Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3 - Serpyente

Mala-higanteng serpyenteng may tatlong ulo ang walang kakurap-kurap na nakatunghay sa kanila. Nanlilisik ang kulay dilaw nitong mga mata na nagliliwanag sa gitna ng kadiliman ng gabi.

Nakaramdam ng matinding takot ang hukbo ng mga kawal dahil ang inaakala nilang natutulog na halimaw ay gising na gising at nakatunghay sa kanila na parang nakaantabay sa bawat kilos na kanilang gagawin at handang sakmalin sila anumang oras na magkaroon ito ng pagkakataon.

''Huwag kayong kikilos.'' halos pabulong na wika ni Prinsipe Ignasius na kasalukuyang nakakapit sa hawakan ng kaniyang espada na nakasabit sa gilid ng kaniyang beywang.

Walang kakilos-kilos ang mga kawal na kasama ni Prinsipe Ignasius habang nakakapit din sa hawakan ng kanilang mga espada.

Bumundol ang kaba sa dibdib ng prinsipe. Batid niyang isang maling galaw lang nila ay gagawin silang hapunan ng serpyenteng ito. Napalunok siya ng sunod-sunod dahil sa naramdmang panunuyo ng kaniyang lalamunan na hatid ng ibayong kaba na nararamdaman.

"Isang tunay na puso ang susi para matagumpay na mapasok ang bundok ng Linggoreo, mahal na prinsipe."

"Hindi makakatulong ang pag-aalinlangan mo ngayon, mahal na prinsipe. Ibayong tatag ng loob at tiwala sa sarili ang baunin mo sa iyong pag-alis. Iyan ang tiyak na ibibilin ng iyong amang hari kung sakaling gising siya ngayon."

Naalala niya ang mga tinuran ni Recosta sa kaniya noong kausapin niya ito.

Tama si Recosta sa kaniyang sinabi, walang puwang ang takot at pag-aalinlangan sa mga oras na ito. Hindi sila maaring pamayanihan ng takot at alinlangan lalong-lalo na siya dahil iyon ang ikakapahamak at ikakabigo ng kanilang misyon.

"Magpakahinahon kayong lahat." mahinang wika ng prinsipe sa kaniyang mga nasasakupan habang pilit inaaninag ang mga mukha ng mga kasama kahit sa dilim na bumabalot sa kanila na ang tanging tanglaw ay ang sulong hawak ng bawat isa.

"Kaya ba nating gapiin ang halimaw na 'yan, mahal na Prinsipe Ignasius?" narinig niyang tanong mula sa isa niyang kawal.

"Magtiwala kayo sa inyong kakayahan. Kaya nating lampasan ito kapag sama-sama tayo." wika ng prinsipe

Kung hindi lamang nila kilala ang ugali ng kanilang prinsipe ay aakalain nilang sa ibang tao nagmula ang mga salitang iyon. Ngunit heto sila sa harap niya nakikinig sa mga tinuran nito.

Kilala sa pagiging mapagpahalaga sa sarili ang binatang prinsipe at walang pakialam sa mga tao sa paligid maliban sa mga magulang nito. Kaya naman namangha ang mga kawal sa narinig at mahirap man aminin sa kanilang mga sarili ay nabuhayan sila ng loob na kakayanin nila ang labanang susuungin nila na magkasama.

"Vesturo, hatiin mo sa tatlong pangkat ang lahat ng kawal. Katulad ng stratehiyang ginamit natin sa paglusob sa kuta ng mga rebelde noong nakaraang buwan ang ating gagawin." masinsinang wika ng prinsipe sa pinuno ng mga kawal na mabilis na tumango at sinunod ang kaniyang utos.

Maingat na pinagpangkat-pangkat Ni Vesturo ang mga kawal at dahan-dahang naghanda sa kanilang gagawing pag atake.

Nasa isang daan bilang ng kawal na dala nila maliban pa kina Prinsipe Ignasius at Vesturo. Tig aapat napu sa dalawang pangkat habang ang natitirang bilang kawal ay kasama nila Vesturo at ng prinsipe.

Nakapatay na halos lahat ng sulong dala nila upang hindi sila makita ng serpyente. Dahan-dahang pumwesto ang dalawang pangkat sa bawat gilid ng serpyente habang nanatili sa harapan ang pangkat na kinabibilangan nila Prinsipe Ignasius at Vesturo.

Matiyaga silang naghintay sa hudyat ng prinsipe para lumusob habang ang serpyente Ay walang kakurap-kurap na nakatunghay sa kanila.

Sabay-sabay na nagpakawala ng palaso ang tatlong pangkat diretso sa tatlong ulo ng serpyente dahilan upang gumalaw ito. Dumagundong ang mga batong gumulong dahil sa paggalaw ng serpyente at papunta ito sa gawi ng pangkat ng prinsipe.

"Mag-ingat kayo sa mga batong parating! Huwag niyong hiwalayan ng tingin ang serpyente! sigaw ng prinsipe na ngayon Ay alistong umiilag sa mga naggugulungang mga bato.

Nakaramdam ng takot sa panganib na hinaharap ang mga kawal lalo na nung isa-isang sakmalin ng serpyente ang kawak gamit ang bibig nito. Pagsakmal na hindi nailagan ng karamihan ng mga kawal. May ilang kawal na kumaripas ng takbo palayo sa lugar na iyon at nakalimutan na ng tuluyan ang dahilan ng kanilang pagpunta.

"Mahal na Prinsipe, unti-unti nang nalalagas ang ating hukbo. Kailangan na nating lisanin ang lugar na ito." dama ng prinsipe ang takot at pangamba sa boses Ni Vesturo.

Wala pa ring tigil sa pagsakmal ang serpyente sa kaniyang mga nasasakupan. May ilan na nakapanlaban pero ilang saglit lang ay nagapi pa rin sila ng halimaw na ngayon ay unti-unting lumilipol sa kanilang hukbo.

"Hindi tayo maaring gapiin ng takot, Vesturo. Walang puwang ang takot sa dibdib ko ngayon dahil kailangan kong makuha ang lunas para sa making amang Hari." matapang na wika ng prinsipe sabay bunot ng pananv nakasukbit sa kanyang balikat.

Iyon ang panang ibinigay Ni Recosta bago siya lumisan ng palasyo. May nakabalot na salamangka sa pana at palasong dala ng prinsipe.

Nagpakawala siya ng tatlong palaso direkta sa Mata ng serpyente at tinamaan niya ito. Yumanig ang lugar dahil sa pagsuray ng isang ulo ng serpyenteng tinamaan ng palaso na nagmula sa pana ng prinsipe. Hindi na niya hinintay pa na makabawi ang serpyente at nagpakawala ulit siya ng tatlo pa para sa isa pang ulo nito.

Nakita ng prinsipe ang pagsuray din ng isang ulo na ikinasaya niya. Nagtagumpay siyang pabagsakin ang dalawang ulo ngunit ang saya niyang iyon ay napalitan ng kaba nung manlisik ang mga mata ng natitirang ulo ng serpyente.

Umatras na nag tuluyan ang mga kawal kasama Si Vesturo ngunit hindi nagpatinag ang prinsipe. Bagkus Ay umabante siya kasabay ng pagbitiw niya sa hawak na pana. Binunot niya ang kaniyang espada at matamang tinitigan ang mga mata ng serpyenteng nanlilisik.

"Hindi ako natatakot sayo! Lalabanan kita sa about ng aking makakaya dahil kailangan kong makapasok sa bundok na yan." malakas na wika ng prinsipe habang nakatuon ang buong atensiyon sa natitirang buhay na ulo ng serpyente.

Lagi niyang pinapaalala sa sarili na Hindu siya maaring makitaan ng takot dahil iyon ay isang kahinaan.

"Kahanga-hanga ang iyong taglay na tapang, Prinsipe!" wika ng boses na nanggagaling sa bandang likuran ng prinsipe at Recosta.

Napabaling ang atensiyon niya sa nagsalita ngunit wala siyang halos maaninag dahil puro kadiliman ang nakikita niya.

"Sino iyan? Magpakita ka!" utos ng mahal na prinsipe.

Biglang umilaw ang isang sulo at unti-unting iniluwa ng liwanag gaming dun ang isang matandang lalaki.

"Ikaw yong mangangahoy na nakatira sa paanan nitong bundok." wika ni Vesturo.

"Ako nga. At ako din ang tagabantay at nangangalaga ng mahiwagang bundok na ito. Pinabilib mo ako sa iyong tapang, prinsipe. Humayo ka at pagtagumpayan ang iyong misyon. Wala pang nakakalabas na buhay sa Bundok ng Linggoreo. Nawa'y ikaw ang unang makagawa niyan."

"Ngunit paano ang aking mga kasama? Hindi ba sila maaaring sumama sa paglalakbay ko?" tanong ng prinsipe sa kaharap.

"Hindi maaari. Ikaw lamang ang nakitaan ko ng totoong hangarin at lakas ng loob. Sundin Mo ang sinasabi ng puso Mo kung gusto mong magtagumpay sa iyong ipinunta dito." makahulugang wika ng mangangahoy.

"Vesturo, ipaabot mo kay ama't ina na babalik ako sa palasyo dala ang lunas para Kay ama. Lumakad na kayo."

"Ngunit mahal na prinsipe, hindi ka namin maaaring iwanan mag-isa."

"Narinig Mo ang sinabi ng tagapangalaga. Ako lamang ang maaaring pumasok. Wala na tayong oras paga magtalo, Vesturo. Ako'y hahayo na. Mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay pabalik sa palasyo."

"Ikaw ang mag-ingat, mahal na prinsipe. Nawa'y magtagumpay ka sa iyong misyon." paalam ni Vesturo sa prinsipe.

Mabilis na naglakad Si Prinsipe Ignasius palapit sa bukana ng bundok kung saan nakatayo ang serpyenteng tatlo ang ulo. Sa isang iglap lang ay buhay na ulit ang dalawang ulo nito at nakamasid sa kaniya habang binibigyan siya ng daan papasok sa mahiwagang Bundok ng Linggoreo.

Isang lingon pa ang ginawa ng prinsipe. Nakita niya ang ngiting sumilay sa mga labi ng mangangahoy habang nakatingin sa kaniya.

Tuluyan siyang pumasok sa bukana hanggang sa maharangan ulit ito ng serpyenteng tagabantay.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro