Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C36: Kwintas


"MA, SAMA ako ngayon sa sakahan. Tutulungan kitang dalhin ang mga yan."

Umagang-umaga pero nag-iingay na ako. Napakaagang nagising ni mama upang magluto ng banana cue at gumawa ng sandwiches. Sandwich daw ang gustong meryenda ng mga trabahador sa sakahan ngayon kaya napilitan siyang magpunta ng mall ngayon upang bumili ng ingredients. Binibigyan naman siya ng pera ng kanyang boss upang makapamili.

"Nalinis mo na ba ang kwarto mo?" tanong niya habang namimili ng loaf bread sa aisle.

"Opo, kahapon."

Mabuti na lang at sumama ako sa kanya ngayong araw. Nakakabagot na kasi sa loob ng bahay. Palagi kaming nagtititigan nung pusa na hindi naman sa amin. Pumupunta lang yun kapag may nakahaing pagkain sa mesa.

"Baka mapagod ka, Ruby. Sigurado ka ba?"

"Mag-aalok po ba ako kung hindi ako sigurado? Sige na, ma. Nabobored na ako sa bahay, e!" drama ko. Mangiyak-ngiyak ko siyang tinignan. "Luluhod ako kapag hindi mo ako pinagbigyan!"

"Tumigil ka nga riyan!"

"Ma, seryoso ako. Ayan, luluhod na– aray ko naman!" reklamo ko nang mabilis niyang higitin ang tenga ko.

"Tumigil ka sabi, anak. Kahit buntis ka, hihigitin ko pa rin tenga mo na parang bata."

Walang talaga siyang awa. I deeply sighed at napatingin sa shopping basket na hawak ko. May limang na loaf bread apat na container ng palaman. Kasya na siguro ito para sa trabahador na nasa sakahan. Tinitigan ko ang brand ng loaf bread. This is the same brand that Seph and I bought when we first went to do groceries together.

Ano ba yan, naaalala ko ulit!

"Ang pangit ng brand na ito. Palitan natin, ma," inis ko. Ibabalik ko na sana sa lagayan ang tinapay nang hampasin ni mama ang kamay ko.

"Masarap yan tsaka mura. Yan na lang."

Napairap ako at bumuntong. Pareho talaga kami ni mama ng taste. Pareho rin kaming lugi palagi sa mga lalaki. Kung hindi iniiwan, namamatay.

Pagkatapos naming bilhin ang mga ingredients ay agad iyong binayaran ni mama gamit ang debit card na ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang boss. Masyadong matiwala ang boss niya. Siguro matanda na yun. Hindi bale, malalaman ko rin naman mamaya kasi sasama ako sa sakahan.

Naghati kami sa bag na dadalhin. Mabibigat ang dala niya kasi may jars of peanut butter iyon. Pumara kami ng taxi at nagpahatid sa bahay. May taxi rito sa probinsya kasi hindi kami nakatira sa kweba. Tinulungan ko rin siyang ihanda ang dadalhin at yun nga, umabot kami ng halos isang oras dahil sa tagal maluto ng banana cue.

"Ma, iyong boss mo pala, matanda na?"

"Oo, tsaka walang pamilya rito kasi nagkanya-kanya na ang kanyang mga anak matapos nilang gumradweyt," aniya habang naghahalo sa banana cue.

"Iniwan siya? Ang sama naman."

"Ganyan talaga kapag lumaki ka sa isang mayaman na pamilya, Ruby. Hindi ka na lilingon pa kasi mas maganda ang kinabukasan sa hinaharap. Nag-abroad lahat ng matatanda niyang anak, nag-asawa ng foreigners, at doon na nanirahan."

"Wala ba siyang ibang pamilya dito sa Pinas, ma? Kahit apo man lang?" tanong ko pa.

Nakakaawa kasing pakinggan. Ang pinakamasakit na bagay na maaari mong gawin sa mga magulang mo, ay iwan sila sa ere. Baka masama ang ugali ng tatay nila.

"Sa pagkakaalam ko, may mga apo siyang naiwan dito sa Pinas. Ayaw mag-abroad kasi gusto pa rin nilang bisitahin ang lolo nila."

"Mabuti naman po pala kung ganun," nakahinga ako ng maluwag. "Baka po masama ang ugali ng boss mo kaya siya iniwan ng mga anak niya."

"Naku, Ruby kung alam mo lang, sobrang bait ni sir Hubert," ngiti niya. "Yung mga anak niya lang talaga ang walang pakealam sa tatay nila na walang ibang ginawa kundi ang suportahan at bigyan sila ng magandang buhay."

Yung mga ngiti ni mama parang may something. Hindi kaswal na ngiti, nakakakilabot.

"Tapos ko na pong gawin ang mga sandwich."

Nabalot ko na lahat ng maayos. Yung banana cue na lang ang hinihintay namin. Pagkatapos maluto ng banana cue, ibinalot na rin namin ito ng maayos upang hindi matapon sa daan. Malapit-lapit lang naman ang sakahan mula sa bahay namin kaso matinding lakaran din ang mangyayari.

"Tawagin mo nga si Jade. Magpaalam muna tayo bago umalis."

"Ma, mamaya pa ang uwi ni Jade. Ala una pa lang, mamayang alas tres pa yun uuwi," sagot ko.

May pasok sila Jade ngayon kaya pinaalala ko lang. Naglakad kami papuntang sakahan nang pumasok bigla sa isip ko yung matagal ko na gustong itanong.

"Siya nga pala, ma. May gusto sana akong itanong sa 'yo," panimula ko. Hindi ko maiwasang hindi kabahan kasi alam kong ayaw itong pag-usapan ni mama lalo na't tungkol ito sa utang.

"Ano yun, anak?"

Napatingin ako sa daan, malapit na pala kami sa sakahan. Kumaway iyong mga trabahador at ngumiti nang makita nila si mama. Sino ba naman ang hindi mapapangiti kapag andito na ang pagkain nyo?

"Mamaya na lang po pala. Pakainin muna natin sila," ngumiti ako at mabilis na nilapitan ang mga tao sa sakahan.

"At sino naman yang kasama mo, Amethyst?" tanong ng matandang babae na may lumang strawhat.

"Anak ko pala, si Ruby!"

"Ruby? Ang laki-laki mo ng bata ka! Kalong-kalong ka lang ni Aling Letisha noon, a!" sambit ng lalaki na nasa edad forty.

"Mabuti naman at naisipan mong umuwi rito. Kay tagal mo ring nawala, Ruby," si manong Raul. Naalala ko siya dahil isa siya sa mga karamay ni mama sa pagpapalaki sa amin ni Jade nang mawala si papa.

"Mano po," pagmano ko sa lahat ng magsasaka na narito.

Si Aling Letisha yung may strawhat at manong Pedro yung nasa forty years old.

"Kumusta po kayong lahat? May dala nga po pala kaming makakain niyo, banana cue tsaka sandwiches," binigyan ko sila isa-isa.

Pagkatapos mabigyan lahat ay napagdesisyunan kong mapag-isa muna sa lumang duyan na nakasabit sa matitibay na puno ng acacia. Ang saya-saya nila habang kumakain, nagkwekwentuhan, at nagtatawanan. Ngayon ko lang ulit naalala kung gaano kasarap manirahan dito sa probinsya.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang marinig ko ang biglaang pag-aayos nila ng gamit sa mesa.

"Si sir Hubert, andiyan na!" sigaw ng isa sa kanila.

Napatingin ako sa itim na Ford pick up na papalapit sa pwesto namin. Siya na siguro ang boss na sinasabi ni mama. Curious din ako kung ano ang kanyang itsura kaya kanina pa siya hinahanap ng mga mata ko. Lumabas ang isang matandang lalaki na halos kaedad lang din ni mama. Maganda ang tindig, nakawhite shirt, at halatang may kapangyarihan. Nilibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng lupa at nahinto sa mga magsasaka na kumakain.

"Nagdala ako ng inumin, baka gusto niyong kunin sa likod ng kotse?" aniya at ngumiti.

Akala ko pa naman natatakot ang itsura niya, hindi pala. Tama si mama, mukha siyang mabait. I can't judge people on how the way they look. I am not Khanery na mabilis iyong nagagawa sa apat na segundo lamang.

"Opo, boss Hubert!" sambit nila.

Nagpresenta ang mga kalalakihan na kunin ang mga inumin. May iilang case ng softdrinks at beer doon. Mukhang mapapasarap pa lalo ang pagkain nila dahil sa dala ng kanilang boss.

He doesn't look old. Hindi ko akalain na sa kalagayan niyang iyan ay may apo siya at mga anak. Hindi nga? He has the vibe of a hot unmarried bachelor. Hula ko ay maagad siyang nag-asawa kaya ganun.

"How are you doing, Amethyst?" lumapit siya kay mama at ngumiti ng malumanay.

Hindi niya ba ako nakikita?

"Maayos lang po, boss Hubert."

"Good to know. I hope you don't overwork yourself. Magpahinga ka rin minsan," aniya na mukhang nag-aalala pa.

"Ma!" sigaw ko upang kunin ang kanilang atensyon. Masyadong nalunod sa usapan itong dalawa, kailangan na nilang bumalik sa reyalidad.

"Siya nga pala. This is my daughter, Ruby. Anak, magpakilala ka," sinenyasan niya ako na lumapit.

"Ruby nga po pala. Nice to meet you, Mr. Hubert," ngumiti ako.

"Hubert Trinidad, call me boss."

"Opo, boss."

"Have you eaten already, Ruby? Kumain ka muna, may inumin din diyan. Umiinom ka ba?" tanong niya.

Umiling ako at ngumiti. "Buntis po ako. Bawal muna yan sa ngayon."

"BUNTIS KA?!" sigaw ng mga magsasaka sa aking likuran.

"Hindi ko pala nasabi sa inyo kahapon?" tumaas ang kilay ni mama. "Nakalimutan ko pala."

"O-Opo, three months na," sagot ko.

"Congrats, Ruby! Asa'n ang ama niyan? Kailan namin makikilala?" tanong ni manang Letisha.

Natahimik si mama. Nawala ang ngiti ko. Naging awkward ang atmosphere dahil sa isang tanong lang. Hindi ako nakasagot at hinimas ang aking tiyan. Paano ko ba sasabihin sa kanila kung sino ang ama nito?

"Ruby, I have a feeling that you're not comfortable talking about this. Let's talk in private, shall we?" si boss.

Mangiyak-ngiyak akong tumango at sumama sa kanya. Sumama na rin si mama na nagsign language ng 'mamaya kayo sa akin' sa mga trabahador. I don't want to talk about Joseph, pero gumagawa talaga ng paraan ang panahon upang mapag-usapan siya.

Naupo kami sa upuang kahot na malapit sa duyan kanina. Tahimik dito at sariwa ang hangin dahil na rin sa lilim ng puno.

"Ruby, may I ask if the father of your baby left you?" tanong ni boss.

I shook my head. "Ako po ang nang-iwan. K-Kasi..." hindi ko masabi sa kanya ang rason. Wala rin siyang alam kahit na ipaliwanag ko pa ito sa kanya.

"It's okay, Ruby. Naiintindihan ko kung ayaw mong magkwento. Naiintindihan ko kasi galing din ako sa ganyan noon," binigyan niya ako ng isang ngiti. Ngiti na hindi mapanghusga.

"Ruby, gusto mo na bang umuwi?" nag-aalalang tanong ni mama.

"Medyo sumama nga po ang pakiramdam ko."

"Ihahatid ko na kayo," pag-alok ni boss Hubert. "Malapit lang naman ang bahay nyo rito, hindi ba?"

"Salamat, sir Hubert pero huwag na po. Maglalakad na lang kami ni Ruby. May gagawin ka pa po hindi ba kaya ka nga andito upang asikasuhin ang sakahan."

"It can wait, Amethyst. Nag-aalala rin ako sa anak mo. She's pregnant, she shouldn't be moving around much."

Nagtatalo lang silang dalawa kung tatanggapin ba ni mama iyong alok ni boss Hubert. In the end, sir Hubert won the argument. Lapagan ka ba naman ng facts tungkol sa maaaring mangyari sa mga buntis kapag sobra-sobra gumalaw.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana nitong sasakyan, nasa likuran kami pareho ni mama kasi ayaw na ayaw niyang nauupo sa front seat, at pinagmasdan ang magagandang bulaklak na nadadaanan namin.

Mom was right, he is kind and considerate.

Nakauwi kami ng ligtas matapos kaming ihatid ni boss Hubert. Naiinis pa rin ang mukha ni mama ko nang palabas kami ng sasakyan pareho.

"See you tomorrow, Amethyst," ma-awtoridad niyang pahayag.

"Nakalimutan ko iyong mga basket!" nanlaki ang kanyang mga mata nang maalala iyon. "Ikaw kasi, nagmamadaling umuwi!"

"Then, I'll bring it back here. Geez!" he sighed na parang sumusurrender sa pagiging asal-bata ni mama.

"Salamat po, boss Hubert. Pasensya na sa mama ko ngayong araw, badtrip lang siya."

"You're welcome, Ruby. Babalik ako upang ihatid ang mga baskets."

"Dito ka na rin po maghapunan! Magluluto si mama ng adobo," tinapik ko si mama na kanina pa nakatingin sa pusa.

"Oo na."

Ngumiti si sir Hubert nang talikuran siya ni mama. Parang alam na alam ko na talaga kung bakit may laman iyang mga ngiti nila sa isa't-isa. Pumasok kami ni mama sa loob pagkatapos makaalis ng kanyang boss.

"Bwiset na Hubert yun! Kahit kailan talaga."

"Nag-away ba sila ulit ni sir?" singit ni Jade nang mapansin kami.

"Oo. Madalas ba silang ganyan?"

"Kada uwian, ate. Hindi ko nga alam kung bakit mainit ang ulo ni mama sa kanya tuwing sila lang ang magkasama pero kapag nasa harap ng madla, maayos naman ang pakikitungo nila sa isa't-isa."

"Pansin ko nga."

Natingin kami ni Jade sa pusa.

"Kaninong pusa ba yan? Sumulpot na lang bigla isang araw, ha." puna ko.

"Sa kapitbahay siguro ito."

"Magluto ka na, Jade. May assignment ka ba?"

"Tapos ko na. Anong lulutuin, ate?"

"Adobo," ngumisi ako.

"Siya nga pala, ate. Natanong mo na ba si mama tungkol dun?"

"Naghahanap pa rin ako ng tiyempo. Magluto ka na ro'n."

Mabilis siyang nagpunta sa kusina at inihanda ang makakain namin sa hapunan. Pupunta rito si sir Hubert. Parang mga bata kasi kung umasta ang matatandang ito. Kailangan nila ng magandang tulay na gaya ko upang makumpirma nila ang feelings ng bawat isa.

Umakyat ako sa kwarto ni mama at kumatok. Chance ko na ito upang makausap si mama tungkol sa kwintas.

"Ma? Busy ka ba?"

Natigil siya sa pagtatahi at tumingin sa akin.

"Bakit, anak? May problema ba?"

"I have to ask you something. Importante ito, Ma, pero sana huwag kang magalit sa akin."

Naupo siya ng maayos. Nakatayo lang ako sa harapan niya at inihanda ang sarili sa kanyang reaksyon.

"It's about the necklace father kept. Inilibing ko po iyon malapit sa puno ng acacia sa harap ng bahay natin kaso nang hukayin ko wala na po, e. Ang sabi ni Jade, baka binenta mo raw po pambayad ng utang."

"Ah, yun ba. Oo, anak pasensya na. Kailangan ko kasing makabayad sa tuition ni Jade noon at para sa boarding house mo."

Confirm! Siya nga ang mastermind ng nawawalang kwintas.

"Ma, pwede ko bang malaman kung kanino mo binenta yung kwintas?" seryoso kong tanong. Nagbago rin ang ekspresyon ni mama dahil sa tanong ko.

"H-Hindi ko pwedeng sabihin."

"Kahit clue lang po..." desperada na talaga kasi ako. Gusto kong bawiin yung kwintas.

Tinanggal ni mama ang kanyang salamin sa mata bago niya ako sagutin. "Sa isang attorney. Nagpunta siya rito noong nakaraang buwan upang itanong ang nangyari sa kwintas. Alam niya na may iniwang kwintas si Rojen kaya pinaghahanap niya ito at nalaman niya na ipinatago ito sa 'yo. Nung araw na namatay ang papa mo, sinabi sa akin ng ama mo na ibigay ko raw ang kwintas kapag nagpunta siya rito. Mukhang inaasahan na siya ng iyong ama nung hindi pa siya namatay."

Attorney.

"Ano pong pangalan ng attorney, ma?"

"I can't, Ruby. Hindi ko pwedeng sabihin. Alam ko na pupuntahan mo siya at magmamakaawa ka na ibalik iyong kwintas. Binayaran iyon ni Attorney kaya hindi natin maibabalik iyong pera."

Tumahimik ako. She's not going to spill his name how much I try to squeeze it from her.

"I'm not stupid, ma. Gusto ko lang pasalamatan si attorney. Hindi ko alam na napakahalaga pala ng kwintas na yun."

Please bite the bait. I badly want to know the attorney's name! Umiling si mama, sign iyon na ayaw na niyang pag-usapan ang topic na ito. My time limit has come. Dismayado akong bumalik ng kwarto nang makita ko si Jade na naglalaro ng Riot games sa labas ng pinto niya.

"She didn't tell you, did she?"

"Paano ko ba mapipiga sa kanya ang impormasyon na yun? Pati pangalan ng attorney, ayaw niyang ibigay."

"I heard his name, ate. Pero hindi rin ako sigurado kasi unique yun, e."

"R-Really?" lumapit ako kay Jade na parang meron siyang ibubulong sa akin. "Tell me."

"I think it's Ramon... no, Raul... Raymond... pero one word lang ganun. Ang hina-hina kasi ng boses ni mama nung nag-usap sila."

Aish, wala talagang kwenta ang kapatid ko sa chismisan. Hindi makakuha ng matinong impormasyon.

"Apelyido, alam mo?"

"Mercado... Menudo? Meryenda... gutom na ko."

"Jade, focus!" tampal ko sa kanyang pisngi.

"Rag Mercado yata yun, ate."

R... Rogue?

"Is it... Rogue? Meriales?"

"YAN! That's the name," he snapped his fingers na parang naka-Bingo kami pareho. "Wait, paano mo nalaman?"

"I know him. He's my professor. Anyway, thanks, Jade. Matulog ka na at maaga ka pa bukas."

What is Rogue Meriales doing in my family's business? And, how did he know about the necklace?

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro