito na rin, dahil halos pareho kami ng ekspresyon. Maybe because we're really attached to each other, and the idea that we'll part ways even in just a few minutes, triggered us.

Biglang bumalik ang lahat ng pinagdaanan namin ni Seiji sa loob ng tatlong linggo. Simula nang una kaming magkita sa cruise ship, sa unang beses na paghabol ko sa kanya, sa pagmulat ng mga mata ko at siya ang una kong nakita, at sa lahat ng mga tawa at pangungulit ko sa kanya.

The kisses, confessions, laughter . . .

Ang sarap balik-balikan, na hindi ko magawang isipin na sa kabila ng trahedyang nasapit namin, nagkaroon kami ng sandalan—ang isa't isa.

Hindi ko pagsisisihan na nahulog ako sa kanya, anuman ang mangyari sa pagitan namin sa sandaling kapwa na kami makalabas ng islang ito.

"We need to go," ani ng babae.

Pansin ko ang saglit na pagbuka ng bibig ni Seiji pero agad niya rin iyong tinikom. Ngumiti lang ako sa kanya at marahan kong itinaas ang kamay ko. I waved at him with a bitter smile on my face.

"See you later, bebe ko," malambing na sabi ko.

Then the speed boat rescued my Seiji Matsumoto away from the island, leaving me behind full of tears, and I didn't know why.

But maybe I have this strong gut feeling that everything will end here.

Dahil matapos ang gabing iyon at nang sandaling inanunsyo sa mundong ginagalawan ko ang kontrobersyal kong pagkabuhay mula sa trahedyang gumimbal sa lahat . . .

Hindi ko na muling nakita si Seiji Matsumoto.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro