Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 18


Maki Say's: Ang sabaw ko today, wala naman akong ginagawa, kanina pa ako hindi makaconnect sa mga chapters na isinusulat ko so I hope this won't come as sabaw to you. Votes and comments para masaya :)

PIERRE.

"Helena, what are you doing here?" Kunot noong tanong niya sa babae sa harapan. He was enjoying his lunch that Helga made for him. Pork hamonado. He cannot think of anyone can cook better than his wife mula sa Hungarian goulash hanggang sa scrambled eggs, Helga surely is a natural born chef. Kahit gaano kalaki ang problema ng airlines ay parang naging maliit na bagay na lang ngayon, in fact, she's helping him calm the victims in her own little ways. 

After a month and half of hard work, nabigyang linaw na ang plane crash. The terrorist killed the pilot and took over the plane until it crashed. Kapag naiisip niya iyon, nagagalit pa din siya pero kapag nakikita niya ang magandang ngiti ng kanyang asawa, parang wala naman siyang karapatang magalit o magtanim ng sama ng loob kahit kanino.

"Pierre, the problem's ending. B-baka naman we can talk about—"

Napatiim bagang siya, "Helena, you know my take on this." 

"Pierre, mayroong nangyari sa atin." Lumapit si Helena sa kanyang lamesa para ibulong ang mga salita. Suddenly her perfume became too strong for his liking. Ibinaba niya ang kanyang kubyertos at pumikit ng mariin.

"Helena, I know I will sound like a fckboy but that wasn't supposed to happen and I am very sorry."

"G-ganoon na lang yon, Pierre? Pierre, ako 'to! Si Helena! Mahal mo ako. Nangako ka." Kumapal ang luha sa mga mata ni Helena at agad siyang nakaramdam ng awa. Kahit papaano ay may pinagsamahan naman sila.

"I am so sorry, Helena. Things changed."

"Anong things changed? Umalis lang ako sandali. Sandali lang iyon, Pierre. You—you are just cheating on me, Pierre. This is just a phase, I know. And I forgive you. Magsimula tayo ulit."

"But Helena, I am married to Helga and this is just right. I am sorry, I know this lifetime isn't enough for me to deserve your forgiveness but this is my life now. You should move on to yours. Please Helena, sana ay tapusin na natin ito ngayon pa lang. Ayoko nang paulit ulit tayo sa usaping ganito. Nagkakasundo na kami ni Helga."

"Babalik ka din sa akin, Pierre. Makikita mo."

Bigong tumalikod si Helena. Only if the choices has no consequences, mas madali sigurong pumili. Kung ang consequences ay siya lamang ang maaapektuhan, hindi siya magiging apektado ng sobra. 

His phone rang, binalot siya ng pangongonsensya nang makita ang pangalan ni Helga doon, he knows she needs to know but how? Now that everything's smooth sailing, he doesn't know how he will watch it fail. Now that the problems in the airlines were now resolved, techincally, he's off the bait and he's happy about it, yun nga lang ay parang anino ang ginawa niyang kasalanan sa nakaraan na patuloy siyang sinusundan.

"Helga.."

"Hi Pierre! Busy ka?"

Napangiti siya sa boses ng asawa, "I know, I remember our date, Helga."

Hindi na niya inintay na matapos ang kanyang oras sa opisina. Not that he's slacking off because his problems were solved but he's excited to see Helga. Yun lang ang ikinamamadali niya, ang umuwi sa asawa.

Kagabi ay napag-usapan nilang dalawin ang ilan sa pamilya ng biktima ng eroplano. At first he's not sure if that's a good idea but Helga vouched for it. Excited itong nag-bake ng cupcake para sa mga ito and he knows she'll be disappointed if he won't go. 

Now they are sitting in front of the family and he never felt more compassion that today. Si Helga ata ang nagturo sa kanya non.

"Napakabait ng anak ko.." Inabutan ni Pierre si Helga at si Mang Tony ng tissue na sabay umiiyak nang magkuwento si Mang Tony sa kanila ng alaala ng anak.

Dumating si Aling Dory at hinagod sa likod ang asawa. "Wala naman tayong paghihingan ng anak natin para makabalik muli, Tony." Ibinaba ni Aling Dory ang plato sa harapan ni Helga na agad na namilog ang mga mata sa nakahain.

"Binili ko ang paborito mo. Ikaw, Sir? Gusto mo rin ba niyan?" Tanong sa kanya ng matandang babae.

Napangiwi siya. Pansit Bihon na merong ketchup at sunny side up egg. Agad na kinuha iyon ni Helga at hinalo pagkatapos ay kinain. She finished the whole thing in two minutes or less. Nakalimutan na atang umiiyak siya.

"Specialty ang pancit na yan dito sa San Pedro. Binilhan din kita ng porkchop. Di ba nagustuhan mo din iyon?" Tinapik ni Aling Dory si Helga na parang aliw na aliw dito. Tumango naman agad ang kanyang asawa.

Hindi siya makapaniwala na gusto ni Helga ang mga pagkain sa karendirya but she was smiling like she had a take out from a Michelin Star restaurant.

They stayed for a few more hours talking and calming the family before they finally bid their goodbyes. Bitbit ang napakaraming pagkain mula sa mag-asawang Mang Tony at Mang Dory, masayang masaya si Helga na inaamoy pa ang plastic habang nasa byahe na sila pabalik. Napailing na lang si Pierre sa asawa.

"Siguro kaya mo madalas puntahan sila Mang Tony dahil sa mga pagkain."

Sinamaan siya ng tingin ni Helga. "Of course not! Pasiyam nung anak nila noong una kong punta at ngayon, dalaw lang ito.."

He rolled his eyes, "Fine, fine." Nang huminto ang traffic light ay pinatakan niya ng halik ang kanyang asawa. He now appreciates that he's with her now.

Helga is very forgiving and the most thoughtful and caring person he ever met. Nabigyang hustisya ang kagandahan nito sa kabusilakang loob. She would smile in small things, and she would cry on bigger things. Ilang beses ba siya nitong pinatawad?

"Gusto mo ba ng donuts?" Natatawang tanong niya nang mapadaan sila sa Donut stand, biro lamang iyon kung tutuusin.

"Can we buy?" Nanlalaki ang mga mata nito.

Mukhang gutom pa sa kabila ng dami ng kinain at kanina pa humihirit ng dessert. Masyado itong abuso sapagkat alam nitong perpekto ang hubog ng katawan nito. Napangiti siya habang naiisip ito. Ang malambot niya balat at ang kurba nito na nakakahalina. He will never get tired of taking her over and over, he cannot wait to go home.

----

HELGA.

"Good mood!" Biro sa kanya ni Stephanie habang nag-i-sketch siya ng isang gown.

"Nasaan si Travis?" Lately ay hindi niya na ito nakikita sa school, iniisip niya na baka naging abala ito sa projects kaya lang pakiramdam niya ay kulang kung sila lang dalawa ni Stephanie.

"Busy, may project daw sa Taytay. Alam mo naman yon, hindi pressured na makagraduate yon. Mayaman na yon eh." Tumawa muli si Stephanie. "Hindi ka pa uuwi?"

"Iniintay ko si Pierre." Like a cue, nakita niya ang hinihintay niya. Nanliit agad ang kanyang mga mata sa mga kaeskwela niyang hayagan na pinagmasdan si Pierre at tinapunan ng paghanga. Seryoso ang kanyang asawa at naghahanap ang madidilim na mata sa kanya. Sinikop niya ang gamit niya at nag-madaling lumapit dito.

"Bye. Good talk!" Puno ng sarkasmong sabi sa kanya ni Steph pero hindi niya iyon pinansin.

Lumiwanag ang mukha ni Pierre nang makita siya. The sunlight bathe his godlike features and he automatically beamed a smile at her.

"Hi." Nahihiya siyang ngumiti dito. He leveled his face to her and kissed her gently. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya kikiligin dito.

"How's school?"

"How's work?"

Nagkatawanan pa sila nang sabay nilang tinanong iyon sa isa't isa.

"Okay lang, namiss ka." They said in chorus. Muli siyang pinatakan ni Pierre ng halik sa labi.

Bago pa man sila makasakay sa sasakyan ay tumunog na ang cellphone ni Pierre.

"Helena?"

Kinabahan siya nang marinig ang pangalan ng kanyang kapatid sa mga labi ni Pierre.

"Okay, papunta na kami diyan."

Mahigpit na hinawakan ni Pierre ang kanyang kamay.

"Your sister called, gusto daw tayong makausap ng Daddy mo."

Tumango siya na parang isang masunuring bata kahit na binalot siya ng kaba. Hindi niya alam kung anong pag-uusapan pero hindi na din ata siya makapaghintay na makaharap ang kanyang ama at ina.

"Dapat siguro bumili tayo ng caramel cake, favorite yon ni Dad." Napalunok siya. She's not sure if she's making any sense. Ang alam niya lang ay kailangan niyang may sabihin. Nanlalamig ang mga kamay niya. She's anxious of what they will tell her. Papatawarin na siya? Tatanggapin na siya? Isasapubliko na nila ang kasal nila ni Pierre? Well the last part will always be their choice pero pinili nilang hindi muna para magbigay daan sa naging problema ni Pierre sa plane crash ng Laya Air.

Sinalubong sila ng malamig na mansyon. Nung bata siya, this was her comfort. Tuwing uuwi siya sa eskwela ay halos humulagpos ang puso niya pag nakikita ang kanilang bubungan at mabigat naman ang kanyang pakiramdam tuwing aalis siya.

Huminto ang sasakyan ni Pierre sa harap mismo ng main doors ng mansion. Pinagbukasan siya ni Pierre ng pinto bago bumaba. Natanaw na niya ang kanyang ama at ina, sa Helena ang tiyak na napapagitnaan nito.

Napalunok ang kanyang ama habang tinitingnan ang kamay nila ni Pierre na magkahawak.

"Dad, Mom.." Humalik siya sa pisngi ng kanyang mga magulang. Ganon din ang ginawa ni Pierre.

Umupo sila ni Pierre sa harap ng kaniyang pamilya. Matatalim ang tingin ng Daddy niya kay Pierre, kagaya noong naaalala niya pa.

"I could not believe this." Her father spat. Ibinagsak nito ang mga litrato sa kanilang harapan. Bumuhos ang emosyon sa kanyang sikmura nang mapagtanto kung ano yon.

"Oh come on, don't look surprised, Helga. Di ba meron ka din niyan?" May panunuyang wika ni Helga.

Lewd photos of Helena and Pierre making out at a club, mainit yon at nakakapaso. But her eyes widened with their photos on bed, naked. Parehas silang natutulog at nababalot lamang ng kumot ang kanilang katawan.

"Lahat yan ay nagsisimula nang kumalat sa internet ngayong umaga." Parang kulog na boses ng kanyang Daddy. Sa isang iglap ay pakiramdam niya nauulit na naman ang nangyari noon, sa pagkakataon ngayon ay hindi na siya kasali. Matalim ang titig ng Daddy niya kay Pierre.

"Ilang beses mo ba ako ididisappoint, Pierre?"

Napaawang ang labi ni Pierre at lumipat ang mata sa kanya ng asawa. Naguguluhan siya at parang sasabog ang kanyang puso, namamanhid ang bawat parte ng kanyang katawan.

"Naeskandalo na naman ang isa sa mga anak ko and now, in public!"

"We can control the media, Tito, I—I mean—" Maagap na sagot ni Pierre.

"Baka naman luma na i-iyang litrato.." Nanginginig ang boses niya, umaasa.

"But I am pregnant!"

Nalaglag ang panga nilang lahat sa isang pasabog na balita na ginawa ni Helena. Nanlabo na ang kanyang paningin sa pagkakataong iyon. Pakiramdam niya ay nasa maliit siyang butas at hinahanap ang liwanag pero tinapunan na iyon ng makapal na lupa para hindi siya makalabas.

"Yes, I am pregnant." May luha din sa mga matang wika ni Helena sabay saboy ng tatlong pregnancy test kit sa centertable kanilang harapan.

Para siyang kinukurot ng masasakit. Niyayanig ang buong katawan niya habang pinapanood ang magandang mukha ng kanyang kapatid na puno ng luha. Naaawa siya dito kahit nasasaktan siya. Tinimbang niya ang pakiramdam kung ano ang kaya niyang pagbigyan. Siguro ang sakit na kanyang nararamdaman ay kaya niyang talikuran. Kung hindi lang siguro ibinagsak ang isa pang balita sa kanyang harapan.

"Your marriage was never registered." Panimula ng kaniyang ama na si Mauro Ortega. Napaawang ang labi niya, now, nothing is making sense. "Pinag-usapan namin ng magulang ni Pierre ang desisyong iyon at napagdesisyunan naming hindi namin irerehistro ang kasal."

Tumiim bagang si Pierre sa kanyang tabi pero wala siyang pagkakataon para pagtuunan iyon.

"And now, Helga. You can now return to this house. And Pierre can marry Helena to solve all these controversy."

Humigpit ang hawak ni Pierre sa kanyang kamay pero hindi niya iyon naramdaman. 

"Thank you for that information, Tito Mauro, I would like to take this opportunity to formality ask for the hand of Helga in marriage."

Kumunot ang noo ng mga magulang niya, naging mapakla ang reaksyon ni Helena. Siya naman ay parang nabibingi sa sunod sunod na boses sa kanyang harapan at sa kanyang isipan.

"Pierre!" Tutol ng kanyang kapatid.

"Hindi mo ba  naririnig, Pierre? You are a free man and I am pregnant! Hindi mo balak pananagutan ang anak mo?"

"Hindi lalaking bastardo ang unang apo ko!"

Tumayo si Helga nanghihina at puno ng luha ang kanyang mga mata, hindi niya na matiis ang kataksilan ng kanyang pamilya at kung paano pinaglaruan ng mga ito ang kanyang buhay. "Ganoon na lang ba iyon? Ikakasal kami kung kailan niyo gusto at maghihiwalay kami kung ayaw niyo na?"

"Huwag kang sumali sa usapang ito, Helga!" Banta ng kanyang ama.

"Bakit hindi? Buhay ko ang pinapakialaman niyo! Buong buhay ko, nakasunod ako sa lahat ng gusto niyo because you told me you know it all! Hanggang ngayon igigiit niyo pa din kung ano sa palagay niyo ang tama?"

"Mabuti nga at hindi ko ipinarehistro ang kasal niyo dahil buntis ang kapatid mo, buntis si Helena kay Pierre! And whatever it takes, Pierre needs to marry Helena! Hindi maaring lumabas ang kapatid mo nang walang kinikilalang asawa! Baliw ka na ba o bulag ka lang? Pierre and Helena still love each other because Helena got pregnant inside your cohabit!"

Nanginig ang kanyang katawan. Nagtatanong ang mga matang hinarap si Pierre.

"Pierre?"

"Helga, it was only once—"

Umigkas ang kanyang panga at sinampal si Pierre. "Helga, I m—" Muli ay umangat ang kamay niya at sinampal si Pierre sa kabila.

"Enough of the drama, Helga! Don't be a brat!"

"Brat?" Mapait niyang tiningnan ang ama. "Brat ako? Was I ever spoiled? Am I?" Nanginginig ang kamay na tanong niya sa kanyang ama. "May pabor ba akong nakuha sayo? Oo, bunso ako, pero wala akong nakuha dahil mas gusto niyo ang panganay niyo. Mas matalino, mas magaling, hindi kagaya ko!"

"Helga! Stop!"

"Kayo ang pamilya ko pero kayo ang nangunguna sa paninira ng buhay ko. So, I am the spoiled brat?" Namamaos na tanong niya. "Bakit ako nasasaktan ng ganito?! It was never because I didn't get what I want but because I never had anything! Kahit kaunting pagmamahal hindi niyo ako nalimusan. Ang lulupit niyo! Ang lulupit niyong lahat!"

Bumalot sa kanya ang kakaibang lamig. Lamig nang walang matatakbuhan at makakapitan. Isang tingin ang binigay niya kay Pierre at tumalikod na siya. Pakiramdam niya ay nasa isa siyang palabas at hindi naman siya dapat nagpakita.

Mabagal siyang nag-lakad, pilit na isinasantabi ang pananakit ng ulo at panlalambot ng tuhod hanggang sa unti unti niyang maramdaman ang pagka-patid niya sa hangin. Walang dahilan at siya ay bumagsak pero pinilit niyang tumayo.

Mula sa araw na ito, tapos na ang paglalaro.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro