Chapter 19
Dedicated to Carl Jayvee Rosal
Chapter 19
Superman
I never talked to him right after what happened. I was scared and mad at him, even if it wasn't really his fault. I knew that he did not intend to make me feel that way. Sa katunayan ay gumawa pa siya ng paraan para patuloy na mabuhay sa islang ito.
But I couldn't help but feel hurt. Hindi ko na itatanggi na kasama pa rin ang ginawa niyang pag-reject sa akin kagabi na mas lalong nagpalala nang sandaling magmulat ako na wala siya.
For the very first time, I put distance between us. Distansya na walang biro kundi puno ng sama ng loob.
When Seiji Matsumoto tried to come near me, my hand automatically flew on air to stop him from coming closer. I remained seated on the sand as my left arm hugged my legs, hiding the half of my face. I didn't even bother to glance at him.
"A-Alone. Don't come closer, Seiji. Please." Umiling ako sa habang hindi pa rin ako nakatingin sa kanya.
"I . . . bu . . . gomen."
"Please, Seiji."
Nanatili siya roon, nakatayo habang nakatitig sa akin. Until I heard him sigh, and his footsteps started to become muffled to my ears.
Dalawang braso ko na ang iniyakap ko sa aking mga binti. Mas isiniksik ko ang mukha ko sa tuhod ko habang nakasilip ako sa ngayon ay kalmadong dagat.
I thought everything would be okay, kasi naroon na kami. Masaya na kami ni Seiji. Akala ko, napapalambot ko na siya. Umaasa lang pala talaga ako.
Biglang bumalik sa alaala ko ang pagsampal ko sa kanya. I suddenly felt guilty. Kumuha lang naman siya ng prutas, siya pa iyong nasampal.
But he scared me!
He's the only thing that can make me alive in this blasted island! At iyong pinaranas niya sa akin ang siyang kinatatakutan ko.
It's fine if he'll continue to reject me, pero huwag naman ganoon. Natakot ako . . . takot na takot pa rin ako sa mga oras na ito.
Mas humigpit ang yakap ko sa aking sarili at tuluyan na akong sumubsob sa tuhod ko.
Hindi ko na naman mapigilan ang pag-iyak ko.
Naghahalo-halo na ang emosyong nararamdaman ko. Sakit, takot at galit . . .
Pain, because for the very first time, someone made me feel so rejected. Iyong taong akala ko ay iba ang tingin sa akin at naiintindihan ako sa kabila ng pader na nakapagitan sa amin, ay hindi kayang suklian.
I bit my lower lip. I should accept the reality of life. Hindi lahat ng gugustuhin mo, makukuha mo. And in my case, it was my Seiji. Seiji Matsumoto. Baka nga napipilitan nga lang siyanf pakisamahan ako dahil ako lang ang nakikita niyang tao rito.
Fear. Seiji Matsumoto made me feel so different among the guys I've met. At nang sandaling saglit lang siyang nawala sa mga mata ko, halos lamunin na ako ng matinding takot na baka wala naman talagang katulad niya, umaasa lang ako, at nangangarap na mayroon.
Of course, hatred! Mas yumugyog ang mga balikat ko. Gusto kong saglit na lumayo kay Seiji dahil baka masampal ko siya nang paulit-ulit, bakit? Ano ba ang kulang sa akin? Gago siyang hayop na hapon! Ang gandang babae ko naman, ano ba ang ayaw niya sa akin tang inang hayop na gagong hapon iyon?!
Kung dati ay ilang minuto akong naiinis o kaya ay nagtatampo sa kanya, pero sa pagkakataong iyon, umabot ng gabi ang galit ko sa kanya. Pansin ko rin ang pagkagulat ni Seiji, dahil kahit sulyap ay hindi ko ginawa sa kanya.
Kumakain na ako mag-isa at hindi man lang ako nagpaalam sa kanya na maliligo ako. Hindi rin ako ngumiti o kaya'y nagsalita sa kanya. But I heard him say my name in whisper multiple times.
Sa halip na suyuin ako, pinili na rin ni Seiji na manatiling tahimik. Ganoon naman kasi talaga siya, kahit ramdam ko na ilang beses na siyang nagtangkang lumapit sa akin at kausapin ako, bigla lang siyang magkakamot sa pugad niyang buhok, yuyuko, at bubulong ng pangalan ko.
Ilang beses kong pinigilan ang sarili ko para sigawan si Seiji Matsumoto at sabihing suyuin niya na ako at huwag nang mahiya! Gagong hapon talaga!
I want to choke him literally because of my frustration.
Nauna na ulit akong pumasok sa tent. Ilang oras akong nanatiling gising hanggang sa maramdaman ko pumasok na rin si Seiji. Inasahan ko na ang pagsusumiksik niya sa dulo tulad ng lagi niyang ginagawa.
I didn't expect any movement from him, dahil alam kong ako naman lagi ang nagawa ng first move sa amin, but this time, maybe napasukan ng hangin ang pugad niyang buhok at nanuot sa ulo niya.
He gently pulled the blanket towards him. "I . . . bu . . ."
Umirap ako at hindi ko siya pinansin. "Ibu," ulit niya.
Hindi pa rin ako gumagalaw. Paano kung hindi naman talaga niya balak magpapansin sa akin at nilalamig lang siya kaya niya hinihila ang kumot? Though, he's just gently tugging it to get my attention.
"Ibu."
Nang gabing iyon, nagbunyi ang diyosa ng hindi pagiging marupok dahil hindi ko nagawang pansinin si Seiji hanggang sa makatulog ako.
***
Nang sumunod na araw, pinagpatuloy ko ang hindi pagpansin kay Seiji at sa tuwing nagtatama ang aming mga mata, umiirap ako sa kanya. Napapakamot siya sa pugad niyang buhok, napapanguso habang binubulong ang pangalan ko.
Yes, lover's quarrel kami.
I mean, divorce na kami ni Seiji.
I should move on na! Pagkalabas ko rito sa isla, maghahanap ako ng lalaking may abs, firm chest, clean hair-cut, manly scent with stubbles, at hindi unang himas ribcage at spinal cord!
Hahanap ako ng lalaking faster at hindi laging slow motion! Yes. Mas bagay ang katulad kong maganda at sexy sa mga ganoon!
Sa dalawang araw kong pagiging malungkot, ngayong umaga lang ulit gumaan ang pakiramdam ko.
I ran towards the sea with my open arms. I greeted the wind as I closed my eyes, my hair dancing, and a smile forming on my lips.
"Hello, Isla Japan! I am single and ready to mingle again!" Itinaas ko ang kamay ko sa kalangitan na parang nasa isang scene na naman ako ng movie.
A beautiful enchantress trapped inside a mysterious island.
"Sa lahat ng mga diyosa sa islang ito! Please hear me out! Hindi na ako humihiling ng lalaking makikinig sa akin kahit hindi niya ako maiintindihan! Please give me someone that is not isang ubo lang. Gusto ko, para siyang si Superman or The Flash! He will save me in this island and we will fall in love with each other! He will save me, and will make me forget . . ." Sumulyap ako kay Seiji na nanonood na naman sa akin.
When our eyes locked, he slowly averted his gaze and his head. Sobrang bagal niya talaga
"And make me forget. Hindi ko sinasabing medyo sabog ang buhok niya at puro ribcage at spinal cord ang katawan niya! Yes! My Superman or The Flash will make me forget him." Itinuro ko si Seiji na nakaupo sa buhangin.
Nang sandaling sumulyap ulit siya sa akin, agad kong tinanggal ang pagkakaturo ko sa kanya. I heard him say kureiji.
Sa huli, nakita ko siyang tumayo nang mabagal, pinagpagan ang katawan niya, at naglakad na pabalik sa tent namin.
I continued my prayer.
"I want a faster man! Hindi kasing bagal niya! Yes! Yes!"
Nang mas lumakas ang hangin na parang narinig ng buong isla ang sinabi ko, muntik pa akong mabuwal sa pagkakatayo ko. Sa halip na mapahiya, namaywang ako at tumawa ako nang malakas na parang isa na namang kontrabida.
It was our lunch time when I came back in our camp site. Patalon-talon at pasipol-sipol pa nga ako, habang nakakunot ang noo sa akin ni Seiji Matsumoto.
Hindi ko talaga siya pinapansin kasi move on na ako. I know that my Superman or The Flash will save me in this island soon.
Ililigtas nila ako sa abusadong hapon na kasama ko. Evil Seiji Matsumoto will be slayed by my prince.
I giggled while eating. Nang lumingon sa akin si Seiji, naiiling na lang siya sa akin. Sumulyap din ako sa kanya at umirap.
Hindi niya lang kasi matanggap na mabilis na akong naka-move on sa kanya. Sino naman kasi ang sobrang mai-in love sa katulad niyang hindi nagsa-shampoo at isang ubo lang?
Nang matapos akong kumain, nagmadali na akong bumalik sa tent at kinuha ko ang silk dress ko. I could feel that Superman will claim me today. Iiwan na namin dito si Seiji Matsumoto, bahala siya sa buhay niya.
Gwapo siya? Gwapo? Sidra Everleigh Rosilla ni-reject niya? Hindi niya ba alam ang bilang ng napakaraming Everleinatics sa Pilipinas?
Iyong pinagmamalaki niyang Enameru, ang lahat ng mga lalaki roon ay Everleinatics! May lightstick pa sina Troy at Triton nang minsan silang sumama kay Akio para makita ako nang personal.
I know all them. I rejected Langston Samonte, Leiden and Gilbert Arellano, Troy, Aldus and Sean Ferell! Even Lonzo and Kaden! I rejected all of them when they tried to get my attention, tapos itong si Seiji Matsumuto, isang ubo lang? Puro ribcage at spinal cord, ni-reject ako?
Ha!
Buti na lang, mabilis akong mag-move on at hindi ako bitter! Akala niya gwapo talaga siya. Gwapo ka? Gwapo?
"You are not handsome!" sigaw ko nang makalabas ako sa tent habang suot na ulit ang silk dress ko.
Nabitin sa ere ang pag-inom ni Seiji ng tubig at napatingin na naman siya sa akin.
"Move on na ako sa 'yo! You see me? I am all dressed! May susundo na sa akin ngayon. Good bye, Isla Japan! Good bye, Seiji Matsumoto!"
Tawa ako nang tawa habang papalayo sa camp site namin ni Seiji, pero hindi ko talaga mapigilan ang biglang pagpatak ng luha ko.
Shit!
I am trying my best to forget the pain, to bring back my old craziness, pero sa tuwing napapasulyap ako kay Seiji at naalala ang rejection niya sa akin, nasasaktan pa rin ako.
Because I want him. I want him so bad.
Gustong-gusto ko siya at sobrang sakit na hindi niya ako gusto at parang wala lang sa kanya ang nararamdaman ko. He can't look at me seriously, not that I blame him about it, dahil ako rin naman kasi ang dahilan kung bakit hindi niya ako magawang seryosohin.
Nagpunas na ako ng luha at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pansin ko na mas lalong lumakas ang ihip ng hangin, halos hindi ko na nga rin magawang pagsalikupin ang nililipad kong buhok.
Nayakap ko na ang sarili ko habang naglalakad.
"It's cold now, Akio . . . kasing lamig ng feelings ng hapon na 'yon. Gago talaga siya! Sa sandaling makalabas ako rito sa Isla, papatulan ko na ang isa sa mga leche mong kaibigan, Akio! Sasagutin ko na si Langston o kaya si Gilbert Arellano! O kaya pagsasabay-sabayin ko na sila, iba't ibang boyfriend araw-araw!"
Patuloy ako sa paglalakad habang naiiyak.
Akala ko ay mananatiling ganoon ang ginagawa ko nang biglang mas lumakas ang ihip ng hangin. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko.
But what made me so surprised was his unexpected voice behind me . . .
Mabagal akong napalingon sa kanya.
"EVERLEIGH!" he said in a straight tone with his eyes widening.
Wala sa sarili akong napatingin sa taas. Umawang ang bibig ko. A tree . . .
Mababagsakan ako!
Dapat tumakbo ako, dapat iligtas ko ang sarili ko dahil maaari akong masaktan or worst . . . pero nanigas ang katawan ko at napatulala ako kay Seiji.
But for the very first time, I saw Seiji Matsumoto ran desperately, not because there were snakes around us, but because of a big tree that was about to kill me.
I suddenly pictured someone else. No, another version of Seiji Matsumoto, not a soft boy, but a desperate hero who's willing to do everything for his woman.
He's now a man for his woman . . . for me.
He pushed me, hugged me tightly, and our bodies fell down on the white sands. Nagpagulong-gulong kami nang ilang beses hanggang sa matagpuan ko siyang nasa ibabaw ko.
He glanced at me quickly, but he suddenly dropped himself on top of me, he was shaking.
"Kowai," he whispered.
Napatulala ako sa langit dahil sa bigla niyang reaksyon. "S-Seiji."
Nanatili siyang nakasiksik sa leeg ko nang ilang minuto at nang sandaling mag-angat siya at muling tumitig sa mga mata ko, hiniling ko na sana ay habangbuhay nang tumigil ang oras.
Because Seiji Matsumoto slowly closed his eyes and softly kissed me on my lips. "Ai Shiteru, Eve."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro