C41: Plano
"MS. TRINIDAD, ipapasundo ko po ba si Topaz?" tanong ni Giselle, my secretary, sa company phone.
"'Wag na. Ako na lang ang magsusundo ngayon. Thanks, Giselle."
I took my jacket from the couch and car keys on my desk before going out. After five years, I already built myself up from the ground. Mom remarried a well-known business man named Hubert Trinidad, owner of this huge company. Ako ang nagpapatakbo sa farm namin. He's a gentle and kind man. He reminds me of someone I know. Napakabait ng stepdad namin, he doesn't have kids anymore. Tinuring niya kami bilang isang tunay na pamilya that he never had before.
Jade is going to inherit his company someday dahil busy ako sa pagmamanage ng farm namin. My brother is currently studying business at University of Immaculada Conception. He's still a kid when it comes to managing a huge agricultural company that's why I suggested that he should at least learn the fundamentals. But he did it because of our stepdad's request.
Mom is at the hospital, taking care of dad. Nanghina ang kanyang katawan dahil sa sobrang katandaan. One day, he suddenly collapsed when they were in abroad, which made everyone panicked. Kaya dali-daling umuwi sila mama at dad dito. Mabuti na lang at naging maayos siya kahit papaano. But prevention is better than cure so we decided to take over his business muna until he's okay.
"Should I call sir Jade?"
"Wag mo nang abalahin pa si Jade. Ako na magdadrive ngayon," pumasok ako sa kotse at humarurot papunta sa Stellar Maris kung saan nag-aaral si Topaz.
Bumalik ako ng Davao dahil sa business na iniwan sa akin. Angela told me na may homecoming na gaganapin ngayong buwan that's why she was glad that I came back. Okay sana sa akin ang offer, but when she said that Joseph's band is going to play for the alumni parang nagback out ang dibdib ko. I'm not yet ready to see him again. I bet he spent his time despising me.
I parked the car and went to see Topaz. Madalas siyang maghintay sa guard house kaya alam ko na agad kung saan siya susunduin.
"Kuya, where's Topaz?" tanong ko sa guard na in-charge.
"Ayun po, Ma'am," turo niya sa batang nakikipag-away sa may swing.
Lumapit ako kaagad. Rinig na rinig ko ang pagbabangayan at pagsisigawan nilang dalawa. Ang babata pa nila pero napakapalaaway na.
"Uy, uy, uy. What's happening here?"
Napatingin ako sa bata. Ang gwapo naman nito, may foreign blood yata dahil sa kinis ng kanyang balat.
"Mommy," parang nakakita ng multo ang anak ko. "Wala po ito. I'm just teaching this guy a lesson."
"L-Lesson kamo?"
Hindi ko maalala na pinalaki ko nang ganito katapang ang anak ko. Ayus, manang-mana sa akin.
"He told me that the reason why I don't have a dad is because I'm ugly!" tinapunan niya ng sapatos 'yung batang lalaki tsaka ito tumama sa puti niyang uniform.
"I didn't say you're ugly!"
Akala ko tatapunan niya ang anak ko, but his actions shocked me kasi kinuha niya mismo ang sapatos ni Topaz tsaka niya ito ipinasuot na parang si Cinderella. Ang gentleman naman nito. Kinikilig ako sa bata!
"You shouldn't throw things at guys like that. At hindi ko sinabi na pangit ka," inis niyang sabi. "Ewan ko sayo."
"Topaz, magpasalamat ka sa kanya," tapik ko.
"Salamat," matabang niyang sabi bago umalis para kunin ang bag.
Kanino niya namana ang maattitude niyang ugali?
"Pasensya ka na sa anak ko ha. Maldita," ngumiti ako tsaka pinasalamatan ang kanyang ginawa.
"You're welcome po. But I didn't say she's physically ugly. Her attitude is."
Eek!
Ang honest mong bata ka. Sarap mong kurutin.
"Girls will be girls I guess," he sighed.
"Naghihintay ka rin ba ng sundo mo?"
"Nasa faculty pa si daddy. May inaasikaso po siya."
"Gusto mo sabayan nalang kita sa paghihintay? Pasasalamat ko na rin sa ginawa mo sa anak ko."
Akala ko kasi palaaway ka.
"Okay lang din," naupo siya sa kabilang swing kasama ko.
I waited for Topaz and he waited for his dad.
"Mommy!"
Nilingon ko siya. I suddenly froze when I saw him and Topaz walking together. He was holding my daughter's hand.
"Topaz!" she ran to me.
"R-Ruby."
"Ang tagal mo, daddy," naiiritang sambit ng bata.
Daddy? So he's Joseph's son?! Bakit parang sumikip bigla ang dibdib ko?
"I told you to not call me that, Gibson!"
"Hindi mo naman kailangang sigawan ang bata," lumabas na lang bigla sa bibig ko. Shit.
"You got it all wrong, Ruby-" aniya tsaka humakbang pero umatras ako kaagad.
"Magkakilala kayo, mommy?"
"Mommy?" Napatingin siya kay Topaz tsaka sa akin. "Topaz is your daughter?"
"Oo. Aalis na kami," hinila ko si Topaz. "Magpaalam ka na."
"Babay po, sir. Pupuntahan pa po namin si daddy sa hospital," Topaz said, bidding them goodbye.
I pulled my daughter to the car at hindi na muling lumingon pa. That kid is actually Seph's son! What the heck? Bakit ako nasasaktan? It's my fault for leaving him pero ako pa itong nasasaktan.
"Mommy, why are you crying?" pagtataka niya.
Dun ko lang naramdaman ang basa kong pisngi. What am I even crying for?
"Wala ito, baby. Dumaan muna tayo sa paboritong ice cream shop ng daddy-lolo mo, is that okay?"
"O-Opo," aniya at humugot ng isang panyo tsaka niya dahan-dahang pinunasan ang mga mata ko. "I don't want to see you cry, Mom. Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak din ako kaya 'wag ka nang umiyak pa."
Dahil sa sinabi ng anak ko, mas lalo akong naiyak. She was gentle and kind like her dad but fierce like me.
"Thank you, baby. I love you," I kissed her forehead.
"I love you too, mommy."
Dumaan muna kami sa ice cream shop bago nagpunta sa ospital. Pagdating namin dun, wala si mama sa room.
"Daddy-lolooo!" agad niyang niyakap si dad.
"My beautiful granddaughter. Hug mo si lolo," ngiti niya.
"Kumusta na po? Bumili kami ng paborito mong ice cream," nilapag ko sa gilid ang puting supot at napatingin sa kanya.
"Maayos-ayos na ang pakiramdam ko kaso hindi ko pa magalaw ang kaliwa kong paa," aniya at napatingin sa akin. "Kumusta na kayo ni Jade?"
"Okay lang po kami, dad. Jade's doing well in his class."
"That's good."
"Nasaan po si mama?"
"Bumili muna ng gamot sa pharma."
Nilahad ko sa kanya ang ice cream. "Kumain ka po. Si Topaz ang pumili ng flavor na 'yan para sayo."
"Did you really, hija?"
"Opo. Anything for daddy-lolo."
Topaz took the ice cream at kumain sa bakanteng upuan para manood ng TV. Napatingin si dad sa akin at matabang na ngumiti.
"Why do I have a feeling that you cried, hija?"
"I met Topaz's father sa school kanina."
"And you found out what?"
"May anak na siya, Dad. Isang guwapong lalaki."
"Isn't that good? Do you still love him?"
Mangiyak-ngiyak kong tinignan si dad. "I guess I still do. Hindi naman magiging ganito ang reaksyon ko kung hindi ko pa siya mahal."
"I know," he gently pats my hair. "Alam mo, ang dami kong pinagsisihan nung nabubuhay pa ako. Hindi ko nagawang mag girlfriend dahil busy ako sa pulitika. Nung nag-asawa naman ako, hindi ko sila mabigyang pansin dahil sa negosyo ko hanggang sa nagsawa sila sa akin at sa huli ay iniwan nila ako."
"Alam ko po 'yon pero ba't n'yo ito sinasabi sa akin?"
"Because I want you to realize that regret is always at the end of the line. You can always grab the chance or not. Minsan, pagsisisihan natin kasi ginawa natin, at madalas pagsisisihan natin dahil hindi natin ginawa. Tell him about Topaz, he deserves to know the truth about his daughter. Kung ako ang nasa katayuan niya, I will beg you to let my daughter know rather than keeping it as a secret forever."
"Paano kung magalit siya sa akin? Pag nalaman niya na anak niya si Topaz, baka kamuhian niya ako habang buhay."
"Let him be angry with you, that's part of the process. Isa iyong emosyon na hindi kailanman maiiwasan ng tao lalo na't nasaktan talaga siya sa ginawa mo. In the end, we only regret the chances we didn't take, relationships we were afraid to have, and the decisions we waited too long to make," dad said, wiping my tears dry.
Napatingin ako kay Topaz. "I will tell her about Joseph muna. Sana hindi siya magalit sa akin."
"Topaz is a good and strong girl. She can handle the situation. Besides, she's been longing for a father as well."
I approached my daughter and smiled at her. Naningkit ang kanyang mga mata nang malaman na basa ulit ang mga mata ko. She's smart. Sana nga lang matanggap niya ang ginawa ko.
"What is it, Mommy?"
"I have to tell you something, but promise me you won't hate mommy."
Tumango siya kaagad.
"Your father is alive and I want you to meet him. Is that okay?"
"S-Sige po."
Hinalikan ko siya sa noo tsaka niyakap ng mahigpit.
"Ano kamo? Dadalhin mo si Topaz sa Alumni Homecoming?" sigaw ni Angela sabay lapag sa magazine na binabasa.
"I have to, I want her to meet his father."
"Pero alam ba ni Joseph na may anak kayo? Tsaka 'yong sinabi mo sa akin, akala ko ba may anak si Joseph sa ibang babae?"
"Alam ko, alam ko. Gusto ko lang silang ipakilala sa isa't-isa. 'Yun lang."
Pinag-ekis ni Gelai ang kanyang kamay at paa bago ako tinignan. "You didn't plan this very well, Ruby. Paano kung magtagpo kayo ng asawa niya sa Homecoming? I'm sure she'll get the wrong idea about you going out with him. Panigurado 'yan."
Marahas akong bumuntong. Napamasahe ako sa sentido ko. "What should I do then? Wala na akong maisip na gawin bukod sa ipakilala si Topaz sa kanya."
"Hindi ba totoo 'yung nasa pelikula na lukso ng dugo? Tch. Kung naramdaman lang sana iyon kaagad ni Joseph malamang alam na niya agad."
Napahilamos ako ng mukha. Anong gagawin ko? She has a point. Paniguradong magra riot sa loob pag nagkataon.
"What me to call Adam Cordova?" I saw her grinned devilishly.
"May contact pa kayo?"
"Of course. Business world is small, Ruby. Isang tawag ko lang 'yan si Adam. Gusto mo?"
"Anong role niya sa plano mo?"
"Back up lang," aniya habang may tinatype sa phone. "Magpapanggap siyang asawa mo kaya kapag aamba na ang asawa ni Joseph, reresbak kami ni Adam para sayo."
I facepalm to her lame idea. It's so lame to the point na hindi ko alam kung uobra ba ito o hindi. She excused herself and called Adam.
Tatlong araw na lang bago ang Alumni. Everytime I closed my eyes, mukha lang ni Joseph ang nakikita ko.
"He looks hotter than before! Kainiiiisss!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro