Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 15

Dedicated to Lyshia Silvia

Chapter 15

Reasons

The cloak of the night had been witnessing our magical love story that started from the Japanese colonization.

Sinong mag-aakala na ang malamyang sundalo na nahulog sa aking alindog noong unang panahon ay muling mahuhulog sa akin ngayong kasalukuyan?

Hindi nagawang itago ng magandang abaniko ang aking kagandahan ng panahong iyon, at hindi niya nagawang itutok ang baril na dapat ay siyang kikitil sa akin.

Malamya na si Seiji noong unang panahon at wala pa rin siyang pinagbago ngayon. Sobrang lamya niya pa rin. I couldn't help but imagine him in his old brown soldier uniform.

Dahil sobrang loading talaga siya, sa halip na small ang size ng uniform na dapat kukunin niya, large ang nauwi niya. Kaya nang sandaling magkita kami sa mansyon ng mga Rosilla, para siyang sundalong hapon na hindi nakakain ng ilang buwan.

Hindi nakapagtatakang mabilis siyang nabaril nang nauna kaming nagkita.

Napadasal at nagpasalamat ako sa kalangitan na hindi na sa panahon ng pananakop ang muli naming pagkikita.

Huli na nang mapansin ko na malayo na pala talaga ang naabot ng utak ko. Ikaw ba naman ang hapunin ng bebe mo, 'di ba? Iyong tipong hindi mo naman naiintindihan ang mga sinasabi niya. Lilipad talaga ang utak mo kung saan.

I slapped his ribcage as I stomped my foot on the sand.

Pinili ko na lang kiligin sa sinabi niya kahit hindi ko naman iyon naintindihan.

My own translation says that, You are beautiful, my love . . .

Inubo siya dahil sa hampas kong iyon.

Mas lalo akong kinilig! Saan ka hahanap ng lalaki na gwapo kahit umubo? Si Seiji Matsumoto lang iyon! Gosh.

"Bebe naman! Huwag mo nga akong hinahapon! Hindi kita maintindihan! I am okay now, wala na akong tears." Mabilis kong pinahid ang pisngi. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti nang matamis sa kanya.

I looped my arms around his nape as we stared at each other. Tuwang-tuwa ako habang hinahabol iyong mata niyang hindi makatingin lagi sa akin nang diretso.

"Bebe, niyakap mo na ako kanina. Ano na naman ginagawa ng kamay na iyan? Bakit tuwid na naman?" Tinanggal ko muna ang kamay ko sa batok niya at agad kong dinala sa baywang ko.

"This is better!"

Ngumuso ako sa harapan niya habang naninigkit ang mga mata ko sa kanya. Paano niya ako nayakap kanina lang, tapos ngayon, nangangatal na naman ang kamay niyang hawakan ako?

Ang landi nitong si Seiji ay may expiration.

"So, what are we going to do next na, Seiji? We hugged, kissed." Though, hindi niya pa inaamin sa akin na mahal na mahal na mahal niya ako at hindi na niya kayang mabuhay ng wala ako. It's fine!

Alam kong nahihiya lang siyang aminin sa akin na katulad ko'y nararamdaman niya rin ang matindi naming koneksyon.

Sobrang laking bagay na kay Matsumoto ang yumakap at humalik nang kusa! Hintayin ko na lang na mag-renew ulit ang paglandi niyang may expiration.

Dahil nag-iiwas na naman siya ng tingin sa akin, naghahabulan na naman ang ulo namin dalawa.

"How about honeymoon?" I asked him.

Ano kaya sa English words ko ang talagang naiintindihan niya? Kung titingnan naman kasi si Seiji ay para talaga siyang walang naiintindihan sa akin. Sa tuwing nagsasalita ako, para siyang nasa ibang mundo, wala sa sarili, o kaya loading na hindi na natapos.

Madalas din siyang umiling, pero magugulat na lang ako kapag bigla siyang magsasalita ng ilang English words.

Paano kaya kung nakakaintindi talaga siya?

I glanced at him awkwardly. I bit my lower lip. Baka isipin niya pinagsasamantalahan ko siya at ang kahinaan niya.

I value our wedding night pa naman.

At saka we bebe each other na, ano pa ang masama sa pagpatong sa kanya nang ilang beses? Unless maging dalawang ubo na siya. Medyo nasasanay na rin naman siya kapag basta ko na lang itinatapon ang sarili ko sa kanya.

"Hmm . . ."

I should limit myself na lang kaya? Baka isipin ng hapon na 'to, easy to get ako! Sa kanya lang naman ako bumigay nang ganito. Bigay na bigay na nga ako sa kanya, siya naman itong laging nag-aalinlangan at diskumpiyado!

Siguro ay napapansin na ni Seiji ang malalim kong pag-iisip dahil nasa akin na ulit ang mga mata niya. But he doesn't look curious at all, he utterly looked threatened!

Akala naman ng hapon na 'to, may masama na naman akong binabalak sa kanya!

"Bakit ganyan ka na naman makatingin, Seiji!" Hinampas ko ang kanang braso niya.

Ngumuso siya at hinimas iyon. "Itai."

"Mamaya na tayo matulog, ah? We landi each other muna near the fire." Sabay kong hinawakan ang kamay niya at hinila ko siya malapit sa apoy.

I pointed a good spot. "Sit."

Ayaw niya, kaya tumalon na lang ulit ako sa payat niyang katawan kaya sabay kaming natumba. Tawa ako nang tawa habang nagrereklamo siyang may masakit na naman sa katawan niya.

Nakaupo na siya sa buhanginan habang nakatukod sa likuran niya ang dalawa niyang kamay. I placed myself between his legs, as I kneeled with my palms and knees while grinning in front of his face.

Nag-iwas na naman siya ng tingin sa akin. Sobrang bagal na parang umiirap na naman.

"I'm so happy today, kahit pinaiyak mo 'ko! Pero okay na, you called me bebe, you kissed me on my forehead, and you hugged me!"

Sinabi ko sa sarili ko na dapat si Seiji ang unang hahalik pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.

He's so cute! Mababaliw ako kapag hindi ako nakahalik man lang sa kanya.

So . . . I kissed the tips of his nose.

Pero ano ang mas nakapagpasabog sa puso ko? Pumikit siya na parang baby hindi dahil ginusto niya pero dahil nagulat siya.

"Bebe ko na amoy virgin coconut oil," I whispered near his lips.

Parang umirap na naman siya sa akin, pero nakanguso. "K-Kureiji."

Ako ang umirap sa kanya bago ako tumalikod at sumandal sa ribcage niya. "When are you going to confess to me? Ako, nakailang sabi na sa 'yo. Umupo ka nang maayos, Seiji."

Kinuha ko ang braso niya at iniyakap ko iyon sa akin.

"See? Not samui anymore," sabi ko nang lumingon ako sa kanya.

"Kureiji."

Sa halip na mainis ako sa sinabi niyang iyon, hinayaan ko na lang. Mabilis naman kasing mawala ang tampo ko, lalo na't nakakailan na siya sa akin simula kanina. He's super forgiven!

Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Gusto kong makipag-usap sa kanya, tungkol sa pamilya, trabaho niya, mga kaibigan, kung ano ang mga pinagkakaabalahan niya, ano'ng brand ng shampoo niya kung mayroon at ano ang paborito niyang pagkain.

Kung tutuusin, sa tagal namin magkasama rito sa isla, dapat marami na kaming napag-usapan at mas nakilala na namin ang isa't isa. But we have this language barrier between us.

"What is your favorite food, Seiji? I will cook it for you."

Though hindi talaga ako marunong sa kusina, para kay Seiji, mag-aaral ako. Ganoon kasi raw ang gusto ng mga hapon, babaeng marunong sa kusina.

Kabaliktaran ko. At least, maganda naman ako. At bebe niya na 'ko!

"Or palit na lang tayo, Seiji? Ikaw na lang ang house husband, ako na lang ang magtatrabaho para sa ating dalawa. I'll avoid kissing scene and bed scenes na lang, kasi ikaw selos." I giggled. Syempre sa amin lang dapat dalawa iyon.

"Wakaranai, Eve."

Lagi niya iyong sinasabi habang umiiling. Ibig sabihin siguro no'n ay wala siyang maintindihan sa pinagsasabi ko. Pero kinilig ako! Tuwid na ang dila niya sa pangalan ko.

Mas isinandal ko ang sarili ko sa kanya at mas iniyakap ko ang mga braso niya sa akin. Wala sa sarili akong tumingin sa kalangitan.

It was like a giant black cloak with scattered diamonds. Nang huli akong tumanaw sa madilim na kalangitan noon, may dumaang bulalakaw. I wished for something I knew that was impossible.

Kasi inakala ko noong hindi na talaga ako makakaramdam ng totoong kasiyahan. It's just ironic that in the midst of this tragedy, I saw something glinting with hope . . . si Seiji. Na sa halip na mapadpad ako rito mag-isa sa isla, hinayaan ako ng bulalakaw makulong kasama siya.

A man I thought was impossible.

A soft boy.

Na hindi kailanman ako tiningnan dahil lang sa ganda ko. Seiji Matsumoto is the first one who ever dared to reject me, his eyes never tried to molest me, he is always hesitant to touch me, and he never took advantage of my intense interest towards him.

Si Seiji ang isa sa iilang lalaki na nagpakita ng respeto sa akin.

Humiling ako sa bulalakaw na sana ay may makilala akong lalaki na pakikinggan ako kahit anuman ang sabihin ko. He'll always listen to me no matter how irrational am I. Na kahit hindi niya ako maintindihan, makikinig at makikinig siya sa akin dahil mahal niya ako.

And then, I found him, sitting near me, lazily looking at the sea, and he seemed uninterested with me, even with my almost naked body.

Literal man niyang hindi naiintindihan ang mga sinasabi ko, ibinigay pa rin ng bulalakaw iyong lalaking hinihiling ko.

A man who will look at me with respect.

Hindi ko man masabi na gusto talaga ako ni Seiji o baka wala na talaga siyang mapagpilian dahil sa paulit-ulit na pagpilit ko sa kanya, at least, ipinaranas sa akin na may mga tao pa rin palang katulad niya.

Hindi lang si Akio, ang ilang mga kamag-anak ko o kaya'y ang ilang kaibigan ko.

Gusto kong sabihin kay Seiji ang lahat. I want to share him everything, but he couldn't understand me. And I might upset him, kapag bigla niya akong napansin na naiiyak na naman.

I tried to avoid or divert my attention to something else kapag nasasagi sa aking isipan ang bagay na pilit tinatabunan ni Akio noon pa man, pero parang nakakabit na talaga iyon talaga sa akin.

"You know why I tend to make myself super happy as always, Seiji? Because I am the saddest," panimula ko.

Huminga ako nang malalim. Kapwa namin iniiwasan ni Akio na balikan ang aking nakaraan, pero hindi ko alam kung bakit bigla ko itong nais sabihin kay Seiji kahit sa kaalamang wala naman siyang maiintindihan sa akin.

"Do you still remember our first meeting? When Akio introduced me to you? Yes, I was a famous actress . . . at nito ko lang ulit nababawi ang pangalan ko."

Hindi ako lumilingon kay Seiji pero mahigpit kong iniyayakap sa akin ang mga braso niya.

"I had a boyfriend. I mean, he's not my actual boyfriend. It was a cover-up to spice the people, to make us in trend kasi ganoon talaga sa Pilipinas, sikat ka kapag may ka-love team ka at karelasyon mo sa totoong buhay. I like fame, attention. Kasi noon, ang tingin ko sa bagay na iyon pagmamahal. Mahal ako ng maraming tao, maraming humahanga sa akin, masaya na ako sa ganoon but . . ."

Mariin akong napapikit nang maalala ko ang mukha ng dati kong leading man.

"But I was wrong, Seiji. Fame isn't happiness. Attention isn't satisfaction dahil ang paniniwalang iyon ang siyang humila sa akin pababa, ang paghahangad ko ng labis na atensyon ang unti-unting sumira sa akin. My leading man, the pretend boyfriend that I used for fame moved beyond the line, he t-tried to force himself to me." Nangatal ang buong katawan ko nang maalala ko iyon.

Ilang beses nang sinabi sa akin ni Akio na huwag ko nang paulit-uliting isipin iyon. Dati ay halos hindi ko nga magawang ikwento o kaya'y isipin muli ang pangyayaring iyon pero hindi ko alam kung bakit nagkaroon na ako ng lakas ng loob ngayon.

"Of course, I didn't agree. I struggled against him. I used something that could help me. I grabbed a vase and I forcefully threw it at him. He was hit, but still conscious pero hindi na siya lumapit sa akin. He called me in different names, slut, whore . . . gano'n lang niya kadali nabato sa akin ang mga salitang iyon, gayong hindi niya naman ako kilala. Yes, I am wild, carefree, and liberated but I always knew my limitation. Kahit ganito ako, ang bibig ko at ang paraan ng pananamit ko, nirerespeto ko pa rin ang sarili ko, Seiji."

Ito iyong matinding kinatatakutan ko. What will happen once that Seiji discovered my background? My history, my life. Sobrang layo ko sa kanya. We're totally opposite. He's too pure for me.

Wala akong narinig na sagot mula kay Seiji kaya nagpatuloy ako.

"Hindi ko na pinalaki ang gulo. I just told my manager that I want to spread the news that we broke up, pero ibang balita ang bumungad sa akin, Seiji." Nasapo ko na ang bibig ko.

Muling nangatal ang buong katawan ko, sa galit, sama ng loob, lungkot at takot. Because it was not just a simple rumor that I cheated, may kumalat.

"A s-sex video blew-up sa social media sites at itinuturo nilang ako iyong babae. it's not me, Seiji, trust me. Nirerespeto ko ang sarili ko at hindi ko iyon gagawin sa sarili ko."

Mas hinigpitan ko ang yakap niya sa akin, ngunit alam kong ramdam ni Seiji ang pangangatal ng buong katawan ko.

"Please, don't turn your back on me once that you discovered my history. Ang paninira nila sa akin . . . kasi kaunti na lang ang naniniwala sa akin. Even some of my family walked away from me."

Ilang beses ko man patunayan na hindi ako ang babaeng nasa video, hindi pa rin n'on tuluyang makukumbinsi ang mga taong naabot ng balita.

"I'm so scared that your pure and innocent eyes might change the moment we left this island. Masasaktan ako, Seiji."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro