Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C39: Aalis

Nawalan ako ng lakas nang malaman ang katotohanan mula kay prof. Meriales. I hope he's lying. But judging from the looks of his face, it doesn't look like he's lying.

"M-Mali ka. Hindi iyon magagawa ng ama ko! Hinding-hindi iyon magagawa ni papa!" tinulak ko siya palayo sa akin at mabilis na binuksan ang pinto palabas.

"Ruby! Ruby, wait!" pagtawag ni Khanery pero hindi ko na siya pinansin.

Kailangan kong makaalis dito. Tama si Gelai, hindi magandang ideya na halungkatin ang nakaraan. Palala nang palala ang nalalaman ko at pasakit nang pasakit sa puso. I called Angela and told her everything.

After that incident, I never dared to return to their house. I want to know the truth but it was too much to handle. Ni hindi alam ni mama na nagpunta ako roon. Buntis ako, ayokong ma-stress.

"Ruby, aalis muna ako. Ihahatid ko muna itong pandesal at inumin sa mga trabahador!" sigaw ni mama mula sa labas ng pinto ko.

Nakatutok pa rin ako sa pinapanood kong Asia's Next Top Model. Ang ganda talaga ni Maureen kahit kailan. Sana kasing ganda niya rin ang magiging anak ko, pero wala naman akong pake kung magmukha siyang talaba. Tatanggapin ko pa rin sya ng buo at mamahalin ng buo.

"Opo, Ma! Teka lang po, dadaan ka ba sa palengke?"

Hinimas-himas ko ang aking tiyan habang ngumunguya ng gummy bears. Ewan ko ba, napapadalas ang kain ko nitong mga nakaraang araw. Ganito talaga siguro no kapag naglilihi?

"Bakit? May ipapadala ka ba?"

"Mangga. Yung carabao, ayoko ng hinog."

"Oh sige. Uutusan ko na lang si Jade na bilhan ka ng mangga pag-uwi niya. Tutal naman, madadaan niya rin ang palengke galing eskwelahan."

"Sige po. Thank you, Ma!" sambit ko sabay halik sa kanyang pisngi.

Naupo ako sa sofa at bumalik sa panonood ng TV habang ina-appreciate ang napakagandang mukha ni Maureen.

Tatlong buwan na rin ang nakakaraan simula nang umalis ako sa Davao at napagdesisyunang umuwi na lang muna. Hindi ko maiwasang isipin ang kalagayan ni Angela... at Joseph. I wonder how he's been doing. Galit kaya siya sa akin? Kung yun nga yun, maiintindihan ko. Kasalanan ko rin naman kasi hindi ako nagpaalam ng personal. At kapag nagpaalam ako ng personal sa kanya, sigurado ako na hinding-hindi niya rin ako papayagang umalis lalo na't malalaman niya rin na nagdadalang-tao ako.

Napapailing kong winaksi ang bumabagabag sa aking isipan. I slapped my forehead when my phone rang at nakita ang pangalan ni Angela sa screen. She's going to face time me tapos ang haggard ko pa kasi hindi pa ako naliligo.

"Bakit ka napatawag?" bungad ko nang nakasimangot. Pero natutuwa talaga ako sa tuwing napapatawag itong si Gelai, hindi pa rin siya nagbabago.

"Wala naman. Kukumustahin ko lang ang future anak-anakan ko, pakita mo siya sa akin, dali!" excited niyang sambit.

Napangisi ako at itinapat sa tiyan ko ang cellphone. "Mukhang mas excited ka pa yatang manganak ako kesa sa akin, a?"

"Ano ka ba! Siyempre no! Pero dapat chill lang ako as future rich tita ng anak mo. Ang tagal pa naman ng nine months tapos ang dami ko pang gagawin dito kasi sobrang busy na namin for closing ceremony..."

"Congrats naman sa future financial analyst kong kaibigan!" I smiled.

"Kung sana hindi ka tumigil. Konting-konti na lang talaga. Kung hindi lang sana ito nangyari lahat," halata sa mga mata ni Gelai ang lungkot kahit pinilit niyang ngumiti.

"Huwag ka ngang magdrama diyan! Baka mahawa sayo itong anak ko. Tutusukin ko talaga 'yang bunganga mo, Gelai!"

Tumawa siya at inilapit ang kanyang tenga sa screen. Ang dami niyang sinabi tungkol sa akin, e nasa harap lang naman ako ng cellphone. Nagkwento siya ng iba't-ibang bagay tungkol sa kanyang araw at kung paano niya nakita si Yuan, ang crush niya sa loob ng ilang taon. Kinuwento niya rin kung paano siya nakipagbasag-ulo kay Markian nung nag-away silang dalawa.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga pinagkukuwento niya sa anak ko. Baka bangungutin kami pareho.

"Siya nga pala, Ruby. Pinapasabi ni Sir Castro na maaari kang bumalik sa pag-aaral kung gusto mo. Tutal naman, tumatanggap sila ng buntis sa university."

I sighed and placed the phone in front. Inilagay ko iyon at pinatayo gamit ang cellphone stand upang magkaharap kami ni Gelai. Nangangalay na kasi ako kakahawak.

"Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako umalis, e. Remember?"

"I'm just saying, Ruby. Tutal naman, graduate na rin si Joseph kapag gusto mong bumalik dito."

She has a point. But I don't want to go back for now. Wala pa iyan sa plano ko. Hindi ko rin alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Seph kapag nagkita kami.

"I'll think about it. Thanks, Gelai," ngumiti ako nang pilit.

"Pag-isipan mo. Konting-konti na lang kasi at gagraduate na tayo. Nakakapanghinayang lang... baka hindi na kayo magkita ulit," mahina lang ang pagkakasabi niya sa huling salita pero rinig na rinig ko naman.

Kinabahan ako sa kanyang sinabi at agad na nilingon si Gelai. I don't want to ask her the details dahil baka hindi ko lang magustuhan ang kanyang isasagot. But I want to know because I am f*cking curious!

"What do you mean? Bakit mo 'yan nasabi?" and then I asked anyway.

"I heard from Ivy that her mom booked a flight to US. Hindi ako sigurado kung kailan pero sigurado ako na doon na muna sila titira ng isa o dalawang taon. Ivy's going to continue her studies here, but I bet Joseph will go kasi walang magbabantay kay Janna," she explains.

Janna.

Hearing that name makes me and my baby sick. But I don't want to tell Gelai na nasasaktan pa rin ako sa pangalan na 'yon kasi magiging awkward lang kapag ganun.

"What happened to their mom?"

"Hindi ko ba nasabi sa 'yo, Ruby? Tita Janna has cancer," malungkot niyang sabi.

I heard someone from the background called Gelai's name kaya napalingon siya rito at sumagot ng "Oo".

"Sorry, Ruby, but I have to go. I need to help with the ceremony preparation muna. I'll call you next week, okay? I love you. I love you baby! Bye!"

She immediately ends the call and I was left hanging with questions. Paano nangyari 'yon? I admit. I despise Janna de Gracia kahit siya pa ang magiging lola ng anak ko. But I didn't pray for her to have a cancer. I don't wish for someone's demise ever, kasi alam ko na mali iyon. If this is the karma she deserves, wala na akong magagawa pa ro'n.

And Joseph is going to U.S. I won't be able to see him again for two years or more. Hindi naman masakit. Hindi ako dapat masaktan, pero bakit ang sumisikip ang puso ko?

Napaka-in denial mo talaga kahit kailan, Ruby!

"Ate, heto na 'yong mangg- why are you crying?" bungad ni Jade. Nakatayo siya sa pinto dala-dala ang isang supot ng manggang hilaw. Nangangasim na ako pero iyak pa rin ako nang iyak.

"W-Wala ito. Ang tagal kasi ng mangga, naiiyak ako sa sobrang tagal mo. Akin ba 'yan?" turo ko sa mangga.

"Sino bang buntis sa atin?"

Napakapilosopo naman! Inirapan ko siya at agad na pinunasan ang aking luha. Kukunin ko na sana ang supot nang binawi niya iyon.

"Why are you crying, Ate? Hindi mo pa ako sinasagot," seryosong tanong ni Jade.

"Hormonal imbalance lang. Ganito talaga siguro kapag buntis."

"Did Angela call? Tungkol ba ito sa pinag-usapan niyo?"

Did he hear what we were talking about? Ilang oras ba siyang nakatayo sa likuran ko?

"D-Did you-"

"No, I didn't. Nagtatanong lang..." napatingin siya sa supot ng mangga. "Babalatan ko na para sayo. Bumili rin ako ng bagoong para pares. Maghintay ka lang diyan, ate."

Agad siyang naglakad papuntang kusina. Ang weird ni Jade ngayon. Hindi kaya, narinig niya ang pinag-usapan namin kanina ni Gelai? But that's impossible kasi nakita ko siyang naghuhubad ng rubber shoes sa may pinto. Unless he has supersonic hearing like Mavis sa Hotel Transylvannia.

Tss. Now I'm having random thoughts. Gusto ko tuloy manood ng Hotel Transylvannia. Malipat nga ng channel.

Inihiga ko ng maayos ang aking likuran sa malambot na sofa upang makapanood ng maayos. Umuwi kami nila mama ng probinsya dahil sa nangyari sa akin at hindi ko iyon pinagsisihan. Naging payapa ang buhay ko rito matapos ang dalawang linggo. Nagtatrabaho si mama sa isang palayan na pagmamay-ari ni Mr. Trinidad. Sobrang bait niya rin sa amin, I remember my father's physiques with him. Miss ko na tuloy si papa.

"Mangga," pag-abot ni Jade sa isang platitong mangga na may napakabangong bagoong.

Mangasim-ngasim ko iyong tinignan at agad na nilantakan ang isang hiwa.

"Hmmm, sarap!"

"Are all pregnant women crave for mangoes or ikaw lang?"

"Lahat! Siguro... malay ko. Huwag mo nga akong kausapin, kumakain ako, e!"

"Oo na. Hindi ka man lang nagpasalamat, wala bang thank you diyan, Ate?"

I said a plain "Thank you" to Jade, tinanggap niya naman iyon. He was watching Hotel Transylvannia with me while drinking his canned coke. Seryoso lang siyang nanonood kaya hindi ko na lang din kinausap.

"Paano kung naglilihi ka ng mangga sa gitna ng gabi? Iiyak ka rin?" tanong niya bigla na wala naman sa context.

"Hindi naman siguro. At kung ganun nga, ibili mo ko!"

He sighed heavily. "Your husband is supposed to take care of you, ate. But I understand what's going on. Kahit bata pa lang ako, alam ko na ang mga nangyayari."

Nahinto ako sa pagkain nang banggitin niya si Seph. Bigla kong naalala ang sinabi ni Gelai sa akin kanina. Aalis ba talaga siya kasama si Janna? Tsk. Wala akong pake kay Janna, pero hindi niya deserve magkasakit ng ganun kalala.

"Ewan," I sighed.

"And besides..." Jade looks at my tummy. "She's going to be curious. And one day, she'll ask kung bakit wala siyang tatay na kinalakihan."

I hate it when he is making a good point.

"Sasabihin ko naman ang totoo sa kanya balang araw. Tsaka, ang dami mong alam ha! Grade 10 ka pa lang, Jade."

"I'm mature enough to know what's going on. Isa pa... nag-aalala lang ako sa magiging pamangkin ko, ate."

Inubos niya ang laman ng coke at nilagay sa mesa ang can bago tuluyang pumasok sa kwarto niya. I sighed in frustration and immediately ate the remaining slices of mango. I don't want to tell him that I was crying because of Joseph. Magmumukha akong tanga kapag nagkataon.

Umuwi rin si mama pagkatapos niyang mahatid ang meryenda sa palayan. Halos tatlong oras din siyang andun, ah. Lalabas na sana ako upang pagbuksan siya ng pintuan nang mapansin ko ang maitim at kumikinang na sasakyan na nakaparada sa harap ng maliit naming gate.

May bisita kami? Nang ganitong oras?

"Anak-"

"Ma, sino-"

Natigilan kami pareho nang sabay kaming magsalita. Napatitig ako sa matandang lalaki na nasa likuran ni Mama nakatayo. He's wearing a formal business attire, may eyeglasses, at dalang supot ng pagkain.

Si boss Hubert pala.

"Si Hubert."

"B-Boss?" nanlaki ang mga mata ko at agad na napayuko nang wala sa oras. "M-Magandang gabi po, boss! Pasok po!"

He just smiled at me at pinauna sa pagpasok ang mama ko. Naghubad siya ng sapatos at ningitian ako. Ni hindi man lang sinabi ni mama na bibisita ang boss niya rito. Hindi tuloy ako nakapagsaing ng kanin! Saka nakakahiya kasi ang kalat-kalat ng living room.

Kinuha ko mula sa kamay ni sir Trinidad ang supot at nagpaalam na pupunta muna ako ng kusina upang maghain. Mabuti na lang at sumunod si mama.

"Bakit hindi nyo po sinabi sa akin na pupunta siya dito?"

"Ang sabi niya kasi ihahatid niya ako. Nagulat nga ako, e, kaya inaya ko na lang maghapunan..." napatingin siya sa rice cooker. "May kanin ba?"

"Hindi ako nakapagsaing, e. Hindi ko naman alam!"

"Tawagin mo nga si Jade at mautusan kong bumili. Ako na ang bahala rito."

Dahan-dahan akong umakyat sa kwarto ni Jade upang utusan siyang bumili ng kanin sa labas. Nag-aaral siya kaya ayaw paistorbo, pero nung sinabi ko na may bigatin kaming bisita, agad siyang nagbihis. Remember? Inalok siya ng scholarship nito pag nagcollege na si Jade. That's a good opportunity so he grabbed it.

"Pasensya ka na at medyo makalat ang sala. Hindi kasi sila nakapaglinis saka pumasok ka lang agad!" inis ni mama.

"Amy, it's okay..." naupo siya. "Kumportable naman ako sa bahay niyo. Ilang beses na akong nagpunta rito."

Nakatayo lang ako sa may hagdan habang nakikinig sa kanilang dalawa. The way he looks at my mom is similar to how someone looks at me before.

Bumuntong ako habang nagsasalin ng tubig sa baso. Wala kaming juice kaya tubig na lang muna ipapainom ko sa kanya. Wala naman itong lason, e, tsaka malinis ang tubig namin. Hinatid ko iyon at nilagay sa mesa bago tuluyang naghain ng hapunan.

Sama-sama kaming kumain at nagdasal. Nag-uusap sila mama at boss Hubert tungkol sa palayan, hacienda, at ibang negosyo ni sir at kung ano ang mga plano niya rito. He wants to settle with a family here since his late wife died due to cancer. Gusto niyang palaguin pa lalo ang negosyo, but he has no one to give it to. He doesn't trust his employees or secretary that's why he wants to keep it as a secret for now.

Tinanong niya rin si Jade tungkol sa kanyang pag-aaral.

"I want to offer you something. If it's okay with you, pwede naman kayong lumipat sa bahay ko. If that makes you uncomfortable, I can rent an apartment for you na malapit sa malls or convenience stores. Mahirap maglihi kapag hatinggabi lalo na't malayo kayo sa bilihan."

"Thank you po sa offer pero nakakahiya naman po sa inyo, boss Hubert," I said.

"I'm concerned lalo na't nalaman ko mula kay Amy ang kalagayan mo. So do you agree?" si Sir.

Nawala sa utak ko ang pinagsasasabi niya kaya sinabi ko na lang na pag-iisipan ko muna. Mabuti na lang at hindi siya nagpumilit.

"You remind me of my father, sir," wala sa ulirat na sambit ni Jade na ikinagulat namin ni mama. Kumuha ako ng tubig at uminom na rin nang masamid ako sa tanong ni sir.

"Well, can I be part of your family then?"

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro