Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Helga x Pierre 6


HELGA.

"Saan tayo pupunta, Pierre?" Parang bata si Helga habang patalon talon pang naglalakad papasok ng isang sikat na Engineering, Architectural, Arts and Design School sa Pilipinas. Ang bawat pasilyo ay may iba't ibang blueprint, sketches, Autocad Drawings at Artist's Perspective ng mga sikat na Engineers, Architects, Interior Designer, Artists at Fashion Designer sa loob at labas ng bansa.

Colegio De Artem Consilium

Dati ay pangarap lang niya lang na pumasok dito, lagi nyang tinitingnan ang website at iniimagine ang sarili na naglalakad sa magarbong pasilyo ng eskwelahang ito. Ngayon ay totoong totoo na! Nahahawakan niya ang artwork ng mga kilalang artists at talaga namang natutuwa siya.

"Kakausapin natin ang Dean." Pierre smiled at her.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ni Helga. She's having a hint pero ayaw nya muli mag-assume. Excited siyang pumasok sa loob ng isang malapad na pinto sa pinakadulong bahagi ng pasilyo ng luma pero well-maintained na eskwelahan.

Isang may edad na babae ang sumalubong sa kanila. Agad na tinanguan ito ni Pierre at naglakad ito patungo sa isa pang pinto.

"Dean, nandito po si Mr. Floresca.." Narinig nilang sambit ng babae doon sa loob ng pinto.

"Tuloy daw po kayo, Sir."

Helga smiled at her heart's content.

"Good Morning Dean.. I am with Helga Maurice Ortega and I am planning to enroll her to one of your offered courses. She went to Paris American Academy and she will continue her studies here."

Napaawang ang labi niya. How did he know that? Hindi naman iyon sikreto pero hindi nya inaasahan na alam ni Pierre ang ganoong bagay tungkol sa kanya. She never openly talked about her school and course.

"Of course.. We'll see what we can offer..." Magiliw na sambit ng matandang lalaki sa kanilang harapan. Binigyan silang dalawa ng parehas na papel tungkol sa curriculum. Kahit ang rates ay makikita doon sa papel. Napatikhim si Helga sa presyo ng nandoon, nahalata yon ni Pierre kaya bahagyang idinikit ang katawan kay Helga at bumulong sa kanyang tainga na siyang nagpaigtad sa kanya.

"You don't have to think about anything.." Pinigilan niya ng sarili na mapapikit habang inaamoy ang mabangong hininga ni Pierre. Ang init na dala nito ay gumapang hanggang sa kanyang likod. 

Come on, Helga!

Pagalit niyang muli sa sarili. Hindi siya maaring makalimot dahil hindi din ito tama. Si Pierre ay para kay Helena. At kailangan niyang maki-cooperate para mabilis na matapos ang kanilang pagpapanggap. Everything should fall into their right places really fast. 

Nang matapos ang araw ay naka-enroll na nga siya sa prestihiyong eskwelahan sa tulong ni Pierre. Abot abot ang pasasalamat niya dahil dito. Sa likod ng kanyang magandang ngiti ay nag-iisip sya ng paraan para mabayaran ang kabutihan nito o di kaya mabawasan man lang ang bigat ng gastusin nito sa kanya.

"Pierre, magtatrabaho ako habang nag-aaral." Wika niya habang binabaybay nila ang daan patungo sa parking lot. Nangunot ang gwapong mukha ni Pierre. Tuwing tinititigan niya ito ay hindi mawala sa isip niya ang pag-alala sa archangels na madalas na ipinta ng mga kaeskwela niya sa Paris. Pierre would be their favorite subject if ever.

"You don't have to, isa pa hindi ka naman sanay sa gawain—"

"Self supporting student ako noong nasa Paris. Masyado kasing mahal ang bilihin doon kaya napilitan akong magtrabaho. Sinubukan kong manilbihan sa mga club na pag-aari ng isa sa mga kaibigan ko, waitress ako doon at nagpart time din ako bilang modelo."

Pierre's eyes showed amusement. Ang magandang kurba ng labi nito ay umawang while his intense eyes looked at Helga with sympathy.

"H-hindi ka ba nahirapan? I mean, that should be tough—" Hindi mahanap ni Pierre ang sasabihin. Bakit nga ba hindi? Ang babaeng inaakala nitong pasaway at laging mayroong picture sa madilim na bar ay nagtatrabaho pala doon. Umiling si Helga at nagbigay ng mapayapang ngiti.

"Madami akong nakilalang tao doon, tinulungan nila ako lalo na noong hindi ko na binabawasan ang padalang pera ni Daddy. Pierre, gusto kong maging Designer, hindi ko kinuha ang pera ni Daddy dahil ayaw kong isumbat nya sa akin yon pagdating ng araw. Dugo't pawis ang investment ko para magawa ko ang gusto ko."

----

PIERRE.

HINDI maiwasan ni Pierre ang mamangha sa magandang asawa. Hindi nya nakitang naghihirap man lng si Helena kaya ganon din ang expectation nya sa kapatid nito. They both lived in luxury dahil parehas namang mahal na mahal ang mga ito ng kanilang mga magulang.

He even thought that Helga had a better life in Paris. Malayo at malaya. Base pa sa kwento ni Helena ay papalit palit lang ito ng boyfriends doon.

Umihip ng hangin at tinangay ang ilang pirasong buhok ni Helga sa kanyang balikat, it showed her proud collarbone na mas lumalalim sa kanyang paghinga. Napalunok si Pierre sa tanawin. Sure, Helga looks peaceful. Hindi na kagaya noong naiisip nya na katumbas ito ng gulo.

"Babayaran din kita, Pierre. Alam ko naman ang lugar ko.. Hinding hindi ako mananamantala." Wika nito na may sinserong ngiti. Pierre's heart melted. Naiinis na sya ngayon sa kanyang sarili kung bakit nga ba nya pinagdamutan ng atensyon si Helga, kung bakit nya hinusgahan agad ito noong una.

"At ngayon, ipagluluto kita ng paborito mo." Anunsiyo ni Helga. Napangiti si Pierre sa kasiyahan ni Helga, kitang kita ito sa kanyang maamong mukha. Halos kuminang ang abuhing mata nito.

"Hindi na muna. Sa labas na tayo magdinner pagkatapos nating bilhin ang lahat ng kailangan mo sa school." Ipinakita ni Pierre ang listahan ng requirements na iniabot sa kanila kanina ng Enrollment Officer. Mas lalong napuno ng excitement at mga ngiti ni Helga, lalo namang naawa ang damdamin ni Pierre para sa asawa.

How can she be happy with those simple things? Ano pa ba ang surpresang dala ni Helga? Ano pa ang malalaman niya tungkol sa pagkatao nito? She's totally misunderstood by her family and the people around her. Ngayon niya lang napatunayan na siya pa lang ang nakasama at nakausap nito ng matagal tagal kaya malamang siya lang din ang nakakakilala ng tunay na pagkatao nito.

"Thank you, Pierre. I really appreciate everything.."

------

"BAKA naman lumalambot ka na ha?" Napapailing na sambit ni Dave, ang matalik na kaibigan ni Pierre. Pagkahatid ni Pierre kay Helga mula sa kanilang pamimili ng gamit at dinner, nakatanggap siya agad ng mensahe mula kay Dave. Nakipagbreak daw ito sa kanyang girlfriend kaya kailangan ng kausap, but it turned out Pierre has much more to dicuss.

Ginala ni Pierre ang kanyang mga mata sa madilim na bar, katamtaman lamang ang lakas ng music and there are a lot of girls looking at them. Nasanay na sya sa ganoong tanawin.

"Pare, wala namang kasalanan si Helga sa akin eversince. I just hated her. Siguro dahil sa reaksyon din ni Helena sa kanya. Lagi na lang ang kakulitan ng kapatid nya ang bukambibig non. Ano sa tingin mo ang tatatak sa utak ko?" Sagot naman ni Pierre. Nagkibit balikat si Dave at sinalinan ang shot glass ni Pierre.

"But you are not suppose to love her, committed ka pa kay Helena. Kung maiinlove ka naman, walang masama dahil asawa mo naman na, pero gulo yan. Gulo muna bago ka maging masaya."

Umiling si Pierre, gustong matawa sa sinasabi ni Dave, "Who's talking about love here? Malinaw pa utak ko. Ginagawa ko to para kay Helena, pare-parehas lang kaming na-trap sa sitwasyon."

"Na si Helga ang may gawa?" Nagtaas ng kilay si Dave.

"She didn't do that in purpose." Mabilis na depensa ni Pierre. Hindi nagugustuhan na ang impression ng kanyang kaibigan kay Helga ay masamang tao, she's kind and caring. Kung tutuusin ay ayaw nga nito ng gulo but she was stereotyped as brat since she's the youngest.

Nagpakawala ng pagak na tawa si Dave.

"You've changed, man! Wala pang isang buwan yan.."

Sasagot pa sana sya pero nakuha ng atensyon nya ang isang babae na lumapit sa kanila. The girl is wearing a white turtle neck dress ngunit lantad na lantad ang makikinis na binti at likod. Naalala agad ni Pierre na ganito ang suot ni Helga noong dumating ito mula sa Paris. Agad na nagsalubong ang kanyang kilay.

Helga looks much better. Milya milya ang layo.

Itinagilid ni Pierre ang kanyang ulo. Mali ang statement nyang yon, he should say, Helena looks better than the woman in front of her.

"Hi.." Ang mapangakit na boses ng babae ang kanyang narinig. Ngumiti agad si Dave pero nanatiling seryoso ng kanyang mukha.

"Ang suplado mo naman.." Mas lalong idinikit ng babae ang kanyang malusog na dibdib sa braso ni Pierre. Even he's wearing his shirt on, ramdam nya agad ang nais ipahiwatig ng kaharap.

"Miss, hindi magiging kumportable yan, he's taken." Natatawang sambit ni Dave.

"Oh, you have a girlfriend?" Bahagyang lumayo ang babae. Itinaas ni Pierre ang kaliwang kamay at ipinakita ang simpleng wedding ring na kanyang suot.

"Married." Buong kumpiyansang sagot nya.

Umugong ang tawa ni Dave, "Yeah, married." Pag-uulit nito.

Umalis agad ang babae kaya nakahinga ng maluwag si Pierre. Madaming iniisip si Pierre, una na doon ang sitwasyon ni Helga. How can he help her correct her situation or how to make her genuinely happy?

Paano nga kaya sasaya si Helga? Ano pa ba ang kanyang mga gusto?

Naparami tuloy siya ng inom dahil doon.

----

HELGA.

ISANG kalampag ang narinig ni Helga sa labas ng salas. Tumingin siya sa orasan at nakita niyang ala-una na ng umaga. Kinabahan siya dahil baka napasok na sila ng magnanakaw. Dahan dahan niyang sinilip ang ibaba ng bahay para tingnan kung ano ang mayroon doon, nakahinga siya ng maluwag ng makita niyang si Pierre ang nasa ibaba at paekis ekis na naglakad.

"Pierre!" She called, agad niyang dinaluhan ang asawa. Ngumisi ito agad pagkakita sa kanya, pulang pula ang mukha at wala sa ayos ang tshirt.

Gods, good thing nothing happened to him on the road.

"Hi Helga.." Humagikgik ito, napasimangot naman siya, ayaw niya ng amoy ng alak dahil naalala niya ang pagkakamali niya. Gayun pa man, hindi naman niya matiis si Pierre.

Buong lakas niyang hinila ito patungo doon sa kwarto nito. Nagmadali siyang kumuha ng mainit na tubig mula sa kusina at pinunasan ang mukha ni Pierre para mahimasmasan ito. Panay naman ang ungol nito.

"H-helga.. Nag—nagsisi ka ba na pinakasalan mo ako?" Nakapikit na wika ni Pierre. Kumunot ang noo niya.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" Masungit niyang tanong.

"A-ako kasi noong una, oo.. pero ngayon kasi.. parang okay na lang din."

Gustong matawa ni Helga sa pinagsasasabi ng kaharap, alam niyang lasing lamang ito at walang laman ang sinasabi.

"Oo naman, sising sisi ako." Biro ni Helga, bigla namang sumimangot si Pierre kahit nakapikit. Tinanggal ni Helga ang suot na polo ni Pierre para maginhawahan ito at muling pinunasan ang braso at dibdib. Alright, she's not thinking about anything. Ano ba naman ang six pack abs nito at ang nakapormang dibdib? Nothing. This is nothing!

"Ang daya mo naman! Akala ko ba crush mo ako, huh?"

"Di ba itinanggi ko na ang issue na yan.." Humagikgik si Helga habang walang patid ang pagaasikaso kay Pierre, pati ang pantalon nito ay tinanggal niya na din. Nakita na naman niya na nakabrief ito noon kaya wala ng kaso. Mas importante sa kanya na maging kumportable si Pierre.

"Ngayon? Hindi mo ako crush?" Pamimilit ni Pierre sa kanyang sarili. Napangiti si Helga.

"Hindi." Mapaglarong sagot niya.

"Ganon?"

"Uhm uhm.."

Napatili si Helga ng bigla siyang hilahin ni Pierre pabagsak sa halos walang saplot nitong katawan.

"Pierre!" Hinampas niya ang dibdib nito na nanalo pa din ang pabango sa katawan kaysa sa amoy ng alak.

"Gusto ko crush mo ako.." Giit nito sa kanyang tainga.

Natahimik si Helga kaya dinig na dinig niya ang tunog ng kanyang puso. Gusto niyang lumayo kay Pierre pero sobrang kumportable ng pakiramdam kung saan siya naroon.

"Hindi ako pwedeng magkagusto sayo, Pierre. Magagalit ang--"

Pinanlakihan siya ng mga mata ng dumampi ang kanyang labi sa labi ni Pierre, it was just a swift kiss, parang dumaan lang sa kanyang labi. She couldn't move. Halos hindi din siya makahinga. Ano ba ang ginagawa sa kanya ni Pierre?

"Pierre.." Bulong niya.

"What now my wife? Crush mo na ako?" Tanong nito sa kanya bago tuluyang mapapikit.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro