Helga x Pierre 24
PIERRE
"You nearly fainted." Nagmatigas si Pierre na ibaling ang manibela papuntang ospital pero matigas si Helena sa pagpaling nito sa kabilang banda. Inaagaw ang kapangyarihan sa manibela mula sa kaniya.
"Helena!" Suway niya.
"I am okay, Pierre! You are exagerrating!"
"Paanong hindi? Anak ko ang dinadala mo. Nahilo ka, sumakit ang tyan mo. We should have it checked. Hindi ka ba natutuwang may pakialam ako?"
"Really, Pierre? May pakialam ka lang dahil buntis ako!"
"Of course! Di ba yun naman ang dahilan nang lahat ng ito?"
Kitang kita niya ang pamumula ng mukha ni Helena sa galit. Hindi hinayaan ni Helena na siya ang may kontrol, humawak din ito sa manibela at kinontra ang direksyon niya hanggang sa halos sumayaw ang sasakyan sa gitna ng kalsada.
"Helena!" Awat ni Pierre ngayon ay nabitiwan na ang manibela. Helena maneuvered it as if she was on the driver seat and it was too late before they realized that there's an approaching ten-wheeler truck.
Tumili si Helena, napapikit na lang siya.
Isang malakas na pag-salpok ang kaniyang naramdaman, niyanig ang kaniyang mundo, ramdam niya ang mainit na dugo ang gumapang sa kanyang sentido. Hanggang sa unti-unti ay nawalan siya ng malay.
--
HELGA
"Naku, buti ay okay lang si kuchi-kuchi baby!" Maingat na hinaplos ni Stephanie ang kanyang tiyan. Natatakot siyang bumangon, kahit ang pag-ihi, kinakatakutan na din niya dahil baka maiflush niya sa inidoro ang pinakaiingatan niya.
"Ayos lang ba talaga ang baby ko, Stephanie?"
"Oo, kahit OA ang bleeding mo nung dalhin ka dito, in fairness, okay naman daw. Malakas ang heartbeat ng baby. Andon si Trav, kausap ang OB mo. Ang sabi naman, makakalabas ka naman today or tomorrow. Kailangan mo ng bed rest for a week. Tapos follow up check up. Nakakaloka ang Baby mo. Gusto na atang mag-resign sa kadramahan mo sa buhay o baka best in acting din kasi kunwari malalaglag siya para mag-cause ng panic."
"Na-stress lang siguro ako. Nag-alala ako kay Helena. Sana okay lang siya."
"And the Martyr Award goes to---"
"Steph.."
"Oo na! Ang sinasabi ko lang naman kasi sayo, bago mo isipin ang ibang tao, sarili mo muna. Kayo muna ng anak mo. May anak ka din, tandaan mo yan."
"I know. Siguro hindi na lang muna ako babalik sa Laya Air."
"Anong siguro? Oo, sigurado. Ang sabi ni Travis, kung mag-iinarte daw si Pierre at magrereklamo dahil wala ka doon, hahayaan na niya ang kontrata na mabalewala."
Nagulat siya at hindi napakali. Yun na nga lang ang sinuguro niya, mababalewala pa. Sisisihin niya pa din ang sarili niya kapag nawala kay Travis ang proyekto.
"Teka, hindi naman pupwede yon. 10% na ang nasisimulan. Saka awarded na ang project. Hindi pupwedeng balewalain iyon ni Pierre."
"I know. Just in case lang. Pero ikaw, hindi ka na muna pupwedeng mag-trabaho. Gets mo ba?
Tumango siya pero sa likod ng kanyang isip ay mayroong nabubuong sariling plano. Hindi natapos ang araw na iyon na hindi niya naisasagawa ang naiisip. Kahit mahina pa ay kinuha na niya ang cellphone niya para tawagan ang kaisa-isang kamag-anak na may tiwala siya. Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng loob niya dito. At sana nga ay tama siya ng kutob dito, sana hindi ito kagaya ng mga magulang niya.
"Tita Mariana." She called.
"Helga! Darling.." Malambing na tugon nito.
"G-gusto ko lang pong tanungin kung.. Kung alam ninyo kung nasaan si Uncle Ulysses." Pumikit siya. Mariin.
Ilang segundong natahimik ang kabilang linya.
"Tita Mariana.."
"So you know.."
"Tita?"
Hindi niya alam kung may nakakaalam pa sa katotohanan sa likod ng kaniyang pagkatao pero ayaw niyang mag-assume na meron. Hindi niya gusto ang pakiramdam na para pala siyang tanga pinagtaguan ng lihim na iyon, alam pala ng lahat bukod sa kaniya.
"Alam naming mga uncle at auntie mo yon, Helga. But I am not sure if you should see Ulysses, matagal na panahon na. Pinutol na niya ang ugnayan sa mga Ortega. Besides, we don't know what kind of life he's living now."
"Tita, gusto ko siyang makilala. Gusto ko siyang makaharap."
"But Helga.."
"Tita, please."
"Well. He's.." Bumuntong hininga si Mariana. "He's living by the name of Elias Costa now."
Napakunot ang noo niya, "Elias Costa? Hindi ba yon ang sikat na furniture brand?"
Nabasa niya iyon sa mga prestihiyosong magazines, ang tatak na Elias Costa ay pinagkakaguluhan sa ibang bansa mula sa furniture, hanggang sa make shift houses, bunk houses at customized buses and coasters. Lahat ng furniture na gawa nito ay binibigyan ng pag-papahalaga sa design industry, ito ang pasimula ng trend, if there's such thing, tapos gagaya ang iba. Yun nga lang ay wala pang napapaunlakan na interview ang designer ng Elias Costa. Kahit write ups ay hindi nagbigay. She doesn't even know that Elias Costa is a Filipino brand, akala niya ay Italian.
"Tao si Elias Costa and he's Ulysses Ortega, your father. He's based in Cebu. Namumuhay mag-isa at matahimik. Malayo sa limelight."
"Pero sikat siya.."
"I know! Have you seen his latest designs? Brad Pitt went ga-ga over it. Nakaabang na ang Hollywood media sa pag-deliver ng dual purpose tables niya doon sa bago nitong bahay. And oh, I heard James Franco's dream van house will be designed by him as well. Binibiro ko nga siya na igawa ako, kahit yung resthouse ko sa Tagaytay but he turned me down.." Malungkot na natawa ang kaniyang Tiyahin. "He doesn't miss his family. Traumatic ang nangyari sa kaniya noon. Walang pumanig sa kaniya maliban sa akin."
"Pero inagaw niya si Mommy kay Dad."
"Yun ba ang sinabi sa iyo?"
"Meron po bang ibang bersyon?"
"Well, I don't know. But between Adriana and my brother, I believe in my brother."
"And that is?"
"Adriana loved Ulysses. Humanap siya ng atensyon dahil masyadong busy si Mauro sa negosyo. Ulysses tried to ignore Adriana's advances pero nakagawa pa din ng paraan. It was just one fateful night. Nahuli sila sa kama ni Mauro, parehas na lasing. Sinabi ni Adriana na sasama siya kay Ulysses pero hindi pumayag si Mauro at ayaw din naman ni Ulysses. Sa takot na madungisan ang pangalan ng aming pamilya. Nilunok niya ang kataksilan ni Adriana sa kaniya. Two months later they learned that Adriana was pregnant with you and everyone knows it is not Mauro's, he never dared to touch your mother during those times, sa ancestral house pa nga namin umuuwi pagkagaling sa trabaho. Kawawa si Helena noon, walang nag-aasikaso."
Hindi niya maintindihan kung bakit naluluha siya sa kuwento ng kaniyang Tiya. Parang napapanood niya kasi ang nangyari nung nakaraan. Or, nakaka-relate siya. O nakakaiyak lang talaga na mabilang sa pamilya na maraming drama. Hindi niya maimagine kung paano siya nalugmok sa parehas na sitwasyon.
"Tita, can you give me the address of Uncle Ulysses?"
"Helga.." Parang nagulat pa ito sa hiling niya.
"I just want to know him. Wala akong kahit na anong hihingiin. Hindi ko siya guguluhin, you know me Tita Mariana."
"Tanungin ko muna kaya kung gusto ka niyang makausap? Alam mo naman yon. I don't want him to hate me kapag bigla kang sumulpot doon. Kahit ako ay hindi basta bastang hinaharap non kahit ako lang ang nakakausap niya sa pamilya."
"I don't even need to tell him that I am his daughter. Gusto ko lang siyang makita, Tita." Namaos ang kaniyang boses. Bakas ang hinagpis at mahabang taon na pangungulila sa bagay na kahit hindi niya alam ay nangulila talaga siya. She missed her biological father already, kahit hindi pa man niya ito nakikilala.
"Okay. I will text you the address."
Ilang minuto nang tapusin nila ang pag-uusap ay dumating na ang mensahe ni Mariana kay Helga. Laman non ang address ni Ulysses Ortega o Elias Costa. Wala ng ibang impormasyon kundi iyon lang.
Cebu. Kailangan niyang makarating don.
---
PIERRE.
"How was Helena? How was our baby?"
"Pierre, calm down.." Pinigilan siya ng kaniyang ina na kumilos. "May pasa at sugat ka pa. Helena's alright. Still recuperating but she's fine."
Hindi niya alam kung ilang oras siyang walang malay pero nang magising siya ay binalot siya ng pag-aalala para kay Helena lalo na sa anak niya. Pinagsisihan ang pakikipagtalo sa babae, kung sana ay hindi, hindi sana sila humantong sa ganito. The incident could have killed them. Bahagya lang siyang kumalma nang merong pumasok na lalakeng doktor sa kaniyang silid.
"Doc."
"I am Doctor Reyes. Mr. Floresca, okay naman ang vital signs mo. Meron kang mga pasa at sugat dahil sa salaming nabasag, wala namang fracture so nothing to worry about. Mabuti at agad na nakaiwas ang truck kaya parehas na walang casulaties."
"How about Helena? Our baby?"
"Helena's sleeping. Nabugbog din ang katawan. Baby? What are you talking about?"
"Doc, Helena's pregnant.." Sambit ng kaniyang ina.
Nilingon ng doctor ang nurse, "Can you perform HCG test on her blood samples? TransV, too. ASAP."
"Yes, Doc."
"I can't understand. We performed ultrasound of the whole body to see if there's damaged internal organs when you arrived here, pero wala naman kaming nakitang sac sa ultrasound. Wala namang vaginal bleeding si Miss Ortega kanina bukod sa ilang bahid ng dugo sa mga sugat sa katawan.."
"Walang baby?" Nagsalubong ang kilay ni Pierre. Nagduda. Mayroon na siyang hinala pero hindi niya maiisip na gagawa si Helena nang ganoong kalaking bagay. She won't pull that off.
"We won't conclude, ipauna muna natin ang tests pagkatapos ay babalik ako dito."
Hindi siya nagsalita habang kinakausap ng kanyang ina. Kinukumbinse siyang kumalma. Hindi niya alam kung bakit sinasabihan siya ng ganon, hanggang sa mapansin niyang sa sobrang diin ng pagkakuyom ng kaniyang kamao ay nawalan halos ng kulay iyon.
Bumalik si Doctor Reyes pagkalipas ng isang oras. Merong dalang papel sa kamay.
"Mr. Floresca, I am sorry to tell you this pero walang bata sa sinapupunan ni Miss Ortega. We don't know yet if she lost it during the accident. Ilang araw pa ang lilipas para makuha ang HCG result niya, doon natin malalaman kung talagang buntis siya before the accident at talagang nawala lang ito sa aksidente pero base sa result ng ultrasound ay walang kahit anong tanda na mayroong nabubuong bata doon."
"Ano?" Napanganga ang ina ni Pierre sa narinig. "What do you mean, Doc? She's lying? Faking her pregnancy?"
"Intayin na lang siguro nating magising ang pasyente. Siya na lang ang kausapin ninyo."
"Pierre!" Gulat ang kanyang ina nang bigla siyang tumayo sa kama. Hila hila ang nakakabit na swero sa kaniya.
"I need to talk to her."
"Mr. Floresca, magpapatawag lang ako ng wheelchair." Inalalayan siya ng doktor pero pinalis niya iyon.
"I can manage. Hayaan ninyo ako. Nasaan siya?"
"Nasa room 505 po si Miss Ortega. Tulungan ko na po namin kayo." Naging maagap ang lalaking nurse sa paghawak sa kaniya, isang babae naman ang nagtulak na de-gulong na swero. Masakit pa ang katawan niya, oo, pero hindi na siya makapag-intay. Ramdam niya ang panlalamig ng kaniyang sikmura at mas matindi ang galit niya kaysa sa kaniyang katawan.
Nagsinungaling si Helena. Hindi niya maisip na gagawa ito ng ganon. Kailangan niya itong makausap.
"Dito na." Mahina ang boses ng babaeng nurse.
"Room 503 pa lang." Sabad nung lalakeng nurse.
"Ay, nalito ako." Mahinang natawa ang babae, "Helga Ortega kasi ang nakalagay. Helena pala si Ma'am."
"Helga." Natigilan siya nang makita ang nakasulat sa gilid ng pinto ng silid at tinitigan iyon nang bumukas ang pinto at iluwa ang pamilyar na mukha.
"Mr. Floresca?" Takang tanong ni Engineer Travis Almonte sa kaniya. Sinipat siya mula ulo hanggang paa.
Bumukas muli ang pinto ng silid ni Helga at may babaeng lumabas doon, pamilyar din sa kaniya, ang kaibigan ni Helga na si Stephanie.
"Trav, gusto daw ni Helga ng---" Napatingin din sa kaniya ang babae at hindi naituloy ang sasabihin. "Ng—ng—world peace. Alam mo naman yun." Hinila muli ng babae si Engineer Almonte papasok doon sa silid, mabilis ang naging pagsara non. Napakurap kurap siya.
"Dito po, Mr. Floresca." Aya sa kaniya ng lalaking nurse pero hindi siya nakakilos.
Umangat ang kamay niya para kumatok sa silid na nasa harapan. Isa. Dalawa. Tatlo. Walang nagbukas.
"Mr. Floresca." Awat sa kaniya ng lalaking nurse. Akmang hahawakan siya nito nang binuksan niya ang pinto sa kaniyang harapan.
"Ay tinapay!" Lumipad ang dalawang slice bread sa hangin na inihahanda ni Stephanie nang buksan niya ang pinto. Nakita niya sa hospital bed si Helga, mahimbing na natutulog at balot ng comforter sa katawan. Kahit hirap siya ay pinilit niyang lumapit sa kama nito.
"Anong nangyari sa kaniya?"
"Mr. Floresca—" Lumunok si Engineer Almonte.
"LBM!" Mabilis na sagot ni Stephanie.
"LBM?"
"Oo, amoebiasis. Medyo malala. Nadehydrate."
"Ayos pa siya kanina ah?" Nagsalubong ang kilay ni Pierre.
"Joke lang niya yun. Di talaga siya okay. Ayan, naospital."
Tinuon niya ang mukha sa namumutlang dalaga. Di niya maiwasan na mapatitig sa mala-anghel nitong mukha dahil gumagaan ang loob niya. Unti unting kumunot ang noo ni Helga at kumilos ang labi bago dahan dahang nagmulat.
"Pierre?" Napasinghap ito nang mapagtanto ang itsura niya. Pinanlakihan pa ng mga mata. "A-anong nangyari sayo?"
"Helga.. Kalma ka." Maagap na dinaluhan ni Engineer Almonte si Helga. Napakuyom ang kamao niya nang makita niya kung paano ito hawakan ng Engineer sa likod at kamay.
"Anong nangyari sayo, Pierre? Okay ka lang ba?"
Lumapit ulit siya. Mas malapit pa. Pinilit ni Helga ang maupo kahit halatang nanghihina ito.
"Anong masakit sayo?" Tanong niya imbes na sumagot sa tanong ni Helga.
Mabilis na umiling ang dalaga. Parang takot na malapitan niya, sumiksik ito kay Engineer Almonte at ngayon ay naramdaman na niya ang sakit na mas masakit pa sa sugat at mga pasa niya.
"W-wala."
"Sabihin mo yung totoo, Helga. Anong masakit? You don't look okay."
"Hindi ka din mukhang okay, ano bang nangyari sayo?"
"Nadapa."
"Nadapa?" Kumunot ang noo nito, halatang hindi naniniwala, ngumuso at napangiwi. "Nadapa lang yan?"
Tumango siya.
Balewala kung hindi ito naniniwala sa kaniya dahil hindi din naman siya naniniwala na 'wala' lang kung bakit ito nasa ospital.
"Ikaw?" Anas niya.
"Sumakit ang tyan ng—ng kaunti. Medyo lang."
"Sumakit lang ang tiyan mo niyan?"
Tumango din si Helga.
"Mr. Floresca," Tawag muli sa kaniya ng nurse. Ayaw niyang umalis. Ayaw niyang iwan si Helga pero mas sumiksik ito kay Engineer Almonte at nakaramdam ulit siya ng mas masakit pa doon sa sugat niya.
"Umalis ka na, Pierre. Gusto kong magpahinga."
Marahas siyang napabuga ng hangin, "Magpagaling ka." Tanging nasabi niya.
"Ikaw din." Malamyos na bulong ni Helga.
Humakbang siya papalabas. Mababagal at maliliit na hakbang lang iyon. Bumalik lang siya sa kasalukuyang nang sarhan ng nurse ang silid ni Helga. Labag man sa kalooban niya ay may kailangan siyang harapin.
Yun ay ang katotohanan.
♁☆♁☆♁☆♁☆
Thanks for reading! Votes and Comments are appreciated. Offensive comments will be placed on MUTE.
Social media accounts:
Facebook Account: Mari Kris Ogang (Makiwander)
Facebook Page: Makiwander
Facebook Group: WANDERLANDIA
NOTE: Answer the SECURITY QUESTION so that you will be approved
Twitter & Instagram: Wandermaki
Go to my wattpad profile and follow me for more stories.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro