Chapter 14
Dedicated to CJ Villan
Theme song: Hana ni Bourei
Chapter 14
Whisper
"B-Be . . . be . . . gomen . . ."
Maybe the blasting sunset went more intense, or someone had invented a different kind of fireworks that brightens up the sky even still with the presence of the sun, or was it because of the glistening beads of jewels reflecting the sea right now?
I suddenly felt like everything went brighter and warmer, that I couldn't suppress the smile on my lips. Pero pinipilit ko pa rin itago iyon sa abot ng aking makakaya.
Hindi ako marupok, kailangan kong hindi bumigay nang ganoon kadali at kailangan ay pahirapan ko siya. He should feel the hardship of chasing, dahil iyon ang ipinaramdam niya sa akin simula nang magkakilala kami.
He should chase me the way I chased him.
Nasisigurado kong hindi ako nanaginip, at narinig ko mismo iyon mula sa bibig niya. And I could see his facial expression, the hesitation, shyness, and the suppressing smile as well. Lalo na iyong singkit niyang mga mata na hindi makatingin sa akin ng diretso!
Iyong dalawa kong kamay na nakatakip sa tainga ko ay unti-unting bumaba sa mga buhangin. My fists balled on the sand as I stared at him in disbelief.
I just wanted to cry right at this moment. Kung kanina ay galit na galit ako sa kanya at sobra ang tampo at inis ko, na inisip ko na maging pangalan ko ay hindi niya alam.
But when I heard how he struggle to mention my name and our endearment . . .
Handa na akong muling ipasimsim sa kanya ang lahat ng bango ko!
"Bebe na ni, Seiji?" mabilis kong tanong sa kanya. Pinilit ko ang sarili kong magmukhang seryoso sa kanya.
I just want to confirm it. Natatandaan ko na ipinaliwanag ko na sa kanya ang ibig sabihin niyon. Ilang beses siyang umiling sa akin sa tuwing tinatawag ko siya, but right now that he tried to use it to call me, I really want to have a confirmation na alam niya ang sinasabi niya sa akin.
Iyong maliit niyang mata ay biglang nanlaki at yumuko siya para iwasan ang mata ko. He scratched his messy hair again with his ears turning red.
"B-Be . . . be na ni?" inulit niya ang tanong ko. Saglit siyang sumulyap sa akin habang ako naman ang nakasilip sa mukha niya habang nakayuko siya.
Pinataray ko ang hitsura ko habang nakataas ang aking isang kilay.
"D-Darin . . ."
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Yes, darling.
"Na ni?" pagmamaang-maangan ko.
Muli niyang kinamot ang magulo niyang buhok, sumulyap siya sa akin at mabagal na nag-iwas ng tingin na parang iniirapan na naman ako.
"W-Watashi no . . ." Means mine.
Oh, my goodness.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at itinapon ko na ang sarili ko sa kanya. And as expected, we landed on the white sand as he complained about his aching back again.
"Itai . . ." aniya.
Pero hindi ko na magawang igalaw ang sarili ko sa ibabaw niya. I buried my face on his healthy ribcage.
Tangina niya. Bumigay na ang hapon. Bumigay na. Sinasagot na niya ako!
Para na naman siyang nabaril dahil sa dalawa niyang braso na nakahilata na naman sa mga buhangin.
Napangiwi siya nang gumalaw ako sa ibabaw niya at itinuon ko ang dalawang braso ko sa dibdib niya. Iniangat ko pa ang dalawa kong binti at magpalaro ko iyong ginagalaw-galaw habang nasa ere.
"Yes. I am yours, bebe. Only yours. We watashi no each other na. We bebe each other officially na!"
Ngumuso lamang siya at hindi sinagot ang mga mata ko.
Mas lalo akong ngumiti sa harapan niya dahil hindi siya umiling! Hindi talaga siya umiiling!
"Look at me! Panindigan mo 'ko!" I cupped his face to look straight into my eyes. "Do you like me, Seiji?" I asked him.
Gusto kong palakpakan si Seiji dahil nagagawa niyang mag-iwas ng tingin sa akin kahit hawak ko na ang pisngi niya. He knew the meaning of like! Nakikita ko sa reaksyon niya.
"Seiji! I will get mad again! Makikipaghiwalay ako ulit sa 'yo! We'll get a divorce! Our baby will never see you. Ayusin mo ang pagsuyo sa akin, gago ka."
"Itai . . . ibu . . ."
Mariin akong napapikit. "It's EVE, walang U. Bakit ganyan pronunciation n'yong mga gagong hapon kayo?"
"Copy me, bebe. Ib."
Nakaiwas pa rin ang mata niya sa akin. "Seiji! I said copy me." Itinuro ko ang labi ko. "Ib."
"I . . . bu . . ."
"Gag—sabi nang walang U! Ano ba iyan? Kakagatin ko na ang dila mo sige ka." I giggled.
"Again, Ib. Bebe, patigasin mo yung letter b mo. Kasi sa susunod, dahil we bebe each other na, iba na ituturo ni Mommy Eve na patitigasin mo. Gosh!" Ipinilig ko ang ulo ko at isinubsob ko muna ulit ang mukha ko sa ribcage niya para tanggalin iyong iniisip ko.
"Itai." Tinatapik na niya ang balikat ko.
"No! We're not gonna move without you pronouncing my name properly. Alright, again! Ib!"
Pinagpapawisan na siya sa posisyon namin. Pero dapat masanay na rin siyang nasa ibabaw ako dahil sa maraming bagay-bagay. Ngumisi ako habang hinihintay siyang magsalita ulit.
"I-bu."
Umiling ako. "Kakagatin ko na talaga dila mo, Seiji! Isa pa! One more time. Don't put air, bebe. Eve, pronounce it faster."
Paulit-ulit kong sinabi ang pangalan ko sa harapan niya na halos mabingi na siya sa akin. "It's okay if your tongue is super pilipit kapag . . bebe naman! Saka na lang iyon kapag handa na ako. Let's not talk about it muna, bebe. Nahihiya ako!" Pinaglaruan na naman ng dulo ng daliri ko iyong ribcage niya.
"Again."
"Ib—" Bigla kong tinakpan labi niya. "That's it, bebe! Stop it right there. Don't put U! Again."
"Ib . . ."
Nakakagat ko na ang pang-ibabang labi ko.
How could he look so cute and ravishing lying innocently on the sand? Napapamura na lang ako sa ribcage, spinal cord, at sa buhok niyang palyado sa shampoo dahil kahit gano'n siya, sobrang gandang lalaki ng bebe ko!
Paulit-ulit ko siyang pinabanggit ng pangalan ko hanggang sa tumama na at gumanda nang pakinggan.
"Eve," he said finally.
Kusa nang naubos ang lakas ko at inihilig ko nang muli ang mukha ko sa dibdib niya. Nakailang ubo na rin siya simula kanina.
Iyong mga kamay ko ay marahang humawak sa dibdib niya. Gusto ko nang mag-angat ng tingin sa kanya at halikan siya nang paulit-ulit na halos mawalan na kami ng hangin sa katawan.
Wala man lang ginagawa sa akin si Seiji. He just called me bebe. He allowed me to assault him, and he just tried to pronounce my name properly, but I could feel that any minute I might melt in his arms. Na hindi naman siya iyong tipo ng lalaking nakakapanlambot ng tuhod. Wala siyang mga salitang may pang-aangkin na tipikal na lumalabas sa bibig ng mga lalaki para maramdaman ng mga babae iyong matinding pagkagusto nila. Higit sa lahat, lagi siyang hiyang-hiya na takot na takot akong hawakan.
But he made me feel so beyond happy and contented even in the midst of this disaster.
"I like you so much, Seiji. I like you so much," halos bulong na sabi ko sa kanya habang nakasubsob pa rin ako sa dibdib niya.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nagsasabi ako kay Seiji na gusto ko siya, may parte sa aking napapaiyak o kaya'y may kirot sa dibdib ko. Natatakot ba akong hanggang dito ko lang sa isla mararamdaman ito? Na sa sandaling may makatagpo na sa amin, pipilitin ko na lang kalimutan ang lahat ng ito para hindi ako masaktan?
Because he might turn his back on me . . .
Sana panindigan mo ako sa sandaling umalis na tayo rito sa isla. Sana hindi ka lang napipilitan. Sana sa sandaling makilala mo ako sa labas ng islang ito ay hindi mo ako tingnan sa paraan ng tingin nila sa akin.
I hope you'll look at me the way you look at me right now. A beautiful angel with wings . . .
"I like you so much, bebe," ulit ko. Ipinahid ko ang luha ko sa malaki niyang damit.
"O-Onaji."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I blinked twice. "Na ni?"
Umiling siya. "Itai."
Natawa na ako at pinunasan ko ang luha ko bago ako bumangon mula sa katawan niya. Hinintay ko siyang makabangon at matapos na pagpagan ang kanyang damit bago ako ngumiti ulit sa kanya.
Akala ko ay yayayain na niya ako pero naglakad siya at nilampasan ako. Nang lumingon ako ay mabagal niyang kinuha ang dala kong bag na may lamang tatlong damit.
Halos mapapadyak na ako sa buhangin habang kagat ang pang-ibabang labi ko. Sinusundo na talaga ako ng mister ko!
Isinakbat niya ang bag ko sa isang balikat niya bago siya nag-aalangang sumulyap sa akin. Lakad-takbo ako patungo sa kanya bago ko iniyakap ang braso ko sa ibabaw ng batok niya.
"You are forgiven, Seiji."
Dahil ang tangkad niya talaga, tiniis ko na naman ang tumingkayad para magtama ang mata namin, pero nakatingala pa rin ako habang nakayuko siyang parang inaantok na naman.
"Kailan mo 'ko hahalikan, Seiji? Halikan mo na 'ko."
Umiling siya. "Wakaranai ."
"I said, kiss me. We bebe each other na naman, e!"
Saglit nanlaki ang mata niya. He looked away. Nanghaba na naman ang nguso niya. "K-Kureiji."
Mas isiniksik ko ang katawan ko sa kanya. "Sige na, Seiji. Kiss me." I cupped his face as I closed my eyes in front of him. Marahan kong inilapit ang labi ko sa kanya habang hinihintay ko ang paghalik niya sa akin.
I expected a sweet and a smack from him. Hindi na ako umasa ng French kiss mula sa kanya. But what I felt was different.
A sudden kiss on my forehead.
Umawang ang bibig ko habang nakatitig sa kanya. Sa sobrang bilis at gaan niyon, parang biglang sumabog ang puso ko habang nakatitig sa singkit niyang mata na hindi makatingin sa akin.
"S-Seiji . . ."
"Ikimashou . . ."
Wala sa sarili akong yumakap sa braso niya habang pabalik ami sa tent, dala na niya iyong bag ko. Ramdam niyang hindi mawala iyong titig ko sa kanya habang naglalakad kami pero hindi na siya lumilingon pabalik sa akin. Napapakamot na nga siya sa buhok niyang sabog at lumilingon siya sa kaliwang direksyon para lang makatago sa mga mata ko.
Pulang-pula ang tainga niya!
Habang naglalakad kami pabalik ni Seiji patungo sa tent, para akong naglalakad sa ulap, para akong lumilipad.
Sobrang saya ko.
"Sobrang saya ko, Seiji. Hindi man tayo masyadong magkaintindihan, sobrang saya ko."
Alam kong hindi niya naintindihan ang sinabi ko pero nang nag-angat na ako ng tingin sa kanya, nasa akin na ang atensyon niya.
"G-Gomen," ani niya.
Naiinis ako sa sarili ko, dahil sa tuwing kikiligin ako kay Seiji ay bigla akong makakaramdam ng kirot at takot. Kasi alam kong madali lang siyang maagaw sa akin.
He's an important Japanese. I am just a tarnished actress. Siguradong walang matinong magulang ang papayag na mapalapit ang kanilang anak sa akin. Lalo na kung katulad nitong si Seiji.
Naaasar ako!
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at inilagay ko iyon sa pisngi ko. "Patahanin mo 'ko, Seiji! Naiiyak ako! I should be happy now, you called me bebe at last pero natatakot ako. Kukunin ka nila sa akin pag-alis natin sa islang 'to. Ilalayo ka nila sa akin."
I saw panic in his eyes when he saw my sudden changed of mood. Sabi ko sa sarili ko, happy lang ako dapat, hindi ako iiyak ng tunay katulad nito pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.
Kasi alam ko sa sarili kong wala akong panghahawakan sa sandaling maghiwalay kami sa islang ito. His family will never like me once that they dig into my identity. Dapat inisip ko muna ang mangyayari sa akin bago ako lumandi at hinayaan ang sariling mahulog sa kanya.
I'll just let my heart left broken by this Japanese! Tapos landing-landi pa ako at hindi mapigilan ang sarili.
"I am happy and scared right now, Seiji."
Siya lang ang nagparamdam sa akin nito. The tenderness, his genuine eyes, his simple care, and even his silly shyness that made me fall hard just in a short time.
Maraming sumubok sa akin na kunin ang loob ko. They tried to impress me and flex everything that they've got just to get my interest. But Seiji Matsumoto is so different from them.
Because everything he showed me doesn't have any meaning, but his mere innocent nature . . . na siyang nagpahulog sa akin nang ganito.
Sa huli, naramdaman ko ang mga palad niya na mismo ang gumagalaw sa pisngi ko upang tanggalin ang luha ko. "S-Seiji, do something about this, please. Sobrang saya ko na nasasaktan at natatakot ako."
He looked troubled and frustrated.
Until he finally decided on what to do.
For the very first time, Seiji Matsumoto pulled me closer to him, and his arms wrapped protectively around me.
And he tenderly patted my head, with whispers I couldn't understand. "Anata o rikai shitai."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro