Helga x Pierre
Maki Say's: Isang taon na! Haha Nalagyan ko din ng ending ang story pero alam kong nakalimutan niyo na kaya babasahin niyo na naman ulit. Iaupload ko lahat ng chapters today pero kalma lang kasi nakiki-wifi lang ako sa Starbucks. lol. Maeekis ko na din ito sa to do list ko!
Enjoy reading!
Simula
HELGA.
"Ano ba Mary Beth!" Inialis ni Helga ang pagkakapit sa laylayan ng kanyang uniform ng kanyang makulit na kaibigan.
"This is crazy, Helga Maurice! Kapag nakita na naman tayo ni Helena, magagalit na naman yon!" Paalala ni Mary Beth sa kanya habang nakasilip siya sa glass window ng cupcake shop kung saan nakikipag-date ang Ate niyang si Helena. Tamad siyang bumaling dito para magdahilan pero natigilan siya. Tiningnan niya ang kaibigan, inayos nito ang pagkakaayos ng suot na salamin at ang pagkakapusod ng buhok. Napailing siya. Nakalimutan na naman ni Mary Beth na mag-subscribe sa Fashion Magazine para maitama ang istilo nitong naaayon ngayon buwan, o kahit ngayong taon na lang sana or last year. So outdated!
Para siyang nangangati na nakikitang ganon ang kaibigan, kinuha niya ang maliit na hairspray sa kanyang Kate Spade tote at hinila ang tali sa buhok ni Mary Beth. She fingercombed her tresses and sprayed good amount of hairspray. Naging natural na alon alon ang dating tuwid nitong buhok.
"Ayan, kamukha mo na si Helena!" Napapalakpak si Helga.
Helena Martina is Helga Maurice's older sister. They are the Ortega's princesses. They both earned it through good grades and good genes.
Parehas silang maganda at matalino. Parang prinsesa din kung ituring sila sa lipunan. Ortegas are known to be wealthy and elegant. Nagsimula ito mula sa kanilang si Adriana na isang Beauty Queen noong kapanahunan niya at ang Daddy nilang si Mauro Ortega na kilalang Ship Magnate at isang Oil billionaire.
Matanda ng tatlong taon si Helena kay Helga kaya lang ang iniuungot ni Helga ay masyado itong mahigpit sa kanya. Gayunpaman, hindi niya magawang mainis sa kanyang Ate. Everything her sister has, mayroon din siya, she should be happy.
Pero hindi naman talaga lahat..
Kitang kita nya kung paanong asikasuhin ito ng kanyang boyfriend. Nakakaramdam siya ng inggit sa kapatid. Hindi dahil may boyfriend ito kundi dahil sa boyfriend nito. Bakit ba naging mas maswerte pa ito kaysa sa kanya? Mabait naman sya at maganda! Helena may be more intelligent but she's more interesting.
Nagpangalumbaba si Helga habang nakatanga kay Pierre. He has soft eyes, para itong laging nakangiti, at least kay Helena, ang mga labi nito ay may natural na pula at lalaking lalaki ang kulay nitong warm tan. Malalim pa ang boses nito na parang laging nanunuyo. He's everyone's prince charming. Her Prince Charming, to be exact.
She's drooling over Pierre when her eyes widened. Helena was throwing dagger stares at her! Galit itong tumayo mula sa lamesa at naglakad papalabas ng cupcake shop. Hindi malaman ni Helga kung tatakbo ba sya o haharapin ang galit ng kapatid.
"Nag-cutting ka na naman?" Umugong ang matinis na boses ni Helena. Tumayo ng tuwid si Helga at pilyang ngumiti sa kanyang Ate na ngayon ay nasa pintuan na ng cupcake shop kung saan niya ito tiningnan. She's really beautiful. Abuhin din ang mga mata nito na kaya ng sa kanya pero tuwid na tuwid ang itim nitong buhok. She has full lips that almost looks like her but not really, manipis ang upper lip niya at kapag ngumingiti siya ay makikita ang halos lahat ng kanyang mga ngipin. Her friends always teased her as Julia Roberts of their class with a million dollar smile.
"Wala kaming klase!" She reasoned, smiling. She always thought she can get away with her smile. Well, she does, except when she's getting away with Helena and her Dad. Magkaugali kasi ang mga ito. Strikto.
"Walang klase? For pete's sake, highschool ka pa lang Helga! Dapat kung wala kang klase, nandoon ka sa school nyo!" Pagtataboy sa kanya ng kanyang kapatid.
"I will be a college freshman next year."
"Yes, next year. Next year! At tatlong taon mo na akong sinusundan! Ilang klase na ba ang hindi mo pinasukan? Dinadamay mo pa itong kaibigan mo!" Turo pa ni Helena kay Mary Beth na takot na takot dahil kilalang strikta si Helena.
"I just want to see you!" Pagsisinungaling pang muli ni Helga. Of course, she wouldn't tell her sister na kaya nya ito sinusundan dahil sa matinding paghanga nya sa boyfriend nitong si Pierre. Tiyak na mas lalong magagalit ito.
"Ano yan, Helena?" Ang pamilyar na baritonong boses ang nagpangiti ng husto kay Helga.
Napasinghap si Mary Beth pagkakita kay Pierre. Sino ba namang hindi? He looks like a model taken out from a magazine at binigyan ng hininga para mabuhay. Kilig na kilig si Helga dahil naamoy nya agad ang kadalasang pabangong ginagamit ni Pierre. Gayunpaman, nanatiling walang reaksyon ang mukha niya kahit kilig na kilig hindi kagaya ni Mary Beth na halos mamilipit sa kilig para sa kanya, nasanay na kasi syang itago ang nararamdaman sa mga ganitong pagkakataon.
"Si Helga, nagcutting na naman." Humalukipkip si Helena habang nagsusumbong kay Pierre. Inakbayan naman ito agad ni Pierre at hinalikan sa tuktok ng ulo. Gustong magprotesta ni Helga at manawagan sa mga dinadasalan nyang santo para magkaroon ng catastrophe at magkahiwalay ang pagkakadikit ni Helena at ni Pierre ngayon din.
"Hayaan mo na, kids nowadays are like that." Sa swabeng boses, sinabi iyon ni Pierre.
Matinding pagpipigil ang ginawa ni Helga para hindi umikot ang kanyang mga mata. He adores Pierre so much kahit alam nyang napakasuplado nito pagdating sa kanya, hindi nya lang matanggap tuwing pinaparinig sa kanya na isa pa syang bata at walang muwang.
Is stalking an act of a kid?
No.
Is liking someone an act of a kid?
No.
Madaming hindi naayon sa pamantayan ni Pierre bilang isang bata. Gustong ipaintindi ni Helga yon sa kanya.
"Bumalik na kayo sa school. Tatawagan ko si Mang Jose para ipasundo kayo." Pagtataboy muli ni Helena. Gustong magpapadyak ng labing anim na taon na si Helga. Why can't she be like Helena? Nung 16 years old si Helena, she can do whatever she wants. Kapag bunso ba, hindi ganon? May malaking pagkakaiba?
Oo nga pala, her Dad was the eldest. Ito ang nag-hirap na itaguyod ang mga kapatid nito. Her Dad has a bad connotation about the youngest siblings. Ito ay mga spoiled at palaasa. Mga pasaway. Ito din ata ang tumatak sa isip ni Helena.
Pumasok muna sila sa loob ng cupcake shop para antayin ang sundo ni Helga. Her heart is in triumph though, kaharap nya si Pierre kahit pa walang patid ang pag-aasikaso nito kay Helena. Nag-order naman siya ng napakaraming minatamis na maganda sa kanyang mga mata. Ikakain na lamang niya ang inggit kay Helena.
"I have a class, I should go." Tumayo si Helena at tinapunan silang lahat ng tingin pagkalipas ng ilang minuto.
"Okay, ihahatid na kita." Tumindig din si Pierre. Kitang kita ang agwat ng tangkad ni Pierre sa Ate niya. Kung siya siguro ang makakatabi nito, then they will look more perfect. Mas matangkad kasi siya kaysa kay Helena but their features are almost the same, abuhing mata at manipis na ilong. Sa ngiti lang nagkakatalo. Ang ngiti ni Helena ay para lang din kay Pierre. Ganon din ang nobyo nito. Unlike her, her smile is for everyone.
"No, Pierre. You have to wait here. Tiyakin mong makakauwi ang brat na yan." Tukoy ni Helena sa kanya. Napayuko naman siya, Helena acts like her mother! O mas malala pa. Siniko siya ni Mary Beth at kumindat kindat pa.
Well, bahala ka Helena, I will be left with your boyfriend! Sabi ni Helga sa kanyang isip.
----
PIERRE.
THEY all sat uncomfortably when Helena left, tahimik lamang si Pierre na nagmamasid sa kanyang cellphone. He's itching to check on Helena as soon as she left, nag-aalala sya kahit malapit lang naman ang university nito kung saan sila naroroon. He loves her so much. Kay Helena na umiikot ang mundo niya.
Nakilala niya si Helena mga bata pa lamang sila dahil na din sa negosyo ng kanyang mga magulang. Pierre Alfred Floresca is the sole heir of Laya Air, the leading economy and business class planes in Asia. Simula nang nakita niya si Helena sa isang mahalagang party para sa mga negosyante, sinundan niya na ito at naging magkaibigan sila. Mas naging magkasundo sila noong highschool at doon na nga niya ito niligawan at sinagot naman siya.
Higit pa sa relasyon, they are bestfriends. Lahat ay alam ni Pierre tungkol kay Helena at ganoon din ito sa kanya. Kahit ang mga reklamo nito sa kakulitan ng nakababatang kapatid nito ay alam din niya
At naiwan pa sya kay Helga? Seriously!
He believes this girl is a nuissance. Kahit pa kapatid ito ni Helena, may parte sa puso nya ang disgusto kay Helga. Hindi nya maintindihan kung bakit. Or maybe because of the stories Helena was telling him.
Maybe her name is too firece? Malayong malayo sa pangalan ng mas mabait na Ortega, Helena is a fine lady. Unlike this brat in front of him.
"Helga, nandiyan na din pala si Daddy sa labas, maiwan ko na muna kayo." Tumayo si Mary Beth. Malapad na napangiti si Helga, hindi naman ito maunawaan ni Pierre. Dapat ay hindi ito magpaiwan ng silang dalawa lang di ba?
"Sige. Tell Tito I said Hi!" Masiglang bilin pa ni Helga. Pierre mentally rolled his eyes sa pagiging masiyahin ni Helga. He wonder if it's true.
Katahimikan ang bumalot sa pagitan sa kanila ni Helga. An awkward silence that Pierre wanted to keep. He wants to smack his head on the way he's acting in front of his girlfriend's sister. Dapat ay hindi sya uncomfortable kay Helga, she's just a kid. He should have offered her a milkshake? Mahilig ang mga bata sa matatamis hindi ba?
"Pierre..."
"Christ!" Halos maihagis ni Pierre ang hawak nyang cellphone. Tumaas kasi ang lahat ng balahibo nya ng tawagin sya ni Helga. There's something in the way she calls his name.
"W-what's wrong?" Takang-taka ang mukha ni Helga sa inakto niya.
"You should start calling me Kuya Pierre. Ang bata bata mo pa, wala ka na agad respeto." Naiinis na sambit niya. Nagtataka man, ngumiti lamang sa kanya si Helga. Pierre thought it is torture right away, she doesn't look like a nuissance when she smiles, she looks like an angel. When he was in senior high and Helga entered freshman, naging bulong-bulungan na ang napakagandang ngiti ng bunso ng mga Ortega. They call her Julia Roberts, a ray of sunshine when she smiles. Kahit nga hindi nakangiti ay maganda pa din ito. Her bone structure was on point, high cheekbones and well framed brows.
Ipinilig ni Pierre ang kanyang ulo para alisin sa utak nya ang naisip niyang maganda si Helga. Well, maybe because she's Helena's sister. They almost have the same features, almost. Their auras he supposed, were different. Helena is sophisticated, but Helga is charming, jumpy and cheery.
"Sorry, hindi kasi kami nasanay sa bahay. I don't call Helena Ate, so why should I call you Kuya, then?" Her voice was soft and innocent.
Napalunok siya nang matitigan ang mga mata nito. It was also different from Helena, it may be almost gray but the shape was almond and more expressive, unlike the big, almost deepset eyes of Helena.
"Pierre, you are blushing!" Helga said bluntly. Mas lalo namang nag-init ang tenga niya.
"Tumayo ka na at ako na ang maghahatid sayo." Pierre decided. Sa ilang minuto pa silang magkasamang dalawa, pakiramdam nya lalabas na ang puso nya dahil sa presensiya ng kaharap.
Helga's Spell. Naalala niya ang sinabi noon ng mga team members ng varsity team kung saan siya ang team captain. Everyone has a crush on Helga because she's friendly and beautiful.
"You will drive me home?" Malapad ang ngisi ni Helga. It is pain in the gut.
"Wala akong choice. Baka matagalan pa si Mang Jose. I have a class later and I won't wait here until your driver fetch you." Hindi na halos tumingin si Pierre sa dalagita. Tumayo na siya at nagpatiunang lumabas sa cupcake shop. Nang huminto na sila sa tapat ng sasakyan niya, nag-intay pa si Helga na pagbuksan siya ng pinto. Marahas siyang napabuntong hininga bago sumunod.
Every thing that he only does for Helena, hayagang iniutos sa kanya ni Helga na gawin.
"Put on my seatbelts, Pierre!" Maligayang utos pa nito.
Pierre groaned, did he mention that she's a brat?
Gayunpaman, ginawa ni Pierre ang lahat ng gusto nito. He just doesn't want to hear her voice. Nakakairita dahil kumakalabog ang puso nya sa bawat pagsasalita nito kahit wala namang kwenta ang sinasabi nya. Nagugulat siguro siya dahil sa tinis nito.
Helga looked at the window like a kid. Nakangiti ito sa bawat nakikita at kinakalabit pa nito si Pierre tuwing may napapansing maganda sa paningin nito.
"Look, Pierre! Ang cute nung dog!" Turo pa nito sa isang poodle na bitbit ng amo nito.
Can't she get a little bit interesting? Pierre inwardly groaned.
Pagkatapos ng mahabang pagda-drive, narating din ni Pierre ang mansyon ng mga Ortega. Pinipigilan nya ang sarili na pagsabihan si Helga, but before he realized it, words came out in his mouth.
"Sa susunod, wag ka ng sunod ng sunod kay Helena para hindi na sya nag-aalala." Seryosong sambit niya.
Mabilis na umiling si Helga. "I am not following her!"
Magsisinungaling pa sya! Nadidismaya si Pierre habang tinitingnan ang maamong mukha ni Helga. Anong klaseng adult ito paglaki? Marahil ay maging rebelde. Baka maging first lady ng terorista pa.
"Then what are you doing there, little kid?"
"I am stalking you!" Bulalas ni Helga. Agad na natakpan nito ang kanyang bibig. Mabilis na tinanggal ang seatbelts at binuksan agad ang car door.
Nanatiling nakatulala lamang si Pierre kay Helga. What did she just say?
"K-kalimutan mo na ang sinabi ko!" Nagmamadaling tumalikod si Helga pagkasabi non. Kasalukuyan pa ding natutulala si Pierre sa sinabi ng dalagita hanggang sa makapasok na ito sa loob ng mansyon. Unti unting nailagay nya ang kanyang palad sa kanyang dibdib.
His heart is thumping like crazy. What the hell was that?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro