Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Isang Minuto

ISANG MINUTO
isinulat ni Endee (loveisnotrude)

ANG ARAW ng mga puso ang isa sa mga araw na sine-celebrate ng mga tao --- lalo na ng mga magkasintahan. Ito ang araw kung saan magkakalat na naman sa lansangan ang mga bulaklak, tsokolate, stuffed toys, at mga bitter na single dahil walang ka-date sa araw na 'yon. Mapupuno rin ang mga restaurants at motels sa araw na ito.

Bago dumating ang araw na ito, maraming mga singles ang humihingi ng himala kung kani-kanino lalo na kay Kupido. Humihiling na sana bago dumating ang araw ng mga puso ay makita o makilala na nila ang lalaki o babaeng para sa kanila. Humihiling na sana bago dumating ang araw na iyon ay hindi sila maging mag-isa, o sana man lang ay maranasan nila ang pakiramdam ng mga taong nag-uumapaw ang kasiyahan sa araw na iyon.

Pero ako, isa lang ang hinihiling ko tuwing sasapit ang Valentine's Day: ang makita at makausap siyang muli. Iyon lang. Wala nang iba.

Napatigil ako sa pag-iisip nang umilaw na ang pulang kulay sa stop light. Tumigil ang lahat ng sasakyan para bigyang daan ang mga tumatawid na tao. May mga papunta sa direksyon ko, at may kaparehas ng direksyong pupuntahan ko. May mag mag-asawa, magkapatid, magkakaibigan, at magkasinatahan. Iba't ibang katangian. Iba't ibang kuwento. Iba't ibang mga tao.

Malamang karamihan sa kanila ay hindi magkakakilala, o hindi nila napapansin na may mga nakakasalubong na pala silang kakilala nila. Hindi nila nakikita kung sino ang mga nasa paligid nila dahil nakatuon lang ang atensyon nila sa ginagawa nila.

Isang minuto. Isang minuto lang ang ibinibigay na oras para makatawid ang mga tao. At sa loob ng isang minutong 'yon, nakita ko siya. Hindi ko inaasahan na ang kanina ko lang iniisip at ang matagal ko nang hinihiling ay magkakatotoo agad.

Hindi pa rin siya nagbabago. Maganda, simple at mapapansin pa rin agad ang pagiging matalino niya dahil sa paraan kung paano siya maglakad at dalhin ang kanyang sarili. Hindi ko namalayang tumigil na pala ako sa gitna ng kalsada at parang tangang napangiti.

Hindi ko napansing malapit na pala matapos ang isang minuto. Kasalubong ko ang tutunguin niyang direksyon. Napansin din niya ako at agad na lumapit sa akin. Bigla na lang niya akong hinila pabalik, paalis sa gitna ng kalsada dahil tapos na pala ang isang minuto.

"April, just a minute. One minute, please." Hawak ko ang kamay niya at pinigilan siyang umalis.

Tumigil naman siya sa tapat ko, pero hindi tumitingin sa 'kin. Naka-cross arms at naka-pout pa siya. Para talagang bata. Ang cute lang.

"Una sa lahat, I'm sorry. I really am. Sorry kung nasaktan kita, sorry kung binalewala kita, sorry kung lagi kang nakakatanggap ng masasakit na salita galing sa akin. Sorry din kung ngayon ko lang na-realize na mahalaga ka pala talaga sa akin. I know naririndi ka na sa kaka-sorry ko, pero I mean it, April. Nagsisisi na ako," maingat kong sabi. Baka kasi isang maling salita ko lang, umalis na siya agad.

"Isang minuto lang ang hiningi ko para sabihin sayo ang lahat ng ito. I know I'm not good with words, pero if you'll let me, kahit abutin pa ako ng habang buhay para patunayan kung gaano kita kamahal, kahit magmukha na akong tanga, kahit gantihan mo pa ako at ibalik mo sa akin lahat ng ginagawa ko sayo noon, gagawin at tatanggapin ko. If you just let me, April. I'm asking you for a second chance to make everything right. Tatanggapin ko ang magiging desisyon mo. But please, let me."

Halos maubusan na ako ng hininga sa sobrang bilis ng pagsasalita ko. Baka kasi hindi ko masabi lahat ng gusto kong sabihin dahil nga isang minuto lang ang hiningi ko.

Katahimikan.

Tanging ang mabilis na paghinga at pagtibok ng puso ko lang ang aking naririnig. Masyado akong kinakabahan sa magiging sagot niya. Matagal na panahon ko ring hinintay ang pagkakataon na 'to. Ang pagkakataon na muli siyang makausap. Ilang minuto pa ang lumipas ngunit hindi pa rin siya nagsasalita. Pero may gustong sabihin ang kanyang mga mata. Hindi ako marunong o magaling magbasa ng iniisip ng tao sa pamamagitan ng pagtitig lamang. Pero sa pagkakataong 'to, nabasa ko ang gusto niyang iparating.

Awa. Ayon ang nakikita ko sa kanyang mga mata.

Mas maganda nga siguro kung sinampal na lang niya ako o kaya sinabunutan. Tatanggapin ko pa 'yon. Pero mas masakit pala ang makita sa kanyang mga mata na naaawa na lang siya sa akin.

Sino nga naman bang tanga ang papatawarin ang isang gagong katulad ko?

Malamang hindi si April 'yon.

"N-Naintindihan ko ang d-desisyon mo," pumiyok pa na sabi ko. Kaunti na lang talaga babagsak na ang letseng luha ko. Hinawakan niya ang pisngi ko.

"Sorry," aniya.

Tumango na lamang ako. Ang kanina ko pang pinipigilan na mga luha ay tuluyan nang pumatak. Nakakahiya. Nakita niya kung gaano ako kahina. Magsasalita pa lang sana ako nang maunahan niya ako.

"'Wag kang magulo, 'di pa ako tapos . . ." sabi niya at saka ngumiti. Nagtaka naman ako. Baka napangiti siya dahil sa hitsura ko ngayon. Mukhang tanga at miserable pa. Takte! Ngayon ko lang nilait ang sarili ko sa tanang buhay ko. Pag-ibig nga naman, o!

"Sorry . . . Sorry dahil kailangan mo pang umiyak nang dahil sa 'kin. Pero ang cute mo pala 'pag umiiyak ka!" natatawa niyang sabi. Bigla niya pang kinurot ang magkabilang pisngi ko at binanat ito.

"A-Aray! M-Masakit!" sigaw ko at inalis ang magkabilang kamay niya saka hinimas ang paniguradong pulang-pula kong pisngi ngayon. Takte!

"Ang damot mo naman. 'Di na kita bati!" Nag-pout na naman siya at crossed arms.

Teka nga!

'Di ko na talaga maintindihan 'tong babaeng 'to. Akala ko ba ni-reject na niya ako? Langyang term 'yan. Pero kung makipaglaro siya sa akin parang laro lang din yung mga sinabi ko. Labo naman nito!

"Teka nga . . . Ano ba talagang nararamdaman mo para sa 'kin, ha? 'Wag mong sabihin na pinaglalaruan mo lang din ang damdamin ko?" tanong ko at tinuro ko pa siya. Kukunin niya sana ang nakaturo kong hintuturo at kakagatin pero naiwas ko ito agad.

"Hmp! Bahala ka na nga diyan. Balak pa naman sana kitang bigyan ng second chance pero mukhang ayaw mo naman. Kaya 'wag na lang," aniya at nilagpasan ako.

Muling umilaw na kasi ang pulang ilaw. At nagsimula na naman ang isang minuto.

Hindi agad nag-sink in sa akin ang sinabi niya. Hindi rin agad ako nakapag-react. Hanggang sa paulit-ulit na nag-echo sa isipan ko ang sinabi niyang . . .

Balak pa naman sana kitang bigyan ng second chance pero mukhang ayaw mo nama

Dahil doon, agad ko siyang nilingon at saktong nasa gitna pa siya. Wala na kong sinayang na oras at agad akong tumakbo patungo sa direksiyon niya. Nang malapit na ko, hinila ko na ang braso niya. Nagtaka ako nang hindi halata ang pagkakagulat sa mukha niya dahil sa paghila ko. Dahil nakangiti pa siya.

"April . . ."

"Hmm?"

"Hindi ko alam kung paano 'to sisimulan pero isa lang naman ang gusto kong sabihin ngayon." Nakangiting nakatitig lang siya sa akin habang nakikinig sa sasabihin ko. "I still love you, April. I always do. Hindi nawala 'yon. Hindi rin nagbago. Sa katunayan, mas lalo pang nadagdagan ang pagmamahal na nararamdaman ko sayo. Thank you for giving me a second chance. Thank you for letting me to enter in your life again. I promise, this time, I'm not going to hurt you. Because the only thing I'll do is to love you."

Pagkatapos kong sabihin 'yon, hinawakan ko ang kanyang pisngi. Sobrang na-miss ko 'tong mga labi niya.

Unti-unti akong lumapit upang bigyan siya ng halik. Napansin kong nakapikit na siya. Ilang inches na lang at maglalapat na ang mga labi namin nang biglang . . .

Parehas kaming nagulat dahil sa napakaraming busina na narinig namin sa paligid. At doon lang namin napagtanto na nasa gitna pa rin kami ng kalsada. Tapos na naman pala ang isang minuto.

Dali-dali kong hinila si April upang tumabi. Muntikan na 'yon. Akala ko sasagasaan na kami ng mga sasakyan kanina.

Malaki ang pasasalamat ko sa isang minutong inilaan para makatawid ang mga tao sa kalsada. Nagpapasalamat ako at naimbento nila ang bagay na 'yon. Dahil kung hindi dahil doon, baka hanggang ngayon umaasa pa rin ako na magkakabalikan kami ni April. Isang minuto lang iyon. Isang minuto lang pero ang laki na ng naging parte nito sa akin. Isa pa, ito na ang pinakamasaya at memorable na Valentine's Day sa lahat. Kulang ang salitang saya sa nag-uumapaw na nararamdaman ko ngayon.

"I love you, April"

"I love you too."

At doon na naglapat ang aming mga labi. Halos tumagal din ito ng isang minuto bago ako na ang humiwalay sa halik namin. Napansin ko kasing pinagtitinginan na kami ng mga taong dumadaan.

"I think it's better kung sa condo ko na lang natin ituloy 'to," bulong ko sa kanya na siyang nagpamula sa kanyang magkabilang pisngi.

"Tristan!" sigaw niya sa akin.

"Biro lang," natatawang sabi ko.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagkabalikan na kami. Sobrang saya ko lang. At sisiguraduhin ko na hindi na kami muling magkakahiwalay pa.

Kamatayan na lang ang makakapaghiwalay sa amin.

WAKAS

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro