Chapter 21
Dedicated to Eizel Ann
Chapter 21
Preparation
Hindi na ulit kami divorce ni Seiji.
Nakangiti akong ngumunguya ng tuna na katatapos niya lang sa aking isubo. Bakit ba? Bigla ko na namang nakalimutang gumamit ng chopsticks. Habang si Seiji, sa tuwing matatapos akong subuan, mag-iiwas ng tingin sa akin na parang nahihiya na naman.
Doon ako mismo kinilig sa kanya! Iyong pag-iwas at mabagal na pagkilos ng mata niya!
If we're in animated story, there are a lot of hearts everywhere right now, like a smoke emitting from a chimney.
Para na kaming mag-asawang nakabayad na ng ilaw at tubig.
"Seiji, me too! Gusto rin kitang subuan!"
Of course, he didn't understand me. Pero hindi na ako nag-explain sa kanya. Inagaw ko na sa kanya ang chopsticks at ako na mismo ang kumuha ng tuna.
"Bebe! Say ah!"
Nasapo ng isa kong palad ang pisngi ko. Kinilig talaga ako! Para kaming nagsusubuan sa wedding reception namin. Sumulyap ako sa likuran ni Seiji, I immediately saw our tent.
Oh, my goodness! Tapos honeymoon na mamaya . . .
"Say, ah . . ." ulit ko.
Umiling si Seiji Matsumoto, kaya pinanlakihan ko siya ng mata bago ako matamis na ngumiti ulit sa kanya. Wala siyang pinagpilian kundi isubo nga iyong tuna.
Saglit lang siyang ngumuya na nakatingin sa akin bago siya naglihis ng mata at tumingin na sa dagat. Narinig ko pa siyang bumulong ng salitang kureiji.
Natagalan kami bago maubos iyong tuna. Ito kasing si Seiji, sinamahan ng landi . . .
"I'll ready first, Seiji!" agad kong sabi sa kanya.
I gave him a swift kiss on his lips. Mabilis akong tumayo at halos tumakbo na ako papunta sa tent para ayusin ang sarili ko.
Para akong nasa isang sikat na survival reality show sa bilis ko sa pagbubukas ng bag. I need to change my panty!
I need to brush my teeth, mouth wash, lotion, oh my gosh! Naiiyak ako. I should have soaked my whole body in a milk bath before this.
Napahawak ako sa buhok ko na dry na rin. Halos gumulong ako sa loob ng tent at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Paano kung paglandasin ni Seiji ang mga daliri niya sa buhok ko? May sabit!
My dream steamy scenes with him is . . .
Napamasahe ako sa aking noo at halos hindi na ako makahinga nang maayos sa reyalisasyon.
Lumabas ako sa tent na yakap iyong pinakamanipis na oversize shirt sa bag at ilang toiletries na pinakatatago ko. Sumulyap ako kay Seiji na hindi pa rin umaalis doon sa puwesto niya. Nakatingin pa rin siya sa akin.
Sobrang considerate talaga ng mister ko! Hinahayaan niya muna akong mag-prepare.
Lakad-takbo ako papalayo sa tent para maglinis ng katawan sa dagat. I raised my arm to see my armpit at napadasal ako sa lahat ng diyosa ng kagandahan.
I'd like to thank Dr. Mirano, one of the best dermatologists in the Philippines! Well, it's just the laser.
Habang tumatakbo ako, unti-unting akong bumagal hanggang sa natigil na nga ako sa paglalakad. Wala sa sarili akong napatingin sa ibaba ko.
H-How about my . . .
I had my Brazilian wax before I attended the party, and I am not a hairy type of a woman. Wala pa naman siguro?
Of course, wala pa!
I went back on my pace. Habang hindi pa ako nakakarating sa medyo malayong lugar para hindi makita ni Seiji ang pag-aayos ko, may bigla na namang pumasok sa isip ko.
Muling natigil ang mga paa ko at wala sa sarili kong hinila iyong satin dress ko to see my body. Nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong mapula.
A small pimple on my upper left breast.
Parang gumuho ang mundo ko, nanlambot ang mga tuhod ko, nabitiwan ko ang lahat ng dala ko at inalalayan ko na lang ang sarili ko para hindi ako sobrang masaktan sa pagbagsak ko sa buhangin.
"No way."
Hindi ko na napigilan ang luha ko. "This is the end of me! Why now?"
Baka hindi ako mabuntis. Kapag nakita ni Seiji na may pimple ako sa upper left breast ko, baka hindi na siya ma-motivate sa akin!
My flawless skin is not perfect anymore!
"Pesteng isla na 'to!"
Sigurado akong umitim na rin ako. Nasapo ko na ng mga palad ko ang mukha ko. Baka hindi na ako matanggap ni Seiji, baka lumiit na iyong bilang ng Everleinatics kapag nalaman nilang may small pimple ako sa upper left breast ko.
Seiji will not dede me anymore . . .
Para na akong misis na naubusan ng mantika sa bahay habang naiiyak na nakahilata sa buhangin. Bigla akong nanlamyang mag-ayos sa sarili dahil sa small pimple on my upper left breast.
"Kureiji, daijoubo?"
Tinanggal ko ang mga palad ko sa mukha ko. I saw Seiji Matsumoto standing near my head. Magkabaliktad ang tingin namin sa isa't isa.
Agad akong napabangon at sinalubong siya ng yakap. I faked my tears and my shaking shoulders when I buried my face on his ribcage.
"H-Huwag mo 'kong iwan, Seiji. I promise, it will heal. Huwag kang maghanap ng iba. Mawawala rin ang small pimple ko on my upper left breast. Huwag mo akong iwan, Seiji. It will not affect my fertility. I can still bear ten babies."
"Wakaranai, Ibu."
Umiling ako sa kanya. Kumuyom ang mga kamay ko sa malaki niyang damit at sinalubong ko ang mga mata niya.
"Huwag kang manlamig sa akin, Seiji. Oaiinitin ko, bebe. Papainitin ko . . ." I said with my most frustrated way.
Para na kaming mag-asawang naubusan na ng bigas.
Napapakamot na siya sa pugad niyang buhok. "Ibu, wakaranai." Umiiling na rin siya sa akin.
"Hihimasin ko para mag-init, bebe." I bit my lower lip to suppress my grin.
Kunot na naman ang noo niya. "Ibu . . ."
Naningkit na ang mga mata ko at nahampas ko ang dibdib niya. Inubo siya, syempre. "Ikaw, ha! Hihimasin ko iyong ribcage at spinal cord, bebe! Kung ano-ano iniisip!"
Ngumuso siya. "Kureiji."
I giggled. "Sige na! Bumalik ka na roon! I'll still prepare myself! Super excited mo naman, bebe!"
Dahil hindi niya pa rin ako maintindihan, ako na mismo ang nagtulak sa kanya paharap sa tent namin. "Go back, bebe. I'll just take a shower."
Bumalik na ulit ang sigla ko at naglakad na ulit ako papalayo kay Seiji. Nang makakita na ako ng magandang puwesto, sobra ko talagang nilinis ang buong katawan ko.
Nang masiguro ko na sobrang linis ko na, nagsimula na akong umahon sa dagat.
I imagined myself as a beautiful water goddess, na mabagal na naglalakad mula sa dagat sa kanyang pinakamagandang katawan. I immediately brushed the thought that I still have that small pimple on the upper part of my left breast.
I was fully naked when I left the seawater. I dramatically positioned myself in a model way as I raked my hands on my hair to emphasize the beauty of my face.
Gusto ko sana ay sasalubungin ako ni Seiji habang may hawak siyang malaking bath towel, and then he will wrap it around my whole body as he tried to give me kisses on my shoulders. But of course, it was just my imagination.
Para namang may alam na ganoon si Seiji Matsumoto. He's not even aware of tongue kissing. But I liked the way he kissed me. Halos mapatalon ako sa kilig nang maalala ko na naman kung paano niya ako hinalikan kanina.
I was about to bend my body to get my towel and things when I heard a sudden thud nearby. And there, my bebe in flesh, looking so stricken. Nabitiwan niya iyong hawak niyang towel at tulalang-tulala siya sa akin.
Even in the moonlight, I could see his super red face.
Wala sa sarili akong napatingin sa dapat hahawakan ko. It wasn't a towel, but another shirt—his shirt.
Oopsy! Nagkamali ako ng kuha.
"Thanks, bebe—"
Napaatras siya nang sandaling humakbang ako papalapit sa kanya, and the realization hits me. I am naked in front of his eyes!
"G-Gomen," he said, and then he immediately turned his back.
And for the third time, Seiji Matsumoto ran desperately. Not because of the snakes, or a big tree that might hurt me, but because he saw me naked.
Apat na beses na natalisod at isang beses nadapa si Seiji hanggang sa hindi ko na makita ang anino niya.
I shrugged my shoulders. He's my mister naman, so it's okay for me. Lalong nadagdagan ang rason para pakasalan niya ako. Kailangan niyang panindigan ang nakita niya.
I will tell this to Akio!
Isinuot ko pa rin ang pinakamanipis kong white shirt na bakat ang buong katawan ko. Pinulot ko na iyong ibang mga gamit ko. Hindi pala towel iyong nadala ko, napagkamalan ko tuloy. Ang laki naman kasi ng damit ni Seiji, napagkakamalan kong towel.
Pasipol-sipol na ako pabalik sa tent. Gusto ko pa sanang mag-lotion habang hinihintay si Seiji sa loob, pero nang hawiin ko ang tent, naroon na nga si Seiji.
Napangiwi ako nang makita kong nakabaluktot na naman siya sa sulok at balot na balot ng kumot.
"Bebe." I called him sweetly, pero parang isa iyong nakakatakot na tawag sa kanya, dahil kitang-kita ko ang pangangatal ang buong katawan niya.
"Gomen, gomen, Ibu," paulit-ulit na bulong niya sa loob ng kumot niya.
He's like a little puppy that's afraid to get scolded by his owner.
Niyakap ko iyong malaking cocoon niya at nakangisi kong inihilig ang buong katawan ko sa kanya. "It's okay, bebe, paninindigan mo naman ako, 'di ba? You're an honorable man, right?"
"Gomen, ibu," ulit niya.
Sobrang guilty talaga si Seiji.
Niyugyog ko ang cocoon niya. "It's fine, Seiji! Alam ko namang hindi mo sinasadya. You're not that kind of man. I know you."
"Gomen, gomen."
Kumunot na ang noo ko. "It's fine nga sabi! Remove that blanket! Hindi ito ang gusto kong mangyari, e!"
So, we started to pull the blanket. Naghihilahan na kami ni Seiji, ako na nasa labas at siya na pinanindigan ang pagbaluktot doon sa loob.
"Seiji!"
"Suripu, Ibu."
"No! We're not going to sleep! Hindi mo ba alam ang hirap ko sa pag-aayos!" Hila-hila ko pa rin ang kumot. Pero matatag talaga si Seiji dahil hindi ko siya magawang maharas ngayon. Masyadong determinado ang hapon!
"You should be honorable, Seiji! Panindigan mo ako!"
"Suripu."
"I don't want to sleep pa, Seiji! Let's cuddle na lang, okay? Remove that blanket, you idiot!"
Para na kaming mag-asawang pinasok ng lamok sa loob ng kulambo namin.
Hinintay kong lumabas si Seiji sa ilalim ng kumot pero ayaw niya talaga. Naiinis akong pinaghahampas siya.
"Itai, itai! Ibu!"
"Sabihin mo sa akin! Nanlalamig ka na ba sa akin? Tumitikim ka na ba ng ibang putahe? May sinumpaan tayo sa isa't isa, Seiji. You are making me feel so ugly! Why? Because you saw it? You saw my flaw? It's just a small pimple! Pero kung ipagtulakan mo ako sobra-sobra na, nasasaktan na ako . . ."
Hindi pa rin siya gumagalaw sa kumot niya. Mas lumakas ang iyong hampas ko sa kanya.
"Itai! Itai, Eve!"
"Tanggap naman kita kahit ganyan ang buhok mo! I accepted you even with your virgin coconut scent! I accepted your twisted tongue and even your loading moments and slow motion! I accepted all your flaws! But you, nakita mo lang na may small pimple ako sa upper left breast ko . . ." Nasapo ko na ng mga palad ko ang mukha ko.
I sobbed dramatically. Isang minuto akong nag-iiyak ng kunwari nang mapansin ko na gumagalaw na ng kusa iyong kumot si Seiji.
He slowly peeked at me, still with a blanket covering half of his face. Iyong chinito niya lang na mata na mukhang antok na antok ang nakikita ko. When he saw my award-winning drama, he rolled his eyes.
I could see his reaction like, here we go again.
Isang minuto yata kaming magkatitigan. Siya na nakatago pa rin sa kumot at mata lang ang kita at ako na nakasubsob sa mga palad ko pero nakasilip naman talaga sa kanya.
He sighed and opened the blanket for me. Ngumisi ako at mabilis na humiga. This time, I positioned myself lower than him. Inunan ko ang braso niyang payat at wala akong pake kahit mamanhid iyon.
"Gomen," ulit niya.
Mas lumawak lang ang ngisi ko sa kanya. "You're forgiven. Ipapakita ko rin naman sa 'yo, bebe. Ikaw naman, super shy pa." I gave him a smack on his lips. It's now my favorite habit, lalo na kapag bigla siyang mamumula at saglit na mag-iiwas ng mata sa tuwing ginagawa ko iyon.
Iniangat ko ulit ang mukha ko at inilaro ko ang tungki ng ilong ko sa kanya. Super tangos ng ilong ng bebe ko. Pansin kong nagpipigil siyang ngumiti sa ginagawa ko.
"Good night, bebe," I whispered.
And he didn't reply, but he kissed my forehead.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro