C26: Official
"WHERE are you going?" tanong ni Ivy sa akin nang makita akong nagbibihis ng damit.
"Pupuntahan ko muna si Angela," I replied, tying my shoelaces.
Nakatanggap ako ng phone call kanina mula kay Angela, and she said that I can work since may job vacancy pa nga sa shop nila. All I need to do is to pass my resume today para makapagsimula na ako kaagad.
"Anong oras ka uuwi?"
"Mabilis lang ako pero depende rin kasi," bumaling ako sa kanya pagkatapos kong magsintas. "Bakit? May lakad ka ba?"
"M-Meron, baka gabihin ako."
"Mukhang importante. Text mo lang ako para mapagbuksan kita ng pinto," I smiled. I tapped her shoulder before closing the door. "See ya later."
Pumara ako ng tricycle para puntahan si Angela. Pagdating namin sa coffee shop, kung saan manager ang kanyang mama, ay mabilis n'ya akong ni-interview. She hired me immediately without further questions. Tita knew how I badly need the money for personal accounts.
"Thank you po talaga, tita. You don't know how much this means to me," ngiti ko sa kanya tsaka siya kinamayan.
"I understand you, Ruby. Dumaan din ako sa hirap and I know how hard it is for you," she hugged me tightly. "I guess I'll see you tomorrow then?"
"Opo. I'll do my best kahit hindi pa ako ganito kagaling sa paghahandle ng customers, but I'm pretty sure that I can learn."
"Fast learner naman itong si Ruby, ma, kaya no worries kayo sa kanya," singit ni Angela na nakangiti.
We decided to leave after the small chitchat. She said na maliit pa talaga ang sweldo kapag nasa first month ka pa lang. The salary will get higher the longer you stay. It's more like compensation for staying at the coffee shop. Pagmamay-ari ng pamilya ni Angela ang shop na iyon. At manager si tita roon.
We grabbed lunch at McDonald's near Victoria Plaza. Umorder s'ya ng burger and spaghetti. I decided to have beefsteak instead.
"That job definitely suits you, Ruby," she said, chewing her hamburger. "You just have to please the customers and serve them with a smile."
Napangiwi ako sa ideya na kailangan kong ngitian sa bawat oras ang mga papasok na customers. Madalas akong magtaray sa mga kaibigan ko kaya hindi ko talaga gamay ang pagngiti. I have a bad temper when it comes to people whom I certainly don't like. Sana hindi ko masigawan ang customers na may masasamang ugali at kakaibang service demands.
"S'ya nga pala, why don't you apply at the shop? Kumpara sa akin, mas bagay ka sa trabahong ito," I shove a spoonful of rice in my mouth.
She pressed her lips together before answering me. "I would love to but I won't."
"Why nga?"
"Eh kasi ayoko. Dun madalas magkape ang barkada nila Mark. Iniiwasan ko nga iyong tao kasi may kakaiba na akong nafefeel sa kanya," she looked terribly abashed when she mentioned Mark. "I'm scared."
"Ngayon ko lang nalaman na may natakot dahil nagsisimula na silang magmahal."
Tinaasan n'ya ako ng kilay. "You mean, hindi ka na takot na mahalin si Seph?"
I suddenly bit my tongue out of shock. I was batting my lashes looking at her appalled face. Mukhang narealized n'ya ata ang sagot sa reaksyon ko.
"Y-You can't be.. don't tell me.. oh my god," she gasped for words but remained speechless.
"What?" kunot ang noo ko habang nilalantakan ang pagkain.
"You love him? You are already in love with Seph are you?"
Dahan-dahan akong tumango nang 'di nakatingin sa kanya. Namula ako dahil sa hiya. I couldn't believe myself admitting that I love him to someone else.
"Are you willing to take the risk now?"
"He's worth the risk. That's all I can say for now," sagot ko na may pagtatapos.
Napapailing s'yang bumalik sa pag kain. "I can't believe this. You will hurt yourself for the second time."
If I would hurt myself again, I'm glad that it is not from the same person before. Masaktan man ako at least sa ibang tao na.
***
I yawned when I finally got back to the counter. Inaantok ako ng sobra dahil hindi ulit ako nakatulog ng maayos kagabi. It's been weeks since I started pursuing the job.
"Ruby, it's time to take a break," ngiti ni ate Vivian sa akin.
Sya ang naatasang magturo sa akin ng mga simpleng gawain at pagseserve sa customers.
"Paano ka po?"
"I'll take my break later," she winked at sinenyasan ako na magpunta na kaagad sa personnel's area.
Sunday ngayon and everyone's busy. Lima lang kami na andito, dalawang barista na sina kuya Carlo at Luigi, and three waitresses including me, Vivian, and June.
Naupo ako at dahan-dahang hinagod ang aking binti. Nakakangalay pa lang tumayo ng limang oras para lang pagsilbihan ang mga customers. Napatingin ako sa may pinto nang biglang pumasok si June na kinikilig pa.
"Ang gagwapoooo," impit n'yang sambit.
"Anyare sayo?"
"Eh kasi ang gagwapo ng customers na kararating lang. Tignan mo dali," hinila n'ya ako para sumilip sa pinto.
Pinatulan ko na lang din ang trip n'ya at sumungaw ng konti. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Seph, Mark, Gabriel, at Ryle na nakaupo sa iisang mesa. Nag-uusap at nagtatawanan, pinagtitinginan din sila ng ibang customers na andito lalo na ang mga babae.
"Patay," natataranta akong bumalik sa pag-upo.
Mabuti at break ko ngayon kundi lagot ako. Hindi alam ni Joseph na nagpapart time ako, baka asarin ako nun pag-uwi kapag nagkita kami rito.
"Hala, hindi ka ba nagagwapuhan sa kanila, Ruby?" pagtataka ni June.
"B-Bet naman," ngumiti ako ng pilit.
"Magpapahinga muna ako saglit. Balikan mo ako kapag wala na sila."
"Bakit naman?"
"B-Basta, tawagin mo lang ako kapag nakaalis na ang apat na 'yan, ha?"
Kahit nagtataka ay tumango pa rin s'ya at bumalik sa pagseserve habang naiwan ako sa loob ng staff room. Napabuntong ako at napagdesisyunan na silipin sila pero mukhang wala talaga silang planong umalis. Baka mas maging busy na mamaya at mapilitan akong lumabas upang tumulong.
Sampung minuto rin akong nakaupo sa loob nung tinawag ako ni Vivian para palitan s'ya sa counter. Um-oo din ako kasi palitan kami ng pahinga rito. I wore my facemask bago tuluyang lumabas.
"Whoo, why are you wearing that?" gulat niyang tinuro ang mask na suot-suot ko.
"Inuubo po kasi ako," palusot ko at umubo ng dalawang beses kahit hindi kapani-paniwala.
"Ay, ewan ko talaga sa'yo, Ruby," natatawa s'yang pumasok sa loob at hinayaan ako.
May rason naman po ako ate, huhuhu. Nakatingin lang ako sa direksyon nila Seph habang naghihintay ng customers. Sana umalis na sila agad, ang awkward kasi na ganito ang itsura ko (kahit choice ko naman ito in the first place).
Ryle suddenly glared at me with a creased forehead. Tinignan n'ya ako na para bang namumukhaan n'ya ako. Nanliit ang kanyang mga mata at kinalabit si Seph na nasa kanyang tabi sabay turo sa akin.
"Shit."
Hindi ako nagpahalata na kilala ko sila pero tumayo na lang bigla si Joseph papunta sa akin. Napalunok ako ng ilang beses kasi naman yung aura n'ya nakaka-intimidate at pinagtitinginan pa s'ya habang naglalakad papunta sa akin.
Hinugot n'ya ang kanyang wallet. "Miss, isang cappuccino nga pala tsaka cheesecake."
Gusto kong sumabog sa kaba at hiyaaaa. Shit, I thought they're pointing at me, but I was wrong. Nakatingin pala silang dalawa sa menu! Bwiset! Assumera ko talaga kahit kailan.
"Cappuccino at cheesecake," sambit ko ulit. "275 pesos po lahat."
"Here," aniya at naglahad ng 300 pesos.
"Pakihatid na lang sa table, miss."
"Sige, sir."
Mabilis akong tumalikod nang mabigay ko na 'yung sukli. Mukhang hindi n'ya ata ako namukhaan dahil sa mask ko. That's good. I placed their orders on the plate and tray at inutusan si June na ihatid ang order na iyon sa table ng mga gwapo. Kinilig pa ang loka-loka at mabilis na sumunod sa akin. Mabuti naman.
Pinanood ko lang sila hanggang sa matapos silang kumain at umalis na rin pagkatapos. Natapos din ang shift ko. Nagbihis muna ako ng damit bago umuwi dahil sa pawisan kong itsura. Baka sumabit sa ibang pasahero ang amoy ko mamaya sa jeepney.
"Uuwi ka na, Ruby?" tanong ni Vivian nang makapasok sa staff room.
"Opo, my shift is done," ngiti ko at niligpit ang aking gamit na nasa mesa.
"Mag-iingat kayo."
Magtatanong pa sana ako pero mabilis ding pumasok sa loob si Vivian.
What does she mean by 'kayo'?
Nagtataka akong lumabas ng shop sukbit-sukbit ang aking maliit na shoulder bag. I was shocked when I saw Seph standing outside the glass door, ni-hindi ko man lang s'ya napansin dahil sa invisible n'yang aura.
"W-What are you doing here?" kabado ko siyang tinignan.
"Tara na, miss," panunukso niya at hinablot mula sa aking balikat ang shoulder bag.
Hindi man lang pinansin ang tanong ko! Kaasar ang lalaking ito ha. I quickly grabbed his arm to face me.
"T-Teka nga lang, why the hell are you here? Paano mo nalaman ang tungkol dito?"
Nagkibit-balikat lang ang loko at ngumiti sa akin. "I'll explain if you're going to explain why are you here."
I gulped and rolled my eyes at him. "Fine."
"Let's grab some dinner," he said, holding my hand.
My heart throbbed so fast, it feels like I'm going to explode. The same electric shock he gave when he touched my naked body.
"Come on, Precious. Ayaw kitang kaladkarin pauwi," seryoso nitong sambit ng mapansin na hindi pa rin ako gumagalaw. "Do you feel uncomfortable?"
I shook my head and gripped his hand. "Okay lang."
A curve slowly formed on his kissable lips. "That's my girl, let's go."
Naglakad kami papunta sa sakayan ng jeepney. Ang daming nakatingin sa amin habang magkahawak kamay. Dahil na rin siguro sa lalaking kasama ko, sobra kung makahatak ng audience, e.
Nilibre niya ako ng dinner sa Lechon Haus, pero sa bahay lang namin kakainin dahil punuan ang customers sa mall.
"Tell me," sabi niya ng naglalakad kami pauwi.
"About?"
"Reasons kung bakit ka nagpapart time."
"I need to pay the rent next month or else the landlord will evict me."
"If this is all about your rent then I'll pay for-" I cut him off using my fingertip.
Sabi na nga ba at makikisawsaw s'ya sa problema ko.
"My problem is my problem. Wala ka ng pakealam dun at 'wag na 'wag kang mangingialam."
He removed my hand before talking. "Nililigawan kita kaya pandagdag points ko na rin ang pagtulong sa problema mo."
"Would you stop sticking your nose in my business?"
"Precious naman, don't push me away," kalabit nito sa blouse ko. Ngumisi s'ya ng pagkalawak. "If you don't want me to pay for your rent, then I'll apply at the café where you work."
I halt, eyeing him. "What the fuck are you saying? Ang yaman-yaman mo pero magtatrabaho ka? I told you already, mind your own business."
"You are my business," he said. "Problema mo, problema ko na rin."
I arched an eyebrow. "Walang tayo so we can't share each other's problem, okay?"
"Then let's make this official," seryoso n'ya akong pinahinto at hinawakan sa magkabilang balikat. "Be my girlfriend, Ruby."
My lips parted as he looked at me in the eyes seriously. My heart was beating so fast that I can't even ignore how loud it was. All because of those four words that had escaped from his mouth.
"Say something, your silence is making me nervous as hell."
I immediately gasped for air. "P-Pakiulit?"
"Be. My. Girlfriend. Ruby," he repeated, emphasizing every word.
My knees were trembling. I was at a loss of words to say and energy to stand. Kung sasagutin ko s'ya ngayon baka kung anong sabihin ng iba. Ipapakilala n'ya ako sa parents n'ya pagkatapos hindi nila ako magugustuhan kasi mahirap lang ako. Aabot sa punto na maghihiwalay din kami, and I already know that I will be the one leaving him. Depende na rin siguro sa sitwasyon, at kung ano ang pakikitungo ng magulang niya sa akin.
"Are you willing to take the risk now?" I remember what Angela asked.
"Alam kong nasaktan ka ng sobra sa past relationship mo. Angela told me everything already, she even told me na dito ka nagpapart time," he was still looking at me in the eyes. "I promised that I won't bother you after Angela spilled the beans, but I can't get out of your way. Not like this. I can't get you off my mind so please say yes."
Wala sa sarili akong tumango. I was speechless and have no words left to say to him. Masyado akong na-ooverwhelm sa mga pangyayari. Everything's happening so fast as time jolted in a flash.
"Is that a yes?" he asked with an arched brow.
"Before I answer that, can I ask you something?"
"Sure, anything."
"Are you worth the risk?"
"Am I? Do you love me, Ruby? 'Cause I freaking love you so much."
He said it, he said the word 'love'. Maybe, just maybe, I should give another try to love someone again.
"Yes. Yes. Let's be fucking official."
He grinned, pulling me into his chest. "Damn girl. Ang tagal kong inantay ito. Finally."
Napangiti ako dahil dun. "Talaga? Hinintay mo ako?" I asked, lifting my head to meet his eyes.
"Of course, and I love you," he pinched my nose.
I gave him a small smile. Mamaya na ako magsisisigaw kapag nasa bahay na kami. Tutuksuhin na naman ako nito pagkatapos.
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro