Chapter 17
Dedicated to Aria Francesca
Chapter 17
Rain
If we're talking about a different topic, I probably might notice how twisted his tongue. Lalo na kung paano sumabit ang dila niya sa letter L. Pero dahil tumunog na ang pangalan ng probinsiyang pilit kong iniiwas kay Akio noon pa man at sa paraan ng reaksyon niya na parang pamilyar siya roon, tila gumuho ang mundo ko.
Sa Enamel pa talaga, Seiji Matsumoto!
Ilang beses akong umiiling sa harapan niya na parang may nalaman akong kahindik-hindik mula sa kanya.
Na parang sa halip na sampu iyong magiging babies namin, dalawa na lang.
I cupped his face with my trembling hands. "Bebe, no, you don't know that province. You're just hallucinating. Hanggang dalawa lang ang pwedeng baby roon! Two child policy lang doon! Puro intsik sa Enamel!"
Halos magmakaawa ang mga mata ko sa kanya. But he looked so confused when he saw my reaction.
"Sinong Tadashi? Hayaan mo na lang siya! He could have his girl there! Bahala siya doon! But I want to have a lot of babies with you, Seiji! Hanggang two child policy lang sa Enamel!"
I pulled his shirt against me. Dahil malaki ang damit niyang iyon sa akin at masyadong malakas ang pwersa ko, plus my acting skills, mas nakabig ko si Seiji papalapit sa akin.
I buried my face against his ribcage again. Well, if female leads love to bury their face on their male leads' firm chest, I have my own too! The ribcage is always fine with me.
Pogi naman ang bebe ko.
Pero hindi talaga pwede na alam niya ang Enamel!
"N-Not there, bebe. Puro sindikato ang mga tao roon. We can't live there." Pailing-iling ako habang nakasubsob sa dibdib niya.
"Wakaranai."
Hayan na naman siya! Gago 'to!
Marahas akong nag-angat ng tingin sa kanya. Halos maligo na ako sa pawis dahil sa pagsubsob ko sa kanya. I firmly looked straight into his eyes while both of my hands were grasping his loose shirt.
Seiji Matsumoto looked so stressed na naman. Napapakamot na ulit siya roon sa buhok niyang kulang na lang ay ibon para sabihing pugad.
"K-Kureiji," bulong niya.
"I am not crazy! Mababa ang sperm count ng mga lalaking naroon sa Enamel! Gagaya ka pa sa kanila? Gago ka! Two child policy nga roon!"
"Tadashi . . . itoko . . . Onaji Akio."
Halos sabunutan ko ang sarili ko nang nag-explain sa akin ang hapon. Kahit sobrang pababawin niya ang paghahapon niya, hindi ko pa rin siya maiintindihan!
Sino bang Tadashi iyon?
"Seiji, listen to me," I said with the most frustrated tone.
Isinandal ko ang noo ko sa ribcage niya at ilang beses kong mahinang sinuntok ang dibdib niya. Para kaming mag-asawa na hindi na makabayad ng ilaw at tubig.
Sa halip na manatiling nakaupo sa buhanginan, I immediately moved and cradled on his lap. I quickly looped my legs around his waist as he struggled to run away from me. But I already mastered the way of capturing him, like a vicious anaconda that traps a poor white rabbit.
Gusto ko talagang humalakhak na parang kontrabida o kaya ngumisi at hawiin ang mahaba kong buhok dahil wala siyang kawala, pero pinigilan ko ang sarili ko. Muntik ko nang makalimutan na mag-asawa nga pala kami na hindi makabayad ng ilaw at tubig.
Para pigilan ang pagbagsak namin dalawa, walang nagawa si Seiji Matsumoto kundi gawing suporta ang dalawa niyang kamay at ihawak iyon sa buhangin habang bumubulong na naman siya ng kureiji.
"Tulog na ang mga bata, mahal."
Hindi na naman siya makatingin sa akin. Kunot na naman ang noo niya at wala na siyang tigil sa kaka-kureiji!
"Mahal, sabi ko tulog na ang mga bata," I said with my seductive voice. Kahit tirik na tirik na ang araw sa isla.
Sa inis ko sa kanya, sinapo ko na ang mukha niya at pwersahan ko na siyang pinaharap sa akin.
"Ano ba Seiji! Sabi nang tulog na ang mga bata!"
"Wakaranai, Ibu!"
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. I looped my arms around his nape and laughed to my heart extent.
Tawa ako nang tawa habang nanghahaba ang nguso niya sa inis sa akin. Alam niya na naman kasi na pinagtitripan ko na naman siya.
"Seiji, when we survive this island trap, please learn English and Tagalog, okay? Para pwede tayong mag-role play." Sinubukan kong paglaruan ang dulo ng pugad niyang buhok, pero siya rin ang nagtanggal ng kamay ko.
"Kureiji," he said in front of my face.
Improving na ang bebe ko, hindi na natatakot sa akin magsabi ng kureiji. Not that I mind at all, nasanay na rin naman ako sa kanya.
"But I'm serious a while ago, Seiji. I don't want to live in Enamel if you have plans to stay there. Puro Chinese ang tao roon, and they are implementing two child policy." I carefully cupped his face. Umiiling ako sa kanya. "I want to have ten babies with you . . ."
I bit my lower lip, lalo na nang mas mapagmasdan ko ang maliit niyang mata. Those sleepy eyes that made me fall hard.
Imagine to have ten babies with those sleepy eyes. Sobrang cute ng family namin ni Seiji.
Nanatiling nakakunot noo niya. I don't have any choice but to make an action for him to understand.
"We." Itinuro ko ang sarili ko at siya. I was a bit hesitant, but yes! Yes! I was grinning, how should I act this without me getting so embarrassed? "And we, well, toot. You know that?"
I raised my hands. Nakabilog na ang dalawang daliri ko sa kaliwa at naka-aligned na ang hintuturo ko sa kanang kamay ko. All I need was to insert it in front of his face, pero natatawa ako.
Gagawin ko na sana pero bago ko ma-shoot, tinabig na niya ang kamay ko. I laughed, lalo na nang makita ko na nanlalaki na ang maliit niyang mga mata.
"And then, I'll get pregnant." Itinuro ko ang tiyan ko at nag-drawing ako sa hangin ng malaking umbok. "Ten times." Inilahad ko sa kanya ang dalawang palad ko para mabilang niya kung ilan. "Ten babies." I made an action na parang may baby ako sa braso ko habang hinehele ko.
"Ten little Eve and Seiji. isn't it beautiful?"
Nakaawang na ang bibig ng kawawang hapon habang nakatulala siya sa akin. He got it at last!
"K-Kureiji!"
"It's okay! Nagmamahalan naman tayo Seiji!" Niyakap ko siyang ulit hanggang sa bumagsak na nga kaming dalawa sa buhangin. "I can imagine every time that I'll go home, and you'll greet me welcome home, wife, you wearing an apron and our little kids clinging unto you."
"Kureiji!"
Dahil pilit niya akong tinatanggal sa ibabaw niya at ayaw ko talaga humiwalay sa kanya, nagpagulung-gulong na kami sa buhanginan. Itai siya nang itai.
Alam ko namang hindi talaga ako ginagamitan ni Seiji ng puwersa. It's either he's concerned about me or he's just lazy to exert more force.
But I wasn't expecting that he'd dominate me this time! Dahil nagawa niyang pagbaliktarin ang posisyon namin. Ako na ngayon ang nakahilata sa buhanginan habang nakatukod ang dalawa niyang kamay sa magkabila ng ulo ko.
"Kureiji, Eve."
I giggled. Instead of feeling intimidated, I snaked my arms around his nape again.
"Kiss me, please."
In my ideal romantic story, the female lead doesn't have to say those words. Dahil kusa nang hahalik iyong lalaki sa kanya. Swerte pa kapag humalik siya, hindi lang sa labi, kundi pati na rin sa leeg mo.
"Seiji, kiss me," ulit ko.
Gumalaw ang mata niya sa pinakamabagal na paraan. From my eyes down to my lips. I swear, I called all the saints I know to grant my wish. Na sana dapuan ng landi ang hapon na nasa harapan ko.
Kung ang ibang babae, tunaw na tunaw na nang sandaling halikan na sila ng lalaking mahal nila, ako gumagalaw pa lang ang mata ni Seiji, para na akong nauupos na kandila.
How could he look so innocent and kissable at the same time?
Pagkatapos maglakbay ng mata niya sa labi ko, gumalaw iyon patungo sa kanan at kaliwa na parang naghahanap ng paraan para matanggal siya sa ganoong sitwasyon.
"Seiji," I whispered.
Tumama muli ang singkit niyang mata sa akin. It was full of hesitation. But he's now steaming red!
"Bebe," mas malambot na bulong ko sa kanya.
Ramdam kong gumalaw ang isang kamay niya at mas inilapit niya iyon sa akin. Halos mangatal ang buong pagkatao ko habang unti-unting bumababa ang mukha niya sa akin.
Gosh, this is it.
Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang mabagal siyang umiling sa akin. Sobrang bagal pa ng pagkakailing niya na para siyang isang bata tinanggihan ang inaalok na candy sa kanya.
What the fuck, Seiji Matsumoto?!
Kusang nanlamya ang mga braso kong nakapulupot sa batok niya. Humiwalay siya agad sa akin at nagmadali siyang maglakad papalayo.
Iritado akong napabangon sa buhangin. Nasabunutan ko na ang sarili ko habang tanaw ang gagong hapon na 'yon!
"SEIJI! I HATE YOU!"
Tumayo ako at padabog na pinagpag ang katawan ko na punung-puno ng buhangin.
"Binabawi ko na! Binabawi ko na! Hindi na ako magpapabuntis sa 'yo! No ten babies! Binabawi ko na! Nine na lang! Oo! Binabawasan ko na! I hate you!" sigaw ko sa kanya na hindi niya pinapansin. Tinakpan niya pa nga ang tainga niya.
Nagdiretso na ako sa loob ng tent namin.
I was about to prepare my things. Mag-e-empake na sana ako, pero bigla kong naalala na tapos na pala kami ni Seiji sa scene na iyon, kaya humiga na lang muna ako at nag-isip ng bagong role namin.
Matutulog na lang sana ulit ako nang maramdaman kong may kakaibang nangyayari sa labas. Lumuhod ako sa tent at tipid kong isinilip ang sarili ko para makita ang hinala ko.
Napatingin ako sa langit.
"It's raining, bebe!"
Nang lumingon ako kay Seiji, nakaupo lang siya sa buhangin habang nakalahad ang isang palad niya sa ere na parang masasambot niya ang bawat patak ng ulan.
Ngumuso ako nang hindi niya ako pansinin. Kung maka-react 'tong hapon na 'to, siya ba ang manganganak? Gago siya!
Pero dahil nawala na nang 14 minutes ang tampo ko sa kanya, lumabas na ulit ako ng tent. Nagmadali akong lumapit sa kanya at inilahad ko ang dalawa kong kamay sa kanya.
"Let's ligo together, bebe."
Bigla kong naalala ang unang beses na inalok ko siyang maligo kami nang sabay, tinakbuhan niya ako. Pero ngayon, nagagawa na niyang tumingin sa akin at ngumuso na parang alam niyang wala na rin naman siyang magagawa sa akin.
Sabay niyang inihawak ang mga kamay niya sa mga palad kong nakalahad sa kanya.
My heart fluttered. Simple lang ang galawan ni Seiji, pero parang laging sasabog ang puso ko sa tuwing binibigyan niya ako ng tipid at pinong atensyon niya.
Iyong pugad na hair ng bebe ko, kakapit na naman sa mukha niya dahil sa ulan.
Nang sandaling tumayo siya, agad kong inikot ang sarili ko patungo sa kanya, katulad ng dance move na na-practice namin nang may nabali yatang buto sa kanya.
But my Seiji knew everything that happened to us for the past few days dahil nakukuha na niya ang sunod kong gagawin. When I touched his face and pulled him towards me, and our eyes met, he gave me his small smile. Wala na naman siyang mata.
"Perfect, bebe!"
At nang sinadya kong ibagsak ang sarili ko para saluhin niya ang baywang ko, mabilis niya rin iyong nagawa. And both of our bodies were slightly bent.
Hindi ko mapigilang ngumiti nang malawak sa kanya.
"I love you," I whispered to him.
Saglit siyang natigilan sa sinabi kong iyon bago kami tumuwid ng pagkakatayo. Kapwa na kami basang-basa ng ulan.
Hindi ko na hinintay na sumagot siya, hinila ko na ang isa niyang kamay malapit sa tabing dagat.
My old yet sexy satin dress was dripping wet with my silky hair. Our now tanned skin was glistening with raindrops, but what sparkled the most were eyes staring at each other as we ran our barefoot on the wet sands.
"Onaji, Eve. Onaji."
And we happily play with the waves, raindrops, and sands.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro