Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Pearl Savannah pOv

Napangiwi Ako nang Makita Kong naglalaway Ang Kapatid ko habang natutulog.

Para siyang ginahasa sa itsura Niya ngayon. Nakabukaka,nakanganga at magulo Ang buhok.

Umupo Ako sa gilid Ng kama at sinundot Ang pisngi Niya pero Hindi parin nagigising.

"Nathalie"pagtawag ko sakanya pero umungol lang Siya.

"Nat, gumising kana"

Sumimangot Siya at bahagyang bumukas Ang mga mata Niya ilang minuto Niya akong tinitigan Saka ngumiti.

"Ganda Ng ate ko"nakangiti niyang Sabi.

Napangiti Naman Ako"Sige na maligo kana"

Bumangon Naman Siya habang kinukusot Ang mga mata Niya"pwede bang Hindi muna Ako sasama?"

"Hindi pwede...segi na wag Ka nang makulit"tumayo na Ako Saka lumabas sa kwarto Niya.

Nagtungo Ako sa kusina kung saan si mama, nakabihis na sya habang hinahapag Ang mga pinggan sa LaMesa"gising naba Ang Kapatid mo?"Tanong Niya nang mag-angat Ng tingin saakin.

Tumango Naman Ako at ngumiti. Tutulungan ko pa sana Siya pero pinigilan Niya Ako.

"Ako na Dito Sige na mag bihis kana, makakaupo tayo sa harapan kung Maaga tayong pupunta"saad niya.

Tumango nalang Ako at nagtungo sa kwarto ko, tapos na akong maligo kaya magbibihis nalang Ako.

Linggo Ngayon kaya magsisimba kami. Humarap Ako sa Lifesize mirror habang inaayos ko Ang puting eleganteng dress na suot ko.

Nag blower din Ako Ng buhok ko Saka lumabas...baby pink Ang kulay Ng dress na suot Ng Kapatid ko habang si mama Naman naka puti din.

Nag tungo na kami sa simbahan at na una nga kaming naupo sa harapan Nina mama. Parami Ng parami Ang mga tao sa simbahan kaya napupuno na Ang mga upuan sakto ding nagsimula na Ang Misa.

Mahina Kong siniko si nathalie na nasa tabi ko na nakasandal Ang ulo sa balikat ko at natutulog pa.

Sumimangot Siya saakin"ate tinatamad na akong magsimba"

"Ano kaba--"

"Pero lab ko si lord"pagbawe Niya agad.

Napailing nalang Ako at nakinig nalang uli. Medyo Hindi ako interesado sa binasa ni father kaya inilibot ko nalang Ang paningin ko.

Paminsan-minsan nalang Ako nakakasama kina mama Dito dahil minsan abala Ako sa mga Gawain ko para sa school. 4th year college na Ako kaya medyo abala talaga.

Kakalipat lang namin, Siguro mag t-two months palang kami Dito sa Lugar nato kaya nahihirapan akong mag adjust sa mga bagay-bagay Lalo na sa school.

Napatigil Ako at napatingin sa Isang lalaking taimtim na nakikinig sa pari.

Nasa kabilang kanang upuan Siya, medyo malapit lang kaming dalawa dahil nasa may pinaka gilid din Siya nakaupo sa mahabang upuan gaya ko.

Masyado ata akong natulala sakanya dahil Hindi ko namalayan kung ilang minuto ko na siyang tinitigan.

Nanlaki Ang mga mata ko at mabilis na nag-iwas Ng tingin nang Bigla siyang napatingin sa direksyon ko.

Nahihiyang napatungo nalang Ako, tumiim Ang labi ko.

Napatingin Ako sa Kapatid ko at napakunot Ang nuo ko Kasi malawak Ang mga ngiti Niya saakin.

"B-bakit?"

Bahagya siyang sumilip sa kanang bahagi ko Saka tumingin ulit saakin na nakangiti parin.

"Ang gwapo ate noh?"

"Ano?"mas nagsalubong Ang mga kilay ko.

Nanlaki Ang mga mata ko nang biglang may itinuro Siya sa kanang bahagi ko. Natawa Naman Siya dahil agad Kong hinuli Ang mga kamay Niya.

Mas Lalo tuloy akong nahiya, Wala talagang hiya Ang Kapatid ko.

Sinaway kami ni mama pero Hindi parin Siya tumitigil kakasalita saakin"ate alam mo si kuya pogi, Lage ko 'yan nakikita Dito tuwing linggo."

Hindi ko Siya pinansin at nanatiling nakatingin sa pari.

"Sa tingin ko 'din close sila ni father. Mukha ngang magpapari si kuya pogi eh, pero wag Kang mag-alala ate sayawan mo lang 'yan Ng wet the bed sure akong magiging barako 'yan"

Masama ko siyang tinignan na ikinangisi Niya lang.

"Pero mas pogi talaga Ang baby sakristan ko noh"mayabang niyang Sabi.

"Ano?"kunot-noo ko siyang tinignan.

Dumikit pa Siya saakin at may palihim na tinuro sa harapan"kita mo Yung tatlong sakristan sa kanan? Yung nasa gitna 'yun Ang baby ko"pag sasaad Niya.

Napatitig Ako sa binatang sakristan, talaga ngang gwapo Ang binata Moreno saka makinis Saka matangos Ang ilong at taimtim ding nakikinig sa pari.

"Ang Bata mo pa--"

"Tsk. Crush lang Naman ate noh"pagpuputol Niya saakin

"May pa baby-baby kapang nalalaman"sarap kutusan Ng batang toh

"Tsk. Pero Alam mo ate mukhang magkamag-anak sila nung kuya pogi"

"Pano mo Naman nasabi?"

"Kasi sabay Silang umuuwi ni kuya pogi, Saka medyo magkahawig"

Tumango nalang Ako at ibinaling sa harapan Ang paningin. Hindi Ako naging komportable Kasi pakiramdam ko may nakatingin. Hindi ko nalang pinansin Kasi pakiramdam ko lang Naman.

Nang makauwi kami sa Bahay nagbihis agad Ako Saka nagtungo sa kusina at hinugasan Ang mga plato na iniwan Namin kanina matapos kaming mag-almusal Saka uli Ako bumalik sa kwarto.

Dumiretso na si mama kanina sa hospital pagkahatid namin sa Bahay....pinag mamaneho Siya Ngayon ni mang galio Ang driver Namin.

Nasa hospital Kasi si Lola kaya madalas nandoon si mama. Kaya nga nagdesisyon si mama na Dito kami tumira Kasama Ang mama Niya. Ayaw sana ni papa Kasi mas malayo na kami sakanya kaso Wala siyang magawa Kasi nagagalit si mama sakanya.

Kawawa Naman Kasi si Lola, pumanaw na si Lolo kaya Wala siyang Kasama sa Bahay na ito kundi si manang Ellen lang na Asawa ni Mang galio. Wala si manang Ngayon Kasi umuwi pa sa probinsya nila.

Nasa kalagitnaan Ako Ng pagsusulat nang biglang mag ring Ang phone ko...sinagot ko agad iyon nang makitang si papa Ang tumatawag.

"Papa"masayang sagot ko.

"Pearl, kumusta Araw niyo?"

"Ok Naman papa...kakasimba lang Namin"

"Ano bang gustong pasalubong Ng pangganay ko?"bigla niyang Tanong.

"Ho?uuwi po kayo?"natutuwang sagot ko.

"Oo, dalawang Araw lang Ako d'yan Saka Kasama ko si Patrick"

"Ganun po ba Sige ho sasabihan ko si mama"Sabi ko Saka nag paalam na sakanya.

Matagal naring Hindi nakakauwi si papa simula Kasi nang lumipat kami Dito madalang nalang siyang bumibisita saamin, malayo Kasi Ang trabaho ni papa Dito Saka sobrang busy din.

Sasama din pala si Patrick bukas, Isa pa 'yun masyado ding busy sa trabaho gaya ni papa kaya madalang ko lang nakakausap sa phone o kaya nakikita.

Matagal ko ng kaibigan si Patrick, Magkaibigan din kasi ang mga ama namin saka mayaman sina Patrick at mamababait kaya malapit ang loob ko sakanya.

Nagtapat din si Patrick saakin na gusto niya ako saka nagpaalam kay papa na liligaw sana kaso ayaw pa ni papa kasi nag-aaral padaw ako pero alam kong botong-boto si papa sakanya.

Ayaw ko din namang mag ka boyfriend pa saka--

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang pumasok nalang bigla sa kwarto ko ang kapatid ko saka patalon na humiga sa kama ko habang nakatutok sa cellphone niya.

Hindi ko nalang pinansin at tumayo nalang mula sa pagkakaupo sa kama saka kinuha ang mga notes na sinusulatan ko saka lumipat sa mini table at nagpatuloy sa pagsusulat.

"Ate"pagtawag niya saakin.

"Bakit?"sagot ko habang nagsusulat parin.

"Isaiah"saad niya.

Nagsalubong ang kilay ko pero hindi parin nag-aangat ng tingin sakanya"sinasabi mo d'yan--"

"Isaiah Nicholas Hernandez"

Nag-angat ako ng tingin sakanya nakatutok parin siya sa cellphone niya habang nakangiti"ano bang pinagsasabi mo? saka sino ba--"

Binalingan niya ako ng tingin"buong panggalan iyun ni kuya....yung pogi! yung tinititigan mo sa simbahan ate"

"Ano? h-hindi ko naman siya tinitigan eh--"

"Sus!"inirapan niya ako saka ibinalik ang tingin niya sa cellphone niya"halata naman"bulong niya pa na narinig ko naman.

"Teka...saan mo naman nalaman 'yun?"tanong ko.

"Sa kaibigan kong sakristan"sagot niya naman.

"Sa crush mo?"

Agad niya akong tinitigan"hindi ah! iyong isang sakristan na kaibigan ko lang, saka never kong magiging kaibigan si baby caleb ko dapat more than friends kami"

Napailing nalang ako at nagsulat uli...grade-12 palang siya pero mas malandi pa siya sa ate niya.

"Pero ate aminin mo mas gwapo si kuya Isaiah kaysa kay kuya Patrick"inaantok niyang sabi nang mapatingin ako sakanya nakapikit na siya pero nagsasalita parin.

Napabuntong hininga ako"siguro...ewan"pabulong kong sabi saka nagpatuloy sa pagsusulat.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro