Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

C20: Feelings

THEY took my measurements. May foldable fitting room dito sa loob ng classroom and they told me to go naked when we're inside pero s'yempre babae lang ang nakakapasok. They were amazed at how big my bust size is. May kalakihan talaga ang dibdib ko.

"Whooaa, too good to be true. Ang swerte ng mapapangasawa mo, Ruby," anito ni Angela na tinititigan ang dibdib ko.

I am still wearing undergarments. "Tumahimik ka. Bilisan n'yo at sobrang nakakahiya na!"

Kanina pa nila pinupuri ang dibdib ko, and their voices are so loud. Naririnig ng iba ang pinag-uusapan nila rito sa loob ng fitting room.

"Okay. I'm done," Khane cued as she wrote down all my measurements in her little notebook. Parang naglilista lang s'ya ng utang.

Sinuot ko ulit ang tshirt. Nakapants pa rin ako kasi hindi raw necessary na hubarin ko iyon. They're taking sizes for my gown. Matapos nila akong sukatan, they made some necessary adjustments. Wala akong alam sa pagtatahi, but I know that they were all doing their best for me. And here I am, sitting pretty, watching them do their work.

Naiiyak ako.

"What do you think?" ipinakita ni Jasmine sa akin ang tinahi n'yang desinyo para sa creative attire ko.

"M-Maganda," ngiti ko.

"R-Ruby?" nag-aalala n'ya akong tinignan. "Uy, bakit ka umiiyak?"

I tried to stop the tears pero mukhang ayaw nitong magpapigil.

"W-Wala. I'm just happy," sabi ko as I was drying my tears using my fingertips.

I'm so happy knowing that they were all supporting me in my journey. Akala ko kasi si mayor lang ang may pake sa akin. Akala ko lang pala iyon, mali pala ako run.

"'Wag ka ng umiyak, sa mundong pabago-bago," inabutan ako ng panyo ni Angela at ni-ngisihan.

"Tama na yan. Alam ko kung bakit ka umiiyak."

I've been friends with her for a long time. She knows every reason I have, alam na alam n'ya ang pinagdaanan ko noon. The only friend that's been there for me through thick and thin.

"Pota kasi," mura ko tsaka pinunasan ang basa kong mata.

Tumulong na rin ako sa pagdedesinyo ng damit na susuotin ko para may gawin ako kahit papaano. Veronica and the others helped with the banner and other props for the play, yung third years namin ang nakatoka sa contest na Battle of the Bands and they didn't practice inside the school. Nasa isang music studio ata sila ngayon or something outside the university. Hours passed, it was time to go home. Isa-isa naming niligpit ang mga gamit at damit sa isang sulok.

"Ruby," pagtawag sa akin ni Khane. "Could you help me carry these boxes?"

Natingin ako sa mga kahon na may lamang art materials. "Oo sige."

We carried each boxes with caution. Baka kasi may mabasag sa loob tapos faculty pa ang nagmamay-ari.

"Sheene told me that you cried last practice," bigla niyang sabi nang pababa kami ng hagdan. Muntikan pa akong madapa sa huling staircase pagkatapos n'yang sabihin yun.

"Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako nun," sabi ko.

"Why?"

"Eh, kasi nakita ko kayong nag-uusap ni Joseph sa backstage kaya medyo nahurt ako."

Asa namang sasabihin ko yun sa harap n'ya mismo, gago. "B-Because-"

"You saw us talking?" she said, cutting my words. She playfully smiles na para bang nakita n'ya akong sumisilip sa kurtina noon. "Nakita kitang nakikinig."

Sabi ko nga. Hays. Hindi talaga ako magaling magtago kahit kailan.

"Paano mo nalaman na andun ako?"

"I just know," she simply replied. "So why?"
Marahas akong bumuntong, kasabay nun ang paglapag ko ng kahon sa sahig. Sinuksok n'ya iyon sa pinakaloob at tumayo ng maayos pagkatapos.

"Can you tell me why?" she asked again.

Sinenyasan nya akong maupo sa swivel chair ng isa sa mga guro namin dito sa faculty. Hindi nga lang ako sigurado kung kaninong upuan ang inuupuan ko o kung pwede bang maupo ako rito ng basta-basta.

"Pwede bang umupo rito?" tanong ko.

She nods. "No worries, this is not a big deal," aniya na parang pagmamay ari n'ya ang buong faculty room.

Hinintay n'ya akong magsalita. Mukhang hindi ako makakalabas ng buhay dito hangga't wala akong pinapaliwanag sa kanya.

"W-Well, as what I told Sheene kanina. I think I've hurt someone with words."

"Someone? Joseph?"

"Oo," I sighed. "Nasaktan ko ata s'ya sa mga sinabi ko sa kanya noong nag-usap kami isang araw. Simula nun, hindi na n'ya ako pinansin pa. He keeps avoiding me and looking at me like he doesn't know me at all."

Remembering how the way he walked past me without even talking? Hurts. Like, a lot.

"That's your karma for lying," she said like she's been there the whole time. "Alam kong may sinabi ka sa kanya na hindi mo gustong sabihin."

Tumango ako. "I told him that he doesn't have the right to be jealous kasi wala namang kami. Tama naman yung sinabi ko, diba?"

"Wala namang masama sa sinabi mo," she sighed, agreeing to what I said. "But the fact na sa kanya mo sinabi? Maling-mali 'yon."

Kumunot ang noo ko. "What do you mean? Walang kami. Hindi ko s'ya jowa, Khane."

"Hindi nga and how will he be? You shut him down before giving him a chance to say what he truly feels about you," she spun her swivel chair and paused.

She has a point. I keep shutting people to guard my heart at all cost. Ganun naman talaga dapat. Kung ayaw mong saktan ka nila, 'wag mo silang hayaang makapasok sa buhay mo lalo na sa puso mo.

"Ano pa ba ang mga sinabi mo sa kanya aside from the fact that you shove the bitter truth to his face?"

I bit my lower lip to stop the guilt from igniting inside.

"Hindi ako love guru or expert pero hindi sapat na dahilan ang sabihin sa kanya na wala s'yang karapatan magselos para iwasan ka n'ya ng ganyan. You must've said something that hurt him," she was fidgeting her fingers on the table.

"Importante pa ba yu-"

"Seph is my kuya's friend and he's total shit. Naiinis na si kuya sa kanya kaya naman hiningi na n'ya ang tulong ko. Nung nalaman kong dahil yun sa'yo. I need to know why to give you some stupid advice. Ayoko rin na masyado kang occupied sa pageant na paparating, so I need you to tell me everything I need to know."

Marahas akong bumuntong. "He told me na nagseselos s'ya pero wala s'ya sa posisyon para maramdaman iyon. And I told him that he don't have feelings for me at kung meron man wala akong pakealam."

Tinitigan n'ya lang ako sa mata ko pagkatapos kong magkwento. "You're lying."

My eyes widen because of her short comment. "H-Hindi ako nagsisinungaling. Totoo 'yung kwento ko."

Damn, hot seat!

"I know you're telling the true story. What I meant to say is, you lied to Joseph and sa sarili mo. May pake ka naman talaga sa kanya at sa nararamdaman n'ya. You know he likes you, but you refused to believe that."

"I have my reasons."

"Lahat naman siguro tayo."

"Paano mo nalaman na nagsisinungaling lang ako?"

Kung nasa totoong korte ako ngayon siguradong mas toasted pa ako sa toasted bread. Tustang-tusta na nga ako sa kanya e.

"I came from a family of lawyers, parte ng trabaho ni daddy at kuya ang magsinungaling sa harap ng judge para manalo sa isang kaso kaya alam ko kung nagsisinungaling sa akin ang isang tao," she smiled. "And you are lying. Nakakasakit lang tayo ng damdamin kapag pinagsisinungalingan natin ang isang tao."

My jaw clenched after realizing the point of her advice. "I just said what I think is right for me to say," sabi ko matapos makabawi ng lakas.

She smirked. "The question was never to say what you think is right or wrong," bumaling s'ya sa akin at ngumiti. "Is that what you really want to say to him, Ruby?"

Hindi ako umimik. I don't know what to say to her. May punto lahat ng kanyang sinasabi, wala akong panama run. She knew all along that I was lying to myself, ni-hindi ko iyon maamin sa sarili ko at pinipilit ko na lang na balewalain.

"It's not about the things you said, it's about the things you didn't say at all," tumayo s'ya at bumuntong. "Maybe this is one of the reasons why we regret things eventually. Hindi kasi tayo nagsasabi ng totoo sa sarili natin minsan."

"S-Saan ka pupunta?"

"Bumalik na tayo. Baka may mga kahon pang dapat buhatin," she winked. "Think about what I said to you, Ruby before it's too late."

Is that a threat?

Kinabahan ako sa kanyang sinabi nya pero sumunod din ako pabalik. I saw Ryle carrying towers of boxes. Hindi s'ya pinansin ng kasama ko kaya hindi ko rin s'ya pinansin.

What does she mean by that?

***

Magdamag kong inisip ang sinabi ni Khane sa akin. Inisip ko iyon, literally. At ngayon, antok na antok ako habang pinagmamasdan ang mga kasama kong nag-rehearsal sa kanilang hip-hop dance. I even saw our freshmen doing some stage rehearsals kanina para sa cheerdance while I slept at the classroom's corner.

I'm freaking nervous about tomorrow's event. Bukas na ang Mr. and Ms. Intramurals, this contest is the highlighted event of the year. Maraming tao, maraming bisita ang dadalo from different universities kaya mas nakakadagdag pressure para sa aming mga kandidata.

Isang fourth year ang kasama ko sa pageant, si kuya Gregory Alfonso. Mas makintab pa sa sahig ang mukha n'ya kaya bet na bet s'ya ng mga baklita. Hindi ko s'ya nahahagilap sa praktis kasi busy s'ya sa paggawa ng thesis. I told you before, hindi naaapply ang salitang enjoy sa lahat ng estudyante rito.

"May final practice tayo mamaya para sa presentation and final walk," sabi ni Sheene sa akin.

"What time?"

"3 PM. I requested na agahan ang practice, beauty queens need to rest 8-10 hours para maging fresh sila sa stage bukas," ngiti n'ya.

"Queen lang ang akin, walang beauty,"
she gave me a shoulder tapped. "Pahumble masyado. See you later."

Dumaan nang mabilis ang oras. Hindi ako nalate this time para sa final practice namin. We did a small intermission. Isang simpleng sayaw lang na may simpleng steppings, parang kinder yung galawan namin pero 'di ko pa rin maiwasang magkamali. Mabuti na lang at nasa likuran ako nitong si Ms. CEd (Education).

Natapos din kami sa pagsasayaw na parang tanga. It's my first time dancing while wearing a wedge. Takot ko lang madapa at mapahiya sa kanila, kaya hangga't sa maaari tinitipid ko ang galawan ko sa pagsasayaw.

"Okay girls, that's it. Let's wrap everything here," sabi ni Sheene at pumalakpak ng tatlong beses. She smiled at us. "Good luck with tomorrow's contest."

Agad kong hinubad ang wedge at dumiretso sa drinking fountain malapit sa kiosk. Nagdala ako ng tsinelas matapos masugatan ng paa ko. Pumasok sa ilong ko yung tubig nang makita ko si Joseph na may kasamang bagong babae. I wiped my nose dry and ignored what I saw. Napairap ako at bumalik sa stage para kunin ang aking bag at wedge.

"I don't have time to pay attention to my feelings for him right now."

——

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro