C5: Kulit
IT SUCKS.
After what happened at the eatery, nawalan na ako ng ganang pansinin s'ya. Ewan ko ba. Kinakabahan ako sa tuwing magkikita kami o 'di kaya ay malaman ko lang na and'yan s'ya sa labas naggigitara o kumakanta, and it sucks.
Days flew fast as it should be. Isang linggo na rin ang nakakalipas mula noong nagsimula ang class namin for second year second semester. At kahit nasa school kami at alam ko na magkikita at magkikita talaga kami, pilit ko pa rin iyong iniwasan. The school is huge, but the world is small. So, I have to avoid any possible cause that could lead us both to seeing each other.
“Ruby,” someone called.
I lift my head only to see Angela. “What?”
“Pupuntahan ko ang Tailoring shop ngayon, baka gusto mong sumama?”
“Ah, ngayon na ba yun?” I asked.
She nods. “After last period pupunta tayo. Malapit lang naman ang lalakarin.”
Tumango ako. Muntik ko na makalimutan ang tungkol dun. Nagpadala na ng pera si mama pero hindi ko alam kung paano hahatiin ang gastos lalo na't may uniform pa pala. Wala kaming tuition fee sa USeP, pero napakarami talaga ng requirements especially photocopies. Ubos ang piso ko dahil sa photocopies namin sa Taxation noong first year ako kaya naniniguro na ako ngayon.
Naramdaman kong may tumabi sa akin sa upuan. We were sitting two seats apart from each other. Andito ako sa CBA lobby, tumatambay, nagdodrawing ng kung ano-ano basta't may magawa lang habang naghihintay ng class period.
Marahas itong bumuntong habang nakatingin sa kanyang cell phone. “That damn captain ball.”
Nakita kong lumabas si Khane dala-dala ang pula niyang netbook. S'ya ang anak ng isa sa sikat na law professors dito sa university. Si professor Rogue Meriales.
Agad na tumayo ang lalaking katabi ko tsaka nito hinarangan sa daanan si Khane. It was Ryle after all.
“Ano na naman ba?” nakataas ang kilay ni Khane habang tinititigan si Ryle.
“Pakisabi raw kay- huy! Ang bastos mo talaga!”
Hindi s'ya nito pinatapos magsalita dahil mabilis niya itong nilagpasan. Natawa ako nang hindi sinasadya kaya napalingon si Ryle sa akin.
His forehead wrinkled when he looked at me. “Tinatawa-tawa mo riyan?”
“W-Wala naman…”
“Psh,” inis siyang umalis at naglakad papasok sa library.
Anong ginawa ko?
“Ang gwapo talaga nun magalit,” sabi bigla ni Ivy nang madaanan si Ryle.
“Bakit ka ba nagkagusto run? Ang sama ng ugali.”
“Gwapo naman,” kinilig pa siya ng impit. She sat down beside an unoccupied space and start munching her food. “Kumain ka na ba?”
“Katatapos ko lang,” I replied.
Pagkatapos ng afternoon class namin, agad akong sinama ni Angela sa patahian. Hindi na kasi kasya ang isa kong blouse kaya magpapatahi ako ng bago. Ganun din si Gelai.
“Magpapasukat po,” sabi ko run sa babaeng nagtatahi. Tinitigan n'ya lang kasi kami nang makarating kami sa shop n'ya na para bang hinihintay niya kaming magsalita.
“Brad, sukatan mo nga,” utos niya dun sa matandang lalaki na uugod-ugod na. “Huwag kayong mag-alala, magaling iyan.”
“Oo nga po, e. Hindi halata,” bulong ko saka ako siniko ni Gelai. “Totoo naman.”
“Ssshh. Hihingi pa ako ng discount. Baka gusto mong mahal yung sayo?” halos pasigaw nitong bulong sa akin.
Sinukatan kami ng matanda. Magaling nga talaga s'ya kasi nanginginig pa ang kanyang kamay nung sinusukatan kami.
“Sigurado po ba kayo na tama iyang size ko?” hindi ko kasi maiwasang hindi magduda.
Nakakaduda kasi iyong sizes na sinulat ni manong.
“Tama iyan,” sabi niya. Masyadong confident.
I didn't bother to argue with him since he's the expert when it comes to this. It's not my field of expertise kaya hindi ko na s'ya sinagot pa. Umuwi kami ni Gelai dala ang isang piece of paper. Nakasulat sa papel ang meters ng tela na bibilin namin.
“Dito na ako,” sabi ko at nagpaalam agad sa kanya. “Ingat ka.”
We separated ways after saying goodbye. I walked and walked and walked. Anong akala n'yo? May mangyayari pang something habang naglalakad ako? Tch.
I thought so as well.
“Pagkatapos ng klase ko bukas,” I whispered to myself as I put the piece of paper inside my pocket.
●●●
“Peach twill ba talaga ang madalas gamitin sa blouse?” tanong ko kay Gelai habang isa-isang pinipindot ang tela dito sa Textile Area.
“Oo, iyon ang sabi ni manang sa atin kahapon. Hindi mo ba narinig?”
Masyado akong preoccupied kahapon. It looks like I was spacing out when she said those.
Pagkatapos naming makuha ang meters ng tela, agad kaming nagpa counter at nagpapunch ng items. I was planning to go home early, but Angela ruined my plan.
“Saan ka pa ba kasi pupunta?” inis ko siyang sinundan, bitbit ko pa rin ang cellophane na may lamang tela.
“Bibili lang ako ng fries sa Mcdo. Take-out naman kaya mabilis lang ako,” sabi n'ya at dumiretso sa Take-Out counter.
There were so many people here. I can't blame them, it's rush hour and uwian na talaga ng mga workers and students. Mabuti na lang at nagboboard kami dahil hindi namin nararanasan ang traffic sa daan. Never get tired because of this setup.
Umuuwi ako ng bahay na may energy. Nakakatulog lang ako kapag wala na akong gana mag social media, but most of the time I could barely sleep at night. Maybe because I am new to that unfamiliar place.
“Gusto mo rin ba, Rubs?” tanong n'ya.
“Mabuti naman at naalala mo pa ako rito,” mahina kong sabi. “Sige. Same order sayo.”
Tumango s'ya at sinabi sa babae yung oorderin namin. I looked around to see familiar faces inside the mall. Gaya nga nang sabi ko, malaki ang school pero maliit lamang ang mundo kaya marami akong nakikitang pamilyar na students.
Napatingin ako sa lalaking nakatalikod habang namimili ng eyeglass sa Vision na kaharap lang nitong McDo. Nanliit ang mga mata ko habang tinitignan s'ya, but I couldn't see him clearly kahit napakapamilyar ng kanyang tindig.
“Hoy, tara na,” tampal n'ya sa balikat ko at may ngatngat na s'yang french fries. Tinignan n'ya rin ang direksyon kung saan ako nakatingin. “Sino bang tinititigan mo dyan?”
“W-Wala naman. Uwi na nga tayo,” I said and pulled her wrist palabas ng mall.
God. That guy definitely looked familiar.
“So, how's the new boarding house?” she asked nung nakasakay kami pauwi.
“So far okay naman s'ya. Wala masyadong pressure sa paligid.”
“I was worried you might create scenes on your first week or complained anything to me. Baka kasi hindi ka masanay but I guess you're coping with the guys there. Mabait daw sila sabi ni Ivy sa akin.”
Napairap ako sa kawalan ngatngat ang libreng fries. “Except for one guy,” I whispered.
Naghiwalay din kami ng daan ni Gelai pagbaba namin ng jeepney. Bumuntong hininga ako habang naglalakad. Nakakapagod pala kapag may extracurricular kang ginagawa after class. I halt nung makita ang lalaki na nasa kabilang gilid ng kalsada naglalakad habang nagtetext. He's holding cellophane from 11-Eleven. Mukhang dinner na naman n'ya ang instant rice meal.
Kahit hindi ko s'ya pinapansin, madalas ko namang mapansin ang kinakain n'ya. Naririnig ko kasi s'yang lumalabas ng gate kada gabi para bumili ng dinner. Ganun din si Ivy, but sometimes she eats at the eatery dahil nakakaumay daw ang rice meal.
“Hoy,” I shout to get his attention.
Natigil s'ya sa paglalakad at napatingin sa akin. A smile formed on his lip slowly. “Uy, miss mo na ako?”
Napairap ako sa kawalan. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito kahit kailan. Walang pinagbago. Tumawid s'ya agad papunta sa pwesto ko, then we decided to start walking to the boarding house together.
“Instant meal na naman?” my brow arched at him.
He shrugged. “Hindi pa nagpapadala si mommy kaya ito muna sa ngayon. Ikaw?”
“Tapos na,” sagot ko. Kahit french fries lang naman iyong kinain ko kanina but the truth is, wala talaga akong gana.
“Yeah, that's why you're eating fries?” ngisi n'ya.
How the fudge did he know that?
“Angela text me,” bigla niyang sabi kahit hindi ko naman tinatanong. He waved his phone like he wants me to know that he's telling the truth.
At kailan pa sila nagtetext ng kaibigan ko? This jerk is an asshole.
“Don't care,” I said nonchalantly.
“Di ka man lang ba nagseselos?” may pangiti-ngiti pa syang nalalaman dyan.
I want to rip that smile from his face right now. Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi tsaka ko s'ya sininghalan ng maayos.
“Napakakapal talaga ng mukha mo! Why would I be jealous, e wala naman akong gusto sayo.”
“Ouch,” umakto s'yang nasasaktan. May pahawak-hawak pa sa dibdib n'ya. “Truth hurts.”
“Ang kapal talaga kasi ng mukha mo kaya hindi kita magugustuhan. Ayoko sa mga feeler at hambog no,” sabay irap.
Naglakad ako ng mabilis para maunahan s'ya, pero napakadali lang para sa lalaking ito ang sundan ako. Sana all long-legged.
“So kung hindi makapal ang mukha ko, may pag-asang magkagusto ka sa akin?” he asked, nagtonong baliw na naman.
“Tigilan mo nga ako. Kakakilala lang natin sa isa't-isa ang landi landi mo na. Iba na lang landiin mo uy, don't me!” sabay duro sa kanyang mukha.
Ngumisi lang ang baliw tsaka ako kinurot sa magkabilang pisngi. "Ang cute cute mo talagang magalit, Precious."
Inis kong hinawi ang kanyang kamay sa pisngi ko. Nasaktan ako dun ah, ang sakit naman ng pamisil n'ya sa akin.
“Gago ka ba? Ang sakit nun ah!” inis ko habang napapahawak sa aking pisngi. Namumula na yung pisngi ko dahil sa sakit e. Bwiset na lalaking ito. “And don't call me names. Hindi tayo close!”
“E sa gusto ko e. May magagawa ka ba roon?”
“Tseh!”
“Precious ang tawag ko sayo kasi Ruby ang name mo. Ruby means a precious stone. I don't want to call you stone, pusong bato ka na nga tatawagin pa kitang stone kaya naman Precious na lang,” tumaas baba ang kanyang kilay habang nakangisi.
Naramdaman kong tumaas ang altapresyon ko sa mukha papunta sa ulo kaya hinampas ko s'ya ng dala kong cellophane.
“Aray ko naman, Precious”
“Wag mo sabi akong tawagin ng ganun e. Kilabutan ka nga!”
“Sa gusto ko nga. Tsaka yung sagot mo sa tanong ko,” bigla s'yang sumeryoso. His voice toned down as if na isa s'yang napakalamig na tao. His face has gotten serious as well, sending shivers down my spine.
“What question?”
“Kung hindi makapal ang mukha ko, magugustuhan mo ba ako?”
Napalunok ako nung mapagtanto ko na isang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa. He's tall, so I had to face him upward but shit this heart. Akala ko lalabas na ito bigla dahil sobrang lakas talagang tumibok nito ngayon.
“H-Hindi…”
Inismiran n'ya lang ako pagkatapos kong sabihin iyon.
“I see.”
Halos mahigit ko ang aking paghinga because of what happened. Thank God, malakas masyado ang fighting spirit ko kaya nakakaya ko pa s'yang sagut-sagutin.
Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad, but both of us stayed silent.
Not for long.
“Is it really impossible for you to like me? Seryoso ka na ba riyan sa sagot mo?”
I nod.
“Sure?”
“Oo nga.”
“Sure na sure?”
“Ay ang kulit mo!”
“Sure na sure na sure?”
“Ewan ko sa'yo. Kulit mo sobra.”
Tinawanan n'ya lang ako. “Okay okay. Hindi na kita kukulitin, kaso baka mamiss mo ako, Precious.”
“Don't call me that.”
“Why not? You're my Precious after all,” he smiled, which made my heart thumped.
Shut it.
“And you're not,” sabi ko.
“Anyway, gusto mong sabay na tayong kumain? I have two meals here,” itinaas n'ya ang cellophane sa mukha ko.
“Oo na, oo na. At least man lang makabawi ako sa pananakit ko sayo kaya pagbibigyan kita.”
“Great, he tousled my hair. “Subuan kita?”
Mabilis ko syang hinampas ng cellophane ko.
Bwiset, bwiset, bwiset talaga. Mabuti na lang at gumagabi na kaya hindi masyadong halata ang namumula kong pisngi.
Damn you, Joseph. If you will keep doing this, it might be possible for me to like you.
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro