C19: Dumb and doomed
MARAHAN kong idinilat ang aking magagandang mata at nakita si Ivy'ng humihilik sa gilid ng kamang hinihigaan ko. Napapakurap ako habang nilibot ang paningin sa loob ng napakaputing kwarto. Kapag ganitong eksena, mukhang nasa infirmary yata ako ng university.
"Ivy? Ivy?" pagyugyog ko sa kanyang balikat.
Nagising s'ya tsaka pinahid ang kanyang laway gamit ang kamay.
"Anong nangyari sa akin?" tanong ko.
Hinawakan ko ang aking ulo dahil sa sobrang sakit. Para akong inuntog ng malakas sa pader.
"Don't you remember anything about what happened?"
"Explain mo kasi."
Seryoso s'yang nakatingin sa akin. "Dinakip ka ng aliens from outer space tsaka ka nila dinala papunta rito."
Sinamaan ko s'ya ng tingin tsaka binatukan sa ulo. "Umayos ka gaga. Ano bang nangyari? Paano ako napunta rito? Sinong nagbuhat sa akin?" sunod-sunod kong tanong. Sana naman sagutin niya ako ng matino.
Napahawak s'ya sa kanyang ulohan habang natatawa. "Joke lang. Eto naman, why so serious, teh? You collapsed, nalipasan ka raw ng gutom sabi ng poging nurse kanina."
"Sinong nagbuhat sa akin papunta rito?"
"Pinagtulungan kang buhatin ni Eros at Ryle," she replied. "Mabuti na lang talaga at mabilis silang tinawag ni Khane para tumulong. Si Eros lang sana iyong magbubuhat sa 'yo kaso nagreklamo s'ya na sobrang bigat mo raw kaya pinagtulungan ka na lang nilang buhatin."
Namula ako sa sobrang hiya. Napatakip na ako ng mukha matapos marinig ang sinabi ni Ivy. Sobrang bigat ko pala, nakakahiya. Ang dami sigurong tao ang nakasaksi sa paghihirap ng dalawa habang pinagtutulungan nila akong buhatin.
"Nakakahiya, ano na lang ang mukhang ipapakita ko sa kanila bukas?"
"Ano ka ba? Hindi nabawasan ang ganda mo dahil mabigat ka," pagcocomfort niya.
"But that doesn't change the fact na mabigat ako. Huhuhu."
Tinampal n'ya ako sa braso. "OA nito. Bilisan mo na d'yan para makauwi na tayo. Tsaka pinadala ko na yung bag mo sa boarding house para wala ka ng dadalhin pa."
Natigilan ako saglit. "S-Sinong nagdala?"
"Pinadala ko na kay Ryle pati 'yung wedge na ginamit mo."
Binigay n'ya sa akin ang school shoes ko.
"Nauna na kasi syang umuwi kaya sa kanya ko na binigay. Okay lang naman sa'yo diba?"
"O-Okay lang. T-Thank you," napapatango kong sabi sa kanya.
I thought it was someone else.
"Karma ko na ata ito," bulong ko.
"What's that, Ruby?" tanong ni Ivy.
Umiling na lang ako at ngumiti sa kanya.
"Wala."
Mabilis akong nagbihis ng damit nang makauwi kami sa boarding house. Binilhan ako ng pagkain ni Ivy bago kami umuwi. May pera naman ako kaso wala talaga akong gana kumain ngayong araw.
"Sige na, kumain ka na," pamimilit n'ya sa akin. Siniksik n'ya sa mukha ko iyong rice meal.
"Mamaya na."
"Sige na sige na sige na sige na."
"Oo na!" inis kong tinanggap yung pagkain. "Ang kulit mo naman, manang-mana ka sa-" natigil ako sa pagsasalita. Muntikan ko ng ikonekta ang pinagbabawal na salita.
"Mana sa?"
"W-Wala. Manananggal."
Kumain ako ng marami at inubos ang meal na nagsilbing dinner ko. Kailangan kong bawiin ang nawala kong energy kanina tsaka sumasakit pa rin ang ulo ko dahil nauntog ako sa sahig.
"Matulog ka pagkatapos ha," paalala n'ya. "Maaga pa tayo sa school bukas."
"Opo, mama," pang-aasar ko. Para talaga s'yang si mama kung makapagsalita. "Eh, ikaw ano pang gagawin mo?"
Ngumisi s'ya, mukhang tuwang-tuwa sa sariling ideya. "Magbabasa ng Wattpad. Ano pa ba?"
I went to bed after digesting my food. Tomorrow would be our last practice for the stage blocking, and we still need to prepare for the fitting, costumes, gowns, and other things.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa.
Hinugot ko iyon para malamang nag-text ang landlord namin tungkol sa renta. Bumuntong ako at binulsa ulit ang cellphone. Wala pa akong natatanggap na mensahe galing sa jowa ko kaya wala pa akong pambayad. Wednesday nga pala ngayon, Wednesday is Wash Day. We are allowed to wear casual attire in the university, pero yung iba sa amin ay ginagawa itong fashion show. HashtagOOTD.
"Ikaw ba si Ruby?" paglapit ni Khane sa akin.
I nod.
"Magsusukat tayo ng damit mo mamaya. I don't know if it will fit or suit you but I'm pretty sure it will," she said with finality.
She speaks like her father like she's always sure about every word she says na parang wala kang laban sa kanyang argumento.
"Anong oras nga pala ang fitting?"
"5 or 6 in the evening."
"Sige," I smiled.
Agad din s'yang nawala sa paningin ko. Hindi mahirap magkagusto sa babaeng gaya n'ya. Matalino, maganda, mabait, at higit sa lahat, mayaman. They're perfect for each other.
Bagay na bagay. No wonder Joseph's happy when he's talking to Khane. Nakakainis naman, karma ko na ba ito kasi hindi ko s'ya binigyan ng chance? Is it because I shut him down without giving him a chance to explain what he truly feels?
If fate would give me another chance. I'd take the risk of loving someone that's way out of my league. And I will never slip that chance away again. Kung meron man.
Nanood kami ni Angela ng laro buong araw. Canceled ang practice dahil sa mga kandidatang busy sa pagsusukat ng gowns. Did I forget to tell you na canceled din ang classes during Intramurals? Obviously, it is. Mahirap mag-initiate ng klase kapag nag-eenjoy iyong iba samantalang kayo ay papasok pa sa isang subject diba? But I guess it doesn't apply to all colleges na may dapat pang gawin aside sa pag-eenjoy. I saw some engineering students keeping themselves busy with their stressful plates kanina sa kiosk. They don't seem bothered by how the others were enjoying themselves at this event.
"Ruby," pagkuha ni Angela sa atensyon ko. She pinpoints Sheene na kumakaway sa aming pwesto.
"Tawag ka."
"Teka lang, ah," paalam ko. Lumapit ako sa kanya ng nakangiti. "Do you need something? Hindi na ba canceled ang practice later?"
She shook her head like it wasn't the real deal why she wanted to see me. "I didn't come here to inform you that. I was tasked by your mayor na sumama ka sa aking magpaprint ng iba't-ibang ideas para sa desinyo ng gowns mo."
"Bakit naman ako pa?"
"Because you have good taste when it comes to art that's why. Kaya sige na, sumama ka na sa akin and stop complaining," she pulled my wrist.
Wala na akong nagawa sa kanyang pagpipilit. Lumabas kami ng university gate at tinignan ang bawat computer shop na nadadaanan namin. Most of the shops were fully occupied, at kadalasan sa nag-ookyupa ay pawang engineering students.
I saw a space inside the shop. Walang tao roon at free na free gamitin ang unit. Hinila ko ang kasama ko papasok sa loob kaso may bigla ring pumasok para maupo roon. Nahinto kami pareho sa eksaktong posisyon, nagkatitigan at ni-hindi man lang nagawang kibuin ang isa't-isa.
My heart's beating insanely fast seeing his face after a long time. Parang ang tagal naming hindi nagkita kahit nasa iisang boarding house kami nakatira. Maliit ang mundong ginagalawan namin pareho pero mukhang napapalaki na yata dahil pilit naming iniiwasan ang isa't-isa.
"Ruby?" Sheene tapped my shoulder. "Pumasok na tayo."
"Uhm, oo," sabi ko at hinila s'ya papasok.
"Naunahan na tuloy tayo, Seph. Ang bagal mo kasi," pagdadabog ng babaeng kasama n'ya. "Why did you stop anyway?"
Hindi niya pinansin ang reklamo ng kasama.
"Let's just find another spot."
Walang gana akong nagtype sa keyboard ng kung ano-ano. Sinusunod ko lang ang sinasabi ni Sheene sa akin, pinipili ko ang mga designs na sa tingin ko ay babagay sa kulay ng damit na ipinakita n'ya sa akin kanina.
"Ruby? Ruby!" she called. "What are you trying to search?"
"H-Huh?" kunot noo kong tanong.
She points at the screen. Dun ko lang namalayan na pangalan na pala ni Joseph ang tinatype ko. Mabilis kong ni-long press ang Backspace button ng keyboard until his name disappeared.
I'm so dumb and doomed! Nagkaganito ulit ako matapos makita si Joseph kanina at hindi n'ya ulit ako pinansin. HE'S FUCKING TORTURING MY HEART! At ang masakit pa run, may kasama ulit s'yang ibang babae. I thought he's interested in Khanjela Meriales, but boy, I was fucking wrong. He's interested in every girl now, and all thanks to me. Nagising ko ang tinatagong side ni Joseph Rivera.
"Maybe we should take a break muna?" aniya sa isang hindi siguradong boses.
I slapped my cheeks three times, napatingin sa akin ang ibang customers but I didn't care. Hindi nagulat si Sheene sa ginawa kong pagtampal sa pisngi.
"No, I'm fine. Let's get this over with."
"If you insist."
I picked different styles and designs that suit my taste as an artist. I have my artistic viewpoints, mataas din ang standard ko pagdating sa arts kaya sinisiguro ko talaga na may pagbabasehan ako ng mga iyon. I don't want to look like a rug. Dapat may history kung bakit ganung style ang pinili namin, which represents our college. Yung sa isang tingin pa lang nila sa creative attire ko ay masasabi na nilang isa akong CBA student.
After we finished searching stuffs, mabilis iyong pinaprint ni Sheene sa lalaking nagbabantay. Kinukuha n'ya pa ang number ko pero inirapan ko lang s'ya. Asa ka naman kuya. Hindi ka papasa sa standard ko bilang isang lalaki. Hindi sapat ang may bayag lang. Dapat kaya niya rin panindigan ang pagkakaroon ng bayag, malaki man ito o maliit. Ganern.
"Nakakatawa yung itsura ni kuya kanina," tawang-tawa si Sheene ng sinagot ko si kuya nang pagka-witty.
"Tama lang 'yun. Ayoko talaga sa mga lalaking in love na agad sa una naming pagkikita. Napaka imposible kasi nun," sabi ko.
I really don't believe in love at first sight because it doesn't exist. Bigla na lang s'yang ngumiti sa akin. Yung ngiting nang-aasar.
"Kaya ba ayaw mo rin sa lalaking nakita natin kanina sa comshop?"
I averted my gaze. Pinili ko na lang tingnan ang mga taong busy sa kani-kanilang ginagawa.
"Your action means something the way you reacted right now," she said. "Why are you avoiding him?"
I sighed violently. "I did something bad to him, I think."
"How bad is it?"
"S-Sinaktan ko s'ya. Feeling ko nasaktan ko s'ya," I replied, fixing my eyes at the field.
"You physically hurt him?"
"H-Hindi ko 'yon magagawa sa kanya. Maybe, verbally or emotionally, ganung bagay pero never ko s'yang sinaktan ng pisikalan promise," tinaas ko ang aking kamay na parang namamanata.
"I don't know the whole story, but I know that words can cut through deeper than a knife. Your words can hurt an innocent heart. It will be engraved and scarred the person's heart for life. Kaya kung ako sa'yo, mind your words before saying it."
He tapped my shoulders before running to our class mayor. She gave those printed materials para masimulan na ang paggawa sa creative attire ko.
Afternoon came. Wala masyadong nangyari sa buong hapon ko. Nanood lang kami ni Angela ng sports including volleyball, basketball, softball, table tennis, chess, etc. Everyone's so engrossed watching how the sports played while cheering their respective teams. Habang ako, nagmukhang ewan sa gilid na pinipigilan ang antok na nararamdaman ko.
"Pinapatawag ka ng reyna sa Acad 1," sambit ni Ryle ng nadaanan namin ang isa't-isa.
"Reyna?" taas kilay kong tanong.
"Alamin mo na kung sino. Magsusukat na raw kayo ng damit sabi n'ya."
Inis na inis s'yang umalis ng lobby. Mukhang alam ko na tuloy kung sino ang tinutukoy niya. Nagmadali ako sa pag-akyat sa classroom at nadatnan ang classmates kong busy sa paggawa ng posters, banners, and designs.
"Andito na si Ms. Intramurals," sigaw ni Eros.
They looked at me with smiles on their faces.
Khane smiled. "Let's get started."
——
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro