Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C9: Ex-boyfriend


“―SO AS I was saying, may quiz tayo bukas sa Accounting. I'll give you two cases only tutal may group assignment na kayo diba?” tanong ni Ms. Rosefe, our Managerial Accounting professor.

“Yes, ma'am,” we replied in sync.

“Class dismissed,” she cued before storming out.

Napaunat ako ng kamay at braso dahil sa ginaw na nanggagaling sa aircon. Ang lakas kasing magpa aircon ni ma'am. Hindi n'ya ata napapansin ang nilalamig naming itsura.

"May Law ba tayo ngayon?" tanong ko kay Gelai na nagliligpit ng kanyang gamit.

"Papasok si prof ngayon. Pumasok kasi s'ya sa kabilang section kahapon."

Tumango ako at mabilis na sinukbit ang bag sa aking balikat. Hindi pa naman ako nakapagluto ng babaunin ngayong araw. Ayoko ring umuwi sa boarding house at baka mahuli ako sa law subject. Napaka-strikto kasi ni professor Meriales pagdating sa attendance.

"Sana may emergency case si sir ngayon, please Lord," sigaw ko ng nasa kalagitnaan na kami ng field naglalakad ni Angela.

"Hoy 'wag naman. Kailangan nating makabawi sa mga nawalang panahon dahil sa trabaho n'ya," she chided.

"Alam ko 'yun, pero nakakatamad kasing pumasok kapag gabi."

Our commercial law starts at 6 PM until 9 PM kaya medyo babad na kami sa pixie dust na pampatulog. Antok na antok na nga ako habang nagrerecite ng articles pagkatapos mabunot yung index card ko. Pero kapag alam kong hindi pa ako tinatawag ni prof mas kabado ako. Nagkakaroon ako ng mini heart attack every law subject. Nakakaloka.

"Saan tayo kakain?" tanong ko ng makalabas kami ng university gate.

May iilang carenderia at eatery sa gilid, may 11-Eleven sa harap ng university, may malalaking malls na kayang lakarin, at may branch din ng Taco Boy. There are so many options to choose from, pero mas pinili naming dalawa and magturo-turo muna. Streetfoods. Isaw, adidas, barbecue at kung anu-ano pa. Kapag nasa University of Southwestern Philippines ka makakatipid ka ng maayos, pero hindi para sa pagkain kundi para sa photocopies and xerox.

"Dito lang ako sa kabila," paalam ko kay Gelai na kumukuha na ng lumpiang nakatuhog sa stick.

"'Wag kang mawawala," paalala n'ya. Ano ko s'ya? Nanay? She sounds like my mudra.

I went to buy some barbecues and rice. Tamang 20 pesos lang and you're good to go. Kaso malakas akong kumain kaya umaabot minsan ng 30 pesos ang gastos ko rito kaya prefer ko talaga ang mag eatery e.

"Ate, dalawang barbecue," sabi ng lalaki na may napakapamilyar na boses.

Napaangat ako ng tingin sa kanya.
Sabi na nga ba! Mabilis kong nginatngat yung taba ng barbecue at nilunok ko iyon ng buo sa aking lalamunan. Ang tibay ko talaga, nagawa ko yun ng walang tubig na iniinom. Binayaran ko kaagad si ate na nagbabantay, at mabilis na kumaripas ng takbo papunta sa buko juice na katabi lang nitong barbecue-han. Inaabot ko na yung juice ng nagsalita siya bigla.

"Ruby?" patanong talaga, teh?

Muntikan ko na maluwa ang kinakain kong taba. Hindi ko pa rin kasi yun nalulunok eh. Slowly but surely, nilingon ko s'ya at ningitian ng pilit.

"Uy, Adam! Musta?"

"Ayos lang ako, ikaw ba?"

Ang gwapo n'ya pa rin kahit kailan. Walang kupas, walang pinagbago. Sabi na nga ba at hindi ako nagkamali kung sino iyong nakita ko sa mall noong nakaraang linggo. Kahit malabo ang paningin ko, matalas naman ang mga mata ko pagdating sa kanya. But I chose to ignore who I saw. Ayoko lang na bumalik s'ya sa buhay ko gayung s'ya naman itong nang-iwan ng walang pasabi.

"Okay lang din ako. Gaya mo," sabi ko at mabilis na ininom yung buko juice. Ni-hindi ko na nga naramdaman yung lamig ng ipin ko basta diretso lunok lang ang ginawa ko kasama ng malaking ice. "Sige. Alis na ako, nagkamustahan naman na tayong dalawa."

Tinapon ko ang plastic cup sa basurahan at mabilis s'yang tinalikuran, pero hindi pa pala s'ya tapos sa pakikipag kumustahan sa akin.

"M-May kailangan ka pa sa akin?" pagtataka ko.

Sa pagkakaalam ko hindi naghihilahan ang mag ex sa tuwing natapos na silang magkumustahan.

"W-Wala naman," he replied, nakahawak pa rin s'ya sa kamay ko.

My goodness! Pakisabi sa lalaking ito na bitawan ako please at baka sumabog ako rito dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Angela help!

Nasaan na ba ang knight in shining armor ko? (kung meron man) please Lord, ipadala n'yo na sa akin because I badly need one right now.

"I'm sorry for leaving without letting you know my reason. Pero andito na ako, I'll explain everything to you if you would just let me," he begged.

"Ah, eh, ih, oh, uh... may klase pa kasi ako mamaya. Maybe next time?" napabitaw s'ya ng dahan-dahan mula sa pagkakahawak n'ya sa aking kamay.

I feel sad and guilty at the same time, but this is his fault after all. Hindi ko kasalanan kung gusto kong dumistansya muna sa kanya. I'm not ready for this, I never was.

"Until when?" tanong n'ya bigla.

"Ang alin?"

"Your class will end. Until when?"

T-teka nga lang muna. Pause! Rewind! Am I hearing his words correctly?

"Bakit mo tinatanong? Don't tell me-"

"I'll wait for you after class," he continued, cutting my words right off the bat.

Hihintayin talaga ako ng isang ito? Sure ba s'ya dyan ha?

"Seryoso ka ba? Baka nagjojoke time ka lang, Adam," seryoso kong tanong. Just making sure na hindi n'ya ako pinapaasa ulit.

“I will. I badly want to explain everything to you. You don't have a boyfriend, do you? Wala naman sigurong magagalit."

Hindi ko alam kung babatukan ko ba s'ya o sisipain dahil sa kanyang sinabi. Nakakainsulto kaya ang ganun para sa isang babae na maganda pero walang jowa like me.

"I don't have-" natigil ako sa pagsasalita when someone put his arm around my neck. Ang bigat ng kamay n'ya habang nakaakbay sa akin.

"Soon, she'll have one." singit n'ya sa usapan ng may usapan.

"Hoy, sulpot ka nang sulpot kung saan. Ano ba?" inis kong hinawi ang kanyang kamay sa balikat ko tsaka ko s'ya tinitigan ng masama.

Hindi s'ya natinag sa sinabi ko sa halip mas tinitigan niya pa lalo ang lalaki na nasa harapan namin pareho. He was weirdly smiling at Adam. Mukhang nakuha yata ni Adam ang gustong iparating na tingin ng isang ito kaya agad s'yang nagpakilala.

"Adam Cordova, nice to meet you..?"

"Joseph Rivera," he simply introduced. He pointed his forefinger at my head. Palibhasa matangkad kaya inaabuso na kaming mas maliit sa kanya.

"Kaano-ano mo ang mataray na ito?"

Siniko ko s'ya, but he caught my elbow quick. Para bang alam n'ya na gagawin ko 'yun. Tinignan muna ako ni Adam bago sumagot sa tanong ni Joseph.

"Friend, and you?" he replied.

"Friend din, but I'll make sure to put boy sa unahan ng salitang yan," matalim n'yang sagot but he was smiling.

They were both glaring at each other like I wasn't standing in between. I cleared my throat to get their attentions and effective nga.

"Are you done staring at each other? Kasi may klase pa ako!" sarkastiko kong pahayag.

"Rubs, tara na," pagtawag ni Gelai sa akin. Bigla s'yang napatitig kay Adam. Lumapit s'ya rito ng nakangiti at binati pagkatapos.

Oh, yeah right. They know each other.

"Kumusta ka na, Dam? Ang gwapo mo na lalo ah?" puri n'ya pa rito.

"Ayos lang. Ikaw din, you look beautiful," ngiti ni Adam.

Tinampal s'ya ng mahina ni Gelai sa braso nito. "Bolero ka pa rin. Kaya ka siguro iniwan ni Ruby no?"

For the record, Angela. He's the one who left me, so don't turn the tables around. I saw Joseph's unpleased reaction when he heard what Angela said.

"What do you mean iniwan?" pagtataka nito.

"Iniwan, hiniwalayan, ganun. Hindi mo ba alam? Adam is Ruby's ex-boyfriend," she said in a simpleminded approach without reading the entire atmosphere between us.

"Oh, I see," he nods in amusement. "He completed those words already. Ex. Boy. Friend."

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro