Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Helga x Pierre 5


HELGA.

"Nasaan si Helga?" Naririnig na niya ang iritasyon sa boses ni Pierre. Halos papalubog na ang araw at hindi na sya muling bumalik sa opisina ni Pierre matapos nilang mananghalian ni Mara sa karendirya doon sa tapat ng Laya Air.

Inubos nya ang oras nya sa pakikipagkwentuhan sa mga Aircraft Mechanic sa kumpanya ni Pierre nang dumating ang hapon. Nag-offer pa nga syang bilhan ang mga ito ng meryenda kanina at tuwang tuwa naman ang mga ito.

"Naku, Ma'am. Hinahanap ka na po ni President." Napangiwi si Mang Ramon, ang pinakamatanda sa grupo. Nagpunas ito ng bimpo sa buong mukha at bakas ang pag-aalala sa pagtawag ni Pierre sa kanya.

"Nakikipagkwentuhan lang naman ako sa inyo." Pagbabalewala naman niya.

"Eh Ma'am, hindi ho pakikipagkwentuhan ang tawag dito. Puno ng grasa ang kamay nyo at may hawak kayong screw driver.." Naiiling na sambit ni Renz. Kanina pa pinipigilan ng mga ito ang ginagawa niya pero hindi siya nagpaawat. Talagang gusto nitong matutong magkumpuni ng eroplano.  

She could tell this experience to her friends in Paris at naeexcite siya kapag naiisip yon.

"Helga!" Pierre groaned at the sight of her. Napapalibutan siya ng mga tauhan ng Laya Air at maduming madumi. Tumiim bagang ito at napakislot siya sa kaba. Mukhang nagalit na naman ito. 

"Nagpaturo lang ako---" Paliit ng paliit ang boses niya at hindi sya makatingin kay Pierre. Bakit ba hindi nya mapigilan ang pagiging pakielamera? Gusto na nyang paluin ang sarili.

"Dinala kita dito para hindi ka mainip, I didn't know that you are that bored." May pagdidiing sabi pa nito sabay hila sa kamay nito.

"P-pierre, madudumihan ka din.." Pilit na hinihila niya ang kanyang kamay papalayo kay Pierre pero mas mahigpit pa ang hawak nito at dinala sya sa wash area. Ito mismo ang nagbukas ng gripo at kinuskos ng mabuti ang kamay niya gamit ang sabon. Nang makuntento na si Pierre, binuhat nya si Helga papaupo sa sink at kinuha ang panyo sa kanyang bulsa. Tinuyo muna nya ang kamay ni Helga bago muling binasa ang panyo para ipamunas naman sa mantsa ng grasa kanyang mukha.

"You are not supposed to do that." Nakasimangot na sabi ni Pierre habang pinupunasan siyang mabuti.

"S-sorry.. Pero interesting ang ginagawa nila! Ang galing galing ni Mang Ramon, kahit matanda na—"

"Who's Mang Ramon?" Kunot noong tanong ni Pierre sa kanya.

"Yung oldest guy sa mga aircraft mechanics mo. Hindi mo sila kilala? Si Mang Ramon, ang pamangkin nyang si Renz, na kaklase ni Joseph, Nathaniel at Ronald. Hindi mo sila kilala ha, Pierre?" Nagtatakang tanong niya.

----

PIERRE.

TIPID na umiling si Pierre. Nahihiya man siyang aminin but he's not good in relating to his employees, mas inclined sya sa paghahawak ng mga kliyente kaysa sa kanyang mga trabahante. Ganoon sya pinalaki ng kanyang mga magulang.

Then, Helga, knew everyone in just one day. Kumakaway ito sa lahat ng papaalis na ito sa aircraft site. Magaan agad ang loob sa kanya ng kanyang mga tauhan at di niya alam kung ano ang magiging reaksyon doon.

"Bye, Billy!" Pagpapaalam ni Helga sa hardinero ng Laya Air. Gustong mapa-facepalm ni Pierre sa pagiging magiliw ni Helga sa lahat. Baka makidnap pa ito sa sobrang friendly.

"Kumusta ang trabaho mo?" Helga asked him pagkasakay nito sa kanyang sasakyan. He still finds it creepy because no one actually asks him how his day usually goes.

"Okay lang." Tipid na sagot niya pero tila hindi nakuntento si Helga.

"Okay as in okay? O okay na sakto lang? Is it a usual workday where you signed all the documents or you met alot of investors today? Laging bang busy ang mga nasa opisina? Laging may meeting o di kaya ay tumatawag?"

Nagkibit balikat si Pierre. "Minsan. When the business is doing good, there's no pressure in getting investors pero syempre you will continue to aim for pooling of funds, mas maganda yung maraming magbibitbit ng pangalan ng negosyo mo."

"Ah, ganon pala yun kaya kumukuha ng investors."

Napakunot ang noo ni Pierre at tinitigan si Helga. "You are a Business Major too, right?"

Nahihiyang ngumiti si Helga kay Pierre, "Akala ni Daddy I studied Business abroad but actually, I took up Fashion Design, isang taon na nga lang ay matatapos na ako kaya lang namiss ko ang pamilya ko. Yun nga lang, pinalayas ako, wala pang isang araw."

Nakaramdam siya ng awa sa asawa. Tiyak na magagalit nga si Mauro kapag nalaman na walang kinalaman sa negosyo ang napili nitong kurso. But then, who is he to judge? Maswerte siya dahil gusto niya ang pagnenegosyo, but to people like Helga na may ibang gusto, siguro para itong nakakulong buong buhay niya. Walang mapagsabihan ng mga gustong gawin dahil walang iintindi sa kanya.

Hindi nawala sa isip nya yon hanggang sa kinagabihan, ni hindi sya dalawain ng antok. What is he doing? Pinakasalan nya si Helga pero wala naman syang balak dito. His only plan was to marry her, to get back the shares for his business and to freely see Helena.

Hindi naman sya masamang tao, ang totoo nyan ay maawain talaga sya. Kaya lang hindi nya rin naman alam ang gagawin kay Helga, hindi sya sanay sa presensya nito sa kanyang buhay. He just need to get used to it and give her something to do.

Umupo si Pierre sa harap ng working table nya sa kanyang kwarto. He typed on his computer something the cannot get off his mind.

'Best Fashion Design School in the Philippines'

Inisa isa nya ang mga ito at isinulat sa papel ang bawat nakukuhang impormasyon. Alas-tres na ng madaling araw at kinukumpara nya pa din ang bawat eskwelahan. He wants to give Helga the best dahil ito ang nakasanayan nito.

He tapped few emails to what he thought was the best. Iintayin nyang may sumagot sa mga ito saka siya pipili. Paniguradong masusurpresa si Helga dito.

Paglingon ni Pierre sa kanyang bintana, maliwanag na. Nakarinig sya ng pagkaluskos sa kusina kaya agad syang bumaba. Nagulat pa sya na nandoon si Helga at namimili ng lulutuing almusal. Tumingin siya sa wallclock and he realized that it is only 5 in the morning.

Kung ganon ay ganitong oras gumigising si Helga para ipaghanda sya ng almusal araw araw?

Bumaba siya ng hagdan at napalingon sa kanya si Helga.

"Pierre! Ang aga mo.." She beamed her sweet smile at him. 

Nakaramdam siya ng kung anong pagkurot sa kanyang puso. Awa siguro.

Napailing si Pierre at hinilot ang kanyang sentido, he lack sleep. Mas mabuti pa siguro kung hindi na lang sya pumasok.

"Hindi ako nakatulog.." He answered. Napawi ang ngiti ni Helga at napalitan ng pagkunot ng noo.

"Bakit? May masakit ba sayo? Gusto mo ng gamot? Maupo ka muna dyan, sandali lang ito. Tapos bibigyan kita ng gamot." Nag-aalalang dinama ni Helga ang leeg ni Pierre. Bumaling muli si Helga sa may kalan at nagmadaling magluto.

Namangha siya sa bilis ng pagkilos ni Helga, like she's very used to it. Halos hindi na nga iangat ni Pierre ang kanyang kamay dahil sa sobrang pagsisilbi nito. Kitang kita nya ang pag-aalala sa mukha nito dahil sa kalagayan nya.

Mas lalo syang nakumbinse na tama lang na pag-aralin nya ito dahil sa kabutihang ipinapakita nito sa kanya.

Soon they will live part ways. Sa mga oras na yon sana ay kaya nang tumayo ni Helga sa sarili nyang mga paa. That way he will not feel guilty to leave her. She should have something then. At least for herself. Itakwil man siya ng sariling ama, hindi na din niya kailangang mag-alala.

Kinuha ni Helga ang kamay niya pagkatapos siyang painumin ng gamot. Hinayaan naman niya ito sa ginagawa. Dinala siya sa kwarto at tiniyak na maayos na nakahiga.

"Sigurado ka ba, wala ka ng ibang gusto? Doctor?" Tanong muli nito, Pierre shook his head.

"Wala naman akong lagnat. Hindi lang ako nakatulog." Natatawang sagot niya. Masyadong nag-aalala si Helga. Naisip tuloy niya that Helga should really do something with her life kung hindi ay gagawin siya nitong bata na maraming pangangailangan. He's very independent. Ayaw pa naman niya ng inaalagaan. Even Helena was very used to him, hindi niya ito binibigyan ng pagkakataon na i-baby siya.

Ngumuso si Helga at tiningnan siya, "Bakit kasi hindi ka nakatulog?"

"I am preparing for a surprise."

"Surprise? What surprise?" Pamimilit sa kanya.

"Surprise nga eh, bakit ko sasabihin?" Nagtaas siya ng kilay kay Helga na nakaupo sa gilid ng kama niya.

"Kasi hindi naman ako ang isu-surprise mo eh." Candid na sagot naman ni Helga. Napatitig si Pierre sa asawa. Then he thought mukhang mali nga na isurpresa niya si Helga, kahit ito mismo ay hindi maiisip na gagawa siya ng ganon.

"What do you want to be, Helga?" Out of nowhere he asked.

Ngumiti naman si Helga at tumingin sa malayo. "I want to ba a Fashion Designer, Pierre. Magkaroon ng sariling line of clothing o di kaya sariling mall." Nagbago ang mata ni Helga at biglaang lumungkot. "I want to be someone Dad will be proud of. Yung hindi na nila masasabing nasayang ang pagbuhay nila sa akin." Yumuko si Helga.

Nanikip ang dibdib ni Pierre. There's something that he couldn't take while Helga is talking about life ang her family, it is as if he has the yoke of Helga, parang siya ang may bitbit ng paghihirap nito at gusto niyang alisin ang bigat ng kalooban nito. He knows Helga doesn't deserve to be that sad.

"Walang nasayang sayo, Helga. You are very beautiful inside and out." Hindi na napigilan ni Pierre ang sarili na sabihin iyon. Nangunot naman ang noo ni Helga.

"You must be really sick, Pierre. Matulog ka na."

Natulala siya. Yeah, he must be really sick. Ano ba ang pinagsasasabi niya?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro