C33: Janna De Gracia
"CALM down, Precious. Everything will be fine I promise," sabi ni Seph na nakaupo sa kama ko habang nakaekis ang mga binti.
Nakatitig pa rin ako sa harap ng malaking salamin. Inimbitahan kami ng mommy niya na mag-dinner ngayong gabi. It's been weeks since his mom's last visit, at ngayon lamang siya nagkaroon ng oras para sa isang pormal na pagpapakilala. I already told Mom and Jade about my relationship with Joseph. Nag-video call kami nung nakaraang araw, and I noticed that my mama is not happy, nor sad about it. Para s'yang nakakita ng multo nang sabihin ko iyon sa kanya.
"Kinakabahan ako. Hindi niya pa naman ako gusto para sayo," aning ko at naupo sa kama.
"She'll like you. She will definitely like you. Isa pa, hindi siya maaaring magdesisyun lagi para sa akin. Malaki na ako at may sarili na akong pag-iisip. I will fight for us kahit mahihirapan tayong mapanalunan ang approval ni mommy," he then kissed my forehead.
Kahit papaano ay gumaan ng konti ang pakiramdam ko.
"Thank you, Seph, but I can't help it. Unang pagkikita palang namin ng mommy mo, alam ko na ayaw na niya sa akin. The way she looks at me-" natigil ako sa pagsasalita.
Maybe, I should not say it. Masasaktan ko lang si Seph. I shouldn't badmouth his mom like this.
"Like what?" pagtataka niya.
Umiling ako at ngumiti. "Wala. Forget what I said."
"Just remember that you don't need to carry all the burden by yourself. Andito lang ako para sayo."
"Alam ko 'yon no!" tampal ko sa kanyang pisngi. "May pasok pa ako mamaya. 'Wag mo na akong hintayin pa. Maghanda ka na lang para mamaya."
"Eh? Why not? I can wait for you."
"'Wag na, I can handle myself, Seph. Tsaka, kailangan mo rin ng oras para maghanda. It's your mom we're seeing," sinuot ko ang aking necktie at inayos ang aking ID lace.
"It's just Mom."
"Whatever," irap ko. "Aalis na ako. May kailangan pa akong tapusin sa university. See you later, babe," nilapitan ko siya at hinalikan sa kanyang pisngi, but he pulled me back right away. Tinitigan niya ako nang mabuti sa mata. "What's wrong?"
"Tsk. Lips."
"Lips?"
Itinirik niya ang kanyang mata sa ere bago ako hinalikan ng mariin sa labi. Kumawala rin siya pagkatapos ng ilang segundo. I get it now, he wasn't satisfied kanina sa ginawa kong halik sa pisngi.
"That is what a goodbye kiss should be, Precious."
Mabilis kong isinukbit ang aking bag at patakbong lumabas ng gate. Nangamatis ulit ang itsura ko. Nadatnan ko si Angela na kumakain ng burger at fries sa lobby.
"Ang tagal mo naman," aniya tsaka pilit nilamon ng buo ang kinakain.
"Pasensya na. Masyado ka lang maaga."
Mabilis naming sinimulan ang paggawa ng research. This is it. Konting kembot nalang at makakatungtong na kami ng third year college next year. Nakapokus ang mga mata ko sa laptop habang nagsesearch ng mga impormasyon. While, Gelai decided to munch her foods again. Hindi talaga siya nawawalan ng pagkain sa bag. Isa-isa na ring nagsidatingan ang groupmates ko. I haven't seen Ivy for a while since that night. Hindi pa kami nagkakaayos. I want to approach her pero inuunahan ako ng kaba at hiya. She was forced to take responsibility on Adam kahit alam ko na labag iyon sa kanyang kalooban. I know she likes him but not this way. Feeling ko kasalanan ko ang buong pangyayari.
"Did you bring lunch?" tanong ni Irish.
"Kumain na ako kanina. Kayo ba?" Angela asked.
"I've eaten tsaka malapit lang din ang boarding house ko rito."
Kumain muna ang iba sa amin habang naiwan kami ni Gelai sa lobby.
"Ngayong gabi kayo magmemeet ng mommy ni Seph hindi ba?" tanong niya bigla.
"Oo. Kinakabahan pa rin ako, tangina."
"Just don't take whatever she says seriously. Makamandag pa naman ang dila nun."
Nahinto ako sa pagtatype at napatingin kay Angela.
"Nameet mo na ba siya?"
"Noon."
I didn't ask further questions and decided to take a nap instead. Naramdaman ko nalang ang isang malambot na kamay na dumadampi sa pisngi ko. I opened my eyes only to see Seph grinning at me.
"Gising ka na pala."
Napatingin ako sa paligid ng lobby ngunit wala ng estudyante ang andun. Pati si Gelai, hindi ko na rin nahagilap. Did I sleep too long?
"What are you doing here? Diba sabi ko sayo 'wag mo na akong sunduin?"
"Diba sabi ko sayo susunduin kita?" tumayo siya at hinila ako patayo. "Tara na, magbibihis ka pa para mamaya."
Hindi na ako nakatanggi. Dinala niya ako sa isang salon kung saan may nakapilang workers. Mabilis niyang inutusan ang mga babae na ayusan ako at lagyan ng make up.
"T-Teka lang Seph. Wala ito sa plano natin."
Tsaka wala akong pambayad. Mukha pa namang mamahalin ang salon na ito.
"Precious, calm down. I got everything under control," napatingin siya sa likuran ko kung saan naghihintay ang isa sa mga bakla na mag-aayos sa akin. "Sige na. Do what you have to do."
"Masusunod, sir Joseph," hinila ako ng bakla papunta sa maitim na upuan. "Uunahin natin itong buhok mo, Ms. Ruby."
He knows me?
He groomed me well. May kung ano siyang ginawa sa buhok. He curled it fast. Pagkatapos sa buhok ay dumiretso kami sa make up station kung saan naghihintay ang iilan sa mga make up artists. Nilagyan nila ako ng make up na bagay sa kutis ko. And lastly, the dress. Akala ko simpleng dress lang ang ipapasuot nila sa akin but I was wrong. A silver long gown was reserved for me behind the curtains that Seph chose himself. He planned everything before I could even ask.
Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumabas sa fitting room. Binabalik-balikan ko pa ng tingin ang itsura ko sa salamin at baka may makita akong mali. Inayusan na rin nila si Seph kanina, and I don't know what he looks like right now. Siguro mukha na siyang tao ngayon.
"You're taking too long, Precious," sigaw niya mula sa labas.
"Tapos ka na?"
"Kanina pa," he replied, irritated.
Sumilip ako ng konti sa kurtina pero sinara ko ulit iyon. Kainis, kinakabahan talaga ako ng sobra. I heaved a sigh before opening the curtains. Hindi ako sanay magheels, but I learned it way back Intramurals. Hindi man lang nagawang magsalita ni Joseph nang lumabas ako. He was just standing there staring at me like a statue.
"Wala ka bang sasabihin diyan?"
Feeling ko tuloy ang pangit ng suot ko. Sabi na nga ba hindi talaga ito bagay sa akin.
"N-Nothing, you look-"
"STUNNING!" sigaw ng bakla na nag-ayos sa akin kanina.
"Thank you," ngiti ko.
Seph didn't comment anything hanggang sa makarating kami sa isang family restaurant. Nakafocus lang siya sa daan habang nagdadrive. Ni-hindi man lang makatingin sa akin. Ang weird ko bang tignan sa backless na ito?
Inihinto niya ang sasakyan sa harap ng restau. I was told that this is supposed to be a family gathering, but I guess his mom has other plans. Sobrang laki naman ng restaurant na ito. I thought I was overdressed but this is the perfect dress for a place like this. Napatitig ako kay Seph na nagtatanggal ng seatbelt. Damn, he looks so freaking gorgeous. Ang linis pa ng pagkakasuklay sa kanyang buhok.
Bubuksan ko na sana ang kotse ng bigla niya akong pigilan.
"Stay here. I'll open the door for you."
"Kaya ko na-" pero hindi siya nakinig.
He opened the door for me. Hindi naman siya ganito ka-gentleman.
"Stay with me, Precious. Ayokong may lumalapit sayo na kung sino-sinong lalaki sa loob," he pulled my arms to wrap around his. "Do you understand?"
"Ang aga mo namang magsungit. Ni-hindi mo nga ako kinakausap simula kanina," inis kong inalis ang braso ko. "Tara na."
He followed me inside pulling my arms again. Hindi ko na nagawang magreklamo. Dun ko lang narealized na sobrang daring ng suot ko nang maramdaman ko ang lamig ng aircon. My cleavage is literally showing. Lumapit kami sa mommy ni Seph. She was gorgeous as always. Parang hindi siya tumatanda dahil sobrang ganda pa rin ng hubog ng kanyang katawan.
"Mom."
"Joseph, hijo, mabuti at nakarating kayo," she kissed his cheeks at napatingin sa akin. "You look so beautiful, Ruby. Did you pay for that gown?"
"Hindi po. Seph told me to wear this."
I know she's insulting me. Pinipilit ko lang maging kalmado kasi nirerespeto ko ang mommy ng boyfriend ko.
"You bought this?" she asked.
"It's not a big deal. It's my money after all."
"Pati make up?"
"Yes, Mom, why do you keep asking? Maghahanap na kami ng table. Let's go, Ruby," hinila niya ako papunta sa isang mesa.
"Baka nagalit 'yong mommy mo. Tinalikuran mo pa naman," sabi ko ng makaupo kami.
"She insulted you. I can't let anyone insult my girlfriend lalo na't sobrang ganda niya ngayong gabi," he smirked.
Namula ako sa hiya tsaka ko siya hinampas. Hindi nagtagal nung lapitan kami ng mommy niya kasama si Ivy na ikinagulat ko. I didn't expect that she will be here.
"Rubyyyy," she hugged me at tumabi sa akin.
Nasa kabila ko naman si Seph na inis na nakatingin sa kanyang kapatid.
"Ang ganda mooo!"
"Get away from her, Ivy!"
"Selos ka?"
"Shut up!"
Ang lakas talagang magbangayan ng mga ito. But I'm glad that Ivy doesn't hate me. Napaparanoid na talaga ako. Kaharap ko ngayon ang mommy ni Seph, but there were two vacant seats left.
"May hinihintay ba tayo?" bulong ko kay Ivy.
"Mom invited her own guests. Hindi ko nga lang alam kung sino. She won't tell me nor Joseph."
Seph's mom was looking at the menu and called the waiter. She was doing every gesture elegantly like she's a queen. Sinabi niya sa waiter ang pangalan ng mamahaling steak na hindi ko alam kung ano. Napatingin ako sa menu. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang presyo. Napakamahal! 'Yung presyo, sweldo ko ng isang buwan!
"What do you want?" nagulat ako sa bulong ni Joseph.
"Anong sayo?"
"Tenderloin."
"Ganun din," binigay ko ang menu sa waiter.
Hindi ko rin kayang ipronounce ang mga pangalan ng putahe nila. Hanggang menudo at mechado lang kaya ko.
"So, Ms. Mendoza, I heard you're a working student."
"Opo. Ba't n'yo natanong?"
"Anong trabaho ng mga magulang mo?"
The waiter puts a champagne in her wineglass.
"May palayan kami sa probinsya. Namatay si papa noong bata pa lang ako dahil sa isang aksidente kaya naman si mama na ang nagma-manage sa farm."
"I see," she sipped from her champagne.
"Meaning, your mother is a farmer."
"Mom!" Seph shouts, pero mabilis kong hinawakan ang kanyang kamay. I saw him calmed down. "Are we waiting for someone else?"
"Yes," she looked behind our backs. "They're here na pala. Hijo, hija, come on, join us!"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Adam kasama si... Angela? Adam looks confused as I am. Kahit si Angela ay hindi makapaniwala na andito si Adam, but what shocked me is Gelai's presence. Why is she here?!
"Gelai? Andito ka rin?" gulat na tanong ni Ivy.
"I invited both of them," her mom replied.
"Mom! I told you to not invite Adam. Alam mo na may past sila ni Ruby, diba?!" Ivy seethed.
"Adam told me that they're good friends. Is there something wrong with that, Ivy?"
Ivy was left speechless. "N-Nevermind!"
Angela was cautious and couldn't look me in the eyes. What the hell is going on? Dumating ang order naming pagkain. Her mom ordered the same thing for Angela and Adam. She knew Adam, mukhang nasa iisang industriya lang ang ginagalawan nila.
Napatingin ako sa kubyertos na nilagay ng waiter sa harap ko. Three spoons, three forks and a knife. Bakit tigtatatlo ang binigay niya? Nakakahilo naman.
"What's wrong, Precious?"
"Ah, wala naman," I took the smaller knife.
Minatahan ako ni Angela na hindi 'yon ang dapat gamitin kundi iyong nasa gitna. Tumango ako at pasikretong binalik ang isang knife. I can't even slice the steak properly. Ang hirap maging mayaman!
"Joseph, I received a news from Lurielle Café and found out that you're currently working there. Napagtutuunan mo pa ba ng pansin iyang pag-aaral mo?"
"Of course. What do you expect?"
"I expect you to be like Adam Cordova," she looked at Adam. "Successful, sa states nakapagtapos, may sariling business. And you're supposed to be the next CEO of your father's business, but you're wasting your time dating... a random girl."
Hindi ko nahiwa ng maayos ang karne. She was obviously referring to me. I saw how Seph's fist clenched.
"Tita Janna, you shouldn't be comparing us. Seph and I are doing our best to succeed. Right, Seph?" he smiled like everything was fine.
I bet Adam was trying to ease the tension Janna created. I can't even call her 'tita or mom' right now.
"Yes we are."
"That is why I already asked Angela's mom to arrange you to a date next week. Mabuti at sumang-ayon siya sa sinabi ko," she smiled.
Angela's expression cannot be drawn, Adam and Ivy was shocked and I was left speechless.
"You did what?!" Seph fumed in anger.
Nagtinginan silang dalawa ni Angela.
"I don't love Angela. Why are you forcing me to date someone I don't even like?"
"You will learn to like her, Hijo. Ang dami niyo kayang pagkakaparehas."
"Pero, tita Janna, Joseph and Ruby are together," Angela said politely. "I won't meddle with their relationship and Ruby is my friend. I'm going to tell mom that he has a girlfriend. I'm sorry, but I can't date your son like this."
I was holding back tears since then. Hindi ko alam kung karapat-dapat ba na andito ako ngayon.
"Will you please stop doing what pleases you? Kaya ako nawawalan ng respeto sayo, e!"
"Joseph, your mouth!" Adam scold.
"Shut up, dumbass! Keep your nose out of my family's personal business."
"Hindi kita pinalaki ng ganyan, Joseph. Hindi mo pa ako sinasagot-sagot ng ganito dati!" naiyak bigla ang kanyang mommy. "Is it because you're dating a girl that has no future?"
I was supposed to cry but she ends up crying instead. Siya naman itong gumawa ng komusyon.
"I can't see my future with anyone else except with Ruby. If you can't respect my decision then–" natigil siya sa pagsasalita ng hawakan ko ang kanyang kamay.
"Tama na. Tama na. Don't disrespect your mom like this," ngumiti ako kahit sobrang naiiyak na talaga ako. "Tama ang mommy mo, you should find someone else better and suited for you."
I stormed out of the restau, crying. Adam kept calling my name pero sinundan ako kaagad ni Joseph. I don't know what happened to them back there. I was at a loss of words to say and courage to stay. Ang labo na ng paningin ko. Nadapa ako matapos matalisod ang heels ko. Mabilis ko iyong tinanggal at pumara ng taxi pauwi sa boarding house.
This is why I'm scared of falling in love again. It hurts so damn much.
—
Please vote, comment, and share this story.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro