Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Unang araw.....

Hi! Ako si Troy Smith. High school na ako. 18 years old na ako. At bukas na yung klase ko......
Kakagising ko lang kasi ngayon na yung unang araw ng klase. Shetz, ayaw kong pumasok pero dahil gusto ko makita ang mga kaibigan ko, papasok ako.....
Kakaligo ko lang at kailangan ko pumili ng damit. Black and red rebel shirt, black pants at Vans shoes. Bumaba ako sa kainan namin kasi gutom na ako. Eggs and bacon and breakfast namin, may kasama pang milk. Hay, ang sarap ng pagkain
Parang matagal akong hindi nakakakain hahahaha. Nagtoothbrush ako pagkatapos nun. Naglagay din ako ng gel. Kinuha ko yung bag ko pagkatpos kong maghanda. "Bye mom, alis na ako." "Take care my baby boy." "Ma, hindi na ako baby." "Basta baby pa rin kita". Umiling ako at kinuha ko na yung susi ko sa may TV. Dali dali ako pumunta sa kotse ko at nagpatugtog.
Nasa highway ako ng biglang may mga batang nagbebenta ng sampaguita. Kumatok yung isa sa bintana ko. "Kuya, bumili na po kayo, para lang po sa pagkain ng kapatid ko" Naawa ako at binigyan ko ng P1000. "Kuya, maraming salamat po, hulog po kayo ng langit" "Walang anuman, basta mag ingat kayo kasi baka masagasaan kayo." "Ok po". Nag green na yung stoplight kaya nag go na ako.
Nakadating ako sa school namin. Nagparking ako sa parkingan. Bumaba ako at dinala ko yung bag ko. Tumitingin sa akin lahat ng mga babae ng parang gusto nila ako. Kinindatan ko nalang sila at ngumiti. Sa may hallway, nakita ko sila Harver, Sage, at Carlos. "Uy pare, musta na." "Long time no see" "May girlfriend ka na ba?" Tanong nila. "Uy pare, ok naman. Hoy wala pa no." Sagot ko. Tamang tama at nagring na yung bell. Pumunta kami sa classroom namin at nagusap na magkita nalang mamaya sa bleachers.
Ang boring ng klase.
Hay salamat at tapos na yung klase. Grabe 2:30 pm na pala. Naglakad ako papunta ng bleachers. Nakita ko si Harver hinihintay kami. Pumunta ako sa kanya at nagusap kami. "Harver, may crush or girlfriend ka na?" "Meron" "Sino? Uyyy." "Basta wag mo sasabihin kahit kanino ha" "Sige bro" "Si Ma-" "HARVER, TROY!!! HI!" Tumakbo si Sage ng parang bata. "Hi." Nagusap usap kami at sinabi ni Carlos na ililibre nya kami. Pumunta kami ng canteen para kumain. Habang nagbabayad si Carlos, tumingin ako sa likod at nakita ko ang pinaka magandang babae sa buhay ko. Ombre hair, light brown eyes at pinky lips. Ginulat ako ni Harver at nagalit ako sa kanya......

To be continued.
-----------------------------
Hello po. Sorry po kung short lang. Pero maraming salamat po sa pag babasa nito. :)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: