C34: Balang Araw
THREE weeks.
Three weeks na akong nagkukulong sa kwarto ko. Gigising, papasok, gagawa ng research, uuwi. I received so many texts from Angela and Adam, pero hindi ko sila nagagawang replayan. I was able to excuse myself from working at the café dahil kay Joseph. Ivy told me that his brother was covering my shifts. Ganito pala ang pakiramdam na mawalan ng gana.
"Ruby, kumain ka muna," Ivy entered the room, holding a meal. "Pinadala ni Seph para sayo. Sorry daw."
"Salamat," matabang akong ngumiti.
Naubos na ang luha ko. I was crying every night kaya hindi ko magawa-gawa ang gusto ko. Minsanan nalang din akong lumabas. Angela visits me, but I chose to not see her dahil wala na akong mukha na maihaharap sa kanya matapos akong ipahiya ng ganun katindi ni Janna.
"Uminom ka rin ng vitamins. Pupunta muna ako sa university para sa research namin. Text mo lang ako kapag may kailangan ka," nilapag niya sa mesa ang iilang capsules bago tuluyang lumabas.
I feel like a patient being treated by Ivy. She delivers my food everyday para lang gumaan ang pakiramdam ko. Naririnig ko rin na binabalita niya kay Seph ang kalagayan ko araw-araw. Napatingin ako sa ceiling fan.
Why was I born poor?
"Miss ko na sila mama," naluluha kong tinignan ang kisame tsaka ko niyakap ang unan.
Gusto ko ng umuwi sa probinsya. Gusto ko munang magpahinga at magpakalayo-layo. My phone pinged and I received a message from Angela. She told me that she will visit me upang maghatid ng research papers. Ako ang naka-assign sa pagcocompile. I was not feeling well lately. Palagi akong nahihilo at madalas na nagsusuka. Hindi naman ako busog kasi hindi naman ako kumakain.
"Ruby, may naghahanap sayo sa labas," katok ni Joanna sa pinto.
"Sino?"
"Mommy yata ni Joseph."
Kunot noo kong binuksan ang pinto at nakita si Janna. Masungit pa rin as ever. Joanna excused herself dahil may trabaho pa siyang gagawin sa university. I stared at her for a minute bago siya nagsalita.
"Anong kailangan mo? Pati ba naman dito ay ipapahiya mo ako?" taas kilay kong tanong.
"I'm not here to create a scene."
"Magsosorry ka?"
"Mas lalong hindi 'yan ang pinunta ko rito," she sighed.
Oo nga naman, Ruby. Mukha nga pa lang hindi marunong magsorry at makonsensya ang babaeng ito.
"I'm here to make ammends, a condition, a negotiation. Business major ka kaya alam mo na siguro ang tinutukoy ko."
"Anong pinagsasasabi mo?"
"I'm here to give you a warning. Stay away from my son, Hija. Alam ko ang mga gaya mo. You want money right? I can give it to you," she took a check from her Gucci at nagsulat ng numero. She ripped it, handing it over to me tsaka ngumiti. "Sapat na ba 'yan para sa ikatatahimik ng pamilya namin?"
Nanginginig kong hinawakan ang cheke dahil sa sobrang galit. I don't want to cry. I thought my tears are already dry, but somehow my eyes are welling up again.
"Why are you doing this? Bakit ba ayaw na ayaw mo sa akin?! Ano bang nagawa ko para hindi mo ako gustuhin, ha?"
"I don't care if you're poor. Ang totoo, wala akong pakealam kung mas mahirap ka pa sa daga. My son can love any girl he wants except you! Bakit? Because your father killed my husband! Siya ang sumaksak sa asawa ko nung nagkagulo sa sakahan sampung taon na ang nakalilipas," galit niyang bulong.
"Dad passed away when we were eight years old. He was stabbed by his political enemy. 'Yung mga magsasaka sa probinsyang kinalakihan namin."
"Hindi ba sinabi sa 'yo ng mama mo, ha? Hindi ba sinabi ni Amethyst sayo ang buong katotohanan sa nangyari noon? Your father killed Joseph's dad. Inutusan ang tatay mo na patayin ang asawa ko! Ngayon, Ruby, tell me if you can still love the guy na tinanggalan mo ng karapatang magkaroon ng ama?" ismid niya.
"H-Hindi 'yan totoo," nanginginig na umagos ang mga litid ng luha ko. "Tell me you're lying. Sinasabi mo lang 'yan kasi ayaw mo ako para sa anak mo."
The cheque crumpled in my hands.
"I wasn't lying. None of those were lies. Tanungin mo si Amethyst. Ask her about me, ask her about Janna De Gracia-Rivera," inis siyang umatras. "Just get away from my son. I couldn't bare to be the mother-in-law of my enemy's daughter."
My tears couldn't stop falling. Hindi ko mapigilang umiyak. Mas lalong sumikip ang dibdib ko, mas nahilo ako lalo at nasusuka.
"Kung kulang pa 'yan magbibigay pa ako ng malaking halaga para sayo at sa pamilya mo," ngisi niya.
Hinablot ko siya pabalik dahil sa sobrang galit. Kahit sobrang nahihilo ako ay nagawa ko pa rin siyang hilahin upang sampalin.
"Insultuhin mo ako ng paulit-ulit, pero 'wag mong idadamay ang pamilya ko!" sinabunutan ko siya sa buhok.
"My hair! Hindi ka nga edukada gaya ng mama mo! Hindi ko alam kung bakit sa kanya pa nagkagusto si Euseph!" she said, pushing me to the wall.
Halos sumuka ako dahil sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin when I realized that I was bleeding. Why am I bleeding? Janna's eyes widen in shock as she looked at the blood spreading down my thighs.
"A-Are you p-pregnant?"
"H-Hindi ko alam. Aggh!" namilipit ako sa sobrang sakit.
My stomach was in pain. Sobrang sakit. Nakita ko si Gelai na pumasok sa gate dala-dala ang research papers. But she immediately threw the papers away ng makita akong dinudugo.
"Oh my god, Ruby! You're bleeding! Buntis ka ba?" napatingin siya kay Janna. "Tita Janna, tumawag ka ng ambulansya, bilisan mo! Ruby needs help."
Angela was shaking. Natataranta niya akong binuhat habang mabilis na nag-dial ng ambulansya si Janna. I wasn't able to keep my eyes open for long. I was sleepy and dizzy. I closed my eyes and everything went dark.
I woke up hearing a beeping sound. Nakita ko si Angela na umiiyak sa gilid. She was covering her face with her hands like she was crying all day.
"G-Gelai? What's wrong?"
"Oh god, you're awake!" niyakap niya ako ng mahigpit ngunit iyak pa rin siya ng iyak. "Akala ko, akala ko may nangyaring masama sayo."
"Anong nangyari?" napatingin ako sa paligid.
I was in a hospital room.
"Ruby, you're four weeks pregnant. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" she looks worried. "I was really scared when I saw you bleed! Akala ko may nangyaring masama sayo. You haven't woke up since kahapon," umiyak ulit siya.
So Angela has been here for two days already? Nanlaki ang mga mata ko. I didn't realize that I was pregnant.
"Y-Yung baby ko? Anong sabi ng doktor? Maayos lang ba ang kalagayan niya?"
She nods as she wipes her tears dry. "Oo. I was really worried that I will lose both of you. Mabuti na lang at malakas ang kapit ng bata."
I'm relieved. Naiyak ako matapos 'yung marinig.
"Bumisita si Seph dito kagabi. He promised to visit you tomorrow after confronting his mom. Does Seph know na buntis ka?"
"Hindi," my fist clenched because of what his mom told me. "And I don't want him to know."
"What do you mean?"
"Don't tell him that I'm pregnant. Kung magtatanong man siya sabihin mo na nalaglag ang bata," I condescended. "I don't want him to know. I will raise the child on my own. Please, Angela, keep this as a secret."
Wala siyang nagawa kundi ang tumango sa pabor ko.
"But why? Joseph is the father of your child, Ruby. He has the right to know."
"Alam ko," namuo ang tensyon sa aking lalamunan. "Alam ko 'yon. But some things are better kept as a secret rather than being told. A-Ayoko. Masasaktan ko lang siya balang araw."
"Your father killed Joseph's dad. Inutusan ang tatay mo na patayin ang asawa ko!"
Tama si Janna, tinanggalan ko si Seph at Ivy na magkaroon ng kumpletong pamilya. Hindi ako makapaniwala. Nasaktan ko na pala siya noon pa man. Ayoko na. Natatakot ako.
"Did Tita Janna tell you something again?" paghawak niya sa kamay ko.
Umiling ako at pinunasan ang luha sa mata. "Wala. May naalala lang," napahawak ako sa aking tiyan. "Starting today, there will be the two of us, anak ko."
Binilhan ako ng pagkain ni Angela. When she found out that I was pregnant, she brought me foods and fruits. Naglaway ako sa maasim na mangga kanina.
Later that night, Angela stayed by my side. She finished my research part while doing it in the hospital room. Mag-aalas nuebe na ng gabi nang matapos siya.
"Siya nga pala, I called someone to come here. I bet you want to see them so bad."
"Who?"
She wasn't able to reply when someone knocked on the door. Naiiyak kong tinignan kung sino ang bumungad sa pintuan.
"Mama! Jade!" abot langit ang tuwa ko ng makita sila pareho.
Humagulhol ako dahil sa sobrang tuwa. Hindi ko akalain na makakapunta sila rito. Mom didn't speak a word. She hugged me tightly at umiyak nang umiyak kasama ko.
"Ate, nalaman ko na buntis ka kaya bumili kami ng siopao."
"Salamat, Jade," hinalikan ko siya sa noo. "Kailan niyo pa nalaman na andito ako?"
"Tinext kami ni Angela. She told us everything," Mom replied.
I told Angela to finish the research outside. Isinama niya si Jade sa labas ng kwarto.
"Kumain ka na ba? Baka gutom ka," sabi niya at kumuha ng pagkain sa mesa. "Lumuwas kami agad ng malaman namin ang nangyari sayo."
"Totoo ba, Ma? P-Pinatay ba talaga ni Papa ang daddy ni Joseph?"
Natigil siya sa paghihiwa ng mangga. "Sino ang nagsabi sayo niyan?"
"Si Janna. Ma, sabihin mo sa akin 'yung totoo. Ayoko ng ganito. Kaya ba hindi ka natuwa nang malaman mo na boyfriend ko si Joseph?"
Tumahimik si mama at nagsalita nang magkalakas ng loob.
"I'm sorry, Ruby. It's true. Sinabi na rin ng papa mo noon na 'wag tayong humingi ng tulong sa mga De Gracia. Alam niya na gagantihan nila tayo at ayaw niya na maapak-apakan tayo."
"Ma, hindi ako naniniwala na magagawa 'yun ni Papa pero ngayong nalaman ko na mula sayo ang totoo, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko," umiyak ako nang umiyak.
"Si Joseph ba ang ama ng dinadala mo?"
"Siya nga po. But I won't tell him. Bakit pinatay ni Papa si Tito Euseph?"
"Dahil sa pulitika," she replied at naupo sa bakanteng upuan. "Inutusan siyang patayin si Euseph dahil alam ng lahat na may personal siyang galit dito. Euseph was my first love, but I end up getting pregnant with you, at si Rojen ang ama. Kasalanan ko dahil nangyari ang lahat ng ito sa pamilya natin, Ruby. Pagpasensyahan mo na si Mama. Nagmahal lang ako pero ito 'yong naging kapalit."
I saw tears fall from mom's eyes. Hindi ko kayang makita na umiiyak siya. I've always thought that my mom was a fragile woman, but I came to realize that she was a strong woman who was hiding pain on her own. Niyakap ko siya at nagsorry.
"You're a very strong girl, Ruby. You have been strong enough already. Kailangan mo ng umuwi sa atin."
"Alam ko po."
Sumama ako kay Mama pauwi ng probinsya. I told Angela na tatawagan ko siya balang araw and left a note for Joseph. I decided to leave everything. Nagresign ako sa café through a letter. Umalis ako sa university. I decided to build myself first. I just want a peace of mind for now.
Magkikita rin tayo balang araw, Joseph. I'm sorry. Sana mapatawad mo pa ako sa gagawin kong ito.
—
Don't forget to like, comment, and share this story.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro