C35: Probinsya
BUMABA ako ng bus matapos iparada ni manong ng maayos sa terminal. Everyone was busy doing their stuff, mula sa nagtitinda ng chichirya hanggang sa mineral water. I breathe the air from my hometown and it smells like...
"Home."
Nakauwi na rin ako sa probinsya namin kung saan ako lumaki. Kasama ko si mama at Jade pababa ng bus. Sinundo nila ako sa hospital matapos ang nangyari. Hindi na ako nakapagpaalam sa iba kong classmates, but I told my professors that I had to dropped out of college because of my condition. Hindi rin nila ipagsasabi sa iba ang kalagayan ko at ang tunay na rason nang biglaan kong pag-drop out.
"Jade, dalhin mo muna ang gamit ng kapatid mo at baka kung mapano," si Mama.
"Ma, ayos lang ako. Buntis ako, hindi pilay."
"Kahit na, Ruby. Jade, bilisan mo na."
"Opo, Ma," si Jade na binitbit ang bagahe ko.
Napakakulit talaga ni mama. Mabuti na lang talaga at walang dalang gamit itong si Jade. Pumara ako ng taxi at agad na inilagay ni Jade ang mga gamit ko sa likod. Magkatabi kami ni Jade habang nasa harap nakaupo si mama.
Mainam kong pinagmasdan ang kalsada kasama ng mga taong nagtitinda ng streetfoods. Bakit parang gusto kong kumain ng isaw ngayon? Hindi naman ako madalas kumain ng streetfoods noon.
"Manong, pwede bang ihinto muna natin sa may isawan itong kotse? May bibilhin lang po."
"Bakit, ate? May problema ba?" si Jade na nag-aalala.
"Gutom ako. Gusto kong kumain ng isaw."
"Kakakain lang natin sa bus, anak. Naglilihi ka yata," pagharap ni Mama sa akin.
Namula ako sa hiya nang ihinto ni manong ang taxi sa tabi ng isawan.
"Ako na lang po ang bibili para sayo, ma'am. Ilan po ba ang gusto niyo?" si Manong na nakisali na rin sa usapan.
"Nakakahiya naman po. Magkano po ba yan?"
"Five pesos po yan."
Binigyan ko siya ng isang daang piso. Si Manong na ang nagpasyang lumabas ng kotse para bumili ng isaw. Natatakam talaga ako kahit hindi naman ako masyadong kumakain ng ganyan.
"Ruby, naglilihi ka nga," si Mama na hindi maiwasang mapatingin sa tiyan ko. "At sa isaw pa."
"Ma naman! Parang gutom lang ako, e!"
"Kakakain lang natin, Ate. Tanggapin mo na kasi na tama si mama," si Jade.
Napangiwi ako at napatingin kay Manong. Ang dami kasing bumibili kaya natagalan siya sa pagbabayad. Bumalik din siya agad pagkatapos. Sinabi ko na sa kanya na iyong sukli kaya pinag-drive niya ulit kami pauwi. Parang personal driver lang, ah!
"Salamat po, Manong. Heto po ang bayad. Keep the change na lang po," sabay abot ng P300.
"Salamat po, ma'am. Pagpalain ka ng Diyos!"
Ngumiti ako sa kanya. Isa-isang ipinasok ni Jade ang bagahe ko sa loob ng bahay namin. Ang daming nagbago sa konstruksyon ng bahay. Mula sa pagiging kahoy at plywood, ngayon ay sementado na. Iba talaga ang nagagawa ng panahon.
Napatingin ako sa bubong namin at nakita ang maliit na butas.
"Tumutulo ba rito tuwing umuulan?" tanong ko kay Jade na nagbubuhat ng bags.
"Oo. Medyo. Siguro."
"Ha? Umayos ka nga!"
"Oo nga, ayaw ipasabi ni Mama kaya siguro."
Lumabas kaagad si Mama mula sa kusina at napatingin sa akin. "Gusto mo bang magtanghalian?"
"May kanin po ba?"
"May kanin si Manong na binili riyan, pero magluluto ako para mamaya. Kainin mo muna iyang isaw, Ruby."
Tumango ako at pumasok sa kwarto. Naupo ako at pinasadahan ng tingin ang kabuuan nito. Halos ilang taon din akong hindi nakabisita rito pero hindi maalikabok ang bedsheets at unan ko. Parang nililinis araw-araw ni mama kahit wala ako rito.
"I'm so glad, I came back," nahiga ako at pinikit ang aking mga mata.
"Ate, plato," paglahad niya. "And, if you need anything else nasa baba lang ako."
"Salamat, Jade."
Naupo ako at kinain ang mga binili kong isaw kanina. Nakakagutom pala maging buntis. Dalawang tao ang nagco-consume sa kinakain kong pagkain araw-araw. At hindi ako nabubusog kahit gaano karaming pagkain ang kainin ko.
Bumaba muna ako ng sala at pinaandar ang TV. I want to take a break from social media and other social network platforms. It's giving me stress most of the time. Kinuha ko ang cellphone na nasa ibabaw ng bamboo naming lamesa. Sobrang tagal na ng mesa na ito sa amin. Andito na ito noong bata pa lang ako at hanggang ngayon, hindi pa rin ito pinapalitan. Binuksan ko ang likuran ng cellphone at nilabas ang sim card.
"Nasaan na ba yung gunting dito?"
Naghalungkat ako sa drawers at cabinets. In order to cut off toxic people in life, I need to first cut my sim card kasi dito nila ako nakokontak. And, there is one person that I don't like calling me... si Joseph. Alam ko na gagawa at gagawa siya ng paraan na hanapin ako. Kagaya ng mommy niya na malakas mang-stalk at magbintang.
Finally, I found an old scissor that is used for cutting fabric. Luma at malaki ang gunting ngunit nakakagupit pa rin ito. I cut the sim card in half at itinapon iyon sa basurahan. I don't need anyone anymore. I will contact Angela someday but not now. Not now because I am trying to move on. Moving on from people from the past, toxic people from the past.
"Ruby, anak, ano ang ginagawa mo diyan?" si Mama na galing sa labas.
Napansin ko ang hawak niyang basket na may lamang kamote. Mukhang magka-kamote cue kami ngayon for meryenda.
"May tinapon lang po. Magluluto ka ba, ma? Tulungan na kaya kita."
"Magpahinga ka lang muna, Ruby. Ako na ang bahala rito. Tatawagin naman kita kapag luto na ang camote cue," ngumiti siya.
Napaisip ako. Wala naman kasi akong magagawa rito sa loob ng bahay. Nalibot ko na ang apat na sulok nito kaya ang boring-boring kung mag-iikot-ikot lang ako.
"Pwede po ba akong lumabas muna? Magpapahangin lang," paalam ko sa kanya.
"Oo naman. Tawagin na lang kita mamaya, Ruby."
Ngumiti ako at niyakap si mama. Isinuot ko ang grey kong jacket at tsinelas, at lumabas pagkatapos. Ang sarap talaga ng sariwang hangin dito sa probinsya. Nakakakalma kumpara sa siyudad kung saan ako galing.
Natanaw ko mula sa aking kinatatayuan ang puno ng mangga na madalas naming paglaruan ni Jade noon. Naglakad ako palapit at tinignan ang nakasulat na pangalan sa puno.
'Rojen'
Pangalan ni papa. Isinulat ko pala ito noong bata ako. This was the time of his funeral. May inilibing din akong kwintas dito na nagpapatunay na amin itong lupa. When I found out that our property will be sold to someone powerful, ginawa ko ang lahat upang hindi mabili ito. Hindi ko alam kung magkano ang inalok ng pamilyang iyon kay papa pero hindi siya nagdalawang-isip na tanggihan ito.
It's really hard for me to remember people's name and face lalo na't wala silang magandang naidulot sa buhay ko. Kinakalimutan ko ang mga ganung bagay.
Napatingin ako sa ibaba at hinukay ang kwintas. Sa pagkakaalala ko, dito ko mismo iyon nilibing at at itinago. That necklace is not pretty but I know it's worth millions. Because...
"Nawala," bulong ko.
The necklace that I buried is gone. Mali ba ako ng puno na nahukayan?
"Ate!" pagtawag ni Jade. Alam na alam ko ang kanyang boses kahit hindi ko pa siya nakikita.
"Jade, may naghukay ba rito sa lupa natin?"
Umiling siya. "Wala, may tinago ka ba diyan?"
"Sa pagkakaalala ko, may inilibing akong kwintas."
"Baka... hindi ako sigurado," pagdadalawang-isip niya.
"Ano? May alam ka ba? Nasaan yung kwintas?"
"When you were gone to college, may nagpuntang mama rito sa lupain natin. Hindi pumayag si papa na bilhin itong lupa, hindi ba? Kaya ang nangyari, wala tayong pera. Nagtanong yung lalaki kung may naiwan bang mahalagang bagay si papa sa atin."
"O tapos?"
"Well, mom knew where you hid the necklace kaya ibinenta niya iyon sa malaking halaga dahilan para hindi tayo sundan ng lalaki. Pinambayad niya sa utang yung kwintas, ate. Pero huwag kang mag-alala kasi nasa magandang kalagayan naman iyong kwintas," dagdag niya pa.
Nanlumo ako matapos iyong marinig. The necklace that I buried was sold to some stupid loan sharks! Hindi ako makapaniwala! Bibilhin ko ang kwintas kapag nagkapera na ako. Itataga ko yan sa pangalan ni papa.
"Where's the necklace? Alam mo ba kung sino ang bumili?"
"Itanong mo kay mama, ate. Siya lang ang nakakaalam nun."
"Jade, Ruby, handa na ang meryenda. Bilisan niyo kasi pupunta pa ako sa sakahan upang maghatid ng paninda," si mama na nakasilip mula sa kusina.
"Opo!"
"Opo, ma!" si Jade.
Jade and I looked at each other. He shrugged at nauna nang pumasok sa loob ng bahay. I looked back at the tree and sighed. I should have been early, why am I always late for something important?
Babawiin ko yung kwintas, pangako ko yan sa 'yo, Pa!
***
"Ma, samahan kita sa paghatid ng mga yan," nag-alok ako ng tulong sa kanya. Mukhang marami-rami kasi ang dadalhin niyang paninda at siya lang mag-isa ang maghahatid sa lahat ng ito.
"Ay naku, Ruby. Maglinis ka muna ng kwarto mo bago ka tumulong."
"Ma naman! Nakakabagot dito sa bahay, e. Gusto kong maglakad-lakad muna," suway ko.
"Andiyan naman si Jade. Tutulungan niya ako sa pagdadala nito. Sumunod ka sa sakahan pagkatapos mong malinis ang iyong kwarto."
"Ma, may school works ako," si Jade na nakatingin kay mama with a hint of 'obvious ba' look kasi nakalapag sa ibabaw ng mesa yung notebooks at ballpens niya, may prints ding kasama.
"See? May ginagawa si Jade!"
"Samahan mo ako, Jade. Mamaya mo na yan tapusin," sabi ni Mama na halatang walang pakealam kung may ginagawa ang kapatid ko.
Napasimangot si Jade pero tinulungan niya rin si mama sa mga dala nito. Nanalo si mama sa huli at naiwan ako sa bahay mag-isa kasama ang pusa na hindi ko alam saan galing.
Itatanong ko sana ang tungkol dun sa kwintas. Chance ko na ito kaso hindi agad nakuha ni Jade ang gusto kong iparating. Ang slow-slow kasi ng kapatid ko, parang pagong. Matalino pero slow!
Umakyat ako sa kwarto at nag-ayos ng gamit. Binuksan ko ang mga kahon at bagahe ko kasama na iyong maleta. As I was opening the box, I suddenly remember my first day at the boarding house. Unang lipat.
"Stop it, Ruby. Masama alalahanin ang mga bagay na dapat mo nang kalimutan," bulong ko sa sarili.
Inayos ko ang mga damit at inilagay ang mga yun sa lumang aparador. May mga sira na ang pinto nito pero maayos pa rin namang nakatirik at nagagamit pa. I arranged all my clothes, sweatpants, shorts, and underwears. May mga bagay sa bahay na dapat nang palitan ngunit ayaw ni mama dahil gusto niya na may alaala pa rin si papa rito. She wants to remember my father's remains no matter how long it has been since he left this world. Kahit ako, iyon din ang gusto. But, it hurts seeing things that reminds you of people you want to forget. Not my father, but someone else.
"What is this?"
May bimpo na nakaipit sa maliit na drawer nitong aparador ko. I don't remember having this one. Kanino ba ito?
"Galit ako sa mga gaya mo. I hate you!"
I saw a flash memory of myself shouting, crying, and getting mad at someone. Some kid... a boy. Now I remember where this face towel came from. It was from the kid who teased me back at my father's funeral. I end up crying and hating him for the rest of my life. Kaso, hindi ko nakuha ang kanyang pangalan. Ayoko rin siyang kilalanin kasi alam kong masama siyang bata.
Itatago ko na lang ito at isasauli kung magkita kami ulit.
I took a rest when I finished cleaning my room. Magandang tignan kapag malinis, nakakawala ng stress kahit papano. I gently rubbed my stomach at pinakiramdaman ang bata sa loob nito.
"Don't worry, baby. Mommy will raise you no matter what. Bibigyan kita ng magandang buhay. Magsisikap ako. Ayaw kong magaya ka sa akin. Kakalimutan natin ang lahat. It will just be the two of us, baby. Just the two of us."
We don't need your dad. We don't need Joseph Angelo de Gracia Rivera.
—
Vote, share, and comment.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro