Chapter 24
Dedicated to Elisha Suribas
Chapter 24
Claps
I enjoyed the whole day with Seiji. Dahil alam ko namang na-e-expire iyong paglandi niya sa akin, ako na lang ang nagtuloy buong maghapon.
All he did was to stand or sit while my whole body was constantly clinging onto him. Maghapon siyang bumuntonghininga at napapailing sa pinaggagawa ko sa kanya.
He can't just stop me. I want to flirt with him all day! Habang kaming dalawa pa lang ang nasa islang 'to, sinabi ko sa sarili kong hindi ko na tatantanan si Seiji Matsumoto.
I'll shower him my silliness, beauty, and my different types of presence, na sa sandaling mawalay lang siya sa akin saglit, magkukumahog siyang bumalik sa akin.
I told myself that I'll make him addicted to me. Na mararamdaman niya ang kakulangan sa sandaling malayo na kami sa isa't isa.
Kung hindi ako kumakandong sa kanya, lagi akong nakayakap sa likuran niya habang nakaupo siya sa buhangin at nakaluhod ako. I'll always rock our bodies, hanggang sa magreklamo siya sa akin ng pamatay niyang itai.
"Bebe ko," I whispered to his left ear. "Bebe ko," I repeated it to his right ear.
Paulit-ulit ko iyong ginagawa hanggang sa lumingon na siya sa akin na may naniningkit na mga mata.
"Hansamu, bebe . . ." I said and then I'd play the tip of my forefinger on his pointed nose.
Marahan ko iyong pinaglalandas mula sa gitna ng mga kilay niya, hanggang sa tungki ng ilong niya.
Sa tuwing sinasabi ko na gwapo siya, lagi siyang umiiling sa akin. He needs more confidence! Boyfriend kaya siya ng isang napakagandang Sidra Everleigh! Pipili ba ako ng pangit?
He's super handsome!
Pinagpatuloy ko ang iba't ibang style ng paglandi sa kanya.
But everything was okay with him. Minsan ay nahuhuli ko rin naman siyang nagpipilit hindi ngumiti. Madali lang naman kasing mapansin iyon dahil lumiliit iyong inaantok niyang mga mata.
Bukod sa biglang pagtapon ng sarili ko sa kanya at pagyakap, isa na rin sa madalas kong gawin ay iyong sunod-sunod na paghalik sa iba't ibang parte ng mukha niya, habang naaasar na siya.
He's like an annoyed baby! Ngunguso, magrereklamo pero pulang-pula naman. Gusto ko sanang maubos na lang ang oras namin ni Seiji sa paglalambingan, pero parang siya iyong sobrang napapagod sa aming dalawa. Samantalang ako, full powers pa ako buong maghapon.
"Bebe, I think we should do something new again."
He's no reaction again. Nakatitig na lang siya sa akin. "Hmm, if I'm done with singing and dancing . . ." Muli akong sumulyap kay Seiji.
He sighed before looking back at the sea.
"Lagi na naman akong umaarte sa 'yo. What should we do next?"
Humilig muna ako sa braso niya at nag-isip ng pwede naming gawin, hanggang sa biglang nagliwanag ang mukha ko.
Ilang beses lang namin nagawa iyon ni Seiji, why can't we try other scenes kaya? Lagi kasing mag-asawa ang setting namin.
"Bebe, I have an idea!" masiglang sabi ko sa kanya.
So, I explained everything to him in the simplest way, and of course, he shook his head.
"Wakaranai, Ibu."
Pero sa halip na ma-bad trip ako sa kanya, ngumisi lang ako at hinampas ang braso niya. Hinimas niya ulit iyon.
"Itai . . ."
"Hai! I love you too, Seiji! Let's go!"
Tumayo na ako at excited na hinila iyong kamay niya para tumayo na rin. Dahil sanay na siya, hindi lang sa biglang pagyakap ko, kundi pati na rin sa paghila ko sa kanya, hindi na ganoon kabagal ang pagtayo niya.
I giggled with excitement.
I started to run on the bed of white sands with our hands clasped together, barefooted, gentle sunlight as our cameras, the wind blowing my hair, and Seiji's eyes sparkling as he allowed himself to be pulled by me.
Hindi ko maiwasang sobrang kiligin sa tuwing lumilingon ako pabalik kay Seiji. He's like an innocent baby being taken by his guardian angel to play inside a paradise.
Para siyang wala sa sariling nagpapatangay lang sa bawat hila ko sa kanya, habang wala akong tigil sa pagngiti at pagtawa sa tuwing hinihila siya para habulin ako.
"Faster, bebe! Malapit na tayo."
"Doko?"
Hindi ko siya sinagot. Hindi ko rin kasi naintindihan kung ano na naman sinasabi niya. Pinagpatuloy ko ang paghila sa kanya hanggang sa makarating kami sa lugar na gusto kong pangyarihan ng gagawin namin.
Pinakawalan ko ang kamay niya at namaywang ako sa harapan ng lugar na gusto kong ipakita sa kanya.
"You ready?" I asked him with a grin.
His brow creased. "Wakaranai, Ibu."
"No, Seiji! We need to do this. Para sa kinabukasan nating dalawa! Sa buong pamilya natin. Marami tayong gagatasan! Ten!"
Kunot na kunot ang noo niya sa akin. Humakbang akong muli papalapit sa kanya. My hands tightly gripped his shirt as I laid my forehead on his ribcage.
Para kaming mag-asawang nagbabalak umutang ng bigas sa kapitbahay.
"I'll be the breadwinner, Seiji, but to maintain that, I shouldn't waste my time here. We can still flirt while I practice, right?"
"Wakaranai, Ibu," he said frustratingly.
Napapadyak ako sa buhangin. "Why? Aasa ka na lang ba sa breastfeeding, Seiji? Bibili rin naman tayo ng gatas! Huwag lahat sa akin! Besides . . ." I curled the tips of my hair with my fingers. "It's not just the babies. Their Tatay too . . ."
Pag-iling lang ang ginagawa ni Seiji Matsumoto. Nahampas ko ulit ang braso niya at nasapo ko ang mga pisngi ko dahil bigla na naman iyong nag-init.
"Si Seiji talaga! Don't flirt with me here! Nasa set na tayo!"
Napapakamot na siya sa magulo niyang buhok.
"Let's go, Seiji!"
And we started our little game.
***
My forehead continued to bead sweats. I glanced at my digital wristwatch and my heartbeats turned into a somersault. We're running out of time.
I gripped my handgun firmly as I adjusted my earpiece to hear the accurate location of our enemies. But it seemed like something bad happened at the main headquarters because I didn't hear any updates from my monitor partner.
Nakaramdam ako ng kulbit sa balikat ko.
"Ibu."
"Agent Seiji, focus!" ani ko na hindi lumilingon sa kanya.
Sumilip ako mula sa pinagtataguan namin para makita kung may paparating na kalaban. Mas humigpit ang hawak ko sa baril na hawak ko.
"Ibu," muling bulong ni Agent Seiji sa tainga ko.
I shivered. Hindi ko na napigilan ang lumingon sa kanya. "Bebe, ano ka ba! Don't whisper like that—" Bigla kong naalala na nasa set pala kami. Agad kong binago ang ekspresyon ko at kumunot ang noo ko sa kanya.
"Agent Seiji, I know this is your first mission. But don't worry! I'm here to cover for you. After all, you're my apprentice." Tinapik ko nang ilang beses ang balikat niya.
Napalingon siya doon sa kamay ko at pansin kong kanina pa siyang nagpipigil ng tawa.
Nang mas isandal ko iyong likuran ko sa bato dahil biglang may dadaang mga kalaban at mapansin ko na hindi gumagalaw si Agent Seiji, agad kong inikot ang katawan ko. I pinned him against the big rock to hide our bodies.
"Si Agent Seiji, tsansing ka naman sa akin, e!" bigla kong sabi, pero agad ko rin pinilig ang ulo ko nang maalala kong nasa set nga pala kami.
Bago pa ako samantalahin ni Agent Seiji at makarating na kami sa kissing scene, kahit malayo pa naman, humiwalay na ako sa kanya.
"Cover for me, Agent Seiji!"
I used my award-winning action star stunts. Bukod sa biglang pagyuko, mabilis akong gumulong sa buhanginan habang itinututok iyong baril ko kung saan-saan na parang may binabaril talaga ako.
I even had my amazing tumbling. Humihingal ako nang makarating ako sa isang malaking bato, habang si Agent Matsumoto ay nabitiwan na iyong hawak niyang baril at nakatulala na sa puwesto niya. Nakaawang pa nga iyong bibig niya sa sobrang pagkamangha sa akin.
I waved at him to follow me. Kaya tumingin siya sa baba at pinulot niya iyong nalaglag na kahoy. Sobrang effort ko talaga sa paglipat sa pinagtataguan ko pero si Seiji Matsumoto, siguradong nabaril na, head shot pa sa paraan niya ng pagpunta sa akin.
Ano na, Agent Matsumoto? Earthquake drill ba tayo? Dahil sobrang bagal ni Seiji sa pagtakbo niya habang nakaharang iyong dalawa niyang kamay sa ulo niya na parang mababagsakan siya ng niyog.
Kaya hindi na nga ako magtataka na madali siyang nabaril noong panahon ng pananakop ng mga hapon.
Nakayuko siya at nakikita ko na kagat na niya ang labi niya para pigilan ang pagtawa niya. Dahil sisirain lang ni Seiji iyong pamatay kong acting skills kanina, I made another dramatic scene.
"Agent Seiji!"
Kunwari tumingin ako sa taas at may kalaban doon, kaya mabagal na napatingin si Seiji sa langit na parang may dumaang eroplano. I jumped at him and overwhelmed his whole body.
Dahil sanay na akong gumugulong ang katawan namin dalawa sa buhangin, hindi na naging mahirap sa akin ang scene na iyon, habang si Seiji, itai pa rin nang itai.
"You okay, Agent Seiji?" humihingal na tanong ko.
"Itai . . ."
"We're near," usal ko. Mabilis na akong tumayo at inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Eksaktong katatayo pa lang niya, agad akong sumandal sa likuran niya. Ibinuka ko na iyong dalawa kong kamay na parang may hawak iyong baril.
Pinalilibutan na kami ni Agent Matsumoto!
Wala sa sariling napatingin sa paligid si Seiji, nag-aalangan pa siya kung saan itututok iyong kahoy niya. Ilang beses siyang napapayuko, hanggang sa mapansin kong yumuyugyog na nga ang balikat niya.
Siniko ko siya. Kaya pinilit niya ang sarili niyang itutok ulit iyong baril sa hangin. Gusto ko talaga sobrang cool namin ni Seiji na partners, pero sobrang lamya niya talaga. Bakit gano'n?
When I started to move and turn around, halos itulak ko si Seiji para gayanin ang ginagawa ko. That is my favorite part in action movies, iyong mako-corner na iyong mga bida ng mga kalaban.
"This isn't the end! Our comrades are now all around you!" malakas na sabi ko habang umiikot kami ni Seiji. My arms were all stretched and ready to pull the trigger, habang iyong partner ko, hindi alam kung hahakbang na ba at kung saan itututok ang baril.
"Agent Seiji!" Itinulak ko si Seiji para maghiwalay kami. Pagkakataon ko na iyon para ilang beses mag-tumbling at biglang luluhod habang itinututok ang baril sa iba't ibang direksyon.
Like a skilled action star in her most awaited movie of the year, my every movement was accurate and clean, na kahit ilang beses akong sinaktan at pilit na pinagbagsak sa mundong ito at sa ilalim ng liwanag ng camera, dito pa rin ako patuloy na babalik.
I am cut here. To be an amazing actress in different genre. At ilang beses man nila akong hilahin pababa, siraan at pilit na pantayan, patuloy akong babangon.
Because you can't just defeat a woman moving with her passion, a woman who knows what will be the best for her, and a woman with endless dreams with movement.
I used all my stunts that I should have used before the issue had exploded. Nagawa man akong maapektuhan ng eskandalong iyon, hindi niyon kayang tabunan ang talento at abilidad ko bilang aktres.
I even threw the fake guns from my arms to two different directions like two opponents were about to overwhelm me. Until I reached my final scene, I'd give the enemy a big high kick. So, before I jumped in the air, I put all the pressure on my legs before I gave my last blow of the action.
Halos maligo na ako sa sarili kong pawis, ramdam ko iyong bilis ng tibok ng puso ko na parang nasa mismong set na talaga ako, at saglit kong naipikit ang mga mata ko.
I imagined that I am back in front of the cameras with Akio watching me, the whole team, and of course, now with someone else waiting for me – Seiji Matsumoto.
May hawak siyang tubig at siya ang unang sasalubong sa akin. Mawawala ang pagod ko at hahalikan niya ako kahit maraming nakatingin sa amin. Akio will purposely clear his throat, pero wala akong pake.
I'll tell director that I suddenly feel sick at iuuwi muna ako ng mister ko. But in the end, he'll just bring me to one of the most expensive hotels in the country, and we'll make love dahil patapos na ang ginagawa kong movie at pwede na ulit akong mabuntis.
Until I remembered that . . . this isn't the last scene.
I was about to look at Agent Matsumoto and tell him that we're in the ending when I immediately widened my eyes out of surprise. Napahawak ako sa tiyan ko na parang nabaril ako.
Seiji Matsumoto was slowly clapping his hands when he suddenly stopped. Pabagsak na iyong katawan ko nang mabilis siyang tumakbo patungo sa akin, hindi ko nagawang maramdam ang buhangin nang sambutin ako ng mga bisig niya.
He looked so scared.
"Ibu!"
I gently slapped his face. "Feiku, Seiji!"
He sighed. Pero idinikit niya ang noo niya sa noo ko. He smiled a bit.
And for the very first time, he praised my acting skills. "Sugoi ne, bebe . . ." And his eyes were twinkling at me.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro