C18: Unconscious
"GOOD job, ladies. I'll be seeing you tomorrow then," sabi ni Sheene sa amin ng nakangiti.
Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos. Agad akong pinaupo ni mayor sa upuang nakareserba para sa akin. Ang bait talaga ni mayor. Sana sa kanya na lang ako nagkagusto. Joke lang.
"Sis, may improvement na kahit papaano," tuwa n'yang sabi sa akin.
"Meron nga, kapalit naman nun ang sakit sa paa ko."
"Teka lang, baka may band-aid ang classmates natin," nagpunta siya kaagad sa backstage.
Mariin kong hinimas ang aking paanan at mapansin ang pares ng sapatos sa harapan ko. I immediately lift my head only to see Sheene holding a band-aid.
"Here, use this," nilahad nito sa akin.
"S-Salamat."
I peeled the end and taped it at the back of my foot. Parang napilas ako dahil sa matulis na strap.
"You can use it if you want, but I always prefer to use heels that I'm comfortable with," aniya at ngumiti.
"Salamat pero mukhang pass ako sa heels mo. Nagkasugat-sugat na nga ako first use pa lang," natatawa kong sabi.
"Suit yourself. May heels ka naman siguro? Or wedge. A wedge is fine for as long as six inches."
Ngumiti ako at nagbiro. "Thank you, Mentor."
"Gaga! Kabaro kita kaya tutulong at tutulong ako hangga't sa maaari," tawa nito. "Anyway, tell your mayor na uuwi na ako. I'll see you tomorrow."
"Sige, ingat ka!" I shout as I bid her goodbye.
Akala ko talaga tatanungin n'ya ako kung bakit ako umiyak kanina. Technically, may tumulong luha mula sa mata ko. Bumuntong hininga ako at nakita si mayor na lumabas mula sa kurtina ng backstage.
"Wala silang band-aid, sis."
"Ayos lang. Sheene already gave me one."
"Mabuti naman kung ganun," he glanced at his wristwatch and looked at me. "Oras na para umuwi."
"I agree."
***
"May wedge ako baka gusto mo?" alok ni Ivy sa akin.
Nakwento ko kasi sa kanya ang nangyari sa practice kanina. Para akong nagkukwento ng maaksyong bakbakan dahil sa binibitawang reaksyon ni Ivy nung nagkukwento ako.
Masakit pa rin ang paa ko pero natitiis ko naman kahit papaano.
"Ilang inch ba 'yan?" silip ko sa railing ng double-deck namin.
"5 or 6 inches," may kinuha s'yang kahon mula sa loob ng kanyang cabinet at ipinakita iyon sa akin. "Eto oh."
It looks really cute and brand new. Parang hindi pa kailan man ginamit sa buong buhay n'ya.
"Patingin nga," inabot n'ya sa akin ang kahon at hinayaan akong usisain ang wedge.
I saw the brand and shit. We're not rich, but I know how to distinguish an expensive brand. At alam ko na isang mamahaling brand ang Christian Louboutin mula states.
"The fuck. Ang mahal nito ah? Nasuot mo na ba ito?" namamangha ko pa ring tinignan ang wedge.
"Isang beses lang. Regalo yan sa akin nung debut ko. I'm not fond of wearing high heels or wedges kaya sige na, gamitin mo yan para hindi masayang."
"Oo ba!"
Aayaw pa ba ako? Pwede ko nga itong ibenta ng sobrang mahal e. Hindi ako expert sa presyo o bid-bid na iyan, pero alam kong mabebenta ko ito ng mahal sa collectors ng CL brands. This one's a designer's item. Malaking pera rin kung ipapa-auction pero hindi naman ito akin. Hays.
Bumaba ako mula sa kama at sinuot ang wedge. Magpapraktis ako rito sa loob ng kwarto kahit mukha akong tanga. Pinanood lang ako ni Ivy at halata sa mukha n'ya na hindi n'ya gusto kung paano ako maglakad.
"Oo, oo alam ko. Ikaw ang pangsampung tao na tinignan ako ng ganyan kasama simula kanina," she looked at me disdainfully.
"Alam mo, maganda ka naman, Ruby."
"Alam ko, no need to state the obvious."
"Kaso mukha kang pato na nahihirapan mangitlog dahil sa lakad mo," seryoso n'yang utas. "Can you walk like a beauty queen?"
Nainsulto ako ng slight dun ah. Pero palalampasin ko ang sinabi n'ya kasi pinahiram n'ya ako ng mamahaling wedge.
"Eh, ano ang gagawin ko? Pinanganak akong ganito maglakad."
"Hindi ka naman sakang. You have long and nice legs kaso yung lakad mo nakamamatay," napakamot na lang s'ya sa kanyang ulo.
Kumunot ang noo ko. "What do you mean 'nakamamatay'?"
"Literal na nakamamatay. Ang weird mo kasing tignan. Parang isang apak mo lang sa stage guguho na yung sahig kasama ng mga kandidata. Yun, nakamamatay. Imagine mo ba?"
At nagawa n'ya pa talaga akong tanungin matapos akong insultuhin. Manang-mana ka talaga sa kuya mo- nevermind.
"Ewan ko. Paano ba ang tamang paglalakad ha?"
Tumayo s'ya at ipinakita sa akin ang isang vid ni Shamcey Supsup. "Kita mo yan? Tsunami catwalk tawag d'yan."
Pinanood ko lang ang ginawang pagrampa ni Shamcey. Ang ganda n'ya masyado, papasa na s'yang model sa toothpaste dahil sa ganda ng kanyang ngipin.
"Oh, tapos?"
"Eh, yung sayo ipo-ipo kaya umayos ka!"
"Akala ko tuturuan mo akong maglakad, gaga."
Hindi ako umasa para lang makatanggap ng isang insulto.
"I'll teach you but make your whole system soft first. Let your walk carry your body first," aniya.
"Hayaan mong dalhin ka ng lakad mo at huwag mong pilitin ang mga paa mong manigas sa paglalakad."
Tumango-tango lang ako kahit wala akong maintindihan sa kanyang sinabi. Pero gets ko iyong walk part.
"Sige, I'll try."
I did what Shamcey did. Kinopya ko lang ang galawan na kanyang ginawa and Ivy was awed by how I performed my walk in front of her.
"Whooaa, teh, sabi na nga ba at may talent ka sa pageantry e," hampas n'ya sa braso ko. "Shucks, machat nga si mayor."
Dali-dali n'yang inabot ang kanyang cellphone sa desk. She's not joking, she chat mayor about what happened. Namangha rin ako sa sarili kong kagagahan. Kinopya ko lang si Shamcey. Ang galing ko talaga pagdating sa kopyahan. Besides, hindi na ako nahihirapan kasi wedge na itong gamit ko. There are times na natatapilok ako sa paglalakad pero nakakahawak ako agad sa railings ng kama.
"Manonood ulit s'ya ng practice mo bukas," ngisi n'ya.
Kinabahan ako bigla, hindi ko alam kung bakit.
"S-Sino?"
Blanko n'ya akong sinagot. "Si Mayor, sino pa ba?"
"Aaaahh," napapatango akong ngumiti habang iniwasan ang mga mata ni Ivy.
Akala ko kasi iyong kapatid mo.
Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi dahil sa sobrang excited kong pumasok kundi dahil sa iniinda kong sakit sa katawan. Para akong binugbog ng mga tambay sa daan kagabi. Hirap na hirap akong bumangon, hawak-hawak ang aking likuran. Nagbaba ako ng tingin at nakita si Ivy na nagdodoodle ng kung ano-ano.
"Ang aga mo naman yatang magdrawing," sabi ko. "Good morning."
"Good morning," aniya at muling binalik ang atensyon sa drawing. "This is not a doodle, what a term."
"Ano ba yang ginagawa mo?" tanong ko habang bumababa ng hagdan. Madalas ko s'yang makitang magdrawing ng kumplikadong desinyo pero hindi ng ganito kaaga.
"Tignan mo."
Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang kanyang ginagawa. That's when I realized that she was not making unnecessary doodles and different shapes.
"Y-You're doing plates?" nanlaki ang mga mata kong tanong sa kanya.
She nodded. "Yup, Kuya taught me how kaya naiganyo ako sa paggawa ng sari-saring plates. Amazing, right?"
So Joseph did? Damn, he's smart. Halata naman sa itsura n'ya. I know he's smart but not this smart.
"A-Amazing grace," wala sa sarili kong sabi.
"Huh?" pagtataka n'ya.
"W-Wala. Magsi-CR muna ako. Gusto mong sumama?" walang kwenta kong tanong sa kanya na ipinagtaka n'ya ulit.
Bigla s'yang tumawa sa sinabi ko. "Okay ka pa ba, Ruby? Anyare sa huwisyo mo?" napapailing s'yang nagdrawing ulit. "Kulang ka pa yata sa tulog. Matulog ka kaya muna?"
Umiling ako at napapahiyang lumabas ng kwarto. Kailangan ko nga talaga ng sapat na tulog pero ang sakit na ng katawan ko. Dahil ba pinwersa ko ang sarili kong magpraktis ng sobra-sobra kagabi? Tch.
Nadatnan ko ang dalawang lalaki na nakaupo sa tambayan. Nagkakape si Ryle at nakatopless pa. Hindi ba s'ya giniginaw sa pinaggagagawa n'ya sa buhay? I admit, he got the looks and the body pero kahit anong ganda ng kanyang katawan hindi ako kailan man na-attract sa kanya o sa katawan n'ya. Habang nanatiling nakatalikod ang lalaking may ginuguhit sa kanyang bond paper.
"Good morning, Ruby," bati ni Ry sa akin.
Napatingin s'ya sa kanyang kasama at sumenyas na lingunin ako pero hindi n'ya iyon ginawa.
"I'm busy doing plates right now," malamig n'yang sabi.
"Hoy gago-" magsasalita pa sana si Ryle pero sinenyasan ko agad na huwag istorbohin ang supladong prinsipe.
"Good morning din, Ry," sabi ko na lang at dumiretso sa comfort room.
Marahan kong ni-lock ang pinto habang naupo sa toilet bowl. Wala talaga akong plano tumae, gusto ko lang tumambay dito. Weird ba? Ganun nga talaga siguro kapag hindi ka sanay sa isang bagay.
It gets weird.
And what's weirder? Hindi ako sanay na hindi pinapansin ng annoying guy na 'yon. Sobrang sakit naman yata ng ginagawa n'ya sa akin. He's like torturing my soul, deepest soul. But I know this time it's my fault. First time kong umamin na kasalanan ko ang isang bagay ng dahil sa kanya. Delikado.
"Ruby?" katok mula sa labas ng pinto.
"Bakit?"
"Bilisan mo, lalabasan na ako," aniya na parang namimilipit sa sobrang sakit.
Binuksan ko ang pinto para makita si Joanna na napapahawak sa kanyang tiyan. S'ya ang ate ni Ryle. Nakilala ko siya last month.
"Paano mo nalaman na ako yung nasa loob?"
"Flip flops," ngiti n'ya. "Ako na dito!" tsaka niya mabilis na isinara ang pinto.
Naligo ako at pumasok ng matiwasay sa klase. Wala pa rin ako sa sarili hanggang dumating ang lunch at afternoon classes ko. Lumilipad na naman ang utak ko buong araw sa kung saan dahil hindi ako pinansin ni Joseph kaninang umaga.
Grabe. Nakakawalang gana.
"Ruby?" Mayor called. Sumenyas s'ya sa akin na lumapit.
"Bakit?"
"Namumutla ka ata. Kaya mo pa ba?" he looked at my lips, worried.
Ngumiti ako bilang sagot. "Ayos lang ako, mayor. No problem."
"Sure ka ha?"
"Sure na sure."
"Just let me know if may kailangan ka. Nasa backstage lang naman ako. Okay?" aniya at tinapik ako sa balikat bago s'ya naglakad papunta doon.
I took my phone at nanalamin sa likod ng mirror case ko. Hindi ako naglunch kanina kasi wala akong gana kumain. I don't have the appetite to eat kaya natulog na lang ako sa library buong oras until nagsimula na ang afternoon class namin. Naglagay ako ng konting liptint to temporarily cover my pale lips. Ayoko magmukhang bangkay sa harap ng mga kalaban kong buhay na buhay.
"Candidate #6."
That was my cue. Naglakad ako papunta sa harap when I felt dizziness, my head was spinning, everything was blurry, and I found myself lying on the floor hearing Sheene's voice calling out my name repeatedly.
"Ruby?! Ruby!"
I closed my eyes as everything went dark.
--
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro