Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C25: Substitute

NAPABALIKWAS ako ng bangon nang marinig ang ringtone ng cellphone ko. Agad kong kinapa ang ilalim ng unan at nakita ang pangalan ni mama sa screen. I slide the green button to answer her call.

"Hello, ma?" sagot ko kusot-kusot ang aking mga mata. "Napatawag ka po?"

"Nagpadala na ako ng pera, anak. Pero baka 'di yun sapat," halata sa boses ni mama ang pagod.

"Okay na po 'yon. Maghahanap po ako ng trabaho ngayon para ma-solusyunan ang bayad sa renta."

"Sige anak. Mag-ingat ka d'yan. Kumakain ka pa ba ng maayos?"

"Opo naman. Kayo ni Jade, Ma? Kumusta?"

"Ayos naman kami rito," aniya at biglang naubo.

Nababahala na ako sa kalagayan ni mama. Baka lumalala ang kanyang sakit habang wala ako.

"Uuwi po ako agad kapag nakapag-ipon na ako ng sapat," sabi ko na lang at pinilit na pigilan ang nagbabadyang luha sa mata. "Miss ko na po kayo."

"We miss you too, anak. 'Wag mo kaming alalahanin dito. Maayos kami, magfocus ka sa pag-aaral."

Tumango ako kahit hindi n'ya iyon nakikita. "Opo," pinunasan ko ang basa kong pisngi gamit ang aking daliri. "Sige na, ma, ibababa ko na ito at may gagawin pa ako."

"Ingat ka d'yan, bye na. I love you."

"I love you too."

Agad kong binaba ang tawag at napabuntong. Kailan kaya ako makakauwi sa probinsya? Miss ko na sila mama at Jade, e. Gusto ko na talaga silang makita kaso kailangan ko pang magtiis ng dalawang buwan bago matapos ang sem.

Bumaba ako ng deck at nakita ang napakagandang liwanag na nagmumula sa labas. It's still 5 AM kaya siguro ganito kalamig. Napahimas ako sa aking braso habang sinusuot ang aking flip flops papuntang CR nung napansin ko ang lalaking nakaupo sa tambayan na nagkakape ng tahimik. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa ginawa n'ya. S'ya ang may kasalanan kung bakit malalim ang eyebags ko. He was slightly banging his head, looking at the table. Another plate, I guess. Napatingin siya sa akin at ngumiti. He removed his earphone when he saw me.

"Good morning, Precious," he greeted with a smile. Iyong ngiting mahuhulog ka na lang dahil sa sobrang kagwapuhan.

"G-Good morning," namumula akong naglakad papuntang CR.

Agad kong ni-lock ang pinto at naupo sa bowl. Kung makapagsalita s'ya parang wala s'yang ginawang awkward sa akin kagabi. Nagkakaroon ba talaga ng amnesia kapag nakakainom ng alak? Psh.

Lumabas ako pagkatapos umihi. Andun pa rin s'ya sa dati n'yang upuan, may ginuguhit, and he was still listening to music.

Naupo ako sa harap niya at pinagmasdan ang kanyang ginagawa. I was right, he was doing plates. Mukhang hindi niya ito natapos kagabi kasi nilandi n'ya ako.

"Sa'n nga pala natulog si Ry kagabi?" pambabasag ko sa katahimikan.

"Sa second floor kasama ate n'ya," he replied without glancing at me.

He made sure that every measurement was correct. Pulidong-pulido ang bawat lines and shapes. Daig n'ya pa ako na metikuluso. As a financial management student, we need to be meticulous. Parte ng trabaho namin ang maging masinop sa pera at data.

"Kumain ka na ba?" he asked.

Umiling ako. "Hindi pa."

Tinigil n'ya muna ang pagmemeasure at humarap sa akin. "You wanna eat?"

"Mamaya na."

"Nagtitipid ka ba?"

I nod. "Kailangan."

After receiving my mother's message na kulang ang kanyang pinadala, I need to find a way para mabayaran ang liability ko rito sa boarding house. I don't want to leave some accounts payable when I'm gone like how I always make sure that my desk should be clean before I go. I always have that manner.

"I saw the landlord's car when I got here last day. Is there something wrong? Ikaw ba ang pinunta n'ya rito?" he puts his pen aside.

I pursed my lips together, averting my gaze away from him. "A-Ako nga pero wala lang iyon," I replied, napahimas ako sa aking balikat dahil sa lamig.

I can't tell him. Hindi ngayon, he will surely meddle my business without minding his. I've been with him for months, and I'm pretty sure he will do something about it.

"Wala nga ba?" taas kilay n'yang tanong.

"Wala nga," inis akong tumayo. "Matutulog muna ako ulit."

Naglakad ako pabalik ng kwarto. I need to find a job before the landlord's patience wears thin. Mabilis kong tinawagan si Angela ngunit hindi s'ya sumasagot. Mukhang natutulog pa yata ang bruha dahil maganda ang temperatura.

Nevermind, I'll ask her later.

***

"Trabaho?" nagtataka n'ya akong tinignan.

"Oo, I need one. May alam ka ba na pwedeng pasukan?"

"Bakit sa ganitong oras mo napagdesisyunan na maghanap ng trabaho?"

Natigil ako sa pag kain tsaka siya tinignan.

"Kulang ang pera na pinapadala ni mama. Wala akong pambayad sa boarding house."

Bumuntong s'ya at muling binalik ang atensyon sa pagkain.

"Fine. Tatanungin ko si mama if meron pa bang bakante sa coffee shop."

Nagliwanag ang mukha ko dahil sa maganda niyang sinabi. Gusto ko s'yang yakapin kaso ang daming tao tsaka kumakain pa kami.

"Thank you, Geeel!"

"Walang problema basta't ikaw. Babalitaan kita bukas."

Nakangiti akong tumango. Nakuha ko na ang padala ni mama sa akin kanina bago pa man ako pumasok sa klase. And she was being honest when she told me na kulang talaga ang kanyang pinadala pero naiintindihan ko 'yun.

Agad din kaming bumalik sa CBA lobby pagkatapos naming kumain ng lunch nang madatnan namin ang classmates naming nag-iingay. Mukhang may bagong balita yatang nasagap ang mga chismosang aligi na ito.

"Anong meron?" kalabit ko kay Ivy, nasa likuran ko lang si Angela the whole time.

"May bago tayong professor sa law mamaya. Gwapo raw sabi ni Irish," kinilig s'ya ng impit.

"Hindi na ako makapaghintay. Kyaah!"

"Talaga? Paano si prof. Meriales?"

"My father took an early vacation leave," someone said.

Napalingon kami sa nagsalita at nakita si Khane na hawak ang isang makapal na libro sa Accounting. Sa pagkakaalam ko, topic ang librong iyan sa third year. Why is she reading that?

"Sinong papalit sa kanya? Kilala mo ba?" I asked.

I'm curious of who would take over his duty. Mataas ang standard ng university namin so the person has to be good and smart like Mr. Meriales.

"I can't tell you kahit na alam ko kung sino," aniya at naglakad kasama si Sheene papasok ng library.

"Sayang naman, hindi talaga natin mapuga ang impormasyon mula sa anak ng isang lawyer," dismayado ang mukha ni Ivy.

"Hayaan mo na," sabi ko na lang at naupo kasama si Angela.

They were still making a fuss about the substitute professor. The more they're curious, the more mysterious it becomes. Ayokong pagurin ang sarili ko sa pag-iisip kung sino ang papalit kay professor Meriales. Hinihiling ko na lang na sana ay hindi s'ya kasing terror ng former namin. Thank goodness he took his vacation leave. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik sa lalamunan kasi makakahinga ako kahit papaano mula sa fifty articles.

Dumating ang 6 PM class sa law. As expected, excited ang lahat na makita kung sino at kung ano ang itsura ng substitute prof namin. I am more excited and hyper about it than anyone else. I have a good feeling about this.

The school hymn echoed the hallways and floors. A sign that our class starts soon. Gulat na gulat kaming lahat nang bumukas ang pinto. Akala namin si sir substitute pero hindi pala.

"Tangina mo, Ryle, 'wag ka ngang pumasok ng basta-basta!" singhal ni Jasmine.

Sa lahat ng kaklase ko, s'ya talaga ang pinaka-excited na makita si sir. Ramdam na ramdam ko 'yung galit n'ya, e.

Ryle didn't respond like he wasn't in the mood to confute someone using his futile arguments. Dire-diretso s'yang naglakad patungo sa kanyang upuan. Halata sa mukha n'ya ang pagkabalisa at hindi namin alam kung bakit. Tahimik lang kaming lahat nang biglang pumasok ang isang napakagwapong guro na nakita ko na sa buong buhay ko. Moreno, matangkad, medyo payat, nakaayos na ang kanyang buhok, at may ligo na s'ya this time that's for sure. Ngunit, mapapansin mo ang pasa sa kanyang labi pero mukha pa rin siyang cool.

"Good evening, everyone. The name's Atty. Ruff Meriales, son of professor Rogue Meriales. Nice to meet you all," he introduced himself with a lenient attitude.

I looked around to see my classmates' reactions. Their jaw literally dropped seeing how good looking he is.

"Ang gwapo, teh! Bweset!" tampal ni Angela sa balikat ko.

Kung hindi ko lang s'ya nakita at nakilala noon malamang ay mamamangha na rin ako sa kanyang kagwapuhan. But yeah, his features can make you drool over and over again.

"Aren't you going to greet me back?"

His stares and voice had no emotion at all. Kung makatitig s'ya sa amin ay parang isa kaming walang kwentang bagay. Agad na tumayo ang classmates ko nang makabawi sila ng sapat na lakas, kaya tumayo na rin ako upang batiin si sir. Halata sa itsura nila na ngayon lang sila nakakita ng gwapong professor. Mostly kasi sa professor dito ay beterano at gurang na but still got the wits and face. We greeted him in sync and settled down.

"I'm not really interested to know your names, but my father said that I shall continue what he started," he didn't even do the courtesy of facing us. He was flipping the Commercial Laws book.

"Oh my gee, magpapa-oral ba s'ya tonight?" Rinig kong bulong ng katabi ni Angela.

"Mukhang ganun na nga," sagot ng katabi nito.

"Of course, I will still do recits since one of your classmates did something bad," he sighed and looked at us apathetically. Napahawak si prof sa kanyang pasa. "I will not tell who so don't worry."

Muli nitong binaling ang tingin sa librong binubuklat. Napalingon kami ng sabay-sabay sa pwesto kung nasaan si Ryle. Technically, this scenario happened before like a déjà vu from a different person's perspective. Ryle didn't mind like our stares and glares were nothing but an empty message.

"Kasalanan na naman ito ng lalaking yan," untag ni Veronica. "Kailan ba kasi s'ya titino ha?"

"Kapag nagkajowa na," sagot ko.

"What? Kaya nga hindi yan nagkakajowa dahil sa ugali," napapailing n'yang binalik ang tingin sa pagbabasa.

Our substitute professor meant what he said. Nagpa-oral nga siya at hindi na namin iyon napigilan. He sounds so definite and stern, so we couldn't do anything. He's a lawyer after all, and he knows what he's doing.

Napaunat ako ng kamay pagkatapos niya kaming idismiss ng maaga. Everyone was searching his name on Facebook, but they couldn't find anything aside from different dummy accounts. Well, why would I even be surprised? He's strict and a very private person. It's normal to assume na wala s'yang social media life. I bet he could live in a secluded area by himself.

"Ang gwapo sana ni prof kaso mukhang strikto," sabi ni Ivy na nagsesearch pa rin sa kanyang FB, which reminds of Gabriel until now hindi ko pa rin siya na-aadd as a friend.

"Ives, kilala mo naman si Gabriel diba?"

Ang hilig nito sa gwapo kaya malamang kilala rin n'ya si Gab. Isa pa, member s'ya ng Engineering Band kung saan vocalist ang kanyang kuya.

"Of course, I do. Why?"

"Anong name n'ya sa fb?"

"Hmm, asked kuya."

Kumunot ang noo ko. "What? Why?"

"Eh kasi s'ya ang nakakaalam sa Facebook name ni Gab. Hindi kami friends nun," she pouts.

"If that's what you say."

Naglakad kami pauwi sa boarding house. Sana naman may job vacancy pa sa shop para makapagsimula na ako ASAP.

--

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro