Helga x Pierre 10
PIERRE.
"And you drove a pink car with a ribbon!" Walang tigil sa paghalakhak si Helga na akala mo hindi bumukas ang kanyang sugat. Nailipat na siya sa private room yet Pierre's eyes were still worried. Hindi man lang niya maiangat ang kanyang labi kahit masaya siya na maayos na ang pakiramdam ng asawa.
Natakot siya noong nag-alsa balutan ito. Handa pa siyang magmakaawa para wag lang ito umalis pero mas nag-alala siya nang makita ang dugo nito sa katawan. Mas lalong nadagdagan ang simpatiya niya kay Helga noong mga nakaraang araw. Pakiramdam niya nagkaroon siya bigla ng kapatid na kailangang bantayan.
Pierre was an adopted son from Romania, walang kakayahan ang kinalakihan niyang ina na magkaanak. Mag-isa lang tuloy siya na lumaki, hindi siya sanay na mayroong pinakikisamahan sa bahay but now, he has Helga. Hindi niya man alam ang tamang pag-aalaga para dito, he feels genuine concern. He couldn't remember when was the last time he was a selfless person. Sanay siya na sa kanya lang ang atensyon at hindi din naman siya ganoon ka-warm na tao. He only cared about Helena all his life, and now he's caring for her sister, maybe because they are related?
"Sa susunod, hindi na pupwede ang makulit, Helga. I will teach you how to drive.." Pinaglaruan niya ang mahahabang daliri ni Helga na nakapahinga sa gilid ng kama. He likes the warmth that he felt, kanina kasi ay nanlalamig ito at nadamay din siya sa panlalamig.
"I can't." Mabilis na umiling si Helga, nagtaas siya ng kilay.
"Should I get you a driver?"
Ngumiti si Helga. "Sobra na yun, Pierre. Sasabay na lang ako kay Stephanie pauwi. Malapit lang sila sa atin."
Mas lalong tumaas ang kanyang kilay, "Doon sa lalakeng kaklase mo?"
"Si Travis? Sa isang subject ko lang siya kaklase, Pierre. Si Stephanie ang kaklase ko kaya mas madalas kaming magiging magkasama."
"If you don't want to drive, I will pick you up." Pinal na sabi niya. Tumayo pa siya para mamili ng prutas sa basket na katabi.
"Pierre--"
"No Helga.. You are my responsibility."
"Hindi naman mag-aalala sila Daddy kapag nalaman nila ang nangyari sa akin." Ngumuso si Helga at niyakap ang unan na hawak. Malungkot itong tumunghay si TV.
"Ako ang nag-aalala, hindi sila.." Umismid siya. Wondering why Helga still feels sad about it. Lahat naman ay mayroon siya, lahat ay kaya niyang ibigay, napakaobvious non. Tumatanggi nga lang.
"Hindi sila magagalit sayo kapag may masamang nangyari sa akin." Giit pa nito.
"Magagalit ako sa sarili ko kapag may nangyari sayo." Hindi naman tamang sabihin niya pa na wag nang intindihin nito ang kanyang pamilya dahil nandyan naman siya. He just swallowed his words though it is really tempting to say. "Wag ka na makipagtalo. I will drop and pick you up. Kahit saan ka pupunta. You promise me you won't do that again."
Ngumiti si Helga at tumango sa kanya, kasabay non ang pagtunog ng cellphone niya. Tumayo siya para kunin ito.
"Hello.."
"Pierre, mamaya na ang flight ko. Can you pick me up?" Malambing na wika ni Helena. Hindi siya agad nakasagot. Binalikan niya ng tingin si Helga na nagbabalat ng orange para sa sarili.
"Uhm, Babe.." Panimula niya, napalunok siya ng magtama ang mga mata nila ni Helga pero mabait lang itong ngumiti at binaling ang mga tingin sa TV.
"Magtatampo na ako. Alam kong busy ka pero matagal akong mawawala. Three weeks yon, Pierre." Nagsusumamo ang boses ni Helena. Napapikit siya at nang dumilat siyang muli, ang nakangiting si Helga ang nakita niya. Nanonood ng Mr. Bean at parang amused na amused. Parang mayroong pwersa sa paa niya na nagpapabigat pero ayaw niyang ientertain yon.
He could just leave Helga for a while. Gabi naman na at matutulog na lang ito.
But he just can't.
"I will call you later." Hindi na niya inantay ang sasabihin ni Helena. Umupo siya sa tabi ni Helga at gusto niyang pagalitan ang sarili. Hindi naman siya ganito dati. Isang salita lang ni Helena ay susunod na siya. Kung pupwede niya lang sabihin ang kalagayan ni Helga baka maintindihan siya nito pero ayaw naman ni Helga na ipaalam pa.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" May isang pirasong orange na ang nakatapat sa bibig niya at pilit na isinubo sa kanya ni Helga.
Umiling siya at ngumiti, "Wala."
"Si Helena ang tumawag?"
"Flight niya mamaya."
"Oh? Anong oras mo siya kailangang puntahan? Baka matraffic ka, Pierre." Umiwas ng tingin si Helga.
"Wala kang kasama."
Nagtataka si Helga na tiningnan siya.
"Ano ka ba?" Tanong nito sabay malamyang hampas sa kanyang braso.
"Im fine. Hindi ako malikot. Matutulog na din ako." Pagpapanatag sa kanya nito.
"Go."
Tumango siya. He stood up but he couldn't make a step.
"Just sleep. Kung may kailangan ka, tawagan mo agad ako." Bilin niya pa kay Helga dahil hindi talaga siya makaalis sa kanyang puwesto
"Pierre.. Leave.. Kaya ko na." Ngumiti si Helga sa kanya. Napapahiya na siya, cheering himself to walk away and when he did, he almost sighed in relief.
Nagtungo pa siya sa nurse station para ibilin ang asawa. Pinigilan niyang wag maging makulit pero iginiit pa niya na ilagay sa cellphone ng tatlong nurse na nakaupo malapit sa kwarto ni Helga ang numero niya, kung isusulat kasi iyon sa papel ay baka mawala.
He's worried that Helga might need him and he's not there again.
---
HELGA.
TININGNAN ni Helga ang iniabot na cellphone sa kanya ni Pierre. It was his spare phone. Walang ibang numero kundi ang kay Pierre. For her, having a new phone without anyone's number is the start of disconnecting to people from her past. She still feels lonely however Pierre keeps on assuring her that she's fine with him.
Pero hanggang kailan naman?
Ayaw niyang masanay dahil nanlilimos lang din naman siya ng atensyon nito. When she was younger, she would die to be in her position right now, pero ngayon ay napupuno siya ng guilt. Of course Pierre would want to be with her sister. Kung magpapakasal rin lang ito ng maaga, mas gusto niya na kay Helena pero hindi. Na-trap ito sa kanya.
Nasa ganoon siyang pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto. Nagulat pa siya ng makita si Pierre doon, wala pang 45 minutes simula nakaalis ito.
"P-pierre. A-anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong niya. Sa kanang kamay ng asawa ay ang bitbit na cupcakes na iba't iba ang kulay. She smiled at the sight. She loves cupcakes!
"H-hindi na nagpapasundo si Helena.. M-may kasabay daw." Napansin niyang lumikot ang mga mata nito but then she welcomed him. Nilahad niya ang mga kamay.
"Akin ba yan?" Masaya niyang tanong. Nakangiti si Pierre nang lumapit sa kanya. at inabot sa kanya ang dala.
"Are you sure, Helena's fine?" Tanong pa niyang muli habang pinagkakaabalahan ang cupcake sa box.
"She will be.." Pierre assured.
---
AFTER a week of resting, bumalik muli sa eskwela si Helga. Kagaya ng sinabi ni Pierre, he would bring her to school and pick her up. Noong una nga, iniisip niyang magsasawa ito sa ginagawa dahil busy din naman ang schedule nito pero nagkamali siya, mas madalas pa itong mauna sa kanyang magising para ipagluto siya ng breakfast at maaga din itong dumarating para sunduin siya sa loob ng tatlong linggo mula ng makalabas siya sa ospital.
However, this day was different. Naimbitahan siya para sa Fraternity Party na kinabibilangan ni Travis. Halos lahat ng kaklase niya ay kasama. The Fraternity that Travis belonged to is not the dark type with paddle as a welcome. Mayroong mga social activities sila. Ang party nga na kanilang dadaluhan ay isang fund raising para sa mga cancer patients sa isang pampublikong ospital. The ticket was priced at 10,000 at ekslusibong ibinebenta sa mga students at professors ng Colegio de Artem.
"Helga, ano? Suotin mo na nga ito." Nakaharap sila ni Stephanie sa salamin at halos isiksik sa kanya ang isang maigsing dress. Wala sana siyang planong pumunta dahil nahihiya siyang isipin ni Pierre na pinag-aaral na nga siya, nakuha niya pang mag-party. Kaya lang napaka mapilit ng kanyang mga kaklase, siya lang ang hindi pupunta kung sakali. Special pass ang ibinigay sa kanila ni Travis kaya mas lalong nagpumilit ang mga ito.
Idadahilan niya sana na wala siyang damit pero ipinagdala naman siya ni Stephanie.
"B-baka kasi hanapin ako sa amin--"
"Diyosmio! 18 ka na! College party naman ito, for a cause pa! Sabihin mo nga? Sino ba ang inuuwian mo at napakahigpit? Di ba sabi mo hindi mo kasama ang parents mo. Napakamisteryosa mo huh! Pero sana man lang ay sumama ka sa kasiyahan!" Pilit nito sa kanya.
Ginulo gulo niya ang kanyang buhok, mukhang hindi sila lalabas ng restroom hangga't hindi siya sumasama.
Hinila niya ang itim na dress mula kay Stephanie at pumasok sa isa sa mga cubicle ng mapagtantong wala na siyang kawala. Sinuot niya ang dress. Napangiwi siya ng makitang napakaigsi non at yakap na yakap sa kanyang katawan. She's not ashamed of her body, sa katunayan, toned naman ito at napakakinis ng kanyang kutis pero alam niyang pagtitinginan siya dahil sa katangian na iyon. Hindi naman kasi siya nagsusuot ng mga revealing na damit. Ayaw niya din makakuha ng atensyon sa eskwela but cases like this is an exception.
She bit her lower lip as she composed a message to Pierre dalawang oras bago siya sunduin. Sa normal na araw, may klase sila dapat ngayon but since the college professors support the fund raising, hindi na itinuloy ang klase na panghapon.
'Hi! May college party kami.. Lahat kasi pupunta kaya sasama na din ako.. Kasama ko si Stephanie na uuwi. May susi naman akong dala, wag mo na akong intayin.'
Her heart beats so fast pagkasend niya ng mensahe. Pakiramdam niya, may mali siyang ginagawa. Living with Pierre for two months taught her to be careful with her actions. Ayaw niyang magalit ito o di kaya mag-isip sa kanya ng masama. Halos mapatalon pa siya ng makatanggap dito ng reply.
'Saan?;
Yun lang ang reply nito pero natatakot siya. Para siyang bata na gusto na lang umuwi at manood ng food network na kadalasan niyang ginagawa at nakikinood na din si Pierre.
"Steph.. Saan tayo?" Tanong niya mula sa cubicle.
"Valk!" Sigaw nito pabalik.
'Valk daw.. Hindi ko alam kung saan...'
Tumunog muli ang cellphone niya.
Pierre: K.
Hindi niya alam kung bakit nalulungkot siya sa paraan ng reply ni Pierre. Kasi naman napakatipid. Wala yung normal na smiley saka madaming tuldok sa dulo.
Napakasungit.
Pero binura niya na lang ang lungkot sa isip. Maybe he's busy with work. Hindi naman siya ang tamang tao na kailangan niya pang pagtuunan ng pansin. Baka nga nagtataka pa ito na nagpaalam siya.
"Ang ganda mo, Helga! Maglalaway na naman si Travis!" Humagikgik si Stephanie pagkakita sa kanya. Kasalukuyan itong nagkukulot ng buhok. Bumagay din dito ang suot na puting body hugging dress na maigsi. She looks classy in her red lipstick too.
Sinuklay lang ni Helga ang kanyang buhok gamit ang daliri at kinurot ang pisngi para pumula, paulit ulit din na kinagat ang labi
"Huy! Ano ka ba! Makaluma mo!" Pagalit sa kanya ni Stephanie sabay hila sa kanya.
"Ang magaganda, kailangan din ng makeup. Pikit." Utos sa kanya ng kaibigan. Sinunod naman niya ang sinabi nito. Kung ano ano ang pinahid sa kanyang mukha. Nang paharapin siya ng kaibigan sa salamin pagkatapos ng napakaraming seremonyas, she was shocked to see how she looked like! Her lips were dark plum and her cheeks were rosy. She looked like a rockstar chic. Malayo sa normal niyang ayos. Helga knows she's pretty but she was never so adventurous about it. Ayos na sa kanya ang gloss at face powder.
"G-grabe naman ito, Steph!"
"Sus! Ano ka ba! Maganda! Very fashionable!" Giit nito. Pinagbigyan niya na lang si Stephanie sa trip nito para makaalis na sila at magsawa na ito kakaaparty para uuwi sila agad.
Papadalim na ng lumabas sila sa restroom at halos papaubos na din ang mga sasakyan sa school nila. Dala ni Stephanie ang maliit nitong sasakyan patungo sa club na pagdadausan ng party. Halos isang oras dinang drive patungo sa venue.
Ang maingay na tunog ng nakaliliyong music at nakakasilaw na ilaw ang sumalubong sa kanila ni Stephanie. Pagkatapos ipakita ang kanilang ticket ay pinapasok na sila sa loob.
"Ang galing di ba! Ang daming pogi ang kakilala nito ni Gingineer Travis!" Humalakhak si Stephanie habang maliit ang hakbang na pumapasok sa loob. Pati siya ay nahihirapang pumasok. Kaliwa't kanan ang napapahinto kapag nakakasalubong sila ni Stephanie. Boys that would try to hit on them ngunit tanging si Stephanie lang ang nagre-reciprocate.
Naghahanap siya ng mga pamilyar na mukha sa paligid para may makakwentuhan pero masyadong mahirap humanap ng tao sa napakadilim na lugar.
"Helga!" Halos banggain ng matipunong katawan ni Travis ang nakakasalubong nito para puntahan siya. Ngumiti lamang siya at tipid na kumaway dito.
"Mabuti at nakarating ka. Kumain ka na?" Travis asked, ang kamay nito ay maingat na nakapatong sa kanyang bewang para protektahan siya kung sakaling maitulak ng mga paroo't parito sa loob ng club.
"Hindi pa ako gutom. Si Steph, baka." She shrugged. But then she found her friend dancing freely with one of the guests habang akala mo nakainom na pataas taas pa ng kamay. Napailing na lamang siya.
"Halika, doon tayo.." Turo ni Travis sa kung saan na hindi naman niya makita dahil sa kapal ng mga tao. But then she followed.
Ilang tao pa ang bumunggo sa kanya pero nasasangga lang iyon ng malapad na dibdib ni Travis. Girls would flock on him, he seems like an eye candy because of his large frame and toned muscles but he's very attentive to her.
"You look so great tonight.." Wika nito habang sinasabayan siya sa paghakbang. Hindi niya alam kung binobola ba siya nito o kung ano dahil panay naman ang kaway sa mga nakakasalubong na kakilala habang sinasabi iyon.
Isang waiter ang makakasalubong nila at natanawan niya iyon agad, madaming baso ang nakalagay sa tray at mukhang hirap na ito.
Umiwas si Helga para bigyan ang waiter ng space pero naging dahilan iyon para ma-out of balance siya, she panicked in an instant, maagap siyang nasalo ni Travis mula sa muntik na pagkakabagsak.
His warm hand touched her skin, bare back kasi ang disenyo ng suot niyang dress. Mataman siyang tinitigan ni Travis habang hinahayaan na nakaliyad siya sa kamay nito, gusto niyang idaan ito sa ngiti but Travis looked so serious. Unti unting bumaba ang kamay ni Travis sa kanyang likod, she felt awkward, she tried to stood up quick then her phone rang which she thanked the heavens for saving her in such an awkward situation.
"H-hello.." Garalgal pa ang kanyang boses dahil sa panunuyo ng lalamunan sa muntikan na pagkakabagsak sa sahig at sa hawak ni Travis sa kanya, isama na ang paninitig nito.
"The ticket tonight was jacked up thrice." Sambit sa kabilang linya ng isang malalim na boses. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at nakumpirma niyang si Pierre iyon. Napakunot ang kanyang noo.
Anong ticket ang pinagsasasabi niya?
"I bought ten tickets just to let me in, I might end up spending more for broken glass and furniture." Wika muli nito, mahihimigan ang bantang panganib. Kinabahan tuloy siya.
"Pierre, asan ka?" Nilakasan niya ang boses dahil sa parehas na ingay sa kanyang kinalalagyan at sa kabilang linya.
"Watching you. Tell that guy to find a wife to touch and stare at. Wag yung akin."
Gumapang ang kaba sa kanyang dibdib at mabilis na hinanap si Pierre sa paligid.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro