
C21: Surprise
HINDI ako mapakali habang tinitignan ang team namin na sumasayaw sa stage. Umaga pa lang at may iilang contest nang ginawa, ngayon din ang championship sa iba't-ibang sports. Bihis na bihis ang team namin dahil isa kami sa kumakandidatong champion laban sa engineering.
Since umaga pa naman, ni-enjoy ko muna ang panonood ng ilang contest gaya nito. Mamayang hapon ang cheerdance competition, gabi naman ang Battle of the Bands. I forgot the sequence of events pero sure ako na matatagalan kaming umuwi.
"Ruby, kumain na tayo," kalabit ni Angela sa blouse ko.
"Busog pa ako. Hindi ka ba nag-almusal?" tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Kumain ka kaya muna? Baka himatayin ka kakacheer sa akin mamaya."
Ang hangin ko talaga.
"Sure ka? Wait for me here. Babalikan kita."
"Alam ko 'yon. Go na," nagsign pa ako ng tsupi.
Bumalik ako sa panonood ng sayaw. Ang hirap kasing sumayaw kapag malaki ang dibdib mo lalo na't ganyan ang galawan. Mas mauuna pang mapagod ang dibdib ko kesa sa akin.
My phone vibrated and saw the landlord's text message tungkol ulit sa upa. Two months na akong hindi nakakabayad. Nagpadala si mama ng pera kaso pambayad sa isang month lang but what about this month? Hindi pa rin. I can't blame them, nalugi ang negosyo namin sa probinsya kaya wala kaming naiipon na pera ngayon.
Maghanap kaya ako ng trabaho pagkatapos nito? That's the last resort I have for now. I need to pay the rental fee and other expenses. Wala kaming binabayaran na tuition fee sa USeP, walang problema. Pero sa boarding house, pangkain araw-araw, at photocopies, marami. I don't want to burden my parent anymore. Malaki na ako, I have to be independent for my own sake.
I decided to wait for Angela at the lobby. Nakakangalay kasing tumayo, and besides I need to rest and stay fresh para mamaya. Tinext ko si Gelai habang naglalakad ako papunta doon nung may nakabangga akong engkanto. Natigilan ako nang makita ang pagmumukha n'ya. Para akong dinikit sa lupa dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. I can't move, I just stared at his eyes and he did the same. Agad akong umiwas at nagsorry sa kanya. I know it was my fault kasi hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. I saw him holding his phone on his right hand. We were both at fault here, hindi rin s'ya nakatingin sa daan kaya nagbanggaan kami.
"S-Sorry," dispensa ko at mabilis na naglakad palayo.
I'm not expecting him to say sorry. He called my name, which gave me a mini heart attack. I thought I was going to die in a split motion.
"Ruby."
Shit.
I should be happy dahil pinansin n'ya ako pagkatapos ng ilang linggo. But it hurts at the same time, he's calling me by my name, not the way on how he usually calls me.
"Good luck," he said.
Tinalikuran n'ya agad ako hanggang manliit siya sa paningin ko. I was chasing my breath when I went to the lobby. Kabado akong naupo, hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. My emotions were mixing. I don't know how to unravel the tangled strings connected between us.
***
Huminga ako ng malalim habang inaayusan ng mga kasamahan ko rito sa backstage. Mabilis nilang pinasuot ang first attire ko. Simpleng jeans and tshirt lang tsaka tumataginting na CL wedge. Ako lang yata ang may pinakamahal na wedge rito at hindi pa ito sa akin.
"The shows about to start. Hurry up," sabi ni mayor sa mga kasamahan kong todo paganda sa akin.
They tied my shirt at the back para magmukha itong crop top. I told you before, maganda ako gaya ng katawan ko. I have curves pero hindi iyong coca-cola body. Bawing-bawi naman ako sa dibdib at pwet kaya okay na okay nang pangrampa. May pinasuot pa silang dangling earrings sa akin. Akala ko mapuputol ang tenga ko sa sobrang bigat nito.
"Good evening distinguished guests," boses iyon ng babaeng emcee. "Thank you for coming all the way here to University of Southwestern Philippines!"
Sinundan ang kanyang sigaw ng magarbong palakpakan. Napaka-energetic ng mga tao rito ngayon. Ako lang ba ang hindi excited sa mangyayari?
"Are you ready to feel the heat of the night with our sexy candidates?" tanong ng lalaking emcee.
"Last year, we did not have this portion. Ngayon lang ata ito naisipan ng mga in-charge sa event na ito." yung girl emcee.
"Yes partner. The Swimsuit competition!" masayang sabi ng guy MC. "Isn't it exciting?"
"Manyakol talaga!" singhal ng kasama n'ya. (T/N: Manyak talaga!)
Kumunot ang noo ko nang marinig ang sinabi nila at tinignan ng masama ang mga kasama ko.
"May swimsuit competition?"
"Oo meron. Kaninang umaga lang sinabi," tamad na sagot ni Mayor. "Pero don't worry, walang talent portion."
Sinabi n'ya iyon na para bang mas matutuwa akong malaman na walang TP? Mas gusto ko pa siguro iyon kesa sa swimsuit e.
"HINDI AKO NAINFORM!"
Natataranta kong tinignan ang likuran ko, hinawakan ko rin ang dibdib ko at sinilip ang bra ko sa loob. Ang layo nito sa swimsuit. Underwear ang suot ko!
"Kami rin naman, sis. Tsaka, kung sinabi namin sayo kanina malamang tumakbo ka na pauwi."
"And you decided to keep it from me?" inis ko.
Tumango s'ya. Parang hindi guilty, mayor?
"Ano ka ba, sis. Surprise namin ito sa 'yo. Surprise!"
Wala akong swimsuit uy! Sabi na nga ba at 'di dapat ako nagpapilit sa ganito e. Sirang-sira na ang reputasyon ko.
"Hindi ako natutuwa sa surprise n'yo," nagkamot ako ng ulo.
Wala rin akong magagawa dahil nangyari na ang 'di dapat mangyari. Wala na akong kawala, huli na ang lahat para magback out. Huhuhu.
"Wala akong swimsuit, mayor! Ayoko na talaga," naiiyak kong sabi.
"Ay huwag ka sabing mag-alala. Kami na nga ang bahala sa lahat diba?"
"So may swimsuit ako?
"Meron s'yempre. Bagong bili, may price tag pa yun ah. Pero tatanggalin naman namin kapag isusuot mo na mamaya," tumaas baba ang kanyang kilay.
Naiiyak na talaga ako. Gusto kong magmakaawa at magback out. Hindi ako makinis, maputi lang ako. Jusko, ako lang yata ang mukhang stretch mark mamaya laban sa magagandang kandidata rito.
"Chill ka lang, sis. Huwag kang sumimangot d'yan. Nawawala ang ganda mo," sabi n'ya at hinawakan ako sa pisngi. "Breathe okay? Kaya sige na. Go."
Tinawag ng emcee ang numero ko. I walked like Shamcey, yun kasi ang kinopya ko noon kaya ito rin ang ginawa ko ngayon. I gave them a smile, which made the judges smile. Humilera kami sa respective spaces namin at nagsasayaw-sayaw.
I saw the biggest tarpaulin in the crowd where my face and name were written. Talbog lahat ng maliliit na banners na natatakpan ng pagkalaki-laki kong mukha. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o matutuwa sa ginawa nila para sa akin. May mascot din ang bawat colleges and our mascot is a warrior in battle armor.
After that, may intermission sa gitna to relieve the tension. It was The Battle of the Bands competition. First participant was CEd. Habang busy sila sa pagkanta, 'di kami magkandaugaga sa backstage para magpalit ng creative attire. They made a bohemian attire for me, but the top was a crochet na may iilang play money with different colors. Kaya pala maraming binili si mayor kahapon na laruang pera, para pala ito rito.
"And for the creative attire," sabi ng emcee.
Mabilis kaming nagsilabasan isa-isa. Gusto ko nang matapos ang gabing ito. Kinakabahan na talaga ako lalo na't palapit na nang palapit ang Q and A portion. Ni-hindi ko nga narinig kung sino-sino ang mga judges at panauhin na andito.
I saw unfamiliar faces, it seems to me na taga kabilang school pa iyong iba. The university allows guests outside the school to watch this highlighted event every year. Ang daming gwapo, teh. Nakita ko pa si Gabriel na gwapong-gwapo sa suot n'yang casual kanina.
After the creative attire, swimsuit attire na. Kabado kong sinilip ang mga tao na nasa labas ng kurtina. Nagpeperform pa rin ang banda ng ICT. Sana matagalan sila, ang ganda pa naman ng song. Pinasuot muna nila ako ng mamahaling bathrobe para hindi ako lamigin. Yung iba sa amin, nakalimutang magdala kaya yung mga kalaban ko nanginginig sa sobrang ginaw.
"Ruby," napalingon ako kay mayor na may dalang tubig at nilahad n'ya iyon sa akin. "Inom ka muna, Sis. Para 'di ka mamatay sa uhaw."
"Thank you, mayor. Asa'n nga pala si kuya Gregory?" uminom ako mula sa kanyang tumbler.
"Andun pa. Binibihisan, nilalagyan ng mantika para magmukhang hot," impit s'yang napatili. "Ang gwapo n'ya talaga, Sis. Maglalaway ka na lang."
Napairap ako at napangisi. "Akala ko ba si Ryle lang gusto mo?"
Abot hanggang ICT ang balitang iyon no. Ang lakas kasing dumakdak nito, proud na proud na may gusto siya sa kabaro n'ya. Varsity kasi sila pareho kaya nasa iisang palaruan lang minsan.
"Iba naman siya, mahal ko siya, Sis. Crush ko lang si Gregory," tampal niya sa braso ko.
"Magkaiba ba 'yun?" taas kilay kong tanong.
"Ibang-iba."
Lumingon ako nang magsalita ang emcee. This is it. I'm going to walk in front of the crowd only wearing a one-piece swimsuit. Si Ivy daw ang pumili at bumili nito para sa akin. Iba talaga kapag may kaibigan kang mayaman. Maypa-Victoria Secret pang nalalaman.
"Good luck, Ruby!" sigaw ni Sheene nang makadaan sa backstage.
Kinawayan ko lang siya at ngumiti. Nagfefeeling artista na ba ako nito?
Lumabas kami ni kuya pagkatapos ng Candidate #5. Naghiyawan sila nung hinubad ni kuya Gregory iyong bathrobe ko. Iba rin kasi ang trip nitong si kuya. Sinabi n'yang s'ya na ang magtatanggal para may impact sa audience at gumana nga.
Ngiting-ngiti pa ako nun nang mahagilap ng mga mata ko ang titig ni Joseph mula sa madla. Nahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. He was staring at me. I found myself mesmerized by how affectionate his stare was. The way he looks at me tonight. It was the same look he gave to me when we first met... so enchanting.
"Ruby?" pagkuha ni kuya sa atensyon ko.
I snapped out from my train of thoughts and hurriedly went to kuya for the final walk. Nawawala ako sa sarili saglit kapag nakikita ko s'ya. At ang guwapo n'ya ngayon. He's wearing a black leather jacket, his guitar was strapped on his back, and his damn silver earrings were reflecting the stage lights. He looks freaking handsome tonight! I miss the way he annoys me every time.
It was time for the Q and A portion. Mabilis nilang pinalitan ng gown ang suot ko, which was made possible by my sponsors (Angela and Khane). They freshen me up a little bit and put some powder on my face. Nanginginig kong pinagdikit ang aking palad at nagdasal. Sana hindi ako madapa o matalisod, Lord. Ayoko pong mapahiya, katiting na reputasyon na lang po meron ako kaya please lang po.
"Just answer the question honestly," sambit ni Khane habang bini-braid ang buhok ko.
I don't know what kind of braid it was, pero bumagay s'ya sa suot kong gown. I look like a freaking princess na nangangailangan ng tulong mula sa isang prinsipe-yung gwapo ah. Mataas standard ko kahit mahirap ako.
"Sa tingin mo, ano kaya ang mga tanong?"
"Depende 'yon sa judges na nabunot mo," she replied, fixing my hair.
Tumalon ang puso ko nang isa-isa na kaming tinawag ng emcee. Chill na chill lang si kuya Greg, parang wala lang sa kanya ang ganitong contest. Sabagay, mas sanay s'ya kesa sa akin dahil matagal na n'ya itong ginagawa.
"You are trembling, Ruby," nag-aalalang sabi n'ya sa akin.
"Okay lang ako, kuya. Wala ito."
Lumabas kami ng sabay nang tawagin ang aming number. Gandang-ganda ako sa sarili ko ngayon dahil for the first time in my life marami akong napangangang tao. I plastered my practiced smile at the audience, kahit yung emcees ay nganga sa ganda ko, literal.
"Wow. These are the candidates for Mr. and Ms. Intramurals in their gown and tuxedo attires," sabi ng boy emcee na sinundan ng maingay na palakpakan.
Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa kawalan. Umiiwas lang ako sa maaaring makita ng mga mata ko especially that guy.
"Since this is the last portion of the event. Let's turned the tables for tonight. Please come forward Candidate #6, at bumunot ka ng papel mula sa mahiwagang fishbowl." - emcee girl.
Kahit hinatid ni kuya ang kamay ko, natataranta pa rin akong naglakad palapit sa kanila para bumunot. I'm so freaking nervous, hindi magkamayaw ang kabang nararamdaman ko simula pa kanina. Tumatambak na talaga.
Iniabot ko sa babae yung pangalan ng judge na magbibigay ng katanungan sa akin.
"Your question will be coming from- oooh, one of our special guests... Mr. Adam Levine Cordova."
How could this night get any worse?
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro