Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C40: Topaz

"What? Ikakasal na si tita Amethyst?" sigaw ni Angela sa kabilang linya.

Ibinalita ko sa kanya ang plano at wedding arrangement nila nung nakaraang buwan. Apparently, he's been courting my mom when I was in college. Kaya pala ganun na lang ang trato nila sa isa't-isa, sobrang tagal na nilang magkakilala. This will become the talk of the town since boss Hubert is a famous business tycoon in La Vista del Barrio.

And also... tinanggap namin iyong alok ni boss tumira sa malaki niyang bahay. Mas lumala ang paglilihi ko dahil sa gitna pa talaga nang gabi.

"Oo nga. Punta ka ha!"

"I'll ask mom about that, Ruby. Sana nga lang walang thesis or trabaho sa café," she sighed. "How are you feeling? Lumalaki na ang tiyan mo. Hindi ba mabigat?"

"Hindi naman. Ang gaan-gaan lang, parang may basketball sa loob ng damit ko."

"Gaga ka talaga, Ruby!" tawa niya pa.

"O siya. Napatawag lang talaga ako upang sabihin sa iyo yun. Punta ka ha! Bye, love you. May gagawin pa ako."

"Oo nga! Byee, ingat ka rin, little Ruby."

Ibinaba ko ang tawag at kumain ng apple. Magpapasukat kami ng dress ngayon kasi sa susunod na buwan na ang kasal nila mama. Sinundo nila ako noong hapon sa bahay nang makauwi si Jade galing campus. Yung driver lang ang sumundo sa amin kasi andun na si mama at boss sa shop. Excited na excited siguro ang mga yun!

"Ikakasal ulit si mama," Jade sighed. "Do you get de javu, ate?"

"What do you mean?"

"I mean, naabutan mo naman siguro ang kasal nila mama at papa noon."

Sad to say I didn't. Kinasal sila bago ako ipanganak. Masyadong sagrado ang kasal para kay mama, kaya kasal muna bago talik.

"Gaga, hindi rin."

Lumabas kami ng kotse at nagsukat-sukat ng masusuot. Pinili ko iyong milky white na dress na bagay sa buntis. Mabuti na lang at hindi kalakihan ang tiyan ko pero ipapa-adjust ko siya in case. It's like an off-shoulder with flower laces. Pati rin si Jade ay mabilis na nakapili ng tux na susuotin, tutal naman, pare-pareho lang ng design ang tux na andito.

"Should we order foods? Pagod ako para magluto, ate," si Jade na nagpapahinga sa upuan kasama ko.

"Wcdo? Jolliboy? KFC?"

"KFC," humugot siya ng cellphone sa bulsa at nagdial ng numero. Tinawagan niya ito at umorder nang makakain.

We decided to go home immediately dahil ang tagal ni mama na makapili ng susuotin. Mabuti na lang at mataas ang pasensya ni boss. Inihatid kami ni manong sa bahay upang makapagpahinga dahil hindi raw pwedeng mapagod ang buntis.

"Chicken lang inorder ko, ate ha. Okay na ba yun?"

"Mash potato."

"Sige, sasabihin ko."

My phone vibrated and saw Gelai's message. Hindi siya makakapunta sa kasal dahil walang magbabantay sa café nang araw na yun. Napangiwi ako. I missed her so much but I guess I won't be able to see her for the meantime.

●●●

Dumating ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ikinasal si mama kay boss Hubert. Naging simple lang ang kasal. Wala masyadong bisita, tanging mga kilala lang ni mama sa sakahan ang andun at mga businessmen na kaibigan ni boss— daddy Hubert.

Pinagmasdan ko lang sila ni mama at papa habang masayang naghahati sa puting wedding cake. They were laughing to each other. Gusto ko pa nga sanang sumali sa bouquet toss kaso baka mabasag na itong tubigan ko.

"Ate, kumain ka muna," iniabot ni Jade sa akin ang isang platito ng cake.

"Salamat. Kanina pa ko nagugutom, Jade."

"Kaibigan mo sila, hindi ba?" he pointed at the right side of the venue kung saan may mga bisitang nagpapalakpakan.

I almost fell on my sit when I saw prof. Meriales, Khanery, and Ruff together. Professor and Ruff was clapping while I met Khanery's cold eyes, she was shaking her head and mouthed something to me.

"Hindi ko maintindihan, Khanery."

"Ano yun, ate?"

"W-Wala. Kumuha ka pa ng cake," ani ko at sumunod naman siya kaagad.

They are bestfriends. Natural lang na imbitahin din siya ni dad. But, why are my hands shaking like this. Kinakabahan ako sa presensya ni prof. Dahil ba ito sa nangyari noon? Mukhang hindi ako napansin ni prof, okay lang yan, Ruby. Everything will change.

Just leave the past behind.

●●●

Six months later...

"AAAAGGGHH! Ho-hooo! AAAAAHHH!" sigaw ko na halos ikapunit ng aking bibig.

"Breathe, Ms. Mendoza. Puuush," my OB-Gyne said.

"Ang sakiiiit na, ateee!" si Jade na halos magkasugat dahil sa kuko kong bumabaon sa kanyang bahay.

"Puush!"

Matapos ang ilang minutong pagbabakbakan nang panganganak ko ay nakahinga ako ng maluwag. Ayaw ko na talagang mabuntis, sobrang sakit. I closed my eyes and saw my baby na hawak-hawak ng nurse.

"What name should we give your child, Ms. Mendoza?"

"Topaz..." I whispered before closing my eyes.

●●●

Dumaan ang anim na taon at pinalaki ko si Topaz kasama nila mama. Naging maganda ang buhay namin. Ni hindi ko nababanggit ang ama niya. Naghihintay lang ako ng tamang tiyempo dahil masyado pa siyang bata upang malaman ang totoo tungkol sa nakaraan ko. Hindi siya nagiging curious pero alam ko sa kaloob-looban niya na nagtatanong kung bakit siya walang ama.

Anim na tao na rin ang nakakaraan simula nang ipanganak ko si Topaz. And yup, she's already four years old today. We decided to just face time my parents since they're still in Saudi. Uuwi rin sila next month.

"Topaz, pupunta si tita Gelai mo rito ha. Magpakabait ka," pisil ko sa kanyang pisngi.

"Opo, mommy."

Ang cute-cute talaga ng anak ko.

"Where's my inaanak?"

Bumukas bigla ang pinto at bumungad si Angela sa amin na may dala-dalang Alexander McQueen paperbags.

"Rubyy!"

"Gelaiiii!"

Niyakap ko siya nang mahigpit. Mabuti na lang at nakarating siya ng maaga.

"Kumusta ka? Okay ba kayo ni Topaz, ha?" sunod-sunod niyang tanong. "Eto regalo ko sa kanya oh. Magagamit niya yan."

"Tita Gelai," Topaz hugged her tita. "Where's my gift?"

"I gave it to your mom, baby. I'm sure magugustuhan mo yun. Halika, samahan mo si tita sa sala. Manood tayo ng paborito mong cartons!"

"Yey!"

Hindi kasi siya nakapunta sa binyag ni Topaz dahil busy siya sa business. Kaya heto, bumabawi. I opened the paperbag and saw a pair of red shoes. Ang cute cute naman nito.

"Lagay ko muna ito sa kwarto ha. Iwan ko muna kayo ni Topaz."

Hindi niya ako pinansin, patuloy siya sa pakikipag-usap sa kanyang inaanak. Napangiti ako at inilagay ang paperbag sa loob. I prepared foods for her upang makakain siya dahil malayo-layo rin ang kanyang binyahe papunta rito. I served the food to her and we eat together. Nagkwentuhan din kami ni Gelai tungkol sa present life namin. Wala sa amin ang nagbanggit tungkol sa nakaraan kasi wala namang kwenta ang past life ko.


"Pupunta ka ba sa Homecoming next month?"

"Homecoming? Ano yun?"

"Alumni Homecoming. Usap-usapan ngayon sa gc na may reunion tayo. Invited lahat nang nasa batch natin."

"I left the group chat 5 years ago, Gelai. Paano ko malalaman?" irap ko.

"So pupunta ka ba? Punta ka. Masaya yun," ngisi niya.

"Tsk. Ano namang gagawin ko dun? Hindi naman ako graduate nang batch niyo," umiling ako at kumain. "Not gonna go."

"Bahala ka. Chance mo na sana ito upang makapag-relax. Wala ka bang balak magpahinga, Ruby?"

Ako ang nagma-manage ng farm namin ngayon dahil nasa bakasyon ang parents namin. And when I say vacation, it means abroad. You are never too old to go abroad.

"Walang magbabantay sa farm."

Gelai sighed and throw seeds at me. Kumakain kasi kami ng orange.

"Ewan ko sa 'yo. Don't you have plans in going back to Davao? I mean, andun ang company ng dad mo, diba?"

"I-I don't know..." tumayo ako at kumuha ng tubig.

It scares me. Alam ko na nag-abroad ang ama ni Topaz, but I have a bad feeling about going back to where everything started. Natatakot ako. Tumayo si Gelai at tinapik ako sa balikat.

"Ruby, it's going to be okay. You have Topaz now," she smiles.

"I know and it scares me more, Gelai," I sighed.

"Ruby, you're not like this. Palaban ang Ruby na kilala ko. Walang kinatatakutan. So if you can decide whether to go or not, susuportahan pa rin naman kita sa desisyon mo."

And that's when I decided to go back to Davao. Not because I want Topaz to get used to it, but because of my family's company. And we all know it's all an excuse.

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro