C38: Attorney
I RECEIVED a text message from Angela this morning. Isa itong lugar kung saan ko mahahanap si Atty. Meriales. Kumpirmado, may bahay nga sila ng pamilya niya rito noon.
I can't believe Khanery and I are from the same province. Hindi ko man lang siya nakita o nakilala man lang noon. Lumalabas ako ng bahay upang maglaro pero si Khanery, wala sa mukha niya ang naglalalabas ng bahay.
Pumara ako ng taxi. Mabuti na lang at may huminto sa harap ko.
"Manong, alam mo ba kung nasaan ang lugar na ito?" ipinakita sa kanya ang text message ni Gelai.
"Malayo-layo po yan dito saka... sigurado po ba kayo, ma'am, na diyan ka pupunta?" lumukot ang kanyang noo sa pagtataka.
"May problema po ba?"
"Matagal na po walang naninirahan sa bahay na yan. Balita ko ay lumipat ang may-ari sa Davao," aniya.
"I'm sure of it, Manong. Can you bring me here? Magbabayad ako."
Tumango siya at hindi na nagsalita pa. Pumasok ako sa taxi at tinext si Angela na pupunta ako ngayon sa bahay ni prof. Meriales. I just want answers from him. Malay mo, baka may maabutan pa ako kahit lumang gate nila.
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang pinagmamasdan ang nadadaanang traffic lights.
"Pwede po ba kayong matanong, ma'am."
"Ano yun, manong?"
Tinignan niya ako mula sa rear view mirror. "Bakit niyo po kailangang pumunta sa bahay na yun, ma'am?"
"Ah, professor ko po kasi si sir Meriales noong college. Nagbabakasakali lang po ako kung pwede niya akong turuan. Gusto ko po kasi maging lawyer," palusot ko.
Alam ko naman na masama ang magsinungaling pero sa pagkakataong ito, kailangan kong magsinungaling dahil mas malalim pa roon ang rason kung bakit ko siya gustong puntahan.
"Mag-ingat po kayo kay sir Meriales na yun. Kilala po siya rito sa bayan namin dahil sa nangyari noon," sambit niya nang may pambabanta ang boses.
Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya.
"Ano po ang ibig niyong sabihin dun? M-May alam po ba kayo tungkol sa kanya o sa pamilya nila?"
I've never heard of the name Meriales when I was a kid, nor their existence. Tapos ngayon, malalaman ko na lang na kilala sila sa bayang ito.
"Hindi ko po alam ang dapat sabihin pero isa lang ang alam ko. Pamilya daw po sila ng mga sinungaling. Ipinagtatanggol nila ang mga kriminal kapalit ng malaking pera..." iniliko ni manong ang taxi at nagpatuloy sa pagkwekwento.
My phone vibrated and saw Angela's message. Sinabi niya lang na mag-ingat ako sa biyahe. Ayaw niya pa naman na nai-stress ako.
"Mabait po ang pamilya ng mga Meriales noong hindi pa nawala si Ms. Kaia, ang ina nila at asawa nito."
Kaia. The name of Khanery's mother is Kaia. It sounds so beautiful.
"Nasaan na po si Ms. Kaia, manong?"
"Namatay po. Namatay po siya sa sunog noong araw pagkatapos ng eleksyon," sagot niya.
Natigil ako. Hindi makapaniwala. Patay na pala ang ina nila. Pero mas lalo akong kinabahan nang ipinagpatuloy ni manong ang pagkwekwento.
"Paano po siya namatay? Alam niyo po ba?"
"Nasunog po ang kanilang bahay, ma'am. Short circuit daw po ang sanhi, napabiyaan na lumang wire pero hindi kami naniniwala na ganun ka stupidong rason ang dahilan nito. Nailigtas iyong dalawa niyang anak ngunit naiwan si Ms. Kaia sa loob dahil hindi siya nagising mula sa malalim na pagkakatulog."
I bit my lower lip to prevent tears from falling. I can't believe they suffer a lot because of what happened. No wonder Khanery is so cold and emotionless. Nawalan siya ng ina sa batang edad, walang gumabay sa kanya kaya hindi sya marunong makitungo sa iba. Ruff is also the same, unable to guide his sister because he didn't experience enough his mother's love.
"Matapos nun, lumipat sila sa mas malaking mansyon saka dun po nagsimula ang pagtanggap ni sir Rogue ng mga kaso na involved ang mga kriminal. Sobrang galing niya sa korte. Masyado siyang magaling na kahit ang mga pamilya na gustong makakuha ng hustisya ay hindi na iyon nagagawa dahil sa kanya. Palagi niyang naipapanalo ang kaso," he gritted his teeth.
I saw how he clenched his fist against the steering wheel. Sa mga kwento niya, mukhang kilalang-kilala niya ang pamilyang Meriales. Hindi lang siya ang nakakakilala, pati na rin ang ibang tao na andito sa bayan namin.
"Alam niyo po ba ang rason kung bakit siya palaging tumatanggap ng kaso na kasali ang mga kriminal?"
His story is getting interesting and I'm getting interested, to be honest. I want to know more about their family. Kung nasa Davao ako ngayon, I would have asked Khanery myself. Pero kahit gustuhin ko man na tanungin siya, alam kong hinding-hindi siya magsasalita tungkol sa kanyang pamilya. It is the same on how we asked her who is the substitute professor. Alam niya na ang kanyang kuya iyon, pero hindi niya pa rin ibinulgar.
Ang hirap nilang lapitan dahil nababasa ka na nila bago mo pa sila basahin.
"Hindi ko rin po alam, ma'am. Wala pong may alam dahil hindi sila nagsasalita kapag hindi Judge ang kaharap."
"Nakakaawa naman po pala ang nangyari sa pamilya nila. Kilala ko pa naman ang mga anak nila prof. Meriales, si Khanery at Ruff. Eto rin po siguro ang dahilan kung bakit sila lumipat sa Davao," I concluded.
"Baka nga po, ma'am. Kasi isang araw, umalis sila bigla sa bayang ito upang magbagong buhay. Sa siyudad kung saan walang nakakakilala sa kanilang pamilya," aniya at inihinto ang taxi sa tapat ng napakalaking gate na kulay itim.
Family of lawyers. They are all so mysterious.
"Andito na po tayo, ma'am."
"Hindi po yata ito ang bahay na nasa address, Manong."
May numero na naka-carve sa semento at hindi tugma sa binigay ni Angela sa akin. It should be 190 hindi 910.
"Sabi ko po sa inyo kanina na wala nang nakatira doon dahil yang address na hawak po ninyo ay matagal nang nasunog..." bumuntong si Manong. "Dito na po nakatira sila sir Rogue."
"G-Ganun po ba? Pasensya na po."
Humugot ako ng pera mula sa bulsa at iniabot iyon sa kanya. Akala ko kukunin niya yung bayad kaso ibinalik niya ang kamay ko at ngumiti.
"Libre na po. Mag-ingat po kayo."
"S-Salamat po. Saka, tanong ko lang, manong. Magkakilala po ba kayo ni professor sa personal?"
"Dati po nila akong driver, ma'am."
No wonder he knows so much about their family. May pinagsamahan din pala sila kahit papaano. Lumabas ako ng taxi at napasinghap nang makita ang napakalaking gate. Yup, the gate is huge but... their house.
"This is not even a house. This is a fucking mansion!"
●●●
It has been two hourse since I arrived here. Walang tao ang dumarating o lumalabas man lang ng bahay. Tsaka, gutom na gutom na rin ako. Hindi ako nakapagbaon ng pagkain at ang layo-layo ng tindahan mula rito.
"Gutom na rin si baby," hinagod-hagod ko ang aking tiyan.
Uuwi ba ako? Pero andito na ako, e. I don't want to back out. I want answers. Pero uunahin ko pa ba ito kesa sa anak ko?
"Ms. Mendoza."
I stopped when I heard his voice. Nilingon ko ang pinanggalingan ng malalim na boses at nakita si Prof. Meriales na may dalang suitcase at folders.
"Sir Meriales!"
Hindi ko inaasahan na magpapakita siya rito. Mabuti na lang talaga at malakas ang kutob ko na pupunta siya rito ngayon.
"What brings you here? Tumigil ka na raw sa pag-aaral sabi ng classmates mo," naglakad siya palapit sa kanilang gate. Sinusian niya ito at binuksan ng konti.
"Um, opo. I decided to go back home. I have other priorities other than studies," utas ko at napatingin sa aking tiyan.
"I see. You're pregnant," he concluded like he was so sure about it.
"Paano niyo po-"
"Two reasons why students stopped studying in college. Financial problem or buntis. Guys don't get pregnant but women do," binuksan niya nang malaki ang gate para sa akin. "So I concluded you're pregnant."
Natameme ako. I was speechless because he was speaking pure facts. Not just that, nahiya rin ako ng konti dahil hindi lang ang pagbubuntis ko ang rason kung bakit.
"Pumasok ka muna at nang makakain kayo ng... anak mo," he glanced at my tummy.
Gusto ko sanang tanggihan ang kanyang alok dahil hindi pagkain ang pinunta ko rito kaso gutom na talaga ako.
"Salamat, prof."
Naglakad kami sa kahabaan nitong entrance ng bahay nila. Ang laki at ang lawak. Parang prinsesa ang nakatira. Ganito pala kayaman ang mga Meriales.
Syempre, Ruby, pamilya ng mga lawyers ito!
"Prof, if you don't mind me asking, nasaan po ang kotse niyo?"
"I left it. Mas maganda magcommute sa maliit na bayan gaya nito," he took the keys from his pocket at iniabot sa akin ang folders na kanyang hawak. "Hawakan mo muna, Ms. Mendoza."
Binuksan niya ang pinto at bumungad sa akin ang napakalawak nilang living room. I accidentally glanced at the folders and read "Murder-Election Case 2005". Hindi ko nabasa ang impormasyon dahil mabilis iyong binawi ni prof. mula sa aking kamay.
"Make yourself comfortable."
Pumasok siya sa kanyang kwarto. Napansin ko na naka-on ang mga ilaw nang pumasok kami rito. Maybe, someone is already here before us.
"Ruby?"
I looked at who's behind me and saw...
"Khanery?"
Mabilis niya akong nilapitan at hinawakan ako sa isa kong kamay. Hinila niya ako palapit sa kanya.
"Why are you here?" bulong niya sa isang pasigaw na boses. "What are you doing here!"
"Bakit ka rin andito, Khanery? Wala ba kayong pasok?"
"It's summer, Ruby. Normal lang na walang pasok," aniya at nagtingin-tingin sa lugar. "You shouldn't be here."
The cold and emotionless Khanery is not the Khanery I knew from before. Praning na praning siya ngayon.
"Do you know about my family's history? Paano mo nalaman na dito kami nakatira?"
"I-I don't. I'm not here to know about your family, Khane. Andito ako kasi gusto ko lang makausap ang dad mo. May kailangan akong malaman tungkol sa kwintas na binili niya mula sa mama ko."
She loosen her hands and finally calm down. Kinakabahan ako sa inaasal ni Khane.
"I see," she diverts her eyes through her father's room. "Ruby needs to talk to you. I should get you both something to eat."
Lumabas si professor na nakabihis na nang pambahay. Umalis si Khane at iniwan kaming dalawa sa sala. Does Khanery hates her dad?
"What is it, Ms. Mendoza? Importante ba yan?"
Matigas ko siyang tinignan. It's now or never, Ruby. Kailangan maging malakas ang loob mo bago mo iyon itanong sa kanya.
"May iniwan na importanteng bagay si papa bago siya nawala. Nakwento sa akin ni mama na may bumisita sa kanyang attorney noon at-"
"Please be direct to the point, Ms. Mendoza. I don't have time for this," he cuts me off immediately.
Napalunok ako.
"I-I want to know the reason why you bought the necklace. Alam kong alam niyo ang tungkol sa kwintas na yun, professor."
He was quiet for seconds and finally responds when he got the answer in his head. Isa siyang lawyer, malamang ay pinag-iisipan niyang mabuti ang kanyang sasabihin.
"Ah, the necklace... it was never your father's, kung yan ang sagot na gusto mong malaman, Ms. Mendoza," nilapitan niya ako at bumulong sa aking tenga.
Nanlaki ang mga mata ko nang malaman mula sa kanya ang totoo.
"Rojen stole that necklace from Janna de Gracia."
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro