Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Helga x Pierre 3

PIERRE.


"So kailan nyo isasagawa ang kasal?" Pormal na tanong ng Daddy ni Helga sa kanilang dalawa. Kasalukuyan silang nakaupo sa may library kasama si Helga. Bakas ang pag-aalala sa napakaganda nitong mukha. She's fidgeting, too. Kinuha niya ang kamay nito para patigilin sa walang saysay na pag-likot.

Tumikhim si Pierre, Mauro Floresca sounded like closing a business deal. Kung hindi lang talaga nya kailangang panagutan ang pangyayari sa pagitan nila ni Helga na hindi naman nya maalala, he wouldn't end up with this last measure.

"As soon as possible. Nakahanda na po ang magulang ko anytime." Sagot ni Pierre. Sa kanyang tabi ay paulit ulit na kinagat ang pag-ibabang labi, nanatiling nakayuko dahil sa takot sa kanyang Daddy.

"Well then, you have my blessing." Malaki ang boses na sambit ni Mauro.

"Tito.." Pahabol ni Pierre.

"Gusto ko lang po matiyak na makakabalik na muli si Helga sa mansyon. Hindi nyo na siya itatakwil---"

Tumaas ang kilay ni Mauricio, "You are doing this for your business, right Pierre?"

Natahimik si Pierre. Ayaw nya sanang magmukhang ganoon but he has to be honest. Isang bagay na maipagmamalaki nya sa kanyang sarili simula pa noon ay prangka siya at walang paligoy ligoy.

"Y-yes, but—"

"I will return my investment only when you marry Helga. She will be under your responsibility. Sa iyong pamamahay siya titira para pagsilbihan ka. Kung ano mang katigasan ng kanyang ulo ay sasailalim sayong pangalan. She will be a Floresca after all.." Striktong sagot nito habang sumisimsim ng kanyang kape. Balewala ang panginginig ng bunsong anak nito sa kanyang tabi.

Nakaramdam ng kaunting awa si Pierre para kay Helga lalo na nang magsimulang lumuha ito at pinipigilan ang pag-hikbi. Masuyo niyang pinisil ang kamay nito.

"Okay Tito, I will assume the responsibility to your daughter."

-----

HELGA.

WALANG naging magarbong paghahanda ang kasal nila ni Pierre, walang imbitado. Wala ding nakakaalam sa kanilang kaanak. Nakakatawa kung paano ito nagawa ng kaniyang ama sa kanya. Inililigtas ba siya nito sa kahihiyan o pinaparusahan lang?

Tanging ang magulang lang ni Pierre at ang sa kanya ang magtutungo sa munisipyo para isagawa ang kasal. Nakaharap sa salamin si Helga at pinagmasdan ang kanyang puting A-line dress. Walang kahit anong detalye kundi isang pares na perlas na hikaw lamang. Manipis na makeup ang nilagay nya sa kanyang mukha at mas pinatingkad pa ang pagkakakulot ng dulo ng mahaba nyang buhok. Mahigpit ang naging hawak niya sa kanyang puting panyo, tiyak na maluluha na naman sya dahil sa lamig ng pakikitungo sa kanya ng kanyang pamilya.

"Ikakasal ka na sa boyfriend ko." The cold voice of her sister sliced through the four walls of her room. Hindi ito nakabihis, suot lang nito ang pastel peach na pantulog habang naglalakad papalapit sa kanya. Namamaga din ang bilugang mga mata nito gaya niya.

"Anim na taon, anim na taon ang aming relasyon at sayo pala siya mauuwi." Mapait ang salita ni Helena, nakakapaso. Kahit gaano kapalaban si Helga, wala syang masabi kundi tanggapin ang hinagpis nito. It was her fault.

"Helena, Im sorry, hindi ko gusto itong nangyayari. I've said my piece. Walang nangyari sa amin ni Pierre and Dad was overreacting. This is the best that I could do for both of you. Kung hindi ako makakasal sa kanya, mas lalo kayong magkakalayo, Pierre's business will go down. Please understand." Pagsusumamo niya. Namuo ang luha sa mga mata ni Helena. Naging sunod sunod at marahas ang naging pagluha nito. Lumakas ang basag na boses nito.

"If you are really doing this for us then don't you ever dare cross the line. Do not fall in love with Pierre."

Tumango si Helga. Kung ito ang magpapagaan ng pakiramdam ng kanyang kapatid, so be it. She can suppress her feelings. She knows. Ilang taon ba siyang nagtiis? At ni hindi nga siya gumawa ng kahit anong desperadang kilos simula pa noon. Isang pagkakamali lang talaga ang nangyari.

"Helga, tara na."

Napalingon silang magkapatid sa pintuan. Naroon ang kanilang ina, malamig ang tingin sa kanya at isang linya ang mga labi sa maganda nitong mukha. Pagkatapos ay lumipat ang tingin kay Helena na punong puno ng awa.

"Im sorry, Helena.." Sambit ni Adriana sa kanyang panganay na anak.

Nabasa ang muli ang mga mata ni Helga. Parang hindi pa sapat ang araw araw niyang pag-iyak. Why everyone's apologozing to Helena? Paano siya? She never wanted this! Ni hindi nga niya alam ang sinusuong niya.

She wanted to go home but this was the only choice given for her. Hindi man lang ang tanggapin muli at parusahan na lang ng cold treatment hanggang sa maglupasay siya at humingi ng tawad. Kung hindi pa din pupwede, then at least take her in then wait until their anger went off. Panoorin nila siyang pulutin ang kanyang sarili! Bakit ganito?

Ramdam na ramdam niya ang pagiging mag-isa habang bumabyahe sila patungo sa munisipyo. Walang nagsasalita sa kaniyang Mommy at Daddy na halata pa din ang galit sa kanya. They were five minutes late when they reached the municipal hall. Naroon na sa unahan ang judge, si Pierre na mukhang nalugi sa puting polo at dark blue na pantalon. Well at least he could thank the heavens that his genes must have been blessed because his gorgeous facial structure was still there. Sa kanyang kanang braso ay naka-angkla ang kanyang ina at umiiyak ng husto. Pormal naman ang ama nito.

Gustong matawa ni Helga sa tagpong iyon. Parang siya ang bruha at ang lahat ng nandito ay biktima niya.

"Come here, Helga." Tawag sa kanya ng judge. Taas noo siyang naglakad sa gitna, mag-isa. Walang musika, walang mga bulaklak, walang camera, walang ngiti. Walang seremonyas ang naging kasal, nagpirmahan lamang sila ng kontrata pagkatapos ay nagkaniya-kaniya na ng uwi.

He went home with Pierre. Parehas silang walang ngiti, walang salita at tila nanghihina. Marriages, they said it is monumental. Nakaattend na siya ng ganitong okasyon at sumasakit ang panga niya sa kakangiti kahit hindi naman siya ang bride. She wondered how it is for the husband and bride?

She pictured butterflies in their stomach, tears of joy, crisp laughter. Mabango ang buong wedding venue dahil sa bulaklak at matatamis na pagkain. Full of promises and flashes of camera. Maliwanag, masaya.

Pero ngayon, para silang namatayan. Naging malupit ang langit sa kanya.

Pumasok ang sasakyan ni Pierre sa isang ekslusibong village. She never been to this place. Hindi nya nga din alam kung saan nakatira si Pierre. Will they be staying with his parents? Kailangan pala nyang maghanda sa pagiging mabuting asawa. Good thing she knows how to cook, she can clean the house and she knows how to do laundry.

Sa isang puting bahay huminto ang sasakyan ni Pierre. It is not a mansion but a simple bungalow with a garage that can house two big cars. Tanaw ang main door ng bahay at ang garden ay halos sampung hakbang lamang ang lawak. It is very simple yet Helga felt comfort. She likes white and simple things. Taliwas sa iniisip sa kanya ng mga tao na masyadong magarbo kung mabuhay.

She's not a rebel but she's freewilled and spontaneous. Nasasaktan syang hindi sya nakilala ng sarili nyang magulang bilang ganoon, huli na para ipakilala pa ang kanyang sarili. She may never had a chance but she promised that she will be remembered. Balang araw ay mauunawaan siya ng kanyang mga magulang. Hindi pa siguro ito ang oras.

"Ayos na ba sa iyo ito?" Untag sa kanya ni Pierre pagkapatay ng makina ng kanyang sasakyan, ngumiti at tipid na tumango si Helga.

"Salamat, Pierre."

"Don't thank me. You are just doing me and Helena a favor."

Ngumiti si Helga, hindi iyon pilit. Totoo, she's happy to help. Ilang araw na niyang pinaparusahan ang sarili sa pag-iisip na nakagawa siya ng kasalanan. Iba ngayon. Helena and Pierre needs her. And she gets a house for helping them. Hindi na niya kailangang makitira sa iba.

"Pumili ka ng kwarto mo." Itinuro ni Pierre ang tatlong kwarto na tanaw mula sa living room, mayroon kasing limang baitang patungo doon sa mga kwarto. Helga chose the middle room. Siguro mas malaki ang nasa una at nakakahiya kung yun ang pipiliin nya.

Tumango si Pierre at agad na binitbit ang kanyang maleta para dalhin doon sa kwarto. Isang queen sized bed at mayroong sariling banyo ang simpleng kwarto na napili nya. Wala itong malaking walk-in closet kagaya ng nandoon sa kanilang mansyon pero masaya siya doon. Ibig sabihin hindi magmumukhang malungkot ang espasyong walang laman.

"Dito ako sa unang kwarto. Whatever you need just tell it to me." May kinuha si Pierre mula sa kanyang pitaka, isang gintong card, iniabot sa kanya.

"Pierre, no need." Itinulak niya ito papabalik kay Pierre.

"Kunin mo na. Madalas ay gabi akong umuuwi. Kung may kakailanganin ka dito sa bahay mas madali mong mabibili kapag mayroon ka nyan. You can buy clothes and personal things if you want. I understand that you are used to luxury, hindi ko ipagdadamot sayo yon."

Pinakatitigan ni Helga ang mukha ni Pierre bago malungkot na tumango. Tingin pa din nito sa kanya ay isa syang bata, that she needs a lot of things to survive. But then again, hindi na niya kailangang mag-explain. Wala din namang interesadong makinig. 

Pierre left after he made sure that she's okay. Tiningnan niya ang babae sa salamin. Ang abuhing mata ay walang liwanag, namamaga ang ilalim ng kanyang mga mata, pinagkaitan ng suklay ang kanyang buhok. Minasahe niya ang kanyang mukha, pinindot pindot ang kanyang pisngi saka nginitian ang babae sa salamin.

'You got this, Helga. Nabuhay ka nga ng dalawang taon mag-isa. Smile. People said you can fix everything with your smile.'

Inabala ni Helga ang sarili sa paglilipat ng gamit mula sa kanyang maleta doon sa cabinet. Tumingin sya sa orasan at nakitang alas-kuwatro na ng hapon. If she wants to cook for dinner, she better start preparing now. Ano kaya ang paborito ni Pierre? Tatanungin nya ba ito? But if she will ask, he might think na pa-impress sya. Hindi niya kakayanin kung papalpak pa siya. She may be hit or miss but cooking shouldn't be one of them.

Bumaba si Helga mula sa kanyang kwarto, wala si Pierre sa living room pero nakaparada ang sasakyan nito sa labas ng bahay. Lalabas pa kaya ito mamayang gabi? Whatever. She needs to cook anyway. For herself at least. 

Pinakaelamanan na ni Helga ang ref ni Pierre, it has a lot of ingredients at mukhang kakalagay pa lang ng lahat. Kinuha niya ang frozen beef at brocolli. She never goes wrong with beef brocolli. Paborito ito ng mga kaklase nya noon sa France.

Masayang nagluto si Helga sa kusina. Hindi bumababa si Pierre kaya hindi sya nailang. At 6:30 in the evening, she's done. Kasabay ng pagbubukas ng pinto sa unang silid. Kumunot ang noo ni Pierre at nagtama agad ang mga mata nila ni Helga na kakatapos lang sa paglalagay ng bagong lutong kanin sa dining table na pang-apatan.

"Y-you cooked?" Hindi makapaniwalang tanong nito. Helga proudly nodded. Bumalik ang malambing na titig ng mga mata nito. His jaw, although perfectly chiseled, mas relax na iyon at mukhang hindi na galit.

Tumango siya.

"Helga, hindi mo naman kailangang tiisin ang niluto mo. Hindi ko pa ipinapasok ang sasakyan para sa labas na tayo kumain, hindi din ako marunong magluto kaya---"

"Grabe ka sa akin!" Helga acted hurt which immediately concerned Pierre, lumapit ito sa kanya, looking apologetic. 

Siniko niya ito sa tagiliran. "Joke lang! Masarap ang lasa nito, kapag hindi mo nagustuhan saka na tayo lalabas."

Alanganing umupo sa harap ng lamesa si Pierre. Umupo din si Helga sa kanyang tabi, trying hard not to feel awkward. Araw-araw nilang gagawin ito kaya kailangan ay hindi na sya mailang. Kahit siya na ang mauna na maging kaswal sa set up na ito, okay lang. Ang sabi ng mga kaibigan niya, she has the charm that will make everyone feel comfortable. Kahit ang mga bata at pets ay mababait sa kanya sa unang kita.

"Kain ka ng madami!" Malapad na ngumiti si Helga habang sinasalinan ang plato ni Pierre ng ulam.

Hindi kumilos si Pierre na tila ba natatakot na sumubok ng niluto ni Helga. "Nahihiya ka ba? Wag ka ng mahiya na pinaglutuan kita." Helga encouraged Pierre by serving him a bite sized meal on his spoon "Say ah!!!" Pamimilit ni Helga na parang bata ang kaharap.

Ngumanga din naman si Pierre at dahan dahang nginuya ang pagkain na isinubo ni Helga. A smile of relief curved his lips.

"E-edible naman pala." He commented. Sumimangot naman si Helga.

"Edible lang? Hindi masarap?"

"Edible. Ayos lang."

Napakamot ng ulo si Helga, "Ay ganun? Akala ko pa naman masarap." Bulong nito sa sarili pero naririnig iyon ni Pierre.

---

PIERRE.

PINIPIGILAN ni Pierre ang mapangiti sa dalaga. She will always be a little girl in his eyes, kaya kahit nakakatuwa itong panuorin dahil sa mga kakatuwang ikinikilos nito, walang dapat ipagalala si Helena. Hinding hindi mababaling ang atensyon niya. Sa nagmamahalan, may mga kailangan lang talagang isakripisyo, minsan ang kalayaan, minsan pati ang pagmamahalan ay kailangang isantabi muna.

Ang mahalaga naman ay hindi sumuko. He needs Helga now, hindi na siya nakatuntong sa mga Floresca noong nagalit si Mauro, namimiss niya ng husto si Helena dahil doon. Nakaapak lang siya saglit noong nagsabi silang magpapakasal na sila ni Helga. Helena cried pero nakausap niya naman ito at napanatag. That's for the better. Hindi na niya kayang hindi makita si Helena sa buong buhay niya.

"Mamaya, magkikita kami ni Helena. I have the keys, you don't have to wait for me." Sambit niya kay Helga. Tumango naman ito at nahihiyang ngumiti.

"You don't have to tell me, Pierre. Alam ko naman kung saan ako lulugar. Isipin mo na lang, housemates tayo para hindi ka mailang. Wag mo isiping nandito ako sa paligid. I swear hindi mo ako mararamdaman dito sa bahay mo." Nagtaas pa si Helga ng kanang kamay.

He sighed in relief. Kung ganito, wala silang magiging problema.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro